#rvrsWP || 3.06
𝙹𝚞𝚗𝚎 𝟷𝟶 || 𝚃𝚞𝚎𝚜𝚍𝚊𝚢 || 𝟼:𝟷𝟻 𝙿𝙼
K O R I
KAHAHAKBANG LANG ng mga paa ni Kori palabas ng elevator. Nasa lobby na sila.
Isang leather na satchel bag lang ang dala niya, sakto ang laki niyon. Tahimik siyang nakasunod sa mga katrabaho niyang medyo maingay na naghaharutan.
Huminto siya sa paglakad nang maramdamang ang pagba-vibrate ng phone sa kanang bulsa ng suot na pantalon. Bumuntonghininga siya. Hindi na niya kailangan pang tingnan ang phone para malaman kung ano at tungkol saan ang notification.
Assuming na kung assuming pero malamang, si Novem 'to.
Binilisan niya ang lakad para makahabol sa mga kasama. Nanatili siyang nakayuko. Gusto niya 'yong gano'n, e. Kasama sa background, nagbi-blend in.
"Ay, hala~ Ang guwapo!"
Nang marinig iyon ay saka lang siya nag-angat ng tingin. Lumingon siya sa direksyong tinitingnan ng mga kasama.
Hindi naman niya ako sinusundo noon, a?
Halos magdikit ang mga kilay niya kasisipat sa mukha ng lalaking nakasandal sa itim na kotseng nakaparada sa hindi kalayuan.
Fuck. Si Novem nga.
Nanlaki ang mga mata niya nang magkasalubong sila ng tingin. Nangingiti itong nagpamulsa bago magsimulang lumakad papunta sa direksyon niya.
Mabilis siyang yumuko kahit pa nakita na siya nito. "Fuck," bulong niya. Saka lang niya tiningnan ang phone.
Nagsabi naman pala si Novem. Hindi nga lang niya nakita dahil dinedma niya ang mga notification niya.
Muli siyang nag-angat ng tingin. Halos kaharap na niya ang lalaki kung hindi dahil sa mga kasamang ginawa niyang human shield.
Hindi siya handa, e.
"Uh. . . Kori?" pabulong nitong sabi sa mababang boses.
Biglang natahimik ang mga kasama niyang kani-kanina lang ay nagkakantyawan. Ramdam niyang nakatingin ang mga ito sa kanya.
Tumikhim si Novem. "Kori?" pagtawag nito ulit sa kanya. Sa pagkakataon iyon ay mas malakas na. May kasiguraduhan na rin.
Huminga siya nang malalim.
Sinalubong niya ang mga mata nito. "I didn't know na pupunta ka ngayon." Lumapit siya rito, ilang hakbang lang ang pagitan.
"Sorry." Ngumiti ito nang maluwang. "Akala ko, nabasa mo 'yong messages ko, e."
Nagpasalit-salit sa kanilang dalawa ang tingin ng mga kasama niya. Naghihintay yata ang mga ito ng paliwanag.
"Guys—" Sinubukan niyang ngumiti, 'yong mukhang hindi kabado. "—this is Novem, my. . . friend."
Nakatitig lang ang mga ito sa kanilang dalawa. Parang unang beses nakakita ng guwapo, e.
Understandable naman kasi.
Simpleng itim na jacket lang ang pang-itaas nito at itim na pares na pantalon ang pang-ibaba pero. . . si Novem 'to, e.
Mariin siyang pumikit para sitahin ang sarili sa naisip.
Muling tumikhim si Novem. "It's nice to meet you all but Kori and I have to go somewhere."
Tanging tango lang ang naisagot ng mga ito.
Bahagya siyang napailing. "Mauuna na kami, 'ha? Ingat kayo pauwi." Pilit siyang ngumiti.
"Tara?"
Tango lang din ang sagot niya. Medyo hindi pa rin siya naniniwala, e.
Pinauna siyang maglakad ni Novem. Inalalayan siya nito kahit halos sampung hakbang lang ang layo ng kotse. Natigilan siya nang umuna ito sa kanya para pagbuksan siya ng pinto.
"Anong mayro'n?" Pilit niyang nilukot ang sariling noo para labanan ang pagngiti.
"Ganito ako bumawi, e." Matipid itong ngumiti.
Hindi na siya nakipagtalo.
Umupo siya sa passenger seat. Si Novem naman sa driver seat.
Buhay na ang makina nang kotse nang mapansin nitong nakatingin siya sa car radio. "Puwede mo namang buksan kung gusto mo." May himig ng pagkatuwa sa boses nito.
"Sigurado ka, 'ha?" paninigurado niya.
"Oo nga." Tumango-tango pa ito bilang kumpirmasyon.
Binuksan niya ang car radio.
"Maybe this time, it'll be lovin' they'll find."
Malakas siyang napasinghap sa narinig na linya ng kanta. Sinubukan niyang patayin ang radyo pero walang nangyari.
Nananadya kasi, e.
Napatingin siya kay Novem na halatang nagpipigil ng tawa.
"Maybe now they can be more than just friends."
Sinalubong niya ang tingin ng lalaki. "Ba't ka natatawa? 'Wag mo nga akong tawanan." Pinilit niyang magtunog naiinis kahit pa hiyang-hiya siya.
"Wala lang." Saka lang nito pinakawalan ang pinipigilang tawa. "Ang cute mong mag-panic, e."
"She's back in his life and it feels so right."
"I'm not panicking." Nagbuga siya ng hangin bago ibaling ang atensyon sa bintana.
"Minsan talaga, nasisira 'yan. Ayaw mamatay." Mahina na naman itong tumawa. "Besides, okay lang naman kung hindi ka pa nakaka-move on."
"Maybe this time, love won't end."
Hindi niya napigilang lumingon kay Novem. "Ha?" Handa na rin siyang magpaka-defensive.
"Okay nga lang." Lumingon ito sa kanya at ngumiti nang abot sa mga mata. "Ako rin naman, e."
Parang bigla siyang nabingi sa narinig. Handa na siyang magtanong kaso mukhang hindi pa handang sumagot si Novem.
Parang bata itong ngumiti sa kanya bago lakasan ang volume ng radyo.##
( ✤ )
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro