Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6th Star

SIXTH

Anong ginagawa niyo sa kaniya?!” Agad na lumapit si Kylo kay Reena at tiningnan kung ayos lang ba ito. Tiningnan niya nang masama ang tiyahin ni Reena na nakatingin din sa kaniya ngayon, mukhang nagulat sa biglang pagsulpot niya.


“Aba, sino ‘to? Boyfriend mo? Nagbo-boyfriend-boyfriend ka na? Ni hindi ka pa nga tapos mag-aral, bata ka! Sige, magpabuntis ka riyan sa boyfriend mo, tignan natin kung anong ipakain niyan sayo!” sigaw ng tiyahin.


“Hindi po niya ako boyfriend pero kung ganito niyo naman siya tratuhin na parang hindi siya tao, mabuti pa ngang maging boyfriend na niya ako nang mailayo ko siya sa mga taong katulad niyo.”


Binuhat ni Kylo si Reena at dire-diretsong lumabas ng gate.


“Humanda na rin kayo sa korte,” sabi pa ni Kylo bago tuluyang maglakad papunta sa kotse niyang nakaparada sa labas ng gate.

Maingat niyang inupo sa passenger’s seat si Reena saka siya pumunta sa driver’s seat. Inabutan niya ng jacket ang dalaga saka nagmaneho.


“Ayos ka lang ba? Dadalhin kita sa ospital,” wika ni Kylo, sumulyap sandali kay Reena.


“H-Huwag na. Ayos lang ako,” sagot ni Reena na nakayuko. Ang daming tumatakbo sa utak niya at hindi niya alam kung anong uunahin isipin.


“Sigurado ka ba?” paninigurado ni Kylo sa dalaga.

“Oo. Ayos lang ako,” sagot naman ni Reena at dahan-dahang pinunasan ang sarili gamit ang jacket ni Kylo saka iyon pinatong sa katawan niya.


“Palagi ka ba niyang ginagano’n?” tanong ni Kylo ngunit hindi na lang sumagot si Reena.


Madalas siyang pagbuhatan ng kamay ng kaniyang tiyahin at madalas din niyang maramdaman na parang mapapatay na siya nito sa galit nito sa kaniya pero kanina lang niya naramdaman ang takot na baka mapatay na talaga siya nito.


“Okay. Magpahinga ka muna ngayon,” sabi ni Kylo pagkasulyap sandali kay Reena. Naramdaman niyang ayaw sagutin ng dalaga ang tanong niya.



Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaki at mataas na gusali. Sobrang taas ng building na ito kaya napatingala si Reena hanggang kung saan ito aabot.


Inalalayan ni Kylo si Reena papasok sa building. Nagtaka ang dalaga nang hindi pumasok si Kylo sa elevator kung saan sumasakay lahat ng tao. Nilagpasan nito ang elevator at dire-diretso lang hanggang sa makarating sila sa dulo. Pumasok sila sa isang pinto at nagulat si Reena nang makakita ng elevator at dito sila pumasok. Pinindot ni Kylo ang number 55 sa elevator button panel.


“Dito ka ba nakatira?” tanong ni Reena at lumabas sila ng elevator nang bumukas ito.


“Ah... hindi,” ngiti ni Kylo at ginabayan ang dalaga sa daan kung saan man sila patungo.


Huminto si Kylo sa harap ng isang kuwarto. Kung hindi nagkakamali ay alam ni Reena na may number ang units sa mga condominium pero walang number ang kuwartong ito. May nakalagay lang na ‘T.K.’ na kulay ginto sa pinto.


Pumasok si Kylo sa loob kaya naman sumunod sa kaniya si Reena. Hindi napigilan ng dalagang mamangha nang makita kung gaano kalaki at kaganda ang unit kung nasaan sila ngayon.


“Kung hindi ka rito nakatira, sinong nakatira rito?” tanong ni Reena. Inabutan siya ng mga damit ni Kylo pagkalingon nito sa kaniya.


“Magpalit ka muna. Baka magkasakit ka,” sabi ni Kylo kaya sumunod naman si Reena.


Mas namangha pa ang dalaga nang makita kung gaano kalawak ang banyo. May malaki ring bathtub na mukha talagang pang-sosyal.


Simple lang si Kylo pero halata namang mayaman siya. Hindi lang inasahan ni Reena na ganito kayaman, na afford bumili ng ganito ka-garang unit sa isang napakaganda at mukhang sobrang mamahaling condominium.


Paglabas ng banyo ay nakita ni Reena na nagce-cellphone lang si Kylo habang nakaupo sa sofa. Nang makita naman siya nito ay agad itong tumayo.


“Sobrang laki pala sayo,” kamot ni Kylo sa ulo niya nang makita si Reena. Tinutukoy niya ang damit na inabot niya kanina sa dalaga na suot na nito ngayon.


“Ayos lang ba? Komportable ka naman?” tanong niya.

“Ayos lang naman,” sagot ni Reena at tiningnan ang suot niyang sobrang laking sweater at jogger pants.


“Kailangan ko na palang umalis. Ayos ka lang ba rito?” tanong ni Kylo na mukhang nag-aalala pa rin para kay Reena.

“Saan ka pupunta?” tanong naman ng dalaga. Ayaw niya sanang maiwan mag-isa rito dahil hindi naman niya alam ang lugar na ito.

“Ah...” Mukhang nag-isip ang binata ng idadahilan.

“May gig kasi... ako... ngayong gabi,” sagot ni Kylo na mukhang nag-aalangan pa kung tama ba ang sinabi niya.

“May banda ka?”

“O-Oo.”

“Puwede ba akong sumama?” tanong ni Reena na mukhang ikinagulat ni Kylo.

“Seryoso ka ba?” tanong ng binata kaya tumangu-tango si Reena.

“Ayaw ko pa sanang mapag-isa,” ani Reena.

“Tara!” nakangiting sabi ni Kylo kaya naman napangiti rin si Reena. Mukhang natuwa talaga si Kylo na gustong sumama ng dalaga sa kaniya.



Pagkarating nila sa EP, lugar kung saan tutugtog si Kylo, agad na may sumalubong kay Kylo na mga lalaki. Nagulat si Reena nang makilala ang isa sa kanila na ka-teammate ni Kylo.


“Sina Pete?” tanong ni Kylo sa lalaking kausap.

“They’re setting up the stage,” sagot ng lalaki at ngumuso pa sa stage.


“Oo nga pala. Reena, si Hayden. Kapatid niya ‘yung keyboardist,” pagpapakilala ni Kylo sa lalaking kausap at tinuro pa ang isang lalaking nasa stage.

“Pleased to meet you, Reena,” ngiti ni Hayden sa dalaga.


Naiwan ang mga mata ni Reena na nakatitig sa mga mata ni Hayden. Madilim kung nasaan sila ngayon pero sigurado siyang mukhang violet ang mga mata ng binata, amethyst to be exact.

Hindi ito ang unang beses na makita ni Reena si Hayden at mapansing kakaiba ang mga mata nito pero ito ang unang beses na makita niya ang mga matang ito nang malapitan. Kahit madilim, kita niya na sobrang ganda talaga ng mga ito.


“The rest are my cousins,” dagdag pa ni Hayden na ang tinutukoy ay ang mga lalaking nasa entablado. May punto si Hayden magsalita kaya nasisiguro ni Reena na may ibang lahi ito.

“K-Kamag-anak mo lahat sila?” gulat na tanong ni Reena nang makita ang mga lalaki sa stage kaya natawa si Hayden saka tumangu-tango.

“Oh, except for the guitarist, the one on the left, he’s... uh, friend.”


Pagkatapos ay dinala naman ni Kylo si Reena sa isang bakanteng lamesa malapit sa stage. Agad napalingon si Reena sa stage nang marinig ang nakakamanghang tunog ng keyboard at saka napatingin sa kumakanta nang tumaas ang balahibo niya sa ganda ng boses nito.


“Help me up, get me out of here. We’ll run away with our hearts in our hands🎶”


“We’ll run away from the enemy. This war is dead and they’ll never take us alive🎶”


“Woah,” nasabi na lang ni Reena habang nanonood sa bandang nagpe-perform. Namamangha talaga siya sa musikang kumikiliti hindi lamang sa tainga niya kung hindi pati sa puso at sikmura.


“We don’t have enough time, we need to go tonight🎶”


“I’ll find you, you’ll find me. Let’s both get out🎶”


“Magaling talaga sila,” narinig ni Reena na saad ni Kylo kaya napalingon siya sa binata.


“Si Skyler De Valle ‘yung vocalist, si Seamus Del Fierro na kapatid ni Hayden ang keyboardist, si Damien Lacerda ang lead guitarist, si Kai De Valle ang bassist, at si Pete De Valle ang drummer,” dagdag pa ni Kylo.


“Si... Levi Del Fierro? Nandito rin ba?” tanong ni Reena. Nang marinig ang apelyidong Del Fierro ay hindi niya naiwasang maisip si Levi.


Hmm...” Inilibot ni Kylo ang paningin sa paligid at saka ibinalik ang tuon sa dalaga.

“I don’t think so. Hindi rin naman kasi siya pumupunta rito.”


“Ah... ano palang pangalan ng banda nila?” tanong ni Reena at ngumuso pa sa bandang nasa stage.


“Runaway Romeo.”


“Oh,” nasabi na lang ni Reena.


“Kapag ako nagkabanda, gusto ko Juggling Juliet,” pagpapatawa ni Reena na tinawanan naman ni Kylo kahit na napaka-corny nito.


“Teka, eh ‘yung banda niyo? Anong pangalan?” tanong ni Reena.


“Ilre,” sagot naman ni Kylo.


“Ilre? Ano ‘yun?” kunot-noong tanong ng dalaga. May word bang ilre?


Lumapit naman si Kylo sa kaniya.

“Sa’yo ko lang sasabihin ‘to kaya huwag kang maingay, ah,” sabi ng binata at inilapit ang bibig sa tainga niya.


“The King,” bulong ni Kylo kaya napatangu-tango si Reena.


“Ibang language ba ‘yun?” tanong ni Reena kaya si Kylo naman ang napatangu-tango.


“Italian. Il re,” sagot naman ni Kylo kaya napatungu-tango ulit si Reena.


“Alam mo, based sa mga kuwento mo, napaka-strict ng mga magulang mo pero mukhang hindi ka nag-aalala ngayon na hindi ka pa umuuwi kahit gabing-gabi na?” nasabi ni Reena at napangiti naman si Kylo nang marinig ang sinabi niya.


“Wala kasi sila ngayon, nasa business trip. Kaya nga for the first time, nakaalis ako ng university nang hindi sinusundo. Nagpaalam naman akong ako lang magdi-drive pauwi ngayon pero siyempre hindi sila pumayag pero wala rin naman silang magagawa,” kuwento ni Kylo na para bang proud na proud pa siyang naisahan niya ang mga magulang niya.


Nako, pag-uwi ng parents nito, malamang lagot ‘to.


“Mahilig ka ba sa OPM?” tanong ni Kylo kaya napalingon ulit sa kaniya si Reena.

“Tama lang,” sagot ng dalaga at narinig na tinawag na ang banda nina Kylo kaya naman tumayo na ito.


“Balik din ako agad. Panoorin mo ako, ah?” sabi ni Kylo kay Reena at umakyat na sa stage. Sandali silang nag-set up at narinig na rin ni Reena ang tugtog nila.


Nagulat si Reena nang makitang si Kylo ang nasa gitna. Siya ba ang vocalist? O sadyang diyan lang ang puwesto niya, pang-akit ng mga manonood dahil gwapo siya?


Nang kumanta na si Kylo ay natulala na lang si Reena sa kaniya. Hindi talaga pumasok sa utak ng dalaga na siya ang vocalist ng banda niya at hindi rin nito inaasahan na maganda ang boses niya.


“Ang panalangin ko, ako sanang naiisip mo bago pumikit ang iyong mata🎶”


“Ayokong managinip nang mag-isa🎶”


Ni hindi magawang kumurap ni Reena habang kumakanta si Kylo. Ngayon lang niya napagtantong marami palang talento itong si Kylo.


Habang pinagmamasdan ang binata ay napagtanto ni Reena na kaya lagi siyang niyayaya ni Kylo manood sa mga training nito at tuwang-tuwa ito nang sinabi niyang sasama siya sa gig nito ay dahil gusto nito ng suporta sa mga bagay na ginagawa nito na hindi nito makuha sa sariling mga magulang.


Alam ni Reena na wala siya sa posisyon para maawa sa iba sa sitwasyon niya ngayon pero hindi niya mapigilang maawa. Para talagang bata si Kylo na hindi ma-appreciate ng mga magulang ang ginagawa. Hindi alam ni Reena kung may kapatid ba si Kylo kaya hindi ito masyadong napapansin o wala pero mukhang hindi masyadong pinagtutuonan ng pansin ng mga magulang nito ang mga bagay na magaling ito. Para bang kahit gaano pa mag-excel si Kylo sa mga bagay na gusto niyang gawin, hindi sila matutuwa kasi hindi ‘yon ang gusto nila para sa kaniya.


Pero ulit, opinyon lang ni Reena lahat ng nasa isip niya. Hindi pa naman niya nakikita nang personal ang mga magulang ni Kylo kaya naman ito lang ang opinyon niya base sa mga kinukuwento ng binata sa kaniya.


Nagsulat sandali si Reena sa notebook na binigay ni Caden na lagi lang nasa bag niya. Pagkatapos ay in-enjoy na rin niya ang set ng Ilre.


♤♤♤

AN: The song performed by Runaway Romeo in this chapter is Alive by Never the Strangers and the song that Ilre performed is ‘Di Makatulog by SUD. Listen to these great bands!

  - E

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro