Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XL . Clear

"Umayos ka na. Inumin mo yan"


Umaga na at pinapainom ko siya ngayon ng kape. Hindi na ako nakauwi, sinabi ko nalang kay mommy at daddy na may aayusin lang ako.


"Paano tayo nakauwi?" Seryoso niyang tanong sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.


"Malamang nagdrive ako" mataray kong sabi sakanya. Kumunot ang noo niya sa sagot ko.


"Ewan ko ba naman sayo! Palasing lasing ka pa diyan. Gusto mo bang mamatay? Meron namamatay dahil sa sobrang liquor ah!" pinagalitan ko talaga siya! Hindi na siya nagiisip. Nakakainis pa.


"Akala ko kasi pupuntahan mo ako pag pinabayaan ko na yung sarili ko and I was right" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pinapasakit niya talaga ang ulo ko.


Binitawan niya yung kape pagkatapos ay hinila ako paupo sa harap niya.


"Sabihin mo sakin na hindi panaginip na sinabi mo sakin na mahal mo ako" napalunok ako. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Alam naman niya na mahal ko siya ah?


"Answer me wife" nakatitig lang ako sa mga mata niya. Hindi ko alam ang isasagot ko.


"Hindi ko kaya na ganito tayo. Let's go back to the way it was before. Nabigla lang ako sa nangyari. You're the one I love Camille" napaiwas ako ng tingin. His intense stairs can kill me.


"Francis, alam mo na mahal na mahal kita but I think you're still confused. Actually.. maybe parehas tayong may mali." hinigit niya ako at yinakap.


Natatakot ako na bumigay nalang dahil nalulusaw ako sa kanyang mga bisig.


"Im not. I love you, that is a fact. Walang pagaalinlangan, sigurado ako. Please.. Stop doing this to me" umiling iling ako at bumitaw sakanya.


"Habang nagiisip ako kagabi. I was thinking na.. kulang ang relasyong ito sa trust. We need to build that, hindi sapat na mahal natin ang isa't isa. We need to take a break." Nakita ko kung gaano hindi siya sumasangayon. Sa ekspresyon niya palang, hindi na siya sangayon.


"Tinanggap ko yung 3 days seminar for writers sa Baguio. I think by that time.. mas malinaw na yung isip ko. Napagisipisip ko na may mali din ako dito. Hindi ko alam kung baka dahil nagkukulang ako sayo o ano man so I need to clear myself" lalong kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko.


Pinagmasdan ko ang mukha niya, sa tatlong araw na hindi kami magkikita, siguradong mamimiss ko siya.


"No, you're not lacking. Please stay. Don't go" umiling ako.


"Iiwan ko ang lahat para sayo Camille. If I need to stay away from Elaine. I'll do it." nakagat ko ang pang ibabang labi ko.


"This is not about my insecurity anymore. This is about trust Francis." sabi ko sakanya at pinagdikit ang noo namin.


Sisiguraduhin ko na maayos na ako at ang feelings ko pag balik ko. For him and for me.


"I need to. Please.. this won't workout kung hindi ako aalis" bumuntong hininga siya. Lumapit ako sakanya at hinaplos ang mukha niya.


Im gonna miss him.


"Mag breakfast ka ah, may eggs and bacons diyan." Tumango lang siya at yinakap ako. Sobrang higpit non pero hinayaan ko lang siya. I know I'm gonna miss him


"I love you Wife. Come back to me okay?" napangiti ako. Ito nalang ang panghahawakan ko.


"I love you too husband" sabi ko sakanya at ginantihan ko ang yakap niya.


--

Napangiti ako habang binabasa ang newspaper. Ito na ang araw ng pagbalik ko sa Manila. Marami akong natutunan sa seminar na pinuntahan ko.


Nasa news si Francis at sabi don ay nasa Singapore siya. Mukhang hindi ko pa siya makikita ngayon. Gusto ko pa naman siya makita.


"Mang Delfie.. nasa bahay po si dad?" Tanong ko kay Mang Delfie na sumundo sa akin sa Baguio.


Habang nasa Baguio ay nakapag relax din ako. Nakapag isip ng maayos at kahit nasa baguio ako ay siya parin ang laman ng isip ko.


"Yes po. Hinihintay ka nila Mam" natawa naman ako sa sinabi ni Mang Delfie.


"Mang Delfie! Makapag Mam ka talaga no? Camille nalang! Tagal na tagal na natin magkasama" ngumiti lang siya sa sinabi ko.


Nung makarating kami sa bahay ay nadatnan ko si mommy, Caly at daddy sa may Living room. Tumayo sila nung makita ako at tumakbo ako palapit sakanila.


Yinakap ko si daddy. Namiss ko sila.. hindi ko man sila nakita nung araw na umalis ako. Si mommy lang ang nakita ko dahil sa Caly at daddy ay nasa trabaho.


"We missed you" napangiti ako sa sinabi ni daddy at yinakap pa siya lalo.

Bumitaw ako at pinagmasdan sila. It felt like I left for 5 years.


"I missed you guys" sabi ko sakanila. Kinuha ni daddy ang gamit ko at tinulungan akong iakyat yun.


"How was your stay there?" Tanong ni mommy. Napangiti ako nung maalala ko yung mga nangyari sakin don.


"It was really good. Next time sana nga kasama na kayo" sabi ko sakanila.


Pinasok namin sa kwarto ko ang gamit. Binaba yun ni daddy sa kama.


"Papasok na ako sa trabaho. I just waited for you to arrive" sabi ni dad at tumango naman ako.


Sinamahan siya ni mommy kaya naiwan kami ni Caly.


"Kumusta ka nung wala ako?" Tanong ko kay Caly. Umupo kami sa kama ko.


"I don't know. Good? Scared?" Napakunot ang noo ko.


"Scared of what?" Tanong ko sakanya. Bumuntong hininga naman siya.


"Zicko want us back pero naiisip ko na, paano kung bumalik yung sakit ko. Paano kung hindi pa pala tapos?" Ako naman ang napabuntong hininga sa sinabi niya.


"Life is unpredictable. Hindi mo pwedeng pangunahan. Zicko proved how much he loves you and somehow.. Zicko deserves to be loved back. He is worth taking the risk" paliwanag ko sakanya. I want my sister happy and I know Zicko will be her happiness.


"I love him" napangiti ako sa sagot niya. She doesn't need to say it.


"Then take the risk" sabi ko at yinakap siya.


Yun ang isa sa mga natutunan ko sa Baguio. Take the risk.


"By the way.. Okay na ulit ang pamilya at si Francis. Kakaiba din yun.. lakas ng paninindigan." napangiti ako ng marahan sa sinabi niya. I miss him, really really miss him.


"Talaga? Kahit si Kuya Third?" tanong ko. Kuya Third is really protective of us kaya sobra na akong hahanga kay Francis pag nakumbinsi niya si Kuya Third.


"Yup. Siya nga ang unang kinausap eh" napangiti ako. I really want to see him now.


Nagkwentuhan pa kami at tinulungan niya akong ayusin ang gamit ko.


"Gusto mo ng Ice Cream? Bibili ako sa 7/11" tanong ko kay Caly. May 7/11 kasi sa labas ng Village namin.


"Sure. Coffee Crumble please" tumango ako at ngumiti. Lumabas na ako at pumunta sa 7/11. Pagkarating ko don ay bumuhos ang ulan.


Bumili ako ng Coffee Crumble at Vanilla.


Nagstay pa ako don ng ilang minuto habang pinagmamasdan ang ulan. Naaalala ko tuloy yung first kiss namin ni Francis.


Lumabas na ako nung medyo humihina na ang ulan. Kung wala lang akong Ice Cream na dala, maliligo sana ako sa ulan.


Pagkalabas ko ay hindi parin ito tumitila. Tumingala ako at napabuntong hininga. Nung bumaba ang tingin ko ay napaawang ang labi ko.


Bumilis ang tibok ng puso ko. Nangingilid ang luha ko, its been three days the last I saw him. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko.


Deretso lang ang tingin ko sakanya. Nakatingin din siya sa akin.. parang nakikipagusap siya sa akin habang magkatinginan kami. Unti unti ng tumitila ang ulan. Tumingala ako at bumalik ang tingin ko sakanya.


Unti - unti akong tumawid ng daan para makalapit sakanya. Nung medyo malapit na ako sakanya ay hinapit niya ang bewang ko. Dahil pala iyon sa sasakyan na mabilis na dumaan sa likod ko.


"ANO BA?! LOOK WHERE YOU'RE GOING!" mabilis niyang sigaw sakin nung binitawan niya ako. Nakatitig lang ako sakanya, parang ang tagal naming hindi nagkita.


"I-im s-sorry" mahina kong bulong at napayuko.


Bakit ganito pa ang unang pagkikita namin.


"Hindi ko kakayanin kung mawala ka ulit" napatingala ako sa sinabi niya.


"I miss you" nakangiti kong sinabi sakanya. Mabilis naman niya akong yinakap. Napapikit ako sa sobrang emosyon na nararamdaman ko. Sobra kong namiss ako pagyakap niya sakin.


"I miss you more wife." napangiti ako lalo. Walang pagaalinlangan at malinaw na ang lahat sakin. Mahal ko siya at wala na akong pakielam sa mga nangyari dati.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro