CHAPTER 24: Fiona Edelien Euidieir
Harmony's POV
"Are you sure this is where we can find the fairy you are looking for?" biglang tanong ni Velther. Kasalukuyan kaming nandito sa palengke at ayon sa nabasa ko, sa araw na ito ay ang fairy na iyon ang naka-toka para mamalengke.
"Yeah..."
Please lang naman, don't asked how I knew!
"Kayong tatlo r'yan! Tumigil kayo." Kapwa sabay-sabay kaming natigilan ng marinig ang sigaw na iyon at nang lumingon ay nakita namin ang mga lalaking fairy na may hawak na mga mahabang sibat. Sa tingin ko'y mga kawal ang mga ito.
Shit! Have we caught?
Nagmartya palapit sa amin ang mga ito kaya nahigit ko ang aking hininga.
Nang makalapit ay nagsalita ang isa sa kanila. "Please remove your hoods." Nagkatinginan kaming tatlo. Pare-parehas ng naiisip.
There are only three of them, so we can easily take them down, but it is impossible to do so, especially since we are surrounded by the citizens of this kingdom. Doing that will only draw their attention!
Napabuntong-hininga ako't nag-isip ng paraan ngunit saktong tumama ang mga mata ko sa isang babaeng may bilugamg mga mata at mapipilantik na pilikmata, maputi, mamula-mulang pisngi at katamtamang tangos ng ilong. Mapulang labi at may manipis na hubog ng katawan o matatawag na cute na tugma sa pagkakadescribe sa kaniya sa libro.
It's her! She is the female lead of 'Behind Her Wings,' the sixth installment of the Astaria Series - Fiona Edelien Euidieir!
She's Fiona Edelien Euidieir, isang ordinaryong fairy, namumuhay ng mapayapa sa kanyang bayan hanggang sa magkrus ang landas nila ni Huno Deiopreo na isang anak ng hari. Known for his arrogance and disregard for others, the prince demanded obedience above all else, considering his royal lineage. Fiona found herself indebted to the prince, forced to work in the palace with no other option.
As she entered the grand palace, little did she know that her lives would be forever changed. With each passing moment, the prince's icy demeanor melted, replaced by a growing affection for Fiona. Unbeknownst to her, a friend harbored secret feelings for the prince, will lead to betrayal.
When Kana, the friend, discovered the truth about the prince's feelings for Fiona, she plotted to sabotage any chance of a happy ending.
In the end, Huno rescue Fiona; he sacrificed his life for the one he loved. The sword that was meant to strike Fiona ended up piercing Huno instead. And that's it, end of the story.
Hanging, right? Yes, it is. That's why the feedback RC Astralia received from me was negative. As in, bitin na bitin, bukod pa ro'n ni hindi sinabi kung ano na ang nangyari kay Fiona. Kung namatay rin ba siya o namuhay na miserable. Wala, walang-wala. I waited for several months, hoping for a sequel, only to be disappointed when she moved on to the next series.
Just what the fuck, RC Astralia?! Ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong nabibitin!
Napa-iling-iling na lang ako at napalunok. Hindi ko gustong gawin ito pero...
"Pinsan ko! Tulong!" sigaw ko pero mukhang hindi niya alam na siya ang tinatawag ko kaya napabuntong-hininga ako at muling sumigaw. "Fiona Edelien Euidieir!" sa sobrang lakas ng sigaw ko ay napatingin ang lahat sa akin, maging siya.
Even though there was confusion on her face, she slowly approached us. The three knights looked at her.
"Kilala mo ba ang mga ito?" Fiona's smiled.
"Ye-Este, Oo. Kilala ko nga ang mga yan." She jokingly patted the arm of the knight in front, while the two other knights behind him looked at her.
"Ako ba ay iyong tipo?" Pansin ko kung paano nalaglag ang panga ni Fiona nang tumingin sa kawal na tinapik niya.
"Tipo? Sino bang binibini ang hindi mahuhumaling sa sa 'yo? Sa iyong g'wapong mukha, malaking pangangatawan at nakakabilib na katungkulan, bulag lamang ang papato-ay este, ang hindi mapapa-ibig sa 'yo." Lihim akong napangiwi nang marinig iyon mula kay Fiona.
Is this really Fiona? I don't remember her personality being like this.
Napatingin siya sa akin kaya binawi ko ang tingin sa kaniya't sa royal knights na lang ito binaling.
Halos mapangiwi naman ako nang makitang mamula ng husto ang pisngi ng kawal. "Kung gano'n ay hahayaan ko na silang magpagala-gala rito dahil kasama mo naman sila." Saglit kami nitong pinasadahan ng tingin saka muling ibinalik kay Fiona, bahagya pang pumipikit-pikit ang mga mata nito.
Ew! This is the scene I hate to witness most in my entire life!
Dahil hindi ko na makayanan ang nakikita ay tumikhim ako kaya natigilan ito, napatingin naman sa akin si Fiona. "Ginoo, kung iyong mamarapatin maari mo na ba kaming iwan ng aking pinsan? Kay tagal na kasi ng huli kaming nagkita at nasasabik na akong makausap siyang muli." I adjusted my hood slightly and flashed him my sweet smile.
I noticed that he gaped, nodded, and then turned his attention to Fiona.
"Kung ikaw naman ay walang gagawin mamaya binibini maari mo akong dalawin doon." May tinuro ito sa kung saan. "Pasenya na, kailangan na namin umalis."
"Masakit man ngunit kailangan kong sambitin ang katangang ito ginoo, paalam." Tugon naman ni Fiona.
When the royal knights turned their backs, Fiona immediately rolled her eyes at them, but she stopped when they turned to her again. Nang tuluyan ng umalis ang tatlong kawal ay agad kaming hinarap ni Fiona.
"Is that really you, Fiona?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.
Parang nag-uumapaw ang saya sa puso ko dahil naka-encounter na naman ako ng main character sa Astaria Series!
Tumikhim ako at kinalma ang sarili dahil lumalabas ang pagiging fan ko. Pagtingin ko kay Fiona ay kunot na kunot ang noo nito at bakas sa mukha ang pagtataka marahil sa existence namin.
"Who are you?"
Nangunot ang noo ko at hindi inaasahang marinig siyang magsalita ng english.
And I cannot be wrong because I know that in this timeline, Fiona does not know how to speak English yet. She only learned because of her male lead, but it was too early for that. Isa pa sa rules ng kahariang ito na bawal magsalita ng ingles kapag hindi noble, kaya paano? Paanong marunong siya?
"Ano pala, ano kasi-"
"Paanong marunong kang mag-ingles?" pinutol ko ang dapat sana'y sasabihin niya dahil sobrang nagtataka na ako kung paanong may kakayahan siyang gumamit ng lengwaheng iyon.
Napansin kong bahagya siyang nataranta. "Nagtratrabaho kasi ako sa palasyo at minsan naririnig ko ang salitang iyon." Tumaas ang kilay ko.
In fact, her response is believable, but there is a part of me that senses there may be something more. But in the end, I simply nodded at her explanation, yet I couldn't shake the feeling of unease. I am unable to pinpoint exactly what it is.
I glanced at my two companions and noticed that Fiona was looking at them. I also realized that Fiona seemed scared, so I shook my head. "Umayos nga kayong dalawa," bulong ko kay Velther at Kaitlin. Umiwas naman ng tingin si Velther habang si Kaitlin ay tumikhim.
"Um...Are we-hindi ba tayo aalis dito?" ika ni Kaitlin habang lumilinga-linga dahil mas dumadami na ang tao.
Oo nga 'no? Kanina pa kaya kami nakatayo rito at isa pa, hindi safe kung dito namin pag-uusapan ang pakay namin kay Fiona.
"So, Fiona. Can we talk somewhere safe?" mahina ko lang na sinabi iyon enough para siya lang at ang mga kasama ko ang makarinig dahil mahirap na kung may makarinig sa 'king nagsasalita ng ingles.
Tumango siya at senenyasan kaming sumunod sa kaniya.
"Kanina pa tayo nag-uusap pero hanggang ngayon hindi ko pa rin kayo kilala." Fiona immediately asked when we arrived at the place filled with plants, and the four of us sat on the wooden chairs designed like small boats.
Napatakip ako ng labi dahil nakalimutan kong magpakilala. "Oh, my bad!" before I said my name, I looked at Velther because I thought he was going to stop me from saying my name again, but he didn't react.
He can't do anything, even if he stops me, can he?
"Okay, I'll introduce myself. My name is Harmony Azmin La Evalor." Pagpapakilala ko habang inaalis ang hood sa ulo at nang tuluyang maalis ito ay nakangiti kong sinalubong ang mga mata niya. I also noticed the surprise on her face, so I scratched my head.
"Isa kang La Evalor?!" gulat niyang tanong.
Tumango naman ako at napangiti dahil sa kaniyang reaction. Napakamot pa ako sa 'king ulo dahil sa pagtitig niya sa mukha ko na tila ba pinag-aaralan ito. Mabuti na lamang ay nalipat sa dalawang kasama ko ang kaniyang atensyon.
"I'm-" natigilan siya at mukhang may na-realize, "Ano relasyon mo sa emperor?" halos mailang naman ako sa paraan ng tingin na binibigay sa 'kin ni Fiona kaya pasimpleng ngumingiti na lamang ako sa kaniya.
One of my weaknesses deep inside me is that someone will look at me with admiration! Darn, I'm not used to this!
"I am not proud to say this, but I am the first child of the Emperor and the late Empress." Tugon ko sa kaniya at nakita ko namang mamilog ang kaniyang mga mata't labi dahil sa gulat.
Malapad siyang ngumiti. "Paano mo ako nakilala?" nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong na 'yon. "May kailangan ka ba sa 'kin?" dagdag niya pa.
I know that such a question cannot be avoided because it is very surprising if someone with a high status in this Empire would approach an ordinary fairy, but for me, Fiona is not just ordinary.
She is a female lead for freaking shit!
Well, of course I'm the only one aware of that.
Bago magsalita ay humugot ako ng malalim na hininga't mahina itong pinakawalan. "I won't beat around the bush any longer; we need your help," saglit akong sumulyap kay Velther at Kaitlin na nakatingin sa 'kin. "And how do I know your existence? The truth is...I possess the ability to perceive people in my dreams who can...help me." Pasimple kong kinagat ang pang-ibabang labi lalo na nang makitang bumakas sa kaninang blankong mukha ni Velther at Kaitlin ang labis na gulat at pagtataka dahil sa sinabi ko.
Please! Kayong dalawa! Sumakay kayo!
"Did I hear correctly? You have the ability to find people who can help us in locating the magic stone?" hindi makapaniwalang tanong ni Velther. Napahimas pa siya sa kaniyang baba.
Um, is such an ability surprising?
"That's strange. I've never heard of such an ability in my life." Komento naman ni Kaitlin kaya lalo akong napangiwi.
It's seems weirder than I thought, I guess?
"But why didn't I know this? How come you're only telling us this now, Your Highness?" dagdag pa niya.
Mahina akong tumawa saka tumikhim. "You didn't ask, did you?" patay malisyang tanong ko pero ang totoo nakakaramdam din ako ng kaunting kaba dahil kasinungalingan lang naman ang mga sinabi ko at wala talaga akong kakayahang gawin 'yon.
But that's the only way I could think of, so they wouldn't be confused about why I know the main characters of each installment of the Astaria Series.
"That's right, but Your Highness, how did you have such an ability when you are only human?" napapikit ako sa sunod pang tanong na iyon ni Kaitlin.
Urgh, stop! Kailan ka ba titigil sa kakatanong? Hanggang sa maubusan na ako ng irarason?
I shrugged. "Perhaps a gift from the Goddess?" tumangu-tango na lang siya at hindi na nagtanong pa kaya nakahinga ako ng maluwag 'tsaka hinarap si Fiona. "So, Fiona. Nasagot ko na ba ang katanungan mo?"
Huminga siya ng malalim. "Anong klasing tulong ang kailangan mo?" medyo nagulat ako dahil agad-agad ay willing siyang tumulong, na para bang hindi siya nag-aalinlangan. Sa katunayan nga'y napakagaan ng loob ko sa kaniya.
Ngumiti ako. "There is something we need to get from the palace, but we are uncertain about its exact location. Tomorrow, if I am not mistaken, there will be a banquet for the guests of the Royal family, right? We would appreciate your assistance if you help us enter the palace by posing as a temporary maid required for the banquet. Matutulungan mo ba kami?" salitan niya kaming tiningnan ni Kaitlin at matapos n'on ay tumutok ang mga mata niya kay Velther na para bang sinasabi niyang mukhang wala siyang magagawa para kay Velther.
Agad akong umiling-iling. "Um, no. Tanging kaming dalawa lang ni Kaitlin ang mag-a-apply bilang katulong." Dagdag ko.
Well, hindi naman kasi talaga pwede ang lalaki. Why did I think applying as a maid? It's because tomorrow morning, there will be a problem with the maids. There will be a shortage of maids because almost all of them will suddenly have an upset stomach-according to the book, of course. And that's where Kaitlin and I will come in.
"Madali lang 'yan, but first we have to do something," tumutok ang paningin namin sa kaniya at inaabangan ang sasabihin niya, "we need to put a wing on you." Umawang ang labi ko at napaisip.
While I was thinking of a way to be like the fairies, Kaitlin suddenly spoke. "The glasses I gave you, Your Highness." Nanlaki ang mga mata ko at magkakasunod na tumango pero kumunot naman ang noo ko sa huli.
"But will that work? Can a single eyeglass fool fairies' vision?" nag-aalangan kong tanong sa kaniya pero tumango lang siya ng walang pag-aalinlangan kaya nakahinga ako ng maluwag. "But how about you? Do you also have glasses?"
"Don't worry about me, Your Highness. I can handle myself."
Bumaling ako nang tingin kay Velther. "Ikaw naman-"
"I'll just be on the lookout and expect me to come out when needed." I couldn't help but wince because of the tone of his voice, which made me think he was in the armed forces.
I cleared my throat, then turned to Fiona. "So...settled na?" ngumiti siya.
"Oo," tumango siya habang hindi inaalis ang ngiti sa labi "Bukas ko kayo tutulungan na mamasukang katulong sa palasyo."
After thanking her, we bade her goodbye and leave the place.
✧˖*°࿐✧˖*°࿐✧˖*°࿐✧˖*°࿐✧˖*°࿐✧˖*°࿐✧˖*°࿐✧˖*°࿐
Author's Name:
Hello, my dear Warriors!
How are you? Hope you're doing well.
Anyway, this chapter and the next two chapters, I suppose, are about Harmony's crossover with one of the female leads of the Metempsychosis Collaboration Series, Fiona. There are many exciting scenes, so I hope you enjoy them. Thank you!
Love lots (っ.❛ ᴗ ❛.)っ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro