Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 05

Genesis' Point of View

Titig na titig ako sa babaeng sa aking harapan at ganon din siya sa akin.

She has butterfly cut platinum silver hair, long lashes that compliment her light lavender eyes. Fair skin. Oval face and roman nose. Her downward-turned bloody lips added to her beauty.

Walang angkop na salita na maaaring maglalarawan sa taglay niyang kagandahan. Her beauty is out of this world... It is something that you can't just describe as you wish.

“Milady, breakfast is ready. Everyone is waiting for you at the dining hall.”

Umarko pataas ang kilay kong may katamtamang kapal... at ganon din ang kilay ng babaeng nasa harapan ko.

Ika-limang araw ko na rito sa mundong ito ngunit hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay na ibang mukha ang nakikita ko sa tuwing haharap ako sa salamin... Until now, hangang-hanga pa rin ako sa tuwing sasalubong sa akin sa salamin ang kagandahan ni Cressida.

A knock, then... “Milady?”

“Ito na, palabas na.”

Sandali ko pa sinuri ang bagong katauhan ko sa salamin bago ako nagtungo sa pinto.

Si Jiro na nakasuot ng puting jabot shirt at itim na pants ang nadatnan ko sa labas ng aking silid.

“Greetings, Milady.”

“Jiro!” I beamed at him. “Good morning. Where have you been these past few days? Tinambakan ka na naman ba ng maraming trabaho ng magaling kong kapatid? Iwan mo na iyon at lipat ka sa akin. Promise, ’di kita papahirapan.”

“No, Milady. Walang ganon na nangyayari. Lord Franklin isn't what you think. He's hardworking. Minsan nga'y wala na akong nagagawa dahil lahat ay tapos na niyang gawin.”

“Talaga? Baka pinagtatakpan mo lang isang iyon dahil binubully ka niya.”

“Binubully? What does it mean?”

Right. Nasa era pa nga pala ako na hindi pa upgraded ang vocabulary.

“Binubully... iyon iyong palihim kang sinasaktan o pinapahirapan,” hindi ko siguradong paliwanag sa kaniya.

His eyes widened. “No, no. Lord Franklin isn't like that and he never did that to anyone, especially to me,” aniya nang natataranta. “Milady where did you learn this word? Is it from someone else? Please describe this person. To spread false rumors about the young lord... It's slander. Kailangan niyang maparusahan,” pirming sabi niya.

Ilang beses akong napakurap.

Bahagya rin akong napanganga nang mapansing seryoso siya at hindi nagbibiro, na sa oras na ilarawan ko ang mukha ng nagsabi ng salitang iyon ay agad niyang hahanapin ito.

“T-that... Just act like I didn't say anything like that and you didn't hear any word from me,” I insisted.

“But—”

“Bilisan na natin, Jiro. Hindi ba sabi mo kanina naghihintay sila sa akin?”

“The person, Milady, des—”

“Lalalalalalala~ I didn't hear you.”

“Milady!”

Natatawang binilisan ko ang paglalakad at iniwan siyang nakatanga sa hallway.

Kahit naman sabihin ko kung sino ang taong nagsabi ng word na iyon ay wala pa rin siyang magagawa.

I mean, can he really punish me?

The youngest Mercedes?

Nah.

• • •

“Hello madlang people, mabuhay!”

“...”

Katahimikan ang sinagot nila sa akin.

Napakurap ako't napatingin sa mga taong nakaupo sa hapag kainan.

Si Franklin na natigil sa pagsubo, naiwan sa ere ang kutsara niyang may laman na pagkain. Sa harap niya at sa kabila ng lamesa ay isang Ginoo na pinupunasan ang nabasang damit, mukhang naibuga nito ang iniinom na juice. Then... dumako sa Ginang na nakaupo sa dulo ng lamesa ang tingin ko. Blangko ang emosyon nito habang diretsong nakatingin sa akin.

May ibang maids din ang nandito na nag-aasikaso sa mga pagkain sa lamesa, at lahat sila ay natigilan din at napahinto sa kanilang ginagawa, nakatingin sa akin na parang may ginawa akong kagulat-gulat.

Napakamot ako sa batok ko at napalingon kay Jiro nang maramdaman ko ang presensya niyang sa likod ko.

“Help me,” I mouthed to him.

He inclined his head before facing those three. “Greetings to everyone,” bati niya sa mga ito bago siya muling humarap sa akin. “Milady, this way.”

Nakatikom ang bibig na sumunod ako kay Jiro. Sa upuan sa tabi ni Franklin ako naupo. May isang maid ang lumapit para ayusin ang kubyertos sa harap ko.

Umatras si Jiro at tumayo sa gilid sa bandang likuran namin ni Franklin.

Napapisil ako sa palad ko.

Hindi ko alam kung nasa dining hall ba ako o nasa funeral. Ang tahimik e.

Sana pala nagtulog-tulugan na lang ako o nagpanggap na may sakit? O ’di kaya nagpadala na lang ako kay Jane ng pagkain sa aking kuwart—

“Cressida.”

“Yes, Ma'am— Mama? No, Mother?”

“Pft.”

I side-eyed Franklin. Subukan mong ilabas iyan, makikita mo talaga sarili mong nakabitin ng patiwarik sa labas.

Cressida's mother sighs. “How are you? Is everything okay? I heard from your maids that you give away and sell those dresses that you fancy so much?”

Huli kayo!

Snitch pala kayo Jane, ha.

“Everything's okay, mother. I just realized that I'm no longer that little girl who fancy that kind of dress.”

“But you're still our baby,” mahinang komento ng Ginoo sa harap namin.

Ang Papa ni Cressida.

Malawak akong ngumiti rito. “Of course, I still am. But only in this household. I don't want the others to see me as a fragile lady who depends on her family.”

“You've matured.”

“Just a little bit mother hehehe.”

“Strange...”

Napalunok ako. “Ang alin po?”

Halos hindi na ako huminga habang nakatingin sa Mama ni Cressida. Sa pagkakaalam ko, nabanggit sa novel na may kapangyarihan ang Mama niya pero hindi nabanggit kung ano ito.

Kapangyarihan niya ba ang maka-detect ng nagsisinungaling? O kapangyarihan niya iyong nakakakita ng kaluluwa kaya alam niyang hindi ako si Cressida?

“Why are you calling me mother—” Sabi ko na! Alam niyang hindi ako si Cressida. Anong gagawin niya sa akin? Will she torture me? Susunugin ng buhay? “— instead of Mommy?”

Huh?

Tama ba iyong narinig ko?

O nabibingi lang ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro