Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#rvrsWP || 1.78

𝙼𝚊𝚛𝚌𝚑 𝟸𝟻 || 𝚂𝚊𝚝𝚞𝚛𝚍𝚊𝚢 || 𝟷𝟶:𝟷𝟾 𝙿𝙼

C H I N N A

        RINIG ANG tunog ng pagtipa ni Miss Din sa keyboard kahit pa nasa dulo ang opisina nito. Halos bakante na ang buong palapag. Silang dalawa na lang ang tao roon, at ang hinihintay niyang si August.

        Bukod sa okasyunal niyang paglingon sa paligid at pagtitig sa pinto ng elevator, hindi naman halata ang pagkanerbyos niya.

        Tumunog ang elevator. Kumurap siya at agad na nag-iwas ng tingin. Lalong humigpit ang hawak niya sa strap ng bag.

        Nako. Mukhang kailangan ko na naman ng kape.

        "Hey," mababa ang boses ni August. Parang tinatantiya pa ang magiging reaksyon niya.

        Tumunghay siya. "Uy." Napalunok siya.

        Lord, bakit po ang awkward?

        "Ako pa pinapakalma mo kanina, a?" Natawa ito nang mahina at saka naiilang na napahawak sa batok. "Kunin ko lang gamit ko tapos alis na tayo."

        Tumango lang siya – na sinagot naman ni August ng matipid na ngiti.

        Nakapamulsa ito habang naglalakad palayo sa kanya.

        Makaraan ang ilang minuto, bumalik itong bitbit ang backpack. "Tara na?"

        "Saan tayo?" Sinubukan niyang ngumiti pero dahil sa kaba, ngiwi ang kinalabasan.

        Lumakad ito papunta sa elevator. Nakasunod lang siya.

        "Sa coffee shop? D'yan na lang sa may tawid?" Natural lang ang tono ng boses nito. Parang hindi man lang kinakabahan.

        Bakit parang siya lang ang kabado?

        "Sa 7/11 na lang. Sarado na yata 'yang coffee shop sa tapat, e." Nagkibitbalikat siya, baka sakaling mapakalma ang sarili.

        Pumindot ito sa elevator. Muli itong nagpamulsa.

        Mataman niyang tinitigan ang mukha ng lalaki. Ilang beses itong napalunok at nang mapansing nakatitig siya ay agad itong umiwas ng tingin.

        Bahagya itong humarap sa kanya. "Bakit?"

        "Bakit ano?"

        "Nakatitig ka kanina, e." Muli itong tumawa, pinagagaan siguro ang hangin sa loob ng elevator.

        "Masama bang tumitig?" Itinaas niya ang isang kilay at saka nakalolokong ngumiti.

        "Hindi naman," maluwang ang ngiti nito, "Gusto ko nga, e."

        Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya handa, e. "Hoy."

        "Ano?" natatawa nitong tanong. "Dami mong problema, 'no?"

        "Oo, kaya 'wag ka nang dumagdag," pang-asar niya.

        "Aray naman." Parang bata itong umarte na parang tinamaan ng isang ligaw na arrow sa puso. "'Di pa tayo nakakababa, nire-reject mo na 'ko."

        "E, sinisimulan mo 'ko, e." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Mamaya ka na kasi lumandi. Mamaya pa yata ako magiging ready mentally."

        Hindi nito napigilang tumawa. "Hindi ako lumalandi, nagsasabi lang ng totoo. Masakit kayang ma-reject." Defensive ang tono pero successful naman nitong naalis ang awkwardness sa hangin.

        "Dito mo talaga gustong pag-usapan 'yan? Sige, simulan natin sa one week mong pagpasok sa office para maglaro ng solitaire sa PC mo." Ngumiti siya nang matamis.

        Agad itong pinamulahan ng pisngi. "Sabi ko nga, mamaya na lang pagbaba."

        Mahina siyang tumawa. Pati kasi ang mga tainga nito ay pulang-pula sa hiya.

        Tumunog ang elevator. Nasa lobby na sila. Naglahad ng kamay si August, pinapauna siyang lumabas. Nauna na rin siyang mag-swipe ng ID para makapag-out. Tahimik lang itong naglakad sa likod niya.

        Pagdating sa pintuan ng building ay ipinagbukas pa siya nito. Nagkibitbalikat lang ito nang tumingin siya para subukang magtanong.

        Ilang hakbang lang ang 7-Eleven mula sa building nila. Doon nakakuha ng pagkakataon ang isip at puso niya para magtalo.

        Pumikit siya nang mariin.

        Don't overthink.

        Consistent ang pagbukas ni August ng pinto para sa kanya hanggang sa convenience store. Kaunti lang ang tao sa loob. Wala pa sa lima.

        Lumapit sila sa bakanteng mesa sa pinakadulo. Sabay nilang inilapag ang bag sa ibabaw niyon.

        "May bibilhin ka ba?"

        Umiling siya. "Gusto ko sanang magkape kaso baka 'di na kayanin ng puso ko, e."

        Nanliit ang mga mata nito sa kanya. "Double meaning ba 'yan o literal?"

        "Wow, 'ha?" Mahina siyang natawa. "Ang assuming mo pala, 'no?" Umupo siya.

        "Hindi, a. Magaling lang mag-observe." Nag-smirk pa ito sa kanya.

        Hala, Lord, You did a great job on this one.

        Tumikhim siya, sinubukang iwaksi ang naisip. "Ikaw ba, may bibilhin ka?"

        "Wala." Umupo ito sa katapat niyang upuan. "Kaya kita tinanong kasi baka ikaw, may ipapabili."

        Muli siyang tumikhim. "So. . . ano na?"

        Mabilis nitong sinuklay ang buhok. "Uh, Chinna. . . ano. . . pa'no ko ba sisimulan?"

        "Ano?" natatawa niyang tanong.

        "Nabasa mo naman 'yong email ko sa 'yo, 'di ba?"

        Tumango siya at pumangalumbaba.

        Huminga nang malalim si August. "Ayun. Gusto kita."

        Hindi niya pinansin ang pag-init ng magkabila niyang pisngi. "Uhm, ano. . . since when?"

        "Since day one." Matipid itong ngumiti. "Kaya 'di ako makapag-react nung sumigaw-sigaw ka sa lobby." Natawa ito nang mahina, naalala siguro ang nangyari.

        "Seryoso ka d'yan? Sobrang inis ako sa 'yo no'n, e. Lalo akong nainis no'ng sumabay ka sa 'min sa lunch."

        "Akala ko kasi, inaasar lang kita. Hindi ko naman alam na sensitive topic pala para sa 'yo ang parents mo." Nalukot ang noo nito. "Again, I'm sorry for that. Sorry talaga, Chinna."

        Matipid siyang ngumiti. "Ayos na 'yon. Sorry din kasi ano, 'yong tweet ko no'ng nakaraan. . . ang childish lang. Nakakahiya, grabe." Napasapo siya sa noo.

        "Anong tweet?" pagpapatay malisya nito.

        "'Yong ano. . . 'yong may 'make an effort'." Mahina siyang tumawa. "So 'yong solitaire, 'yong final draft mo. . . ano 'yon?"

        "Seryoso bang tinatanong mo 'yan?" nakatawa nitong tanong.

        Bumuntonghininga siya. "Oo, kasi may iniisip na 'kong isasagot mo pero ayokong mag-assume. Ayoko ring ma-disappoint kaya gusto kong sa 'yo muna manggaling."

        "To answer your question and to confirm what you're thinking, yes. Pumasok ako kasi gusto kitang makasama." Lumambot ang titig nito sa kanya. "Ayun lang talaga 'yon."

        Ngumiti siya nang matipid. "Sorry for not recognising your efforts."

        Magaan itong ngumiti. "Kasalanan ko rin naman 'yon. May tanong ka pa ba?"

        "Kung gusto mo na ako—" Tumikhim siya. "—no'ng una pa lang, bakit ngayon ka lang umamin?"

        "Kasi sabi mo, kaibigan ang kailangan mo. You told me to act like a friend, remember?"

        Napangiwi siya. "Well, that's not entirely true."

        "Hindi totoo 'yong una mong dahilan?" Nakakunot ang noo nito.

        "Totoo naman. Ang dami kasing nangyari, 'di ba? And I overthink a lot. That's the worst part. I probably snapped when you went to my condo unannounced because. . . I was scared."

        "God." Napahilamos ito ng mukha. "I creeped you out, didn't I?"

        "Hindi 'yon, e. Natakot ako kasi baka 'pag pinapasok kita, gustuhin kong nando'n ka lagi. Baka gustuhin kong nand'yan ka lagi para sa 'kin."

        "But Chinna, that's okay. It's okay to yearn and expect people to do things."

        "That's the point. Alam kong normal 'yon pero hindi mawala sa isip ko na baka ma-disappoint lang ako. Ayoko nang makaramdam ng disappointment. Awat na." Mahina siyang natawa.

        "Sorry pero hindi ko maipapangakong hindi kita madi-disappoint kasi ngayon pa lang, alam kong magkukulang at magkukulang ako sa 'yo. High maintenance ka pa naman din." Ngumiti pa ito nang pang-asar bago pasimpleng hinawakan ang kamay niya sa ibabaw ng mesa.

        Mabilis niyang binawi ang kamay. "Akala ko naman seryosong usapan na. Pero teka, umamin ka nang gusto mo 'ko, tapos ngayon. . . nire-reject mo ako?"

        Natatawa nitong pinitik ang noo niya. "Hindi kita nire-reject. Ang akin lang, hindi ko maipapangakong hindi ako magkukulang pero Chinna, ikaw ang pipiliin ko araw-araw."

        "Hala, hoy." Akmang papaluin niya ang balikat ni August pero sinalo lang nito ang kamay niya.

        "Ano? E, sabi mo mamaya na lumandi." Pang-asar pa itong tumawa sa reaksyon niya. "Pero seryoso ako, Chinna. I will choose you every day. In return, I need you to be patient with my shortcomings. I hope you also choose to watch me grow into a better version of myself every day."

        Magaan lang ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Parang himalang napakalma nito ang isip niya.

        "Impatient akong tao pero para sa 'yo—" Huminga siya nang malalim. "—parang gusto kong subukan kasi. . . gusto rin kita." Maliit siyang ngumiti.

        "Talaga?" hindi makapaniwala nitong tanong.

        Nanlaki ang mga mata niya nang may mapagtanto. "Teka nga, ano munang tinatanong mo? Ligaw o girlfriend?"

        "Hindi na yata ako masasanay sa pagkaprangka mo." Mahina itong tumawa. "Ligaw s'yempre. Liligawan kita kahit umamin ka nang gusto mo rin ako. So, uhm, Miss Chinna Vicencio, may I court you?"

        Ilang beses siyang kumurap. Baka kasi bigla siyang maiyak sa tuwa. Taon na rin ang lumipas mula ng makaramdam siya ng ganoong klase ng saya. Iyong tipo ng saya na umaabot at nanunuot sa buto.

        Iyong kakaibang kiliti sa puso na parang may maliit na kidlat na dumadaloy sa dugo niya — kidlat na nararamdaman lang niya kapag nakatitikim siya ng mainit na kape sa umaga.

        Gusto pa rin pala niya ng ganoon; ng ganito; ng isang August.

        Huminga siya nang malalim. "Yes, you may, Mr. Olliveros."##

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro