#rvrsWP || 3.19
𝙹𝚞𝚗𝚎 𝟸𝟹 || 𝚂𝚊𝚝𝚞𝚛𝚍𝚊𝚢 || 𝟽:𝟹𝟺 𝙿𝙼
K O R I
"HELLO, SOFIA? What is it this time?" Bumuntonghininga si Kori pagkatapos.
"Sinisigurado ko lang naman na pupunta ka talaga," medyo inis ang tono ni Fia sa kabilang linya. "There's no need to call me by my full name!"
Natawa siya nang mahina. "Okay, I'm sorry. Nasa terminal na nga ako."
"Pa-Manila ka pa lang? Oh, my God! Ang sabi mo sa 'kin, by 7 PM, nasa Manila ka na."
Umayos siya ng upo. Kasalukuyan siyang nasa loob ng isang bus sa Batangas, papunta pa lang ng Maynila. Simpleng itim na bestida lang ang suot niya. Pinatungan niya iyon ng itim na blazer. Mabuti na lang at nakapagpalit na siya bago umalis sa hiking site.
Napalingon siya sa gilid nang may dumaan doon. "Weekend kasi kaya nahirapan akong sumakay. Rush hour pa."
"Mali-late ka ba?" Tumikhim si Fia. "Kasi kung oo, sasabihan ko na lang si Novem."
"Ha? Bakit?" Nangunot ang noo niya. "Hinihintay ba niya 'ko?"
Malakas ang halakhak ni Fia sa kabilang linya. "Mas malala pa kaysa sa paghihintay. I-text o tawagan mo na lang ako kapag malapit ka na sa GHU, 'ha? Ingat ka."
"Okay, sige. Ikaw rin."
Ibinaba na niya ang tawag.
Excited na siyang makita ang dating mga kaklase.
Nakapag-isip-isip din kasi siya sa loob ng ilang oras na pamamalagi niya sa Batangas. Ayaw na niyang abangan pa ang susunod na gagawin at ihahain ng tadhana sa kanya; sa kanila.
Akin 'to. . . sa amin 'to.
Nagsuot siya ng earphones bago mag-set ng alarm kada isang oras. Mag-isa kasi siyang babiyahe, walang gigising sa kanya. Mahirap na, baka hindi siya makaabot sa alumni homecoming. Hindi puwedeng hindi niya makita si Novem. Humigpit ang hawak niya sa strap ng dalang shoulder bag.
Muli siyang bumuntonghininga.
It was long overdue.
( ✤ )
PATAKBONG YUMAKAP sa kanya si Fia pagpasok niya ng gymnasium ng university. Paulit-ulit itong bumubulong ng "sorry". Inalo at pinakalma niya ang kaibigan.
Kumalas siya mula sa yakap nito. "Bakit ka ba nagso-sorry?" nag-aalala niyang tanong dito.
"Sinubukan naman namin siyang pigilan, e." Nilingon ni Fia si July sa gilid ng pinto. "Sinabi ko sa kanya na late ka lang kaso, hindi ata siya naniwala."
"What do you mean?" Natigilan siya. "Si Novem ba tinutukoy mo?"
Napatango lang si Fia.
Nakaramdam siya ng magkahalong inis at kaba. Pakiramdam niya, napaglaruan na naman sila ng pagkakataon. Nilibot niya ng tingin ang paligid. Punong-puno ang kisame ng mga ilaw, pinuno iyon ng magkahalong Christmas at fairy lights.
Bukod sa kanila ni Fia at sa pinsan niyang si July na nakasandal sa may pinto, mayroong orchestra. Nakasuot ng black tuxedos ang mga lalaki habang itim na bestida sa mga babae.
May pulang carpet na nakalatag papunta sa kinatatayuan ng isang bilog na mesa sa gitna ng gymnasium.
Iisa lang ang mesa. Itim at ginto ang kulay ng sapin niyon pati ang balot ng dalawang magkatapat na mga upuan. White lilies na may halong kaunting baby's breath at rosas ang centerpiece ng mesa.
Hindi totoong may alumni homecoming. Pandalawang tao lang ang setting. Dalawang upuan. Siya at si November.
Saglit siyang pumikit nang mariin.
Lumingon siya kay July. "Nasa'n siya?"
Pilit itong ngumiti. "You just missed him, ate."
Tuluyan niyang nabitawan ang dalang bag.##
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro