
13th Star
THIRTEENTH
“Levi, huh?” saad ng lalaki, tila kinukumpirma kung ito nga ang pangalan ng kausap pero hindi ito sumagot. Simula nang dumating ito ay sinusubukan na niya itong kausapin ngunit tumakbo ito palayo at hindi sumasagot.
“Do you speak English?”
Muli, hindi sumagot si Levi.
“Tagalog, nakakasalita ka?” tanong nito, may punto sa pananagalog. Napa-angat ang tingin ni Levi sa lalaki dahil hindi niya inaasahang marunong itong managalog.
“Allora è Tagalog,” (Tagalog it is then) saad ng lalaki at napatangu-tango.
“Dito ka na titira, capito?” (Understood?) sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Levi.
“Ito,” gawi ng lalaki ng kamay niya sa paligid nila, “bahay mo.”
“OK?” tanong ng lalaki na nag-OK sign pa kay Levi pero hindi pa rin sumagot ang bata.
“Vito,” turo ng lalaki sa sarili niya, “ako si Vito.”
“Friends?” abot ng lalaki ng kamay niya kay Levi pero hindi pa rin siya nito pinansin.
Kinuha ni Vito ang kamay ni Levi na mas maliit kaysa sakaniya. “When someone offers his hand to you, you shake,” shake niya sa kamay ng bata.
“You shake firm,” dagdag pa ni Vito at hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Levi.
“Gli parli ancora?” (You’re still talking to him?)
Parehong napalingon sina Levi at Vito sa nagsalita. Lalaki ito na mukhang kasing-edaran ni Vito. Isa ito sa mga lalaking sumubok kausapin si Levi kanina na sumuko na rin dahil hindi naman sumasagot ang bata.
“Ci parlerà presto,” (He will talk to us soon) saad ni Vito at tumayo na nang maayos mula sa pagkakayuko upang maabot ang kamay ni Levi kanina.
“Sì, quindi dagli tempo. Parlerà presto,” (Yes, so give it time. He will talk soon) sagot ng lalaki.
“Sto solo cercando di conoscerlo meglio,” (I’m just trying to get to know him better) ani Vito.
“Avrai un sacco di tempo per quello più tardi. Per ora Enzo ti sta cercando.” (You’ll have plenty of time for that later. For now Enzo is looking for you.)
“Ah, sì! Dobbiamo fare qualcosa. Ho quasi dimenticato,” (Yes! We have to do something. I almost forgot) nataranta biglang ani Vito at yumuko nang kaunti para makatapat ang mukha ni Levi.
“Levi, if you want food,” akto ni Vito na kumakain saka tinuro ang katabing lalaki, “ask him, Giuseppe. Tell him, ‘cibo,’ OK?”
Hindi sumagot si Levi kaya natawa na lang si Vito sa sarili at ginulo ang buhok ng bata.
“Io andrò ora. Prenditi cura del piccolo uomo,” (I will go now. Take care of the little man) saad ni Vito kay Giuseppe pagkatayo nang maayos.
“Sì, sì, mi prenderò cura di lui. Sbrigati ora,” (Yes, yes, I will take care of him. Hurry up now) senyas ni Giuseppe kay Vito na umalis na.
“A dopo, Levi!” (See you later, Levi!) kaway ni Vito kay Levi at tumakbo na paalis.
Pagkauwi ni Vito ay sinabi sa kaniya ni Giuseppe na hindi kumain si Levi buong araw kaya dumiretso siya sa kuwarto ng bata.
“Wake up,” gising ni Vito kay Levi na nagulat naman sa kaniya. Nakalimutan nitong nasa ibang lugar na nga pala ito.
“You have to eat, Levi. Kain,” subo ni Vito ng kutsarang may pagkain sa bibig ni Levi na nagulat kaya napasok ang kutsara sa bibig nito.
“I know you used to eat rice so I specifically asked them to cook rice for you so you have to eat it,” may riing saad ni Vito at inabot na ang plato ng pagkain kay Levi.
“You know how to do it, do it yourself.”
Wala nang nagawa si Levi kung ‘di kumain. Vito patiently waited for him to finish his meal.
Pagkatapos kumain ay tumingin si Levi kay Vito at nakitang may pagkain pa sa tray na mukhang dinala nito pagkapasok sa kuwarto niya.
“These are what we usually eat,” lapag ni Vito ng tray sa harap ni Levi.
“Pasta.” Kumuha si Vito ng sakto lang para sa isang subuan at sinubo ito kay Levi.
“Good, isn’t it?” ngiti ni Vito sa bata pero hindi ito sumagot. Hindi naman na siya nagulat.
“Cold cuts,” abot naman ni Vito ng plato ng karne.
“This is my favorite, try it,” turo ni Vito sa isang klase ng karne na kinuha naman ni Levi.
“Gusto mo?” tanong ni Vito at dahan-dahang tumangu-tango si Levi bilang sagot kaya napangiti siya. He’s genuinely happy to get such a subtle response from the kid.
“Get more, help yourself,” natutuwang alok pa ni Vito ng hawak niyang plato kay Levi at kumuha nga ito.
“You like meat too, eh?” ani Vito pero hindi sumagot si Levi at nagpatuloy lang sa pagkain.
Kinabukasan ay hinintay ni Vito magising si Levi kaya nagulat ito nang makita na naman siya nito pagkamulat na pagkamulat ng mga mata nito. Sabay silang nag-agahan. Nagpaluto talaga si Vito ng iilang processed food na madalas kainin ng mga bata sa Pilipinas kagaya ng hotdogs at nuggets.
“Il bambino si sta adattando bene?” (Is the boy adjusting well?) tanong ng binatang mukhang mas matanda ng kaunti kay Vito. Kumuha ito ng agahan.
“Si, è davvero bravo,” (Yes, he’s really good) sagot naman ni Vito at ibinalik ang tingin kay Levi.
“È bello sentirlo. Sei sicuro che rimarrai qui? Con lui?” (That’s good to hear. Are you sure you will stay here? With him?)
“Sì,” (Yes) sagot ni Vito habang patuloy sa panonood kay Levi kumain.
“Voglio stare con lui. Qui,” (I want to stay with him. Here) aniya at humarap sa lalaki.
“Gli insegnerò le nostre vie.” (I will teach him OUR ways)
“Ottimo, lo lascio a te,” (Very well, I will leave him to you) sagot ng lalaki at umalis na rin dala-dala ang mga pagkaing kinuha niya.
“That one’s Enzo, you should listen to him,” ani Vito kaya sinundan ng tingin ni Levi ang lalaking tinawag sa pangalang Enzo. Makisig ito ngunit bakas sa mukha nito ang pagiging matapang, gawa rin siguro ng makapal na kilay nitong mukhang pang-suplado.
Pagkatapos kumain ay dinala ni Vito si Levi sa isang silid. Mukha itong opisina kaya naman inilibot ni Levi ang tingin sa paligid. Puro bookshelves ang nakadikit sa pader. Nababasa niya ang mga nakasulat sa pabalat ng mga libro ngunit hindi niya gaanong maintindihan ang ibig sabihin ng mga ito kahit pa iyong mga nasa Ingles.
“Now, I’m going to teach you Italiano,” ani Vito na lumabas ang Italian accent nang sabihin ang salitang ‘Italiano.’ Pinaupo niya si Levi sa sofa at umupo siya sa lamesa sa tapat nito.
“First things first,” Vito rubbed the palm of his hands together. “Of course, you have to know how to say your name first. In order to do that, you say, ‘sono Levi.’ Easy, right?”
“Say it, ‘sono... Levi,’” dahan-dahan pang wika ni Vito upang makasunod sa kaniya si Levi ngunit hindi ito kumibo. Nakatingin lang ito sa lapag.
“Levi, look at me,” kuha ni Vito sa atensyon ng bata ngunit hindi pa rin ito kumibo.
“Levi,” tawag niya ulit ngunit muli, hindi ito kumibo.
Bumuntong-hininga si Vito. “I know you understand me.”
“I know you understand English well. I got the impression that you only know Tagalog because you reacted when I spoke in Tagalog but I guess you were just surprised. I know I look nothing like a Filipino and maybe me speaking in Tagalog caught you off guard and that gave me the wrong impression. I thought you only understand Tagalog but I looked into you, Levi. I know you can understand English pretty well. It was hard to ask your father’s men about you because they don’t know a damn thing and they probably don’t give a fuck.”
Napa-angat ang tingin ni Levi kay Vito nang marinig nitong banggitin ang tatay niya.
“But through some connections, I finally got some information about you. You studied when you were still under your father’s care, if you can even call that ‘care,’ and I found out that you’re actually a smart kid.”
“Look, we want to send you to school here as well but it would be a lot easier if you know how to speak Italian. People here will not adjust to you, especially at school.”
Hindi pa rin kumibo si Levi.
“Levi, you have to listen to me. Come on,” halos pagmamakaawa na ni Vito sa bata ngunit hindi pa rin ito kumibo.
“Do you want to go back to your father?”
Agad na napa-angat ang tingin ni Levi sa lalaki nang marinig ang tanong nito.
“Do you want to go back to the Philippines?”
Hindi sumagot si Levi ngunit kitang-kita sa mga mata niyang ‘oo’ ang sagot niya.
Napahilamos sa mukha si Vito. He wants to be soft with the boy as much as he can but he has to slap some senses to him. He leaned forward to look at him face-to-face. Levi stared back at him.
“You will stay here, whether you like it or not.”
Nanatiling nakatitig si Levi kay Vito kahit pa kinilabutan siya sa sinabi ng binata at sa paraan ng pagkakasabi nito sa mga salitang binitawan sa kaniya.
“Face it, Levi. This is your home now.”
Mas lumapit si Vito sa bata. “Your father? Joaquin? He doesn’t care about you. He doesn’t even care about his legitimate son.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Levi sa narinig. Totoo ang sinabi ni Vito. Sa ilang taon pa lang niyang kilala ang ama niya ay ilang beses pa lang niya itong nakita at dalawang beses pa lang siya nitong kinausap. Una noong unang beses niya itong makilala dahil nagpakilala ito sa kaniya at pangalawa noong sinabi nitong ipakikilala siya nito kay Lucas.
Napatitig si Levi sa lapag. Naalala niya noong ipinakilala siya ng ama sa kapatid niyang si Lucas. Napag-alaman niyang kamamatay lang ng nanay ni Lucas noon at hindi niya lubos maisip kung paano nagawa ng ama niya iyon, sabihin sa anak niyang may anak siya sa ibang babae pagkamatay na pagkamatay ng nanay nito na legal niyang asawa.
Levi may be young at this point but he is not naive. Maybe he wished that his father would love him but he never really expected it to happen. He was just thankful that he looked for him, gave him food, clothes, and education.
“You may have his surname but you have our blood.”
Napa-angat ang tingin ni Levi kay Vito. Nakatitig pa rin ito sa kaniya.
“Here, we value family. Family comes first. And here, you are family, that’s why we’re here for you, Levi. We’ll always be here for you.”
Sinundan ni Levi ng tingin si Vito nang maglakad ito papunta sa desk sa loob ng silid. Kinuha nito ang isa sa mga picture frames sa ibabaw ng lamesa saka bumalik kung nasaan siya.
“Do you know why your father sent you here?” tanong ni Vito habang hawak-hawak ang picture frame.
As usual, hindi sumagot si Levi kaya naman nagpatuloy na sa sasabihin si Vito.
“He took advantage of his grandmother’s genes that were passed down to him,” ani Vito at inabot ang picture frame kay Levi na kinuha naman nito.
Napatitig si Levi sa babaeng nasa larawan. Mukhang luma na ang retratong ito pero malinaw niyang nakikita ang magandang mukha ng babae rito.
“That’s Vittoria Motisi, la nostra bisnonna,” ani Vito habang nakatingin kay Levi. Napa-angat muli ang tingin ni Levi sa kaniya dahil hindi nito naintindihan ang huli niyang sinabi kaya naman isinalin niya ito.
“Our great-grandmother.”
Kita sa mga mata ni Levi ang pagkagulat kaya naman napakunot ang noo ni Vito.
“Wait, you didn’t know?” nagtatakang tanong ni Vito. Dahan-dahang umiling si Levi at ibinalik ang tingin sa retratong hawak.
“Quel cazzo di Del Fierro,” (That fucking Del Fierro) Vito cursed under his breath.
Umupo muli si Vito sa coffee table na nasa harap ni Levi upang makatapat ang mukha nito.
“This,” turo ni Vito sa babaeng nasa retrato, “this beautiful woman is your great-grandmother. She’s Joaquin Del Fierro’s grandmother and Anton Del Fierro’s mother. She’s my great-grandfather’s twin sister. I was named after them, well, mainly after her. My great grandfather’s name was Victor, she was Vittoria, and I was named Vittorio.”
“Bisnonno Victor was very sad when Bisnonna Vittoria passed away too soon. He asked his sons to name their daughter after her but they were not so lucky with girls. Nonno Manny had three sons; mio padre, Zio Rocco, e Zio Alessio. Zio Rocco almost had a daughter but she did not live for long because Zia Sofia was sick and died eventually. Zio Alessio also tried to have a girl but wasn’t lucky enough. He had Graziano e Giaccomo. Zia Gemma didn’t want to have another child but Zio talked her into having a last one. I heard they really thought the last one was going to be a girl but that child turned out to be Giuseppe. You met him, right? Does not look so much of a girl, eh?” biro ni Vito.
“Giuseppe is only a few months older than me. When I was born, mio padre just named me after Bisnonna Vittoria. He said he did not want to hope so much for a girl because we are not that lucky to have girls. He did not want to get disappointed. So, when mio madre got pregnant, he decided he will name his first child after Bisnonna Vittoria, does not matter if it was a girl or boy so here I am now, two generations later... Vittorio Motisi.”
Hindi sumagot si Levi pero alam ni Vito na nakikinig siya rito.
“When I have a daughter one day, I will name her Vittoria,” nakangiting saad ni Vito habang nakatingin sa larawang hawak-hawak ni Levi. “And she will be as beautiful as Bisnonna Vittoria.”
Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang nakatitig si Vito kay Levi. Tumitig naman pabalik sa kaniya ang bata hanggang sa muli siyang magsalita.
“They were right,” ika ni Vito, bahagyang nakangiti habang nakatingin sa bata.
“You look just like her.”
Hindi naunawaan ni Levi ang ibig sabihin ng sinabi ni Vito pero totoo ito. The Motisis agreed to take him in because Victor Motisi said so. And he wanted to take Levi in because he looks just like his twin sister. Victor and Vittoria may be twins but they do not look the same. When Victor first saw Levi, he thought Levi looks more like his sister’s twin than him.
Victor has been the head of the Motisi family for almost a decade since his last remaining brother Stefano passed away so no, he’s not naive. Being 82 years old, he may have gone old and soft through the years but he still has his wit. He knows Joaquin Del Fierro is using his own son to get to him, to them. And he will not let him get his way. He trusts that in the end, Levi will not come back to his stronzo of a father, that he will take his place in this family and business, and that he will stay here in Sicily... where he truly belongs.
“I will let you rest for now but we have to get going tomorrow. You will have to learn a lot so you can go to school, OK?” sabi ni Vito at kukunin na sana ang picture frame mula kay Levi nang magsalita ito sa unang pagkakataon.
“Sono Leviticus.”
Nanlaki ang mga mata ni Vito. Hindi siya makapaniwalang sa wakas ay nagsalita na rin si Levi.
“Leviticus?” tanong ni Vito. Levi Del Fierro lang ang nakalagay sa mga papeles nito. Posible bang Leviticus Del Fierro talaga ang pangalan nito?
“‘Yon ang pinangalan sa akin ng nanay ko,” sambit ni Levi.
“Hindi Levi Del Fierro. Leviticus.”
“Leviticus lang.”
Vito inhaled. He thinks he’s finally getting the picture. The reason why their men weren’t able to get anything on ‘Levi Del Fierro’ is because he didn’t exist until just recently. There were no hospital records when he was born, no nursery school records, niente.
“Then we should call you Levi instead,” nakangiting saad ni Vito na ‘leh-vee’ ang pag-pronounce sa pangalan kaysa ‘leave-eye.’
Bahagyang ngumiti si Levi saka tumangu-tango.
“Short for Leviticus.”
♤♤♤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro