
xxxiii . For a lifetime
Hinila niya ang kamay ko at nilabas niya ako sa elevator. Pinanuod ko lang siyang bumuntong hininga bago pumasok ulit.
"You'll go down again? Akala ko parehas tayo ng pupuntahan." Hindi ko mapigilan na sabihin.
Ngumisi siya at pinasok ang isang kamay niya sa bulsa niya.
"I lied.. Wala akong gagawin dito. Tapos na ang meeting. May gagawin pa ako sa baba. I'll fetch you later, hahanapin kita kahit nasaan ka. So don't make plans for the evening." pinindot na niya ang ground floor bago pa ako makasagot.
Nakatitig pa rin ako sa kanya habang nagsasara ang elevator. Nakita kong ngumiti siya.
Napangiti din ako.
Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko at doon, napawi ang ngiti ko. Tama ba tong ginagawa ko? Umalis ako para makalimutan siya pero ito pa rin ako, walang pagbabago.
"Camille?" napalingon ako at nakita ko si daddy.
Madali ko siyang linapitan at yinakap. Napapikit ako.
"Dad, I'm confused" napakagat ako sa labi ko.
Mahal na mahal ko si Francis, pakiramdam ko pag pinakawalan ko pa siya pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin kanina ay siguradong pagsisihan ko na.
"Follow your heart. We are always here for you" Banayad niyang wika.
Napangiti ako at nag angat ng tingin. Tinignan ko si daddy sa mata at nakita kong nakangiti siya sa akin.
"If this is about Francis, tandaan mo na kahit anong gawin mo.. mahal ka ni Francis. Pinatunayan niya iyon sa akin noong mga panahong wala ka. Ask Third himself, they're like brothers right now." Aniya.
Kuya Third? So tinupad nga niya ang pangako niya na kukunin niya ang loob ng pamilya ko.
"Is it okay to be selfish?"
Tumango si dad sa tanong ko pero ako ay napaiwas lang ng tingin. This is great for my comeback! Unexpected!
"Sometimes.. yes."
Napangiti ako. Inilagay ko ang kamay ko sa braso ni dad at naglakad na kami pabalik sa kotse.
Masaya kaming kumain nila mommy. I told them everything that happened simula nung huling punta nila sa L.A.
Sinabi ko sakanila na patuloy pa rin ang pagsusulat ko at babalik na rin ako sa dating kompanya na pinagtatrabauhan ko.
Umuwi din kami agad ni mommy at nakatulog na ako sa kwarto ko. Nagising ako nung malapit na mag seven pm. Napatingin ako sa cellphone ko at may message don.
'Seven o'clock pm. I'll fetch you. I love you'
Napaawang ang labi ko. Si Francis! Tumayo agad ako at tumingin sa salamin. Oh my gosh! Inayos ko ng konti ang buhok ko at lumabas ako. Ito parin yung suot ko kanina.
Nakakahiya!
Bumaba ako at nakita ko si mommy na nasa sala at nag se-sketch ng bagong designs.
"Mommy! Aalis lang po ako." Pamamaalam ko.
Nakita kong sumilay ang ngiti sakanyang labi. Wait.. something is wrong.
"I know.. Francis texted me. Itext mo nalang ako kung hindi ka uuwi ah. Ingat ka anak"
Napanganga ako. Literal na bumuka ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala. Ano bang nangyari sa loob ng dalawang taon na wala ako? Atsaka bakit hindi ako uuwi?
"Mom! Uuwi ako" giit ko.
Tumango tango lang siya. "Hindi ka.. I bet a million"
Parang siguradong sigurado siya at a-angal sana ako pero narinig kong may bumusina kaya tumakbo na ako palabas. Bago ko buksan ang gate ay huminga muna ako.
Calm down.. calm down.
Binuksan ko ito at nakita ko ang naka white t-shirt at khaki shorts na Francis. Lumapit ako sakanya at saka napansin kong nakangiti siya sa akin. Nagulat ako nung yakapin niya ako ng walang pag aalinlangan.
"I missed you" Malambing niyang bulong.
Hindi ko naman mapigilan na matawa. Dahan dahan kong ginantihan ang yakap niya.. pwede naman diba? Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.
"Kanina palang tayo magkasama"
Napalunok ako nung maramdaman kong hinigpitan niya pa ang yakap sa akin. Yumuko siya at hinalikan ang leeg ko. Napasinghap ako..
"Two years ang babawiin natin.. two years Camille kaya humanda ka"
Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sinabi niya. Kumalas ako sakanya at sumakay na sa sasakyan niya. Sumakay na rin siya at umalis na kami.
"Bili lang tayo saglit ng pagkain" ipinark niya ang kotse sa harap ng Mcdo?
Napataas ang kilay ko.
"Buti sa Mcdo ka bumibili?"
Sa yaman ba naman ng lalaking ito. Malapit na sa milagro 'tong ginagawa niya.
Ngumisi naman siya at lumabas. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagkababa ko ay hinawakan niya ang kamay ko. Isinara niya ang pintuan pagkatapos.
"Mas maraming tao, mas maganda, mas maraming makakita satin. I want us to be in public." Nakangiti niyang saad.
Tumaas ang isang kilay ko. Anong trip ng lalaking to? Ngumiti nalang ako at pinagsiklop ang mga daliri namin.
Hinila ko na siya sa loob. Lahat ng mga tao ay napapalingon sakanya habang naglalakad kami. Ang gwapo ba naman kasi. Pero ang kinatuwa ko ay sa akin lang siya nakatingin kaya umiiwas ako ng tingin sakanya.
Nung magoorder na kami ay napansin kong naka nganga yung cashier girl sakanya. Tinaasan ko naman ito ng kilay. Hindi ako napapansin eh! Aba! Eh kung titigan nalang niya kaya si Francis.
Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Francis at nakita kong nagulat siya. Humalukipkip ako at napatingin siya dun sa Cashier girl at napangisi. Ngisi ngisi ka pa diyan! Yan tuloy halos malaglag ang panga nung cashier.
"Miss.. don't look at me like that. My wife is getting jealous and I don't want her jealous." Pigil tawang wika niya.
Napalingon ako sakanya at pinanlakihan siya ng mata. How can he say that! Urg! I hate it! I hate the fact that I like what he said! I'm crazy.
"Uh.. sige po sir" namula yung mukha nung babae.
Tinuloy na ni Francis ang pagoorder. Nung makuha na niya ang tinake out namin ay inunahan ko siya sa paglakad. Pumasok ako ng mabilis sa kotse at binagsak ito. Nakita ko namang tawa siya ng tawa pagpasok.
"Anong nakakatawa?" mataray kong tanong sakanya.
Linagay niya sa compartment yung pagkain at lumingon sa akin. Kita ko ang pagkagat niya sa labi niya at bahagya siyang lumapit pa lalo sa akin kaya umiwas ako.
"I like it.. you're jealous" sinamaan ko siya ng tingin.
"You like it? Sige.. hindi kita papansinin, tignan ko lang kung mag I like it ka pa diyan" nakita kong nagbago ang aura sa mukha niya.
"What? No.. I'm sorry. Are you mad? I just really like it because.. I know now that you really care for me" napalunok ako at binalingan ko siya ulit.
Bumuntong hininga ako at kinurot ang tungki ng ilong niya.
"Tss. I'm not mad. Go drive" sabi ko at ngumiti siya.
Pinaandar niya na ang kotse at dinala niya ako sa condo niya. Nakita ko ang gulat sa mukha nung guard nang makita ako.
"Mam Camille" napangiti siya nung makita ako pero napawi iyon nung makita si Francis kaya napalingon ako kay Francis.
Nakita ko ang sama ng tingin niya doon sa guard. Pinisil ko ang kamay niya pero hindi nagbago ang ekspresyon niya.
"Walang dumalaw sakin? Si mommy?" tanong niya.
Mukhang nagdalawang isip pa yung guard kung sasabihin niya ba yung sasabihin niya dapat.
"Nandyan po sa harap ng condo niyo si Mam Elaine" Balita niya.
Tumango lang si Francis at hinila na ako, pumasok kami ng elevator at tinungo ang floor ng condo niya. Nang narealize ko yung sinabi nung guard ay mabilis kong binawi ang kamay ko sakanya.
"What?" nagtatakang tanong niya. Nakabukas na ang elevator.
"Nandyan si Elaine.. hindi niya tayo pwede makita" sabi ko at sinubukang isara yung elevator pero hinila niya yung kamay ko.
Napatingin ako sakanya at nakita ko na wala man lang katakot takot sa ekspresyon niya.. kahit pag aalala ay wala.
"I don't care. Hindi ko sinabi sakanya na pumunta diyan. Lagi niya yang ginagawa.. hihintay ako sa labas pero papasok lang ako at pagsasarahan siya. Yes it's kind of rude but if I'll show some kindness, I know that she'll misunderstand it. Sabi ko naman sayo.. hindi ako makakapayag na may hahadlang satin. Sasagasaan ko lahat. Now.. trust me, okay?"
Napatango nalang ako. Binigyan niya ako ng mainit na ngiti at pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Kahit sobra sobra ang kaba sa puso ko ay sumama pa rin ako sakanya at lumabas kami.
Nang makalapit na kami sa condo niya ay kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Elaine. Napaiwas ako ng tingin.
"Anong ginagawa nya dito Francis?" Puno ng sakit ang boses ni Elaine.
Napakagat ako sa labi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"She is my wife, she needs to be here for me. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
Napalingon ako kay Francis at nakita kong walang ekspresyon ang mukha niya.
"Pero.. iniwan ka niya" Rinig ko ang pagka bigo sa boses ni Elaine.
Napahalakhak naman si Francis sa sinabi niya. Gusto ko sanang pagtanggol ang sarili ko pero tama siya.. iniwan ko si Francis.
Masakit man aminin pero dapat ay wala talaga ako dito. Kung titignan ay parang tinapon ko lang ang dalawang taon. Walang wala ito dahil wala man lang nagbago.
"Iniwan niya ako dahil sayo. Dahil tinakot mo siya na magpapakamatay ka. My wife here is too good to be true that's why she gave me up. Kaya ngayon ay itatali ko na siya sa akin at sa kama ko para hindi na siya makawala pa"
Francis is pissed.
Napasinghap ako sa sinabi niya. Kailangan niya bang sabihin iyon? Pinilig ko ang ulo ko dahil naramdaman kong uminit ang pisngi ko.
Napalingon ako kay Elaine at nakita kong nangingilid na ang luha niya.
"Magpapakamatay ako Francis pag binalikan mo siya. I know you love me! Nabubulag ka lang dahil diyan sa babaeng yan!"
I pity her..
Binuksan ni Francis ang condo at pumasok kami.
"I'll send you flowers at your burial don't worry" sabi niya bago isarado ang pinto.
Napatingin siya sa akin at kitang kita ko ang pag aalala.
"I'm sorry about that" Banayad niyang wika.
Marahan akong ngumiti at umiling.
"Hindi mo dapat sinabi sakanya 'yon. Baka gawin niya" nag aalala ako para kay Elaine.
Wala siya sa tamang pagiisip at kailangan niyang matulungan. Huminga ako ng malalim at binalik ang atensyon ko kay Francis. Ngumisi siya at hinawakan ang pisngi ko.
"She won't.. I know her. She won't kill herself, she is busy plotting right now how to seperate us again but she won't succeed this time"
Tumango ako. Hinila ako ni Francis at ini upo sa upuan sa dining. Binuksan niya ang pagkain na binili namin at nagsimula na kaming kumain.
Napalingon ako sakanya at napataas ng kilay. Ito nanaman siya.. may gravy sa pisngi niya. Sadya ba ito o hindi?
Kumuha ako ng tissue at pinunasan iyon. Ngumiti siya sa akin.. sabi ko na nga ba, sadya ito.
"Aalagaan mo na ba ako ulit? Can we go back to how you treat me before?" napangiti ako sa sinabi niya.
Lumapit ako sakanya at marahan ko siyang dinampian ng halik sa labi. Nalasahan ko pa ang gravy.. napangisi ako at tinignan siya.
"Sarap.." nakita kong nagulat siya sa sinabi ko kaya humalakhak ako.
"Oo Francis.. I love you so much" nakita kong lalo siyang nagulat sa sinabi ko.
"Oh? Bakit ka gulat diyan? Parang hindi mo naman alam na mahal kita" ang gulat sa mukha niya ay napalitan ng ngiti.
"Yeah.. I know but it's nice to hear it"
Napahagikgik ako.
"Kumain ka na" sabi ko kaya pinagpatuloy namin ang pagkain. Dinispose namin ang lalagyan at pumunta sa kwarto niya.
"Uhm.. Francis pwede manghiram ng damit sayo? Pati shorts? Hindi kasi ako nakaligo kanina dahil nakatulog ako." umiwas ako ng tingin.
Nagulat ako nung kunin niya ang kamay ko at nilagay doon ang isang yellow na tshirt at isang shorts.
Mabilis ko itong kinuha at pumasok sa banyo. Nakakahiya! Tumuloy na ako at naligo. Naamoy ko ang sarili ko.. amoy Francis. Napangiti ako at nahihiyang tinignan ang sarili ko sa salamin. Nung sinuot ko ang damit ay sobrang laki nito. Pag suot niya ito, halos fit na ito sakanya ah? Sinuot ko ang shorts at hanggang tuhod ko ito.
Lumabas ako at nakita kong napabaling ang tingin niya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, napaiwas tuloy ako ng tingin at umatras ng konti.
Nagulat ako nang bigla niya akong binuhat at inilapag niya ako sa kama.
"HOY! Anong ginagawa mo?!" pasigaw kong sabi sakanya.
Pagkatapos niya akong ilapag sa kama ay nag hubad siya ng pangitaas at hinubad niya ang shorts niya. Tanging boxers nalang ang natira.
Nanlaki ang mga mata ko.
"HOY HINDI PWEDE AH! AYOKO PA" natigilan ako nung humiga siya at yakapin ako ng mahigpit.
Napalunok ako.. ramdam na ramdam ko ang init sa katawan niya lalo na at wala siyang pangitaas. Hindi ko tuloy mapigilan na amuyin siya.. bango kasi eh.
"Hug me" natawa naman ako sa hiling niya.
Ginawa ko ang hiling niya. Ramdam na ramdam ko sa kamay ko ang balat niya. Idinikit ko pa lalo ang sarili ko sakanya at amoy na amoy ko na siya.
"I love you Francis.. Sorry for leaving you.. I don't have the right excuses so I won't defend myself, I just want to say sorry" mahina kong sabi sakanya.
Naramdaman ko naman na inamoy amoy niya ang buhok ko.. naconcious tuloy ako. Mabango ba yung buhok ko? Nag shampoo naman ako kanina.
"I love how my scent mixes with your scent"
Napailing nalang ako.. iba talaga pag sinapian na ng kasweetan tong lalaking to.
"Hmm.. I love you more. Don't think about it." hinilig ko ang ulo ko sakanya.
Ganoon lang ang pwesto namin at pagkaraan ng ilang minuto ay kinuha niya ang kamay ko. Inilagay niya iyon sa mukha niya kaya napatingala ako at tinitigan ko siya. Mataman siyang nakatingin sa akin tapos ay ngumiti.
Pwede pala maging ganito kasaya? Tipong makakalimutan mo nalang ang lahat.
"I missed you touching my face. Can you make me sleep? I had sleepless nights when you left me."
Parang may sakit na dumaan sa puso ko pero hindi ko na 'yon binalikan. Napangiti ako at tumango. Hinaplos haplos ko ang mukha niya at nakita kong maluwag siyang nakangiti.
"Can you please stay here tonight?" hindi ako nagulat sa tanong niya.
Naalala ko rin ang sinabi ni mommy kanina. Tumango ako dahil gusto ko rin naman na makasama siya ngayon.
"Really?" hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"I won't leave.. I'll stay for the night and let's have breakfast tomorrow." nakangiti kong sinabi sakanya.
Hinaplos haplos ko siya sa mukha.. gusto kong iparamdam sakanya na mahal ko siya at hindi ko siya iiwan ulit.
Hinalikan ko siya sa noo at nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. Natawa ako at hinalikan siya sa tungki ng ilong niya. Tapos ay sa pisngi.. tapos ay dinampian ko siya ng halik sa labi niya.
"I love you" nakangiti kong sinabi sakanya.
"Damn.. you're making me want to take you right here and there. I just want to tie you with me and let you live in my house. I want you as my wife Camille" napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
Is he.. is he?
"Are you proposing right now?" hindi ko makapaniwalang tanong sakanya.
Kinagat ko ang pangibabang labi ko.
"I want to give you a beautiful and a wonderful wedding proposal. I just want you to know that what we have right now is not just temporary. It's for a lifetime, well even after we die.. I know that I'll still love you" lumampas na sa finish line ang puso ko pero tumatakbo pa rin ito.
Ipinalupot ko ang kamay ko sa batok niya at isinubsob ko ang ulo ko sa leeg niya.
"I know.. I want us everyday and forever" kumalas ako sakanya at pinagmasdan ang mukha niya.
Hinaplos ko ulit ang mukha niya.
Two years, two long years ang nawala pero kahit katiting ay hindi man nagbago ang pagmamahal ko sakanya. Siya parin ang tinitibok ng puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro