FORTY EIGHT
I was able to crawl my way to my bed. Patagilid akong humiga, in fetal position, kasabay ang mistulang pelikula na naglalaro ang mga eksena nang araw na 'yon.
Being reminded by that pain, I have never gotten the hang of not being emotional. Parang paulit-uit rin akong pinapatay. Half of me blamed myself. I tried taking care of myself but I guess that incident was meant to happen.
Alalahanin ko pa lang ay mabigat na ang tama sa 'kin nito na umambag lang sa pagod ko. I exhaust myself crying and asking myself kung babalik pa ba dito si Rouge.
If he's going to hate me for losing our child, mas lalo siguro akong mawawasak. I was held responsible for it dahil ako ang nagdala sa kanya sa loob ng limang buwan. But I can't call that an accident. It was just an unfortunate event.
Naisip ko na sana mas naging maingat ako. I went to therapy sessions in Vegas at doon namulat ako. Pero may mga pagkakataong hindi maiiwasan na binabalikan ka ang yugtong 'yon. It has become a traumatic event for me.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang lumangitngit ang pinto sa baba. I'm bracing myself wishing it was Rouge. Ngayon lang ako nangailangan sa kanya nang ganito. It has something to do with my sadness. At dahil wala siya noong mga panahon na kailangan ko siya.
Ngayong naungkat ang lihim ko, then maybe it isn't too late to need him right now. Or atleast, I've been needing him for a while.
Pinunasan ko ang basa kong pisngi nang marinig ang kanyang mga yapak. It was him, I'm sure. His scent never gets old to me.
Habang papalapit siya ay unti-unti ring sumisikip ang dibdib ko. Ewan ko kung bakit. Maybe I was overwhelmed na bumalik siya, that he has no plan on leaving.
The bed descended as he lied down beside me. The weight of him is the relief that I've been wanting to feel, to let me know that he's here, staying.
Tumakip ang kanyang braso sa 'kin. Pinasok niya ang kanyang kamay sa damit ko at hinaplos ang aking tiyan, like he was trying to feel the baby that isn't there anymore. Hinalikan niya ako sa buhok na bumaba sa aking pisngi.
"I'm sorry..." bulong niya.
I don't know what has gotten into him that made him act like this pagkatapos ng pagsisisigaw niya kanina. Kung saan man siya nagpunta, kung ano mang meron doon, may kinalaman marahil sa inaasta niya ngayon.
"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry..." bawat ulit niya ay pabigat nang pabigat ang sakit na nahihimigan ko.
Pinatihaya niya ako saka tinaas ang aking damit hanggang sa ibaba ng aking dibdib. He exposed my stomach and there, he kissed every space of my skin. Kada dampi ng labi niya sa mga espasyo ng aking tiyan ay sinasamahan niya ng panghihingi ng tawad. Imbes na makiliti ay mas lalo lang akong napaluha.
Inadjust niya ang sarili at hiniga ang ulo sa aking tiyan. Kapwa namin pinagmamasdan ang daliri niyang gumuguhit ng kahit ano doon. Ang isang kamay ko'y sinusuklay ang magulo niyang buhok.
"Had you named him or her...?" His voice cracked. Suminghap siya at muling dinampian ng halik ang aking tiyan.
"Coraline Ainsley." I had this name after knowing the gender. Bigla na lang iyon pumasok sa isip ko.
Malungkot siyang ngumiti. Kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
"We could have had a girl. It's a beautiful name," pabulong niyang sabi.
We could have. Sa dinami-daming mga salita, isa ito sa mga may pinakamaskit na kahulugan. Pwede rin namang hindi, but basing from this situation, it was a hell lot painful. It's haunting. And at anytime, maiisip mo nalang na paano kaya kung nagawa niyang mabuhay? What if I was able to reach nine months in carrying her?
To make myself feel better, tinatatak ko nalang sa isip ko na siguro mas gusto niyang sumama sa lola niya, kay Mommy. Because she would have made a better mother than me.
Siguro nilaan iyon ng Diyos, dahil hindi ko siya maaalagaan ng tama kahit gaano ko pa siya kamahal kaya kinuha na siya nang mas maaga.
Also, maybe He wants me to have more time healing myself. Hindi ko nga siguro magagawa ang responsibilidad ko nang maayos if ever man na nabuhay siya. Maghihirap lang siya sa mga kamay ko. Dapat ko munang mahalin ang sarili ko bago ko maibuhos iyon sa ibang tao. Because I lost that love to myself. Rouge had ruined me for everyone.
Tulog pa si Rouge nang magising ako kinabukasan. Mukha siyang puyat at ngayo'y himbing na himbing. Inayos ko ang kumot sa kanya bago ako bumangon at nagpunta sa kusina.
Nag-toast ako ng tinapay at gumawa ng kape pagkatapos ay nagbihis. Ibubuhos ko ang stress sa nangyari kagabi sa pagji-gym. I ran out of cleansing juice so I'm sure nadagdagan ang toxins sa sistema ko. Stress is toxic so I have to sweat.
Naapuhap ng mga mata ko si Lauris na namamahinga sa Ab recliner. Umiinom siya ng tubig nang tumama ang mga tingin niya sa pagpasok ko sa gym. Madali niyang sinara ang kanyang tumbler at kinunutan ako ng noo.
"What?" untag ko, nagtataka sa klase ng tinging pinupukol niya.
Binaba niya ang tumbler sa sahig saka pinunasan ang bibig sa towel na nakasabit sa kanyang balikat. Mas lumaki ang mga braso niya at mas naging defined. I wonder kung sinong pinapaguwapuhan nito. I haven't even seen him date.
"Ginising niya ako nang madaling araw. He found out about your...?"
Naghiwalay ang kilay ko sa napagtanto. So he went to Lauris last night? Paano naman niya nalaman ang unit ng kapatid ko?
Umupo ako sa tabi niya. "He was rummaging on my stash and found the ultrasound photo."
"Saan mo ba kasi tinago?"
Balewala akong nagkibit-balikat. "I thought it would less likely to be seen in my underwear drawer."
Lumobo ang pisngi ni Lauris at bumuga ng tawa. Nabulabog niya ang ilan sa mga nagji-gym ngayon.
Hindi ko naman kasi akalaing manghahalughog siya sa mga panty ko. Iyan tuloy, nabisto. My thought of 'less likely' turned out to be 'more likely' to be seen. Bakit ko nga ba kasi nakaligtaan na magaling maghanap si Rouge? Lahat nalang nadidiskubre niya.
"I find that really funny. Subukan ko nga iyan." Pinalo ko siya sa braso pero hindi pa rin siya tumigil. "Anong sabi niya when he found out about it?"
Dumagsa sa isip ko ang mukha niya kagabi. Halos mapaluhod ako nito sa kaba.
"Hysterical. Mad. I don't know...it doesn't even cover it."
Humalakhak siya. "Sure he did. Kulang na lang tubuan siya ng sungay kaninang madaling araw nang sinugod ako. If he wasn't human, he could have transformed into a golden bull! Dude, he could squish everything blocking his way! He was on a warpath!"
My brother's not exaggerating. Rouge can be as hell mad as like that.
Biglang uminit sa bandang tiyan ko kung saan niya binaon ang kanyang mukha. Hindi pa man ako pinagpapawisan ay ramdam ko ang pamamasa nito. Hinaplos ko ang aking tiyan upang pawiin ang sensasyon.
"He was teary eyed," pahayag ko.
Tumayo siya at nag-stretch sa kanyang mga paa. "That's understandable. It was his child, too. How is he now?"
"Tulog pa."
Tumayo na rin ako at nagtungo sa treadmill. Tinutuon ko lang ang atensyon sa harap kung nasaan ang view ng pool sa labas pero sadyang lumilihis ang isipan ko sa ibang bagay.
Naging thirty minutes ang treadmill ko instead na fifteen. Nanginginig ang aking tuhod sa pagbabago ko ng pace at minutes. Umupo nalang ako at pinanood si Lauris sa kanyang work out. Hindi ko namalayang lumagpas na ako ng isang oras.
"Kumain ka na?" Galing siyang shower at ngayo'y sinisilid ang mga sinuot niya kanina. Pumapatak pa ang tubig galing sa basa niyang buhok papunta sa gilid ng kanyang mukha.
"Nag-kape lang, but I toasted some bread," matamlay kong sagot.
There are some days na pakiramdam natin na masuwerte tayo ngayong araw. It's a happy day. And some days, hindi natin maintindihan kung bakit tayo nanghihina at mas gugustuhin nalang matulog pilitin man nating sumigla. Is there some psychological or scientific explanation to this? The movement of the moon, maybe?
"May natira pa?" umaasang tanong ng kapatid ko.
Bahagya akong tinakasan ng antok sa boses niya na ngayo'y nag-aabang ng sagot ko. Tungkol pa rin yata sa tinapay ang kanyang tanong.
"Just enough for Rouge," sabi ko saka humikab.
Pumalatak siya at umayos ng tayo, sinuot ang kanyang bag. "Hindi mo man lang ako sinali?"
"Malay ko bang makikita kita rito?"
Kinuha niya ang tumbler na malapit lang sa paa ko.
"Siya nga pala. There's a new project from another client, ako ang mag-aasikaso nun so you remain in RV. I made you a favor so...you can thank me now." Ngumisi siya.
"Thank you?"
Inirapan niya ako. "Diyan ka na nga. Puntahan mo na ang baby daddy mo."
Hinabol ko siya sa paglalakad at pinalo sa likod na ikinatawa niya. Nilayo ko ang sarili nang akma niya akong akbayan. Amoy pawis pa ako while he smells like Speed stick deodorant.
Agad kong hinanap si Rouge pagkabalik ko sa unit. Usually, kapag nauuna siyang umuwi ay madadatnan ko siya sa sala. He's nowhere to be found in my living room.
Pumunta ako sa kitchen at tinignan kung nabawasan ang ginawa kong kape at toast. I found it untouched. Kahit kalahating sipsip ng kape ay walang nabawas. Is he still asleep? Rouge's an early riser.
"Rouge?" tawag ko sa kanya. Umakyat ako sa kwarto at natagpuang wala siya roon hanggang sa may nahagip ako sa balcony.
I was immuned to the pain of losing my child. Sa tinagal ng panahon na pinagdusahan ko, na may pagsisisi, naalikabukan na iyon sa katagalan. So it's easy for me to get over it the next day. Wala na rin naman akong magagawa kung maglulugmok lang ako. It happened. I just have to accept it and luckily I was able to.
Rouge on the other hand, parang hirap pa siyang i–digest iyon. I found him in my balcony accompanied by a bottle of whiskey in his hand.
Taimtim siyang nakatingala sa kalangitan. Seryoso ang mukha at hindi maipagkakailang malalim ang iniisip. Sumasabog ang magulo niyang buhok sa pag-ihip ng hangin.
Tinungga niya ang bote, nanatili siyang nakatingala. If this is still about last night, then angkop lang na nasasaktan ako. There's a weird transference going on between us.
"Rouge..." this time ay mahina ang boses ko.
Hindi siya mukhang nagulat nang makita akong nakasandal sa frame ng glass door sa balcony. Dahan-dahan niyang nilapag ang bote sa mesa at pinasidahan ako.
"Who's with you in the gym?" I could hear an underlying possessiveness in his tone.
"Lauris. Bakit hindi ka kumain? I toasted bread and made coffee."
Bumuntong hininga siya at pinadaan ang kamay sa buhok. "Sorry. Hindi na ako nagpunta sa kitchen. I went to my unit and grab this," muwestra niya sa whiskey bottle, "bumalik ako rito upang hintayin ka."
"Hindi ka papasok sa RV?" untag ko.
"I've just called Tobias. Siya muna bahala." Nananamlay ang boses niya.
Definitely, there's still the wake of last night. Hinayaan ko lang iyon dahil alam kong lilipas ito. I've been there and I know how it feels. It's not that he deserved what he's feeling right now; Might be guilt or self-loath. Wala lang talaga akong magawa upang mapawi 'yan ng basta-basta.
We all have to endure it until it'll ebb away. We have to let it envelope us until it fades hanggang sa maging mapait na alaala nalang ito, at the same time, a realization and a lesson.
Naligo ako at nagpalit ng damit pambahay. Parang hindi rin ako makakapasok ngayon. Nagtext si dad at siya ang nag-supervise sa construction with Sir Marquez.
Pagkalabas ko ng banyo, naroon pa rin si Rouge sa balcony. He remained settled in that chair, replacing his sorrow with that dark amber liquid as dark as his eye color. Paubos na ang laman ng bote, nabahala ako. He can consume that alone?
"That's enough, Rouge," mahinahon kong saway.
Umalis ako sa bukana ng balcony nang tumayo na siya at iniwan ang bote sa mesa. Malapit na akong makalabas ng kwarto nang siya'y magsalita at ikinahinto ng mundo ko ang sinabi niya.
"I wanted to have a child with you..."
Pumihit ako't hinarap siya. Mabagal siyang humahakbang papalapit sa 'kin. Parang pasan niya ang problema ng sangkatauhan sa pinta ng kanyang mukha.
It's full of every sorrow and pain and hurt...guilt...nag-ipon iyon lahat at tinapon sa mukha niya.
"Inaamin ko na sinadya ko ang gabing iyon, Lory. Sinadya ko dahil gusto kong magka-anak sa 'yo. Magka-anak tayo. Gusto na kitang angkinin. Gusto na kitang pakasalan. I had even wished that you were pregnant while you were away. You did, but it was taken away."
Mapait siyang tumawa sabay kagat ng mariin sa ibabang labi at umiiling-iling, para siyang may pinipigilan. Namumula ang kanyang mga mata at ilong. And I'm sure hindi iyon dahil sa alak. Mukha lang naman ang namumula sa kanya kapag nakainom.
Hindi ko ito inasahang malaman. I thought he was just being careless that night kahit alam niyang naubusan na ako ng pills para sa irregular menstruation ko. Hindi ko rin naman naisip ang consequence sa ginawa namin. Makapal akong binalot ng mga naghalong emosyon kaya nawala sa isip ko.
"I'm sorry..." mahina kong sabi.
Determinado siyang umiling kaakibat ang gulat sa kanyang ekspresyon. "No, you're not the one who should be sorry. Ako, Lory. I'm sorry. I'm so so sorry..."
Hindi ko masukat ang nangungusap niyang mga mata at desperadong panghihingi ng tawad. Na para bang ito na ang huli niyang alas at ibibigay na niya lahat ng meron siya pati kaluluwa niya para lang sa kapatawarang ito.
It was heartbreaking to watch him breakdown like this. Sa nakikita kong naglandas na luha sa mata niya ay parang pasan ko na rin ang sakit at kabigatan ng kanyang loob laman ng kanyang pagsisisi. It's like he collected it in a bottle and poured every drop in my heart.
"Maybe it was my karma. Sa nagawa ko sa 'yo, sa pamilya mo...I'm a believer of the Supreme Being but I defied Him, anyway. This is my downfall." Suminghot siya't nag-iwas ng tingin. Tumingala siya at kumurap.
Lumapit ako sa kanya. May pag-iingat kong inangat ang mga kamay ko animo'y mapapaso ako sa balat niya kapag hinawakan ko.
"I don't blame you, Rouge. You were not there, yes. But none of it was your fault. Hindi mo rin naman ginusto ang nangyari."
"You have to, Lory!"
Isang malaking hakbang ang ginawa niya upang tuluyan siyang makalapit sa akin. "Blame me..."
Kinuha niya ang kamay ko't ginawa niyang kamao saka iyon sinuntok sa dibdib niya at sinampal sa kanyang mukha. Madaming beses, malakas at puno nang hinanakit, paulit-ulit hanggang sa dahan-dahan siyang dumulas sa harap ko at lumuhod.
Yumakap siya sa aking baywang. Sumiksik sa balat ng aking tiyan ang pamamasa. He melted on my arms as I held him, burying his face on my stomach.
"I could have been there with you..." nahihirapan niyang sabi. Pumiyok ang boses niya't humigpit ang yakap sa 'kin. He embraced my waist like his life depended on it.
I felt his body tense hanggang sa naramdaman at nakikita ko ang panginginig ng balikat niya kasabay ang pagtakas ng kanyang hikbi.
:
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro