Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#rvrsWP || 3.20

        ILANG MINUTO nang pinipigilan ni Kori ang pagtulo ng mga luha. Ayaw niya kasing umiyak o maluha man lang sa harap ni Fia at July.

        Nangunot ang noo niya sa replies ni Novem. Nilingon niya sina Fia at July. Pinaningkitan niya ang mga ito ng mata.

        "Bakit gan'yan ka makatingin, ate?" painosenteng tanong ni July.

        Napapikit si Kori sa inis at hiya. "That was so fucking foul!" iritable niyang sabi sa dalawang kasama.

        Mabilis na tumakbo palayo sa kanya si July. "Hala, ate, nagmumura ka pala?"

        Bakas ang takot at gulat sa mukha ni July habang ngiting-ngiti naman si Fia.

        "Dapat nga nagpapasalamat ka pa sa 'min, e," pagmamalaki ni Fia. "At least, pagdating ni Novem, tapos ka nang magdalawang-isip. Alam mo na 'yong pakiramdam ng wala siya."

        "Kahit pa!" Patakbo siyang lumapit kay Fia. "That was so manipulative!" Papaluin niya sana ang kanang braso nito kaso mabilis itong nakailag.

        Lalong lumapad ang ngiti ni Fia. "I'm sorry. But in my defense, it was necessary."

        Pumunta si July sa likod ni Fia. "Si Ate Fia talaga 'yong nakaisip kanina. Nakisali na lang ako kasi sabi niya, para naman daw 'yon sa character development mo." Napakamot pa ito sa batok.

        Inis siyang umirap sa best friend.

        Nakarinig sila ng isang mahinang tawa galing sa may pintuan ng gym. Natigilan at napalingon sila roon. "Sorry," natatawang sabi ni Novem. Isang black tuxedo ang suot nito, may itim pang bow tie.

        "'Wag mo nga akong tawanan!" paninita niya rito.

        Ngumiti lang ang lalaki sa kanya. "Tara na?"

        "Ha? E, sayang 'yong orchestra. . ." Nilingon niya 'yong mga musician na nagliligpit na ng instruments.

        "E, sabi mo, bigyan kita ng chance na magpaliwanag?" nangingiting sabi nito.

        Agad na umiwas ng tingin si Kori nang maramdamang umiinit na ang magkabilang pisngi niya. "Okay, sige."

        "July?" pagtawag nito sa pinsan niya. "Ikaw nang bahala dito, a? Pasensya sa abala."

        "Yes, boss," natatawang sumaludo si July. "Kami na ni Ate Fia bahala."

        Lumapit sa kanilang dalawa si Fia. "Hoy, Nobyembre! 'Wag mo nang papakawalan 'yan, a." Sumulyap ito sa kanya. "Tawagan mo 'ko kapag nag-inarte, ako mismo tutuktok sa ulo niyan."

        Halos magdikit na ang mga kilay niya sa inis. Pakiramdam niya pinagkaisahan siya pero nakararamdam din siya ng tuwa sa naging takbo ng mga kaganapan.

        Tawa lang ang naisagot doon ni Novem.

        "Sige, mauuna na kami, 'ha?" Nang tumango sina Fia at July, humarap sa kanya si Novem. "Tara?" Hinayaan at pinanood lang niya ang paglandas ng mga kamay nito papunta sa kanya. Nagpatianod siya nang lumakad ito.##

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro