
xxxv . Own
"Dapat ay pakulong yon!"
Halos mabingi kami sa lakas ng boses ni Kuya Third. Galit na galit sila nila Kuya Brian nung makita ang pasa sa braso ko.
"I want to see your back"
Napalingon kami kay Kuya Brian na kanina pa tahimik.
"Wait.. Paano niyo nalaman yung sa likod ko?"
Hindi ko naman sinabi sakanila yon.
"Francis told me" napanganga ako. Kung sabihin ni Kuya Third yun ay parang napaka normal nun.
"Medyo masakit pa eh" pagdadahilan ko para hindi na nila hilingin makita pa.
"I'll help you" sabi ni Alina.
Tumalikod ako at tinaas ni Alina ang sa likod ko. Narinig ko ang pagsinghap nila.
"Daddy.. What is that green thing in tita's back?" Narinig kong tanong ni Josephine kay Travis.
Atleast green nalang ito. Last time ay purple pa.
"Tita got into an accident and she got that. Labas muna kayo ni Joseph, punta kayo sa garden." paliwanag naman ni Travis.
Lumabas muna ang mga bata papunta sa garden.
Lumapit si Kuya Brian at nakita ko ang madilim niyang ekspresyon.
"We can file a case Camille" narinig kong suhestyon ni Alina pero umiling ako.
"May sakit siya.. I understand"
Narinig kong nagmura ng mahina si Kuya Brian at tumalikod. I don't want to make this big. Pagod na pagod na ako sa problemang 'to. Ayokong lumaki pa ito.
"Fuck! What is that? Kababalik mo palang may bugbog ka na?"
Nakita kong pumasok ng bahay si Kuya Chand at Bea.
Lumapit si Kuya Third sakanya at mukhang kinwento niya ang kung ano mang sinabi ni Francis.
"Naisip mo ba Camille, if Francis is not there baka ngayon ay nasa hospital kana! We need to do something para hindi ka na niya malapitan" napatingin ulit ako kay Kuya Brian.
Binaba ko na yung damit ko at umupo ng maayos.
"Ayoko na ng gulo." Mahina kong sabi pero sapat para marinig nila. Napabuntong hininga si Kuya Brian.
"Camille. Tell us kung ginugulo ka pa nung babaeng yun" nag aalalang wika ni Kuya Chand.
Tumango ako.
"Yup"
Umupo si Kuya Brian at pinakatitigan ako. Gusto ko mang yumuko ay hindi ko magawa.
"Tita Ailee's attitude got into you. My mom told me that Tita Ailee is such a giver before" napangiti naman ako doon. Naalala ko na kwinento na ni Caly sakin ang lovestory ni dad and mom.
"Okay. I need to go. Later eve, let's have a sleepover sa bahay" sabi ni Kuya Brian at tumayo na.
"I can smell Mia Aragon" nakangising sabi ni Alina. Natawa kami dahil biglang sumeryoso ang mukha ni Kuya Brian.
"Oops! Galit pala siya sayo! Makakita ba naman ng naked woman sa condo mo." Nakangising sabi ni Bea.
Napaawang ang labi ko.
"Ilang beses ko ba sasabihin sainyo na hindi ko alam ang tungkol don! You know girls throw theirselves to me. Even third and chand experienced this. Magaling lang talaga kayo mangbakod kaya walang babae." Natawa kami. Parang batang nagdadabog si Kuya Brian.
Kung sa iba ay baka galit na siya pero pag samin ay hindi naman. Tumayo ako at humarap sakanya.
"Kuya.. I think you need to give your whole best para masuyo siya. I know how it feels. Sakin nga halik lang pero halos ikamatay ko na. Paano pa kaya ang hubad na babae? Hindi trust ang pinaguusapan dito.. pusong nasasaktan na." Natigilan siya sa sinabi ko. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.
"Thanks for waking me" tumakbo na siya at lumabas. Sinundan nalang namin siya ng tingin.
"So kailan balik ni Caly?" Tanong ni Kuya Chand.
"Next week" sagot ko.
"Okay.. Guys magkita kita nalang tayo sa sleepover mamaya" ani Kuya Third.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Pati kay Alina ay ginawa niya iyon.
"Bro.." Mahinang bulong ni Travis.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Kuya Third.
"Damn Travis. She is my sister" umiling iling nalang si Kuya Third at lumabas na ng bahay namin.
Napahalakhak kami dahil doon.
"Sasabay na ako kay Kuya Third" nagulat ako sa sinabi ni Bea.
Umiwas ng tingin si Kuya Chand.
"What? Paano si Kuya Chand?" hindi ko mapigilan na magtanong nasakanya.
It's just that ang tagal na nila tapos magkakatampuhan pa.
"Napano siya? He doesn't even care about me. Baka hindi ako makasama sa sleepover mamaya." Tumayo na siya at naglakad palabas.
Napatingin ako kay Kuya Chand.
"Kuya.." Mahina kong tawag sakanya.
"It's my fault. I'm not gonna defend myself." Bumuntong hininga si Kuya Chand at lumabas na.
"Sige Camille.. Alis na kami. Kita nalang tayo mamaya sa sleepover" tumango ako at hinatid sila sa labas.
"Sabihin mo nalang kay Tita ah" ani Alina.
"Bye tita!" Pagpapaalam ni Josephine habang tahimik lang na nagtaas ng kamay si Joseph at winave niya ang kamay niya habang nakabukas ang bintana.
"Bye" sabi ko at nag wave din.
Umalis na sila kaya tumalikod na ako. Nakita kong pababa si mommy ng stairs.
"Anak. Kikitain ko ang mga tita mo." Sabi ni mommy habang inaayos ang heels niya.
"It's okay mom. By the way, may sleep over daw po sa bahay nila Kuya Brian mamaya"
"Sige, pahatid ka nalang kay Mang Delfie at pasundo ka nalang." Tumango ako at hinalikan si mommy sa pisngi.
Yinakap ko siya ng mahigpit.
"I love you mommy" Natawa siya at yinakap din ako.
"I love you too anak" gusto kong dumaing dahil masakit parin ang likod ko pero pinigilan ko.
"Ingat mommy" tumango siya at lumabas na. Napagdesisyunan kong pagdala nalang ng pagkain si Francis.
Lumabas ako at nagpahatid nalang ka Mang Delfie para hindi na ako magdrive.
Bumili ako ng steak, carbonara at pizza. Dumeretso ako sa opisina ni Francis. Nakangiti sakin ang mga tao at mukhang masayang masaya na sila sa pagbabalik ko.
"Mam! You're back! Buti naman po!" Natawa lang ako sa sinabi nila.
"Good mood ba siya?"
"Ewan mam. Wala po siyang ekspresyon nung dumaan dito kanina. Para sa amin ay goodmood na siya, kesa naman po nakakunot ang noo niya" napangiti ako.
Ganyan talaga si Francis. Ang Francis ko.
"Sige puntahan ko na ah" sabi ko at dumeretso na sa opisina niya.
"Abby!" Masaya akong tumakbo at yinakap siya.
"Totoo nga! You're here! Kaya pala ay ayaw nanaman kumain ni Sir!" Natawa ako. Tinuro ko ang pinto at tumango naman siya.
Pumasok ako sa office niya at nakita ko siyang nag lalaptop.
"Hey husband" napatingala siya at nakita kong sumilay ang ngiti sakanyang labi.
"Wife.. I was waiting for you" tumayo siya at lumapit sa akin. Tinaas ko ang dala ko.
"Lunch?" Tumango siya at yinakap ako.
"Mukhang namiss ako ng husband ko" natatawa kong sabi.
Naamoy ko sya.. Ito nanaman ang nakakalunod niyang pabango. Hindi ata ako magsasawang amuyin siya.
"Yes wife. So much" natawa ako.
Lumayo ako sakanya at naglakad na papunta sa sofa. Linapag ko sa lamesa ang pagkain at umupo sa sofa doon.
Namiss ko to.. lahat ng ito.
Tumabi siya sa akin habang ako ay binubuksan ang pagkain at kumain na kaming dalawa.
"Hay nako. Parang bata" natatawang sabi ko. Paano ba naman yung sauce ay lumampas haggag sa pisngi niya.
Franics Salazar, a respected business man, eats like a baby.
"Do you have plans for tonight?" Tanong niya sa akin kaya natigil ako sa pagiisip.
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang pisngi niya.
"Uhm. I do, may sleepover sa bahay ni Kuya Brian" nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.
"Asus! Sainyo naman ako natulog kagabi ah" nakita kong paubos na niya ang carbonara.
Paborito niya talaga ito. Ako naman pizza ang malapit ko ng maubos.
"Don't worry I'll do something about that."
Ano? Saan? Sasagot sana ako.
"So what are your plans? Ngayong nakabalik ka na ng Pilipinas?" Seryosong tanong niya kaya hindi na ako nakasagot.
"I'll go back to work." Sabi ko.
Yun naman talaga ang balak ko.
"Why? I can provide everything for you. You don't need to work" napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"No. Ayokong umaasa sa iba"
Ayoko.. At hilig ko rin ito.
"Fine fine.. I'm just saying"
Ngumiti nalang ako. Umayos ako ng upo dahil nangangawit na ang likod ko.
"Does it still hurts?" Ngumiti lang ako ng marahan. Alam kong sisisihin niya ang sarili niya.
"I need to go husband. Pupunta pa ako sa MPC. I need to see kung pwede pa yung position ko dati" ngumiti ito atsaka tumayo.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas.
"Kaya ko naman mag isa eh" Nahihiyang wika ko.
Ngumisi siya sa akin kaya napangiti din ako. Minsan ang daldal niya.. minsan naman ang tahimik.
"I like being with you" natawa naman ako.
"Me too" sabi ko sakanya.
Hinatid niya ako sa papunta sa sasakyan kung saan naghihintay si Mang Delfie.
"See you wife"
Yinakap ko siya dahil parang wala pa man namimiss ko na siya.
"See you husband" malungkot kong wika at hinalikan siya sa pisngi.
Tumalikod na ako at sumakay sa kotse.
"How was your day?" napangiti ako nung makita si mommy na papasok ng bahay.
I was waiting for Kuya Brian's text kung pupunta na ba ako o hindi pa.
"It's fine mom.. I got my job back" tumayo ako para lapitan si mommy nung may nag doorbell.
Binuksan ni mommy ang gate at lumabas kaming dalawa.
"Ysa?" napatingin ako kay mommy at dun sa babae.
Magkakilala sila?
"Ailee? You're the mother of Camille?" she knows me?
But I don't know her.
"Yes. What are you doing here?" tanong ni mommy.
Bumaling naman sa akin yung babae. Ang ikinagulat ko ay ang lumuhod siya sa harapan namin.
"WHAT ARE YOU DOING?" halatang nagulat din si mommy.
Hinawakan ni mommy ang kamay ko. Napaawang ang labi ko at litong lito akong tumingin sakanilang dalawa.
"My daughter, Elaine.. loves Francis so much. She is neglecting everybody right now. She doesn't want to drink her meds. Please.. its hard for a mother to see her daughter like that. Please pagbigyan mo na siya.. pahiramin mo naman si Francis please"
Para akong ibinalik sa kinaroroonan ko two years ago. Naramdaman ko nalang na nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko alam ang isasagot ko. This is too much.
Bawal ba akong maging masaya?
"Ysa! I won't allow you to ask my daughter like this! Ginawa mo na ito dati sa akin and I won't allow it.. Hindi ako makakapayag na maranasan ng anak ko ang ginawa mo dati sakin"
Napatingin ako kay mommy at hinarap niya ako. Hinawakan niya yung pisngi ko.
"Don't do this to Francis. He loves you so much and besides.. hindi bagay si Francis na pinapahiram." napapikit ako.
Hindi ko na alam. Alam ko na tama si mommy. Francis is not a thing that you can just borrow.
But..
"Ailee please.. Nasayo nanaman si James diba. Pagbigyan mo naman ang anak ko. Ikamamatay niya."
Napatakip ako ng bibig. Gusto kong humikbi.
Is it wrong to be happy?
"Paano ang anak ko?! My daughter loves Francis!"
Ang sakit sakit na. Bakit tuwing nagiging masaya na ako tsaka nangyayari ito?
Pero mas nasasaktan ako ngayon dahil nasasaktan din si mommy. I hate to see her like this.
"But she is strong.. my daughter isn't" nagring bigla ang phone ko at nakita kong tumatawag si Francis.
Napapikit ako.. anong gagawin ko?
I did the most stupid stunt I could think of. I run inside our garage and entered my car. Nag drive ako palabas ng bahay namin. Nakita ko si mommy na nagulat pero hindi niya ako pinigilan. Nag drive ako ng mabilis.
I need to get out. Nagiging masaya palang ako ulit tapos ganito? Ang sakit sakit ng puso ko. I saw Francis calling me again. Tapos ay namatay iyon.. tumatawag naman ngayon si Kuya Third.
"K-kuya?" sagot ko sa tawag. Narinig kong magkakasama na sila dahil naririnig ko ang boses nila sa kabilang linya.
"Tell her that Tita Ailee's worried and Francis is looking for her. The lion is awake!" narinig kong sabi ni Kuya Chand sa kabilang linya.
"Kuya.. please let me be first. I need to think" mahina kong sagot atsaka pinatay ang tawag.
Mabilis ko ring inalis ang battery sa phone ko.
I just drove and drove.
Nakarating ako sa dulo ng syudad kung saan puro puno nalang. I parked my car at the side of the road.
Napatingala ako. Mukhang uulan pa ata and I was right. Dahan dahan pumatak ang ulan. Nakikisabay sa sakit na nararamdaman ko.
I understand her mother. Masakit naman talaga makita ang anak mo na nagdurusa pero kailangan ba.. ako naman ang magdusa?
Napalingon ako at kinabahan nung marinig ko ang pagkatok sa pintuan ko. Napaawang ang labi ko nung makita ko ang basang basa na si Francis. Mabilis ko itong binuksan at lumabas ako ng sasakyan.
Unti unti ay nabasa na rin ako ng ulan. Kasabay nun ang pagtulo ulit ng luha sa mga mata ko.
Habang nakikita ko siya ngayon.. sumisikip din ang dibdib ko. Mahal na mahal ko siya. Mataman lang siyang nakatingin sakin.
"I heard what happened from your mom" seryoso niyang sabi sakin.
Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sakanya, nakita ko nahihirapan din siya. Unti unti siyang lumapit sa akin.
"Tell me you're not giving me up" napapikit ako nung marinig ko yun mula sakanya.
I don't want to.. I don't want to but..
"I won't allow you to give me up. Wag mo akong ibigay please. Can't you just own me? Para sa akin pag aari mo na ako" napahikbi na ako sa sinasabi niya.
Naramdaman kong pumulupot ang kamay niya sa bewang ko. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.
Can't we just stay like this?
"You're always doing this. Running away from me when we have problems. Nakakatakot na kayang kaya mo akong iwanan. Please stop running" napapikit ako at dinama nalang ang pagmamahal niya sa akin.
"I won't allow anybody to manipulate us. I love you and I'm sure you love me too so who are they to stop us? Kahit pa ibigay mo ako sakanila. My heart won't stop loving you. Hinding hindi ko siya matututunan mahalin. You own my heart wife. You own it" natapango ako.
Napakagat ako sa labi ko.
"Francis.. I love you so much." yun nalang ang alam kong sabihin sakanya.
I just want him to know how much I love him.
Humiwalay siya sa akin tapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Hinaplos niya iyon. Tinitigan ko siya sa mata.. nakakalunod ang tingin niya.
"I own you right?" napangiti siya sa sinabi ko.
Minsan lang ako maging selfish.. pwede bang sakanya ako maging selfish.
Ngayon lang ang nagkaroon ng gustong gusto sa buhay ko.. and it's him.
"Yes wife. I love this.. you're finally owning me." unti unting bumaba ang mukha niya at unti unti ring pumikit ang mga mata ko.
I felt his lips on my lips.. he is asking for entrance and I willingly opened my mouth. His tongue entered my mouth and I felt him invading my whole being.
Electric currents are flowing in my whole body.
Ipinulupot ko ang kamay ko sa batok niya. Idinikit ko ang katawan ko sakanya. Kahit na basang basa kami ay nararamdaman ko ang init. I want to feel him.. I want to feel that we own each other.
I love him so much. I love Francis Salazar.
Itinaas niya ako kaya pinulupot ko ang legs ko sa bewang niya. Lalo akong napakapit sakanya. This man is the master of kisses. Napapaungol ako sa bawat halik niya. Para bang gusto niyang pawiin bawat sakit na nararamdaman ko.
Isinandal niya ako sa kotse ko at bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napatingala ako dahil doon.
I felt him biting the skin on my neck at napaungol ako dahil doon. Tumigil siya at tinignan ako. Napatingin din ako sakanya. Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko para hindi ako mahulog.
I can feel his manhood down there.. Napakagat siya sa ilalim ng labi niya. I can see desire in his eyes.
Marahan niya ulit akong hinalikan pero mabilis lang iyon.
"I love you isn't enough to describe how I feel towards you." sabi ko sakanya.
Ngumiti siya sa akin at yinakap niya ako. Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya.. I can smell his manly scent.
"I am not letting anybody seperate us. They must kill me first" naramdaman kong lumundag nanaman ang puso ko.
I felt him giving me light kisses on my neck again at hinayaan ko lang siya.
I just want him to kiss me.. I only want us together.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro