FORTY
Pinarada ko ang L300 FB sa harap ng aking condo building. May sirang tela sa tabi ng stick shift na kadalasang ipinapahid sa bintana at dashboard, kinuha ko iyon at ginawang pantakip sa nagmantsang putik sa 'king jeans at shirt habang umaakyat sa building.
Dumiretso ako sa cr pagkarating sa aking unit, hinubad ko lahat ng aking damit saka pumailalim sa shower. Nangatal ako sa lamig ng tubig at kahit ilang banlaw ang gawin ko ay hindi ako tinatantanan ng kaganapan kanina. I was in deep shame infront of the workers and God knows who else was there.
Marahil sa oras na 'to ay pinagtatawanan na nina ako Rouge at Yucille. I probably am the laughingstock in the site. I don't think babalik pa ako roon. That's if chances would permit which I highly doubt wouldn't happen.
I knew it that this won't turn out good. Nandoon ako dahil sa proyekto, pero para kay Rouge ay higit pa roon ang nais niya galing sa 'kin. He's going to break me and he's not going to hold his ground until he's ruined me to the marrow!
Nagbihis na ako pagkatapos at hapong-hapo na humiga sa kama. Tinext ko si Lauris na ipakuha na lang ng isa sa mga trabahador ang susi ng L300 FB dito sa condo ko. Sa labis na kapaguran, dagdagan pa nang malamig na panahon ay mabilis akong nakaidlip.
Ginising ako ng sakit ng ulo't lalamunan, nagbabarang ilong at umiinit na mga mata. Balot na balot ako sa kumot ngunit nanginginig pa rin ako. Nalipasan ako ng gutom at sa emosyon ko kanina ay hindi ko na nagawa pang kumain.
Tinapon ko ang kumot saka umupo sa kama, sinalubong ako ng hilo at kadiliman. Nanghihina kong tinungo ang aircon upang patayin ito. Pumalit ang ingay ng malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Hinawi ko nang kaunti ang kurtina sa bintana at nakita ang madilim na kalangitan na may kaunting silip ng liwanag.
Kinuha ko ang cellphone saka tinignan ang oras. Mag-aalis sais pa lang ng umaga. May mga text at missed calls sina Lauris at Zavid ngunit mas sumasakit ang mata at ulo ko sa ilaw kaya hindi ko na nagawang basahin.
Nagtungo ako sa kitchen at naghalughog sa mga cupboards doon upang maghanap ng gamot. Ininom ko ang para sa sakit ng ulo dahil 'yon ang mas nanaig na sakit ngayon. Iniisip ko ang pagpasok ko sa DC mamaya.
I should probably go kung kakayanin, pero kung biguin man ako ng gamot, well I'll just see what happens. Aasa na lang ako sa kakayahan kong pumasok mamaya.
Sandali pa akong nanatili sa kusina, humilig sa counter at dinama ang saglit na pagpawi ng hilo bago ako kumilos. Hindi na kinaya ng katawan kong maglakad pa sa kwarto kaya binagsak ko ang sarili sa couch at natulog ulit.
Ilang beses ko nang naranasan ang pakiramdam na parang nasa pagitan ako ng panaginip at realidad. Kaya kung ano mang malabong ingay na naririnig ko ngayon, nagre-wrestling pa ang utak ko kung pagbubuksan ko ba ang malabong ring ng doorbell o hindi.
Maliban sa pananakit ng aking katawan at kahinaan, dinaganan ako ng aking katamaran.
Sa huli ay pinili kong buksan ang pinto. Hindi naman kasi titigil ang kung sino mang nasa labas ngayon. Inis akong dumaing sabay tayo. Nagawa kong itukod ang sarili nang muntik na akong matumba sa hilo dahil sa biglaang kilos ko. Sapo ko ang aking ulo habang pinipihit ang doorknob.
Bumungad si William na nahinto sa ere ang akmang pag-pindot muli sa doorbell. "Ma'am Lory, yung susi po sa L3."
Walang imik akong tumalikod at pumunta sa table saka kinuha ang susi. Panay ang pahid ko sa ibaba ng aking ilong dahil sa panay na paglabas ng tubig.
"Pakisabi kay Lauris hindi muna ako makakapasok ngayon," utos ko habang binibigay sa kanya ang susi. Paos ang aking boses.
"Ok po."
Muli akong bumalik sa pagtulog. Lumala ang masakit na pag-pintig ng ulo ko na halos ayaw ko nang dumilat. Wala akong kumot na mai-talukbong kaya nag-fetal position ako sa couch.
Diniin ko ang aking mukha sa malambot na couch nang binulabog na naman ako ng doorbell. Maingat akong tumayo at pinagbuksan ang kung sinong man kahit wala naman akong inasahang bisita. I thought of Zavid, but I'm sure he's busy right now.
"Delivery po, ma'am," bungad sa 'kin ng naka-cap na lalake. Inangat niya ang isang brown paper bag.
Pinaningkitan ko 'yon ng mata. Kumapit ako sa pintuan sa sumisirko kong paningin. "Alam ko. Kanino galing?"
"Sir Lauris po."
Kinuha ko ang dala niya at sinarhan siya ng pinto. Pasensyahan nalang talaga dahil wala ako sa mood makipag-halubilo ngayon. Umupo ako sa couch at hinang-hina na binuksan ang delivery.
Nilabas ko ang soup flask doon at binuksan. Pinakititigan kong mabuti ang mainit-init pang Asparagus soup.
I don't think mauubos ko 'to. Wala akong panlasa at pang-amoy dahil sa sakit ko kaya nilagay ko nalang muna sa mesa. Nagtungo ako sa kwarto upang kunin ang aking cellphone at tawagan si Lauris.
"Hello?"
Humiga ako sa kama na nakasadsad ang paa sa sahig. "Thanks sa soup. Nasabihan din ba ni William si Sir Marquez? Baka kasi hanapin niya ako diyan sa site."
Hiningal ako kahit sa pagsasalita lamang. Bigo ang paglunok ko sa pagpawi ng sakit sa 'king lalamunan.
"Ha? What do you mean? Haven't you read my text last night?" pagtataka niya.
Pumikit ako't hinihilot ang aking ulo. "Hindi. May lagnat ako until now. You know it, nasabi na sa 'yo ni William. You even had the soup delivered."
"Soup?" eksaherada niyang untag. "Ew, I don't even eat that. Kailan pa kita pinagluto ng soup?"
"The delivery guy said sa 'yo galing," pati tono ko ay hindi na rin sigurado. But that's what the delivery man told me!
Humagikhik si Lauris. Nagtataka ako dahil wala manlang ingay galing sa construction. Kahit nasa loob ka ng office trailer ay madidinig pa rin naman ang ingay. But right now, ibang ingay ang naririnig ko.
"Sa tingin mo malulutuan pa kita ng soup eh nasa airport ako ngayon? I'm going to Cebu. Tinext kita kagabi."
Natahimik ako. Lalong sumakit ang aking ulo sa pag-iisip. Tinaboy ko lahat ng posibilidad at matatag ang paniniwala ko sa sinabi ng delivery boy.
"Are you sure? Don't spoof me now Lauris, wala ako sa mood." Halata 'yon sa tono ko at sigurado akong natunugan niya iyon.
"I swear," seryoso niyang ani. Wala siyang imik pagkatapos. Naglikha naman ng ingay ang kanyang pag-tayo kasabay ang isang anunsyo. "I'll end this now, pini-page na ang flight number ko. Bye."
Nanatiling nakadikit ang cellphone sa tenga ko kahit busy tone na ang naririnig ko. Ilang sandali pa bago ko nagawang alisin ang cellphone at itapon sa kama. Ayokong mag-isip. Mas sumasakit ang ulo ko at pinapahina ako lalo ng hilo.
Hindi na ako bumalik sa couch at nanatili na lang sa kama. Hirap akong makatulog sa lamig at sakit ng katawan ko dagdagn pa ng init kaya hindi ako nagkakaroon ng permanenteng posisiyon sa pag-higa.
Dahil hindi ako makatulog, hindi ko sinadyang maka-isip ng malulungkot na bagay. Siguro dala na rin ng negatibong lagnat na 'to and the depressing thoughts na hatid ng ulan. I don't know why I feel alone kung may mga tao naman sa paligid ko na handa akong damayan sa lahat ng bagay.
Nang mag-tanghali ay tinamaan ako ng gutom. Paunti-unti lang ang paghigop ko sa ininit kong soup na misteryo pa rin para sa 'kin ang nagpadala. May sumagi na sa isip ko kung sino pero gusto kong manatili 'yong imposible. He wouldn't care anymore. Not that I want to.
Hindi nga ba, Lory?
Kaunti lang ang ibinaba ng lagnat ko kinabukasan pero pinili ko pa ring pumasok. Wala si Lauris kaya kailangang may isa man lang sa amin sa kompanya ang nasa site.
Nag-baon ako ng gamot at maraming tubig dahil hindi pa rin humupa ang pananakit ng aking lalamunan. Dala ang aking kotse, ay magtatanghali na akong nagpunta sa White Harbor.
Niyakap ko ang knit cardigan pagkalabas ko ng sasakyan. Since malapit lang sa daungan ang construction ay mas malakas ang ihip ng hangin dito.
Tumingala ako upang tunghayan ang pag-silip ng araw sa medyo makulimlim na ulap. I think it won't rain today. Nabahiran na yata nang hindi magandang alaala ang impression ko sa ulan.
May nakapalibot nang roof fence sa buong site. Tinakpan ko ang aking ilong nang sumalubong sa 'kin pagpasok ng alikabok. Tinakpan ko rin ang tenga ko sa ingay ng pagka-karpintero ng ilang mga trabahador at ingay ng mga fabricated steel na itinatayo nila.
Bawat tahak ko sa putikan na ngayo'y natuyo na ay ibinabalik ako noong isang araw. Halos hindi ko matignan ang mga trabahador nang binati nila ako, pero wala naman silang ginawa na kalokohang pagtawanan ako.
Malas lang nila kung makikita ko 'yon. Aba'y sesante ang kahahantungan nila.
Bumungad sa 'kin sa office trailer ang bagong hire na engineer na seryosong nakaharap sa computer. Hawak niya sa isang kamay ang floor plan sketch ng warehouse.
Sandali siyang sumulyap sa 'kin saka bumati. "Good morning, ma'am."
"Si Sir Marquez?" untag ko.
"Nasa RV Building po," sumulyap siya nang sumagot bago binalikan ang computer at nag-click sa mouse.
"Sinong nagmo-monitor sa site?" Kinuha ko ang tissue ko sa bag at pinunasan ang aking ilong.
"Siya lang po. Sumama po kasi si Rian sa pagkuha ng mga materyales na kakailanganin mamaya."
"Naitawag na ba sa purchasing? Saan yung blueprint?"
Mabilis siyang tumayo at hinalughog ang isang desk doon na maraming mga papel. "Opo, dala nila yung order form."
Inabot niya sa 'kin ang blueprint. "Thanks."
Sinuot ko ang kulay puting hard hat. Kay Lauris ito dahil nilagyan pa talaga niya ng pangalan. All Capital letters pa, but that's his style of handwriting.
Iniwan ko ang aking bag at tanging blueprint, tubig at panyo ang dala ko patungo sa site.
Inalisa ko ang mga natapos na nila. Actually we're in our second month of construction and fortunately, nakumpleto nila sa itinakdang araw ang Excavation at ngayon ay nasa Framing na kami. Kailangan by next month ay roofing na ang gagawin namin.
Kinuha ko ang naligaw na plastic chair doon at sinubukang buhatin. May isang namahinga na trabahador na lumapit at nag-prisintang buhatin ang silya ngunit tumanggi ako. Lagnat lang naman ang meron ako, wala akong kapansanan.
"Break muna kayo," anunsyo ko sa kanila.
Sumulong ako sa malaking nakaharang na blue construction tarpaulin, sa likod nito ay may mesa kung saan may naka-imbak na mga papel at pinag-inumang mga tasa. Nilagay ko ang silya sa likod ng mesa at umupo.
Tumungo ako, panay ang aking singhot at punas sa ilong. Nagbukas ako ng gamot na naging baon ko rin at ininom kasunod ang tubig. Nakailang gamot na ba ako? Parang bumalik naman yata ang aking lagnat. Naiirita na ako sa pagbabara ng ilong ko't kawalan ko ng panlasa.
I know it's stupid pero dala na rin siguro ng aking iritasyon ay kinatok ko ang aking ulo na as if lalayasan ako ng aking lagnat.
"Dapat hindi ka na pumasok kung may sakit ka pa."
Napaangat ako ng tingin. Noong una ay nanlabo pa ang paningin ko dahil sa biglaan kong kilos, but deep inside I know it's Rouge. It's not hard to identify his baritone voice with a rasp.
Tinutunghayan ko ang paglinaw ng aking paningin. Rouge was just standing there, hindi ko mabasa ang pinta ng kanyang mukha. Para siyang seryoso na kalmado.
At ang tapang niyang sumulong sa site na wala man lang protective gear.
"Please wear a hard hat," mahina kong ani. Namamaos pa rin ako hanggang ngayon.
Kaya kung masigawan ko man siya sa iritasyon ko, hindi magiging convincing 'yon dahil sa naghihingalo kong boses.
"I'm already hard."
Matalim ko siyang tinignan. Nagpi-pigil ng ngiti ang loko.
Pilyo siyang ngumisi kalaunan. "Headed. I'm already hard-headed, Lory."
Hindi ko siya nagawang ikutan ng mata dahil sa pinapalala nun ang hilo ko.
"You still need to wear the hard hat. Paano kung gumuho ang construction?"
Muli akong suminghot. Damn, I look like a sore loser! Dudugo na yata ilong ko sa kakapunas!
Nasa likod ang mga kamay niya habang pinaglakbay ang paningin sa paligid sa nanunuring mga mata. Binalikan niya ako ng tingin. "We're far from the falling debris."
"We're still within the site," giit ko.
Bahagyang tumagilid ang kanyang ulo. Naglalaro ang multo ng ngiti sa kanyang labi habang nanunuya ang kanyang mga mata.
"What is it to you if I'm not wearing a hard asshat? You are concern, Lory? You don't want me to get hurt?"
And there, I'm reminded by my walk of shame in the mud.
Ganito ba siya ngumiti habang pinapanood akong nag-walk out noong isang araw? Thinking about it created a bitter taste in my mouth, and honest to God, it's not because of the Paracetamol.
I've been here too many times before. Ilang panunuya na ba ang nagawa niya and I've survived most of them without failure. Sa huli ay siya ang napapatahimik ko and I do hope that despite of this annoying flu, I would still be able to do the same.
Lumunok ako at nag-ipon ng lakas, because apparently, I'm a half bar short of energy. Pilit ko ring tagpuin ang aking boses at tiisin ang pananakit ng aking lalamunan.
"You're within the construction site with us as your contractor. Kargo namin ang kung ano mang aksidenteng mangyayari sa inyo. I hope you were able to take note of that in the proposal that I had presented to you."
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa mesa. Bawat hakbang niya ay parang sinusukat. Measured and deliberate strides. Nang marating ang mesa ay metikuloso niyang itinukod ang mga kamay at nagtatambol pa gamit ng kanyang mga daliri. Intelihente niya akong tinitigan.
"But you insinuated that your workers are trustworthy. Wala pang major accidents na nagaganap gawa ng mga trabahador niyo. I believe that's what you meant by it. Kaya nga kayo ang pinili ko. You persuaded me to trust you. But now you're doubting on your own employers, Lory? You should be the one who has to be confident with your manpower's capabilities."
Padabog kong hinampas ang blueprint sa mesa at inis siyang tinignan. "Fine! Then don't wear a hard hat!"
He was being inconsiderate! Kahit alam niyang may sakit ako ay hindi niya ako tinatantanan! What an asshole! He can resume provoking me once I feel better but he didn't wait for that time to come. Wala siyang pinipiling oras at sitwasyon!
Galit kong hinila ang sarili paalis sa silya at nagmartsa palayo sa kanya. Sa gumagambalang inis na mga pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan ang scaffold na may gulong na tinamaan ng silya nang tumayo ako.
Ang nakahilig doong steel ladder ay dahan-dahan akong dinudungaw. Kita kong babagsak sa 'kin 'yon pero tinakasan na ako lahat ng pag-iisip ko. Hindi excuse ang pagkakaroon ng lagnat upang hindi ako makatakbo agad pero sadyang dumikit ang sapatos ko sa semento. Bigla kong nakalimutan kung paano gumalaw.
"Lory!"
Sunod kong namalayan ang aking pagbagsak kasabay ang gumuguhong ingay ng mga pagbasag at mga nagbabagsakang mga bagay. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa nakadagan sa 'king kabigatan.
Dumilat ako at agad na napaubo sa alikabok. Uminit ang paligid at nakaka-hingal dahil natabunan kami ng consruction tarpaulin. May mga ngilan pang bumagsak na marahil nakalapag sa scaffold kanina.
"Fuck."
Dinungaw ko ang nakasubsob na mukha ni Rouge sa leeg ko. Mahigpit siyang nakayakap sa 'kin kaya ramdam ko ang kanyang pag-hingal. Ngunit nakatukod siya upang hindi ako tuluyang madambahan ng matigas niyang katawan.
"Are you okay?"
Napangiwi ako. Bakit siya ang nagtatanong? Siya ang nabagsakan! But my back hurts, though. Parang may pakong tumusok sa braso ko.
Pero mas nanaig ang kamalayan kong kabigatan at ang pagkaipit ng aking kamay na naka-yakap kay Rouge. Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko ngunit mas humapdi lamang ito. Pero hindi 'yon ang inaalala ko.
"Nabagsakan ka ng hagdan," hinihingal kong ani.
"This is nothing." Mariin niyang sabi, but I think dahil 'yon sa nasaktan siya. We have to get out of here.
Ngunit nagyelo ang balak ko at nanatili itong plano nang mag-angat siya ng tingin. May-pag-aalala niya akong dinungaw. Naluluha ako, hindi makapaniwala. Nilayasan ako ng galit ko sa kanya. I was in a state of shock.
Sa mga mata niya pinaaalalahanan ako ng kanyang pagmamakaawa habang ginugulpi siya nina Sonny at Leo. Wala akong nagawa noon. Hinayaan ko sila. Wala akong ginawa dahil sa galit ko. Hindi ko alam kung dahil ito sa guilt pero nasasaktan ako ngayon.
Tumakas ang ingay ng aking hikbi. "I told you to wear a hard hat...I told you to wear it! I told you to wear a damn fucking hard ha—"
Hindi ko naituloy sa biglaang pagsakop niya sa labi ko. Ramdam ko ang bawat mariin na paghagod ng labi niya na binabalot niya ng makapal na emosyon, na parang sinisigurado niya sa 'kin na ayos lang siya.
Pero alam kong hindi. Hinding-hindi iyon magiging maayos sa 'kin. Gusto kong may magawa ako upang hindi na maibalik ang sakit na 'yon sa kanya. Nasuklian ko ang halik niya habang umiiyak.
"Shh...I'm fine...I'm good as alright, tahan na..."
Patuloy ako sa aking paghikbi. Ilang pag-hagod sa labi ang ginawa niya bago humiwalay. But he barely pulled away, dahil nagtatama pa rin ang mga labi namin. I could breathe in his every warm breath.
"You're safe..." bulong niya. Mariin siyang pumikit at dinikit ang noo niya sa noo ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro