Simula
Genesis' Point of View
Bumaba sa phone ko na nakalapag sa tabi ng laptop ang tingin ko nang umilaw ito; a new notification.
Huminto ako sa pagtipa— I'm writing another chapter of my current ongoing book— at inabot ang aking cellphone.
Someone tagged me on X app.
Sumandal ako sa swivel chair ko at pinindot ang notification. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko nang mabasa ang nilalaman ng koreo.
One of my readers is asking me to do a collaboration with a group of well-known authors. They're actually asking this for how many weeks now.
Napabuntong-hininga ako.
“Should I chat them?” tanong at kausap ko sa aking sarili habang ang mata ko'y nakatitig pa rin sa screen ng phone ko.
Sandali pa akong nag-isip bago ako pumunta sa messenger. Hindi na ako nagulat nang tumambad sa akin ang napakaraming messages. And of course, nangunguna na ang group chat namin.
hapi twerking crack head plotterhead
Wala sa sariling natawa ako sa pangalan ng group chat. I don't know who changed it, madalang lang kasi ako tumambay sa messenger o kahit saang social media. Mas gusto kong mag-focus sa pagsusulat ng story ko offline.
Mas mahaba pa iyong pangalan ng group chat namin kaysa sa word counts na nasulat ko ngayong araw.
Today I suddenly got lazy. Hindi naman ako ganito, nakakapanibago lang. But I guess there's nothing wrong with taking a rest. Ilang araw na rin akong nakatutok sa laptop ko dahil gusto kong tapusin agad iyong ongoing story ko.
My back is aching to be honest.
In-open ko ang group chat namin at nagbackread. Napailing ako nang mabasa ang conversation nila sa loob.
Parang hindi mga author.
Poi$$on: Alam n'yo ba tawag sa ilog kapag binaliktad?
Bhi3: inde, nuba?
Poi$$on: EDI RIVERS HAHAHAHAHA
BOOMbayah: Haha funny 🙄
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung kulang ako sa internet life na sinasabi nila o bobo lang talaga ako dahil hindi ko na-gets joke ni Poisson.
Pinagsawalang-bahala ko na lang iyon at binasa ko na lang recent convo nila.
RedHorse: Kung may RedHorse may BlueHorse ba?
TheMortalSol: Kung ang pambansang isda ang bangus what if kami talaga ni silvanus?
Silvanus: Yuck!
Bhi3: Ouch, mhie. Yakiss daw.
abo: [ send pic ]
abo: hoi wag kslimutan meet uo mamsaya! be sober Red!
RedHorse: mas lasing ka pa nga magtype kesa saken.
Sanguine: Saan nga loc, mhie?
Vetle: Neko-chan Manga Café, vhie.
Sanguine: Ah okay
RedHorse: sea yahhhh dear mfs
BOOMbayah: *see *there
Fiorifae: 🤦 Di ka pa nasanay diyan
Napailing ako saka nag-type ng reply.
starLIGHT: See you later, guys.
In-off ko na ang phone ko pagkatapos ko i-sent iyon. Sandali ako napasulyap sa laptop ko bago ako umalis sa pagkakaupo at pumasok sa banyo.
Malapit na oras ng meet-up namin, kailangan ko magmadali. Mga early bird pa naman ang mga iyon lalo na si Vetle na suki ng Neko-chan Manga Café.
And oh, our readers don't have any idea that we are all friends. They only know that we are all well-known authors and had a little interaction on X app... which led them to demand and asked for a collaboration between us.
Although ini-ignore namin lahat ng post nila sa X app, ang totoo ay mula pa noong unang araw na nagdemand sila ng collaboration ay agad na kaming nag-usap sa group chat ng tungkol dito.
Actually it's Abo who reached out and talked to us about it first.
And of course we all agreed.
Sino ba kami para hindian siya?
Gusto rin namin surpresahin ang readers namin kaya namin ito tinatago sa lahat. Maliban sa'ming magkakaibigan, wala nang nakakaalam tungkol sa plano namin.
Nang matapos ako maligo at lahat-lahat, lumabas na ako ng apartment at bumaba sa building. Nasa labas na iyong taxi na ni-rentahan ko.
I put my seatbelt on and then told the driver the location.
Tiningnan ko ang sarili ko sa screen ng phone ko. Abala ako sa pag-aayos ng nagulo kong buhok sa pagmamadali ko kanina nang mag-pop out ang pangalan ni pulang kabayo.
RedHorse: GUYS HELP!!!!
Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mensahe. Dali-dali kong binuksan ang group chat namin at saka nag-type ng i-rereply.
RedHorse: MAY SAKSAKAN DITO!!!
Napahinto ako sa pag-type.
Oh my god.
Fiorifae: What?!
abo: okeish k lNg ba mamsh?
Vetle: Call 911
Ramdam ko ang panlalamig ng palad ko. Sobrang lakas na rin nang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
Tumingin ako kay Manong Driver.
“Manong change locati—”
RedHorse sent a picture.
RedHorse: SAKSAKAN NG GANDA 💅
“Ano Ma'am?” tanong ni Manong.
Pero parang wala akong narinig at nakatitig lang sa message ni RedHorse.
Silvanus: Tangina.
I seconded that.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at napasandal. Kinagat ko ang ibabang labi ko at napailing, hindi makapaniwala.
Ilang sandali ang lumipas ay saka ako muling tumingin kay Manong.
“Wala po.”
“Ah sige Ma'am.”
Buong biyahe papunta sa café ay tahimik lang ako, in-off ko na rin ang phone ko at baka kung ano-ano na naman ang mabasa ko na ikakamatay ko pa sa sobrang kaba.
Nang makarating sa Neko-chan Manga Café ay agad na naghanap ang mga mata ko. Ganon na lang ang lawak ng pagngiti ko nang makita sina Abo.
Wala pa iyong iba.
Nag-order muna ako ng cupcakes bago ako lumapit sa kanila.
Habang wala pa iyong iba ay nag-usap usap muna kami tungkol sa ongoing novel namin. Naisingit din namin ang chat ni RedHorse sa group chat.
Hindi rin nagtagal ay isa-isa nang lumitaw ang iba, and when everyone arrived and present, Abo immediately talked about our collaboration.
Sobrang tutok kami sa pag-uusap na hindi na namin napansin ang oras.
“And that's all,” Abo ended the discussion. He looked at us. “Ayos lang ba iyon sa'nyo?” tanong niya.
“I'm cool with that,” si TheMortalSol.
Sunod-sunod naman kami nagsisang-ayon. Wala naman akong problema sa lahat, at sa tingin ko pa nga nakaka-excite ang magiging collab namin. Hindi na ako makapaghintay.
And after that, nag-usap na kami ng kung anu-anong bagay na naisip naming pag-usapan. Just like in our group chat, si RedHorse ang maraming baon na topic.
Iyong mga minsan lang lumalapag sa group chat gaya ko, ni Majesticity, at Sanguine ay tahimik lang nakikinig sa kanila. Si Silvanus na nonchalant sa labas pero sa group chat nangunguna sa pagmumura ay pangiti-ngiti lang sumisimsim sa kape niya. Si Boom na napaparolyo na lang ng kaniyang mga mata sa kadaldalan nina RedHorse at Bhi3, sina Fiorifae at Vetle na may sariling pinag-uusapan. Si Abo na patango-tango lang sa lahat... Napangiti ako habang tinitingnan sila. Excited na akong ikuwento ito kay Tita.
Nagtama ang mga mata namin ni TheMortalSol, nginitian ko siya which she received it with her genuine smile.
Years have passed yet my admiration towards her doesn't change even a little bit. Nadagdagan pa nga ito.
Unang kilala ko pa sa kaniya hangang-hanga na ako sa looks niya and also her personality; extrovert pero kung mawalan ng mood parang hangin ka lang sa kaniya, mapapatanong ka sa sarili mo kung tao ka ba? Hahaha. May pagka-prangka rin kaya daming antis sa writing industry na siya lagi ang target, ‘di nila keri kaprangkahan ng kaibigan ko. Inis na inis din sila dahil lagi silang taob kapag ito karebatan nila.
Bookworm din, one of the reasons why I'm closest to her. Past time namin pareho ang pagbabasa. Minsan ay tatawagan niya pa ako around midnight para lang pag-usapan ang librong nabasa niya. She likes to give comments and opinions about certain things.
And her looks, wow, down bad.
She has dark brown hair with its long octopus hair cut style. Her height is around 5'5. Singkit which added to her cuteness. Matangos din ang ilong, and her skin is fair. She likes to wear fitted top and long skirts, at lagi rin nakasabit sa leeg niya ang kaniyang headphone.
Sarap niya ibulsa. Totoo.
Nagsi-uwian din naman kami nang mapansin namin lumalalim na ang gabi.
Kumaway ako sa kanila bago sumakay sa taxi. Nasa car shop kasi iyong kotse ko kaya ito nag-tataxi ako.
“Saan Ma'am?”
“Sa Green Residences po.”
Habang sa daan iyong isip ko ay naroon pa rin sa mga loka-loka kong kaibigan.
Hindi ko talaga inasahan ang pagdating nila sa buhay ko. It was unexpected.
I'm an orphaned kid who grew up under my Aunt's care. Bata palang namatay na ang parents ko kaya maliit pa ay si Tita—kapatid ni Papa—na nagpalaki sa akin. She's kind and single lady, kumbaga siya iyong tinatawag na Rich Tita ng iba. She treated me as her own and loved me as her own child.
She only let me live on my own when I started my college student life. Last time she video called me which is one week ago, nasa Switzerland siya, ewan ko na lang ngayon. She left me to travel around the world, ain't complaining though because she deserves it.
T'saka hindi naman niya ako iniwan ng walang-wala talaga. She left me with lots of money, at buwan-buwan din ay nagpapadala siya sa akin ng pera.
I love her so much.
And also it was because of her that I discovered my hidden skill which is writing. Senior High ata ako niyon nang makita ko siyang umiiyak isang araw. When I asked her, she told me that someone broke her heart, that she caught her boyfriend cheating behind her back. Iyak siya nang iyak. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang ganon.
Nangako ako sa sarili ko noong araw na iyon na papasayahin ko siya... I wrote a story na dedicated sa kaniya, na siya ang bida, and gave her a happy ending there. It was my first written novel.
Then after that, I continued writing.
Third year college ako nang tumunog sa writing industry ang pangalan ko at iyong fantasy story ko... hindi ko inasahan. Around that time rin nang makilala ko si RedHorse, nag-comment siya sa post ng isang reader ko, praising my story. I messaged her to thank her hanggang sa nagpatuloy ang usapan namin at pinakilala niya ako sa iba.
Si RedHorse ang naghila sa'ming lahat. Sobrang daldal kaya kung saan-saang comment section mo siya nakikita.
Napahinto ako sa pag-iisip nang mapansin kong natataranta si Manong.
“May problema po ba?” I asked.
Sumulyap siya sa akin, bakas ang takot sa mukha. “Ma'am... kasi ano... iyong break kasi hindi nagana. Sorry Ma'am!”
My eyes widened.
“Po?!”
“'Wag kang matakot Ma'am. Ako na ang bahala...” ngumiti siya sa akin.
Napakapit ako sa seatbelt lalo na nang pa-zigzag na ang pagkakatakbo ng kotse. Kinapa ko ang bulsa ko at nilabas ang aking cellphone. I-oon ko na sana ito nang makarinig ako ng malakas na busina.
When I looked up... it was too late.
There was crashing.
Shouting.
Blood.
Pain.
Then darkness...
Nalulunod ako sa sakit at kadiliman.
Oras na ba? Oras ko na yata.
Isang patak ng luha ang lumandas sa pisngi ko nang lumitaw ang mukha ni Tita at ng mga kaibigan ko.
Ayoko pa.
Ayoko pang mamaalam sa kan—
“Para kang nagniningning na tala sa iyong kagandahan, Mahal na Prinsesa.”
Huh? Kaninong boses iyon?
“Thank you hehe...”
Narindi ako sa narinig ko. Hindi ako palamurang tao pero tanginang tawa iyan, pilit na nagpapacute.
And hello?! Ito ba ang tamang oras para maglandian sila? May namamatay dito oh!
“Hey Cress—”
“What?!” I snapped.
Pero agad din namilog ang mga mata ko nang tumambad ang mala-anghel na mukha ng isang lalaki na ngayon ay masama na ang tingin sa akin.
“Are you raising your voice on me, your older brother, Cressida Parris Mercedes?”
“Huh?”
Bakit ang pamilyar ng pangalan na iyon sa akin? I think I heard it somewhere...
No, that's not the point here.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid.
“Where... am I?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro