Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

xxxi . Still

2 years later..

"Caly! Ano tong sinasabi ni mommy na hindi ka sasabay sa akin sa pagbalik?!" bungad ko sa kapatid ko na nagbabasa ng libro kong kalalabas lang sa market.

Ngumiti naman siya sa akin at sinarado ang libro.

Nakahiga pa siya sa kama kaya tumayo siya at lumapit sa akin.

"Cams, chill. I'll stay here for another week. Kailangan ko lang ayusin yung papers ko and I need to have a final talk with my doctor." napabuntong hininga naman ako.

Nakakuha na ako ng flight ko at bukas na iyon. Akala ko ay nakakuha na siya dahil hindi naman niya pinapafollow up sakin.

"Fine.. then I'll stay another week too" umiling siya.

Napabuntong hininga naman ako. Lalo kaming naging close ni Caly, for me.. she is the closest to my life right now. Alam niya na ang lahat sakin.. as in lahat.

"No! Go home.. it's okay. Nakaayos na ang lahat diba. Naka kuha ka na ng flight mo and diba nasa schedule mo at nasa plano mo na ang pag alis? Akala ko ba sinusundan mo na ang planner mo ulit?" napangiti ako at yinakap siya.

Masaya ako at okay na si Caly. Zicko and Caly broke up bago siya pumunta dito that's why kami lang ang magkasama sa buong dalawang taon. I told her to get back with him but she told me that time will come. Sure na daw siya na may iba na si Zicko. We heard he is dating a model but who knows..

"And besides.. I need to stand in my own feet again. Matagal niyo na akong pinagsilbihan sapat na iyon. I need to get back and return to complete shape." tumango nalang ako at ngumiti.

Yinakap ko ulit siya.

Pumupunta sila mommy once a month kaya ayos lang. Minsan ang mga pinsan namin ay dumadalaw pero madalang lang dahil hassle. Tuwing may occasion lang sila pumupunta.

"Will you be fine here? Lalo na pag wala na ako?"

Nagaalala ako sakanya. Mag isa lang siya dito. Paano kung hindi niya kayanin?

"I can.. I need to." bumalik siya sa pagkakahiga at kinuha ang libro ko.

"Fine.. pupunta lang akong bookstore. Ichecheck ko kung ayus ang sales ng libro ko." Tumango si Caly kaya kinuha ko na ang bag ko.

Sumakay ako sa kotse ko at dumiretso sa bookstore na malapit. Napangiti ako nang makitang madaming bumibili ng libro ko. Medyo sumisikat na rin ako dito sa L.A, nung una ay ayoko sanang magsulat dito at gusto ko sanang ituon nalang lahat ng atensyon kay Caly pero siya mismo ang pumilit sakin.

"Hey.." bati ko sa nasa cashier at nanlaki ang mata niya nang makita ako. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"CW?! Ms. CW?" tumango tango ako sa tanong niya.

Tawag nila sa akin ay CW. yun ang pen name ko. C for Camille and W for White.

"How was the sales for my book this week?" Tanong ko.

Pumalakpak ito at kumuha ng isang papel. Ipinakita niya sa akin iyon kaya lalo akong napangiti. Number two ang book ko sa mabili.

"Wow.. this is great. Thank you so much" sabi ko sabay balik ng papel sakanya.

"It's my pleasure! You're such a good writer! Can I have an autograph?!" tumango ako habang natatawa.

Binigay niya sa akin ang isang kopya ng libro ko at pinirmahan ko iyon.

"Okay.. Thanks" sabi ko at naglakad malapit sa shelf ng libro ko.

Medyo nauubos na ito. This is already my 3rd book. Napatingin ako sa kaliwa at nakita ko ang dalawang magkasintahan.. naalala ko tuloy siya. Kumusta na kaya siya? Maayos lang kaya siya?

"If you want it, go for it" napalingon ako sa nagsalita.

Quote iyon sa last chapter ng libro na sinulat ko. Napaawang ang labi ko sa taong kaharap ko ngayon. Mabilis ko siyang nilapitan.

"MIGUEL!" Hindi makapaniwalang bati ko.

Masayang masaya ako na makita siya. After two years ngayon lang ulit ako nakakita ng kakilala ko sa Pilipinas maliban sa pamilya ko.

"Anong ginagawa mo dito?" masayang tanong ko sakanya.

Binigyan din niya ako ng mainit na ngiti. It's nice to see him here.

"I want to expand my business here in L.A" tumango tango naman ako.

Pinakita niya na hawak niya ang libro ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"So you're gonna buy it?" tanong ko at humalakhak naman siya.

"Of course but can you have lunch with me?" napangiti ako.

"Okay! I'll give you an autograph" natatawang wika ko.

Natawa siya sa sinabi ko kaya nginisihan ko siya. Binili nga niya iyong libro at lumabas kami. Pumunta kami sa kaharap na restaurant.

"Hey Christie." bati ko dun sa nag seserve.

Lagi kami dito ni Caly lalo na at malapit lang. Ngumiti naman ito sa akin at binigay ang menu kay Miguel, hindi na kasi ako namimili sa menu dahil kabisado ko na ang mga pagkain.

"Hello Camille. The usual?" tumango ako sa tanong niya. Bumaling ako kay Miguel.

"Anong order mo?" sinara niya na ang menu at binalik iyon kay Christie.

"I'll take pork ribs and steak" ngumiti ako at umalis na si Christie.

"So.. kumusta ka dito?" natawa naman ako sa tanong niya. Napaka pormal. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Mommy na ang daming naghahanap sa amin sa Pilipinas.

"We're fine.. Caly is recovering and I am enjoying L.A" natigilan ako nung napansin kong nakatingin siya sa likod ko.

Lumingon ako at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. No.. this can't be happening. Masyado pang maaga.. hindi ko to inaasahan. This is out of plan.

"Francis! Elaine!" halos mapatakip ako sa mukha ko nung sumigaw si Miguel. Agad napatingin ang dalawa samin. Nakita ko ang pagirap ni Elaine sakin. Tumingin ulit ako kay Miguel at ngumiti.

"Dito na kayo" masaya niyang pagyaya sakanila.

Miguel! Anong ginagawa mo? Gustong gusto kong isatinig 'yon pero, nakakainis dahil hindi ko magawa.

Napalingon ulit ako pero agad kong binawi ang tingin ko nung makitang hinawakan ni Francis ang kamay ni Elaine at hinila papunta sa amin.

Hindi ko alam kung saan ako titingin. Nginitian ko nalang sila. Umupo si Francis sa tabi ko. Natigilan ako at napatingin sakanya.

"Francis.. Honey, tabi tayo" malambing na sabi ni Elaine pero tinuro ni Francis ang harap niya. Walang nagawa si Elaine kung hindi sumunod.

"Elaine.. do you know her? Si Camille White, anak ni Tito James" nagulat ako sa sinabi ni Miguel.

Of course.. kilalang kilala niya ako. Kilalang kilala. Napalingon ako kay Francis at nakita kong nakatingin siya sa akin kaya binawi ko ang tingin ko.

His stares are giving me familiarity from my heart.

"Of course.. how can I forget her?" tinaasan ko ng kilay si Elaine.

Wag niya akong mataraytarayan sa teritoryo ko. Wag siyang magkakamali.

"Sorry. Do I know you?" nakangisi kong tanong sakanya.

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay ni Francis sa kamay ko na nasa ilalim ng lamesa. His warmth.. how I miss him. Hinila ko ito ngunit sadyang malakas siya.

Lumapit si Christie samin at kinuhanan ng order si Francis at Elaine.

"One mushroom soup please" napataas ang kilay ko sa sinabi ni Francis.

Gusto niya bang mamatay?

"Wait. Bawal ka sa mushroom." napatakip ako ng bibig sa sinabi ko.

Urg! Stop caring! Napatingin ako sa paligid, nakita kong nakakunot ang noo ni Miguel, alam naman niyang may past kami ah? Si Elaine naman ay kitang kita ang inis niya sa mukha.

Nakita ko naman na ngumisi si Francis at hindi niya na napigilan ngumiti.

"You still care." sabi niya atsaka bumaling kay Christie.

"My wife is getting angry. I will take Carbonara and vegetable soup" dagdag niya.

Lahat kami ay nalaglag ang panga sa sinabi niya. Ano bang problema niya?! This is so frustrating! Kakakita palang namin pagkatapos ng dalawang taon!

Wife? What happened with the two years we're supposed to be moving on?

"Ngumiti ka! Ngumiti ang isang Francis Salazar. Now I know bakit nung sinesante mo halos ang lahat ng empleyado mo ay bukambibig nila na sana ay bumalik na si Camille" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Miguel.

Sinesante? Sabi ko ay wag siyang laging galit sa opisina. Hindi niya ba sinunod ang mga bilin ko?

"You fired them? I mean.. you fired those people who dedicate their whole lives to you? Hindi na nga makapagboyfriend ang ilan sakanila dahil sa busy sa kompanya mo eh" wala na akong pakielam kung nandyan si Elaine.

Naiinis ako.. naiinis ako sakanya.

"They remind me of you.. close ka sakanila eh. Tsaka inisip ko na baka kung sakali na hindi ko sundin ang mga bilin mo.. bumalik ka. But you didn't" napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya.

Nandito si Elaine! baka magpakamatay to dito bigla.

"Honey naman eh.. I know nag away tayo kanina dahil ayaw kitang halikan pero you don't need to make me jealous naman" malambing na sabi ni Elaine.

Ngumiti siya pero halatang gustong gusto niya akong sabunutan. Sila na pala talaga.. sabagay, what do I expect?

"Don't make stories" napabaling ang tingin ko kay Francis.

"So hindi ka na pala niya maalala Elaine, by the way kailan pala ang uwi mo sa Pilipinas?" binalingan ko si Miguel.

Thanks Miguel! Hindi niya alam kung gaano ko kailangan ang tulong niya.

Sinubukan kong kalasin ang hawak ni Francis sa kamay ko pero wala talaga.

"Bukas na. Caly will be staying here for another week pero susundan ko ang schedule ko and ayaw din niya akong magstay dahil lang sa hindi niya pa naayos ang papers niya" paliwanag ko sakanya.

Nararamdaman ko pa rin ang init ng titig ni Francis sakin. Sinusubukan ni Elaine na kunin ang atensyon niya pero wala pa rin.

"That's great! Gusto mo sumabay sa private plane namin?" mabilis akong umiling sa tanong ni Miguel.

I don't want to be with Francis. Siguradong magkasama sila dahil sa business.

"No.. Okay lang. I can manage and alam ng lahat na ayokong nagkakautang na loob" napangisi naman si Miguel sa sinabi ko.

"You're such a wonderful woman. My parents are really looking forward to talk to you again. Actually si mommy ay sobrang hilig sa mga libro mo." napangiti naman ako sa sinabi niya.

I really like it when people apprectiate my works.

"Tell her that I'll be seeing her. I promise" nakita ko naman na tuwang tuwa si Miguel sa sagot ko.

Linapag na ang mga pagkain namin sa lamesa.

"Camille.." napabaling ang tingin ko kay Francis.

Nakita kong nakangiti siya sa akin. Nakaramdam ako ng kakaiba. Bagay na hindi ko na dapat nararamdaman. Bagay na dapat ay wala na.

"I missed you" napaawang ang labi ko sa sinabi ni Francis.

Nakita ko ang malambot na mukha niyang nakatingin sakin. Napalunok ako.. I don't know what to answer. I shouldn't answer! Shit! Elaine is here! I don't want to be a freaking mistress! And I don't feel anything for him now.. I hope so..

Ang alam ko lang ay mabilis ang pintig ng puso ko and I don't want to admit it. No.. I need to move on. I need to.. two years should be enough, it should be.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro