EPILOGUE
~LAST~
-RIEL'S POV-
"Gray, don't run!" Sigaw ko sa panganay kong anak. Oo, panganay. Dahil dalawa na ang anak naming dalawa ni Ivan.
"Mimi, look! I saw a butterflies flying!" Sigaw niya pabalik sa akin. Ang tigas ng mukha talaga nito. He's now 7 yrs old. And our little one is now 4yrs old.
"Kuya!" Napatingin ako kay Scarlett, ang bunso namin. She's so cute with her pink dress and pink shoes. May flower headband pa siya.
"Don't run." Paalala ko sa kaniya nang umaba siyang tatakbo papunta sa Kuya niya. Pinanlakihan ko pa siya nang mata kaya tumigil siya sa pagtakbo at naglakad nalang habang nakangiti ng matamis.
"Where's daddy?" Tanong ni Gray sa kapatid niya nang makalapit ito. Hinawakan niya ito sa kamay at inaya papunta sa gawi ko.
We're in our garden. May little playground din dito kaya pwede silang maglarong dalawa but with their yayas. Naglatag lang ako ng picnic blanket para doon kami magpahingang mag-iina. Hindi ko alam kung nasaan na naman yung si Ivan.
Tumingin ako sa magkapatid na papalapit na sa akin. Agad na yumakap sa akin si Scarlett at hinalikan ang pisngi ko. She's so sweet. Everything with her is co cute and adorable. I wish she won't grow up too fast,ayoko pang makita siyang may boyfriend na. Gusto ko ganyan lang siya,pero hindi naman pang habangbuhay na bata sila kaya susulitin ko nalang ang mga panahong kasama namin sila.
"Mommy,where's daddy?" She asked cutely. I pinched her cheeks and then she giggle like she enjoyed it.
"I don't know,baby. Daddy's just around,so don't miss him too much,I'm here,oh?" I pouted my lips but she kissed it so I smiled.
"I love you,mommy." She kissed my cheeks this time.
"I love you,too. The both of you,of course,I love you." I reached for Gray's hand. He hugged me as well that makes me smile.
"Hindi ba ako kasali diyan?" Pare-pareho kaming napatingin kay Ivan nang umeksena siya sa moment namin. Mapanirang ama.
"Daddy!" Sabay nilang sigaw at agad na tumakbo papunta kay Ivan at niyakap ito sa bewang at hita. Ivan laughed at that,then he reached for Scarlett to carry her.
"How's my babies?" Agad na umismid si Gray sa sinabi ni Ivan kaya natawa ako ng bahagya.
"I'm not a baby anymore,daddy." Reklamo ni Gray.
"Yeah. But, you are our baby boy forever. Remember that." Ivan pat his head.
"I'm daddy's baby princess!" Scarlett giggled and hugged Ivan's neck. Hinalikan naman siya ni Ivan sa pisngi.
"Yes. You're my baby princess,forever." Sambit nito at naglakad na sila papunta sa gawi ko.
Ibinaba niya si Ivan si Scarlett at umupo sa tabi ko sabay halik sa pisngi ko. I smiled at him and looked at our children. They're now playing with the butterflies they saw. Tuwang tuwa pa si Scarlett dahil daw iba iba ang kulay ng butterflies na dumadapo sa bulaklak.
"They're growing too fast. Parang kailan lang…baby pa si Gray," I smiled when I remember the frist time I saw him with his eyes closed. "Ngayon ang laki na niya at nag-aaral na. Sana lang ay hindi tumigas ang ulo at maging pasaway kagaya mo." Pinanliitan ko ng mata si Ivan na nakangisi lang sa sinasabi ko.
"I doubt that. Well,hindi natin hawak ang tadhana at ugali niya kaya…pwede naman nating disiplinahin sa tamang paraan kung mangyayari man 'yon." Sambit niya na tinanguan ko lang.
"I just hope that he wouldn't be a headache." Naiiling na sambit ko.
"You shouldn't be worried." Pangungumbinsi ni Ivan.
Sa lahat ng pinagdaanan naming lahat masasabi kong maraming naging bungang kasiyahan. Sa kabila ng lahat ng pasakit,may ngiting sisilip. Pagkatapos ng marahas na bagyo,may liwanag na babati sayo. Pagkatapos mong madapa,babangon ka pa rin para sa sarili mo. Pagkatapos mong umiyak,ngingiti ka at sasabihin sa sarili mong 'kaya mo 'to'. Pagkatapos mong malungkot,sasaya ka rin para sa sarili mo.
Lahat ng ginagawa mo,para sa sarili mo. Lahat ng kalungkutang nangyayari sayo,may sayang darating sayo. Lahat ng problema mo,masusolusyunan mo para sa kapakanan mo. Lahat ng dulot nito,ang bagsak pa rin ay sayo. Sa sarili mo.
Sa aming magkakaibigan,hindi naging madali ang lahat. Nandiyan 'yung mga panahong kailangan namin ang isa't isa pero may sari-sarili rin kaming mga problema,kaya naiisip na 'wag nang makaistorbo pa. Pero kahit na ang dami naming kaharap na problema,hindi namin nakakalimutang tulungan pa rin ang isa't isa.
Nung ako ang nangailangan ng kakampi,nandiyan sila. Kaya nung sila naman ang may kailangan ng suporta sa dinadalang problema,narito rin ako handang tumulong.
That was friendship means.
Na kahit anong bigat ng problema,nagagawan ng paraan para masolusyonan. I hate being useless as friend. Kaya ginagawa ko talaga ang lahat makatulong lang sa kaibigan ko kahit sobrang liit na bagay. At sa lahat ng maliliit na bagay na 'yon,malaki ang dulot.
Lesley and Bradley has a cute 4 year old baby boy now. Ka-edad ni Scarlett. They are now a happy family. Lumalago na flower shop ni Lesley dahil dumami na rin ang mga branch ng flower shop niya. Gano'n rin si Bradley sa trabaho niya sa kumpanya nila.
Tyler and Yasmin,are married now. Five months after Lesley and Bradley's wedding,they also decided to marry each other. And also,they have a 3 year old baby girl,turning 4 years old this year. Nung una,natatakot si Yasmin dahil nga kahit na successful ang naging operasyon niya sa puso. She was over protective for her baby. Kasi nga ayaw niyang mawala ang baby at naiintindihan namin 'yon kaya tinulungan namin siya ni Lesley,though malapit na ang due date ni Lesley sa panganganak niya nagawa parin niyang tumulong.
Gab and Michelle,also marry each other a months after Tyler and Yasmin's wedding. They also have a baby now! It's 2 year old baby girl. Kamukhang kamukha ni Michelle. Buti naman. Dahil nagsasawa na kami sa mukha ni Gab. They are both successful with their job,so no worries.
And Stephen and Vhianca,marry each other a year after Gab and Michelle's wedding. They both decided with that because of Vhianca's situation. She's still taking her maintenance for her Leukemia,kahit na sinabi na ng doctor na Leukemia free na siya. But now,she's seven months pregnant with her baby boy. Natutuwa kami kasi may bago na namang miyembro sa amin. Kahit ayaw ko nang magbuntis ay nakakamiss pa rin dahil sa cute baby bump.
Nagulat pa kami nang isang gabi ay isa isa silang nagsabi na magpapakasal na sila. Pero natuwa kami dahil isa isa na naming nakakamit o nakakasama ang mga taong para sa amin talaga. Ang mga taong naging kasangga namin para sa laban na kakaharapin namin. Ang mga taong hindi kami iniwan nung mga panahong kinakailangan namin sila.
"Hey guise!" Nagulat kaming lahat dahil sa sigaw ni Bradley. Kararating lang nilang tatlo.
Mayroon kami ngayong reunion. Every month ay napag-uusapan namin sa GC na magkakaroon kami ng reunion. Dahil nga busy na kami sa kaniya kaniya naming mga pamilya at trabaho ay nawawalan na kami ng oras para sa mga kaibigan.
"Ang ingay ang puta." Sambit ni Tyler na agad pinanlakihan ng mata ni Yasmin at hinampas ang braso. "Aray ko!" Reklamo nito na ikinatawa namin.
"Don't say bad words." Yasmin warned him.
"Opo." Nakangusong sambit ni Tyler.
"Boom,under." Segunda pa ni Gab sabay tawa.
"Isa ka pa,ang hilig mong mang-asar." Saway sa kaniya ni Michelle. Niyakap siya ni Gab at hinalikan sa pisngi.
"Sorry na,baby." Nakangusong sambit ni Gab.
"Hey,buntis!" Bati ni Lesley kay Vhianca na kumakain na agad ng hinaing pagkain. Nasa VIP room kami ng restaurant nina Vhianca kaya kami kami lang rin ang narito at pwedeng mag-ingay. Pwede ring maglaro ang mga bata.
"Hello!" Bati pabalik ni Vhianca at pinagpatuloy ang pagkain.
"Hey,babe,dahan dahan baka mabilaukan ka." Pagsaway ni Stephen sa kaniya.
"'Wag kang magulo diyan,Stephen. Ganiyan talaga kapag buntis. Baka masapak ka kapag hindi mo 'yan pinagbigyan." Pagsaway ni Ivan na hinahawakan ang kamay ni Scarlett dahil takbo ng takbo sa buong room.
"Oo nga!" Segunda ni Gab.
"Ako nga nasuntok ni Riel sa pisngi nang 'di ko maibigay yung hiningi niyang kakaibang pagkain na hindi ko malaman kung pagkain bang talaga." Pinanlakihan ko siya ng mata pero ngumiti lang siya at nag-peace sign.
"Masarap 'yon para sa buntis!" Pagtatanggol ko sa sarili. Tumawa lang sila dahil sumimangot ako sa sinabi ni Ivan.
"Ako nga kung ano ano lang kinakain nung nagbubuntis ako kay Brandon,e." Pagsang-ayon ni Lesley. Tumango ako dahil tama siya. Kung ano ano naiisipang kainin ng mga buntis kapag naglilihi.
"Ako nga gusto ko yung strawberry na sinasawsaw sa peanut butter." Nangingiting sambit ni Michelle at tumingin kay Gab ng makahulugan. Agad na ngumiwi si Gab dahil doon. "Pinatikim ko pa kay Gab. Nung una ayaw niya pero nung sinabi kong makikipaghiwalay ako,agad niyang kinain." Natatawang sambit ni Michelle.
"Yuck ka,Gab!" Hinampas ni Tyler ang braso ni Gab dahil sa narinig.
"Kadiri! Hindi ko kaya 'yon!" Natatawang gatong ni Bradley.
"Gano'n talaga kapag mahal mo,gagawin mo lahat 'wag ka lang iwan." Proud na sambit ni Gab at ngumisi pa.
"Tama tama." Sambit ni Stephen.
"Luvs," napatingin ako kay Ivan nang umupo siya sa tabi ko.
"Hmm?" I hummed while raising my brow.
"Ang kulit ni Scarlett. Ang hirap hulihin. Pinabantayan ko nalang kay Gray." Sambit niya na parang nagpapaalam na hindi niya babantayan si Scarlett.
"It's okay,Luvs. Hindi naman 'yan lalabas ng kuwarto." Nakangiting sambit ko.
"Kainan na!" Sigaw ni Gab nang ipasok na lahat ng pagkain na inorder namin kanina sa kuwarto.
Tinawag na namin ang mga bata para kumain kaya naman agad rin silang lumapit sa amin para kumain. Kandong ko si Scarlett para subuan,si Gray naman ay kumakain na mag-isa.
Napatingin ako sa paligid,lahat sila masaya,lahat sila ay kontento na sa kung anong mayroon sa kanila. Lahat sila ay masaya sa pamilya nilang lahat. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang bawat isa.
Hindi ko inaasahan na magiging ganito kasaya ang buhay naming lahat. Suportado ng bawat isa sa kung ano man ang problemang kinahaharap. Hindi ko inisip na ganito ka-succesful ang magiging resulta ng lahat ng pinagdaanan naming lahat.
Maliit man o malaking problema, nasusulusyunan lalo na kapag may kasangga ka, kasama, at handang tumulong sayo makaahon lang sa problemang kinakaharap mo.
Revenge, is not a good thing that you've done in your life. Revenge is not a cure for your life. You're just ruining your life through that freaking revenge of yours. You can hate them, curse them, but do not ever revenge just to ruin their lives. That's not a solution. Be better. Be kind. Be yourself. Don't ruin anything live your life with a better soul.
I, Heart Sabrielle Flores, all done with the mission in Revenge of his Past.
-THE END-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro