Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 30

~LOVE~

"Sabi nang 'wag ka nang manood ng mga ganiyan,e." Napatingin ako kay Gab na kakaupo lang sa tabi ko. Agad ko siyang niyakap at sa balikat niya umiyak. "Sshh,don't cry,baby." Humikbi pa rin ako kahit ang sarap pakinggan sa tenga ng sinabi niya.

"Please...sana 'wag tayong magaya sa kanila." I shook my head while I'm still crying on his shoulder. "Ayoko mangyari sa atin 'yan. Ayoko nang maulit yung nangyari sa atin dati. Hindi ko na kakayanin." Umiiyak pa rin sambit ko.

Hinawakan niya ako sa balikat at pilit na pinatitingin sa kaniya. Humihikbi pa rin akong tumingin sa kaniya at may luha parin sa mga mata. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang labi ko saka marahang pinunasan ang pisngi ko.

"I love you,okay? No matter what happen to us...I won't give up on us. Okay? Just promise me you'll do the same,too." I nodded before hug him tightly. God,I don't want to lose him. I want to live my whole life with this man. He's my streght and my everything. Sabihan niyo na akong OA,pero 'yan talaga nararamdaman ko,e. Bakit ba?!

"I love you." I smiled sweetly at him.

Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. "I love you,too. I love you always and forever." Kinilig naman ako sa sinabi niya. Hindi talaga siya pumapalya sa pagpapakilig sa akin. Nakakainis kasi kapag nag-aaway kami,sabihan lang niya ako ng matatamis na salita,bumibigay na ako. Ang rupok ko!

Hindi man perpekto ang relasyon namin dahil minsan nag-aaway kami. Oo. Nag-aaway kami,pero hindi sobrang lala,napag-uusapan pa naman naming dalawa 'yon kaya hindi kami umaabot sa hiwalayan. Years ago,nung mag-away kami ng husto dahil nawawalan na siya ng oras sa akin. Hindi ko kinaya ang ginawa niya kaya sobra kong dinibdib 'yon. Oo! May dibdib ako,bakit ba?! Hmp!

"Baby..." tawag ko sa kaniya pero busy siya sa kausap niya sa cellphone niya. Napasimangot ako dahil sa ginawa niya. Hindi niya ako pinansin at sinenyasan lang na mamaya na daw.

"Okay...okay...just inform me if you have a better proposal on that." Napamasahe siya sa sentido niya kaya nanahimik nalang ako. Nandito kami ngayon sa condo niya. Bebe time daw pero ang dami niya pa ring ginagawa. Nakakatampo na.

"Marami ka pa bang gagawin?" I asked carefully,para hindi siya magalit sa kakulitan ko.

"Sorry..." sambit niya at lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko. "I have some important errands to attend." Nag-aalanlingang sambit niya. Kumunot ang noo ko.

"Akala ko ba..." I trailed off and avoided his gaze. Damn. I want to cry!

"Sorry. Alam mo naman na ako na ang nagpapatakbo sa kumpanya nina Mommy. I have to do better." He kissed my temple and hugged me. "This is also for our future." Nakasimangot akong tumango.

"Promise me you'll make things up." Sambit ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"I'll promise. Sorry,masyado lang problema sa kumpanya ngayon kaya sobrang hectic ng schedule ko,hindi na kita makasama ng matagal sa araw araw. I'm sorry." Paulit ulit niyang paghingi ng tawad at hinalikan ang labi ko.

"I understand." Ngumiti ako sa kaniya at umalis na rin siya ng condo niya. Naiwan naman akong mag-isa doon. Hindi naman kami live in pero feel na namin na mag-asawa kami,gano'n. Pero ngayon,nawawalan siya ng time sa akin.

Umalis nalang rin ako doon pagkalipas ng ilang minutong pag-iyak. Oo,umiyak ako. Namimiss ko na kasi siya. Hindi ko lang masabi sa kaniya na ang dami kong problema at siya nalang ang kinakapitan ko pero nawawalan siya ng oras sa akin kaya pilit kong iniintindi ang kalagayan niya. Ayoko kasi siyang mawala sa akin. Kapag nawala siya sa buhay ko...hindi ko na alam kung kakayanin ko pa lahat ng 'to.

Tatlong araw na hindi kami nagkita ni Gab. Minsan,hindi na siya nakakapag-text o tumatawag sa akin dahil nga busy daw siya. Kapag may time naman siya tumawag sa akin,sobrang bilis lang. Parang si Flash na dadaanan ka lang sa isang iglap at mawawala na sa paningin mo. Gano'n ang nangyayari sa aming dalawa sa loob ng tatlong araw.

At ngayon,isang linggo na. Gano'n parin. Nakakainis.

"Nasaan jowa mo?" Tanong ng katrabaho ko. Nagkibit balikat lang ako at hindi na 'yon inintindi. Kumakain kami ngayon ng lunch sa isang cafeteria.

"Break na kayo?" Tanong pa ng isa. Ang tsismosa ng mga 'to. "Jusko naman! Ang gwapo gwapo at ang yaman yaman ng boyfriend mo,iiwan mo lang? Gano'n?!" Napairap ako sa sinabi niya.

"E,di jowain mo." Umismid ako sa kaniya. Kung jo-jowain ka ng isang 'yon. First love ako no'n,e. Hindi ako ipagpapalit no'n.

"Break na nga siguro kayo..." napatingin ako kay Alice,yung unang nagtanong sa akin.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

"Nakita ko kasi siya nung isang araw..." kumunot ang noo ko. What the hell?! "May kasama siyang...babae. Supistikada,ang ganda. Parang model. Ang kinis,e." Bigla akong nawalan ng gana kumain at biglang nakaramdam ng sakit sa puso. Parang tinutusok ng karayom. "Pero...h-hindi ko siya sinisiraan sayo ah. Base lang 'yon sa nakita ko. Break na ba kayo?" Tanong niya.

"Hindi." Tanging sambit ko at tumayo saka naglakad palabas ng cafeteria. Ang sakit.

Puta. Totoo ba 'yon?! Bakit hindi niya sinasabi sa akin,kung gano'n? Bakit...sa iba ko pa malalaman kung totoo nga? Ang sakit. Ang sakit malaman na may kasama siyang ibang babae,at malalaman ko pa sa mga katrabaho ko. Sana hindi totoo.

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Pangatlong tawag ko na pero hindi parin siya sinasagot. Napabuntong hininga ako at pinagmasdan ang desk ko na may picture naming dalawa.

"Sana nagkamali lang si Alice." I whispered and tried to call him,once more.

Nakakatatlong ring palang ay sinagot na niya ang tawag ko. Pero gano'n nalang ang panlalamig ng buong katawan ko nang marinig ang boses ng sumagot.

"Hello,you know,Miss,you're disturbing us. Don't call again we're busy." Sambit niya sa mataray na tono at agad na binaba ang tawag.

Nanlalamig ang kamay kong ibinaba ang cellphone kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Bakit? S-sino 'yon? Totoo ba talaga? Pero...

Napatungo nalang ako at hinayaang umiyak ng tahimik. Hindi ko hinayaang makalabas ang mga hikbi ko dahil baka may makarinig sa akin. Ayoko. Ayokong makaistorbo. Hindi ko na gustong mamalimos ng atensyon.

Pagkauwi ko sa apartment na tinutuluyan ko ay agad akong nanghina,nasa pintuan palang,umiyak ako at hinayaan ang sariling humagulgol dahil sa sakit. Bakit? Bakit hindi niya sinabi sa akin agad para naman narendahan ko ang puso ko sa sakit na mararamdaman. Wala manlang siyang pasabi. Ito naman akong si tanga,umaasa na okay lang ang lahat kasi mahal ko siya. Bakit gano'n?

Kinabukasan ay hindi muna ako pumasok at nagsabi nalang sa manager ko na nilalagnat ako at masakit ang katawan ko. Alam kong marami akong trabahong dapat gawin at ipasa pero...hindi ko kayang kumilos ngayon dahil ang sakit ng puso ko. Literal.

Hindi rin siya tumawag sa akin kagabi o nag-text manlang. Parang nakalimutan na niya ako dahil may iba na siyang kasama. Ang sakit. Ang sakit sakit na malamang may kasama siyang ibang babae at malamang masaya siya doon. Ayaw pa magpa-istorbo. E 'di 'wag! Magsama kayong dalawa!

Habang nagmumokmok ako sa kuwarto ko at nakatingin lang sa kisame ay biglang tumunog ang cellphone ko,tanda na may tumatawag. Agad kong kinuha 'yon sa pag-aakalang si Gab na ang tumatawag,pero agad na bumagsak ang balikat ko nang makitang si nanay 'yon.

"Nay..." I composed myself and cleared my throat. "Anong problema?" I asked.

Simula nang bumalik ako ng pilipinas dahil tapos na ang pag-aaral ko sa New Jersey,ganito na lagi ang set up. Tapos na akong pag-aralin ng Tita ko kaya balik ako dito para tulungan naman ang mga magulang ko. Alam naman ni Gab ang tunggkol doon at wala siyang problema doon. Ako daw ang minahal niya,hindi ang status na mayroon ko. Wala siyang pakialam kung mahirap ako o hindi. Pero nasaan na siya ngayon?

"Anak...ang kapatid mo kasi...kailangan ng pera. May fieldtrip daw sila,kailangan niyang makabawi sa grades niya para hindi mawala ang scholarship niya. Alam mong hindi siya nakakapasok nitong mga nakaraang linggo dahil sa lagay ng tatay mo. Kailangan na rin ng maintenance ng tatay mo. 'Wag kang mag-alala,pwede pa naman akong mangutang kahit kanino rito. O kaya,maglabada. 'Yung sa kapatid mo nalang muna ang intindihin mo dahil mas importante 'yon. Mayroon pa naman ganot ang tatay mo rito." Napamasahe ako sa sentido ko. Ang daming problema. Pwede bang isa isa lang muna? Pwede bang...pahinga ko muna ngayon sa problema? Kahit ngayon lang.

"Magkano?" Tanong ko at tumayo para kuhain ang wallet ko.

"One thousand five hundred,anak. Kasama na ang baon niya doon,sorry,anak. Walang wala kami ngayon dito." Napatango ako at tumingin sa wallet ko. May matitira pa naman ako para sa panggastos ko araw araw.

Buong sahod ko kasi nung isang buwan ay pinadala ko kina nanay para ipang-gastos kay tatay na nasa hospital ngayon. May sakit siya sa puso at may highblood pa kaya naka-confine siya sa hospital para magpagaling at magpagamot. Hindi alam ni Gab 'yon,at hindi niya alam na ubos ang pera ko para doon. Dahil ayokong makadagdag sa iniisip niya. Ayoko na.

"Sige po,ipapadala ko mamaya." Sambit ko.

"Salamat,anak. Mag-iingat ka diyan,ha. 'Wag mong kakalimutang kumain. Mas maigi parin ang kumakain ka para may lakas ka buong maghapon sa trabaho." Pagpapaalala niya.

"Opo." Tanging sambit ko at binaba ang tawag. Bumagsak ang luha sa pisngi ko na agad ko ring pinalis at naligo na para maipadala ko na ang pera.

Sa sumunod na araw ay wala pa ring paramdam si Gab. Hindi ako pumupunta sa condo niya dahil ayoko pa siyang makita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Iginugol ko ang oras ko sa pagtatrabaho para matapos ko na ang project na kailangan ngayong araw. Kahit gutom,hindi ko ininda makatapos lang ng sample plates na ipepresent ko.

Nakapag-asa ako ng project ko ng alas nuebe ng gabi. Wala pa akong tanghalian at hapunan. Pero wala parin akong gana. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ramdam ang gutom. O baka,dahil emosyonal ako ngayon kaya wala akong nararamdamang kahit ano.

"Hindi tinanggap ang plates mo. Masyado daw simple. I'm sorry,Michelle,you need to make another. You have another week to do your plate." Sambit ng manager ko at tumango naman ako saka umalis sa opisina niya saka dumiretso sa restroom.

Doon ako umiyak sa isang cubicle. Ang sakit. Bakit ganito? May problema ako sa pamilya ko. May problema ako kay Gab. Pati ba naman sa trabaho? Napapikit ako ng mariin dahil sa prustrasyong nararamdaman. Hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin para hindi ko na isipin lahat ng 'to. Gusto ko nang mawala. Gusto ko nang mamatay para lang makaligtas sa problema. Alam kong hindi pa ito todo sa problema ko,pero kung magsasabay sabay at may dadagdag pa? Baka hindi ko na kayanin. Ayoko na.

Kinagabihan,umuwi ako at dumaan muna sa isang cafeteria malapit sa pinagtatrabahuhan ko para kumain. Kahit konti. Kakain ako. Kahapon,buong araw akong hindi kumain,kaninang umaga,hindi ako kumain,kaninang tanghali,konti lang ang nakain ko. Kaya kailangan kong kumain ngayon. Kahit konti. Baka mamatay na talaga ako at mapaaga ang pagtalikod sa problema.

Nakaupo ako sa pangdalawahang tao sa isang table at hinihintay ang order ko anng biglang bumukas ang pintuan ng cafeteria. At gano'n nalamang ang panlulumo ko nang makita kung sino ang pumasok. Tangina. Ang kapal. Nakangiti pa sila sa isa't isa. Mag-iilang linggo na rin kaming hindi nagkikita o nag-uusap.

Nagtama ang tingin namin ni Gab kaya umiwas ako ng tingin. Nang dumating ang pagkain ko. Kahit walang gana ay kinain ko 'yon nang mabilisan. Hindi ko na inubos at umalis na agad sa lugar na 'yon. That place suffocates me. Parang hindi ko kayang maglagi sa iisang lugar kasama siya. Ang sakit,e. Lalo na't kasama niya ang babaeng 'yon. Ang saya pa nila. Samantalang ako,naglulukha at nahihirapan na rito.

Pasakay na sana ako sa taxi nang biglang may pumigil sa akin sa pamamagitan ng paghawak sa braso. Binawi ko 'yon at tumingin sa humawak sa akin. Naluluha ako,makita ko lang ang mukha niya. Napakaseryoso at walang emosyong makikita. Sinenyasan niya ang driver na umalis na kaya naiwan akong nakaawang labi dito.

"Ano bang problema mo?! Uuwi na 'ko! Pagod na 'ko!" Sambit ko nang makahulugan. Kumunot ang noo niya pero pumungay nang makita ang mata kong nababasa na ng luha. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"I'm...sorry." He said carefully annd held my hand. Nagmatigas akong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Let go,Gab." Mariing sambit ko.

"Baby...w-what's the problem?" He asked,stuttering. Tangina! Ang lakas magtanong?!

"At tinanong mo pa kung anong problema?! Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit hindi mo nalang diretsahin na maghiwalay na tayo?! Hhindi 'yung pinagmumukha mo akong tanga rito! Naghihintay ako sayo...pero...hindi ka dumarating kahit sobrang kailangan kita." My voice broke at my sudden tears. He looked at me,painly. I am,too. I'm in pain,too! Mas masakit 'yung sa akin. Kasi wala na akong makapitan. "I needed you..." I whispered. "But where are you? With someone else?! Fuck you,Gab! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!" I burst out.

"She's just...nothing. Please,baby...don't be so irrational." Bigla ko siyang nasampal dahil sa sinabi niya.

"Tanginang irrational 'yan,Gab! Inintindi kita,irrational parin 'yon para sayo?! Anong gusto mong gawin ko?! Intindihin ka sa panloloko mo?! Sige! Pero tangina sawa na 'ko! Hindi ko na kaya! Ang dami kong problema...pero wala ka! Alam mo yung masakit? Dumagdag ka pa! Mas lalo mo lang pinabigat yung damdamin ko,Gab. Ang sakit na e,dinagdagan mo pa." Nanlulumo na ako kakaiyak ko sa harapan niya.

Nakita ko rin ang pagpatak ng luha niya at ang paglunok niya ng mariin.

"I wat space." Sambit ko. Hindi ko na kaya ang ginagawa niya. Hindi ko na kaya na makita pa siyang may kasamang iba. Sobrang sakit.

And after that night,I felt so empty. Pero sunod sunod ang messages ni Gab sa akin hanggang sa mga sumunod na araw. Parang ngayon lang ulit niya ako naalala. Parang ngayon lang ulit niya naalalang may girlfriend siya na naghihintay sa kaniya. Hindi ko pinansin ang mga tawag at text niya. Wala akong oras.

Binigyan ko na rin ng oras ang sarili ko para hindi na ako malugmok sa problema. Sinimulan kong isipin muna ang isang problema bago ang iba.

Halos isang buwang naging gganiyan a g routine ko. At sa awa ng diyos,nakayanan ko ang lahat. Nasolusyonan at naayos. Isa nalang ang hindi. Kaming dalawa. Napabuntong hininga ako. Maaayos pa ba kami? Ever since na hindi ko siya nirereplyan at tinatawagan pabalik ay tumigilna rin siya sa pangungulit sa akin. Siguro,nagsawa na siyang i-pursue ako. Siguro,ayaw na rin niya. Siguro nga.

Nang makababa ako ng taxi ay agad akong tumingin sa relo. Alas diyes na. Nakakain na ako ng hapunan kaya walang problema. Umakyat na ako papunta sa apartment ko habang tinitingnan ang susi sa bag ko. Nang makarating ay gano'n na lamang ang gulat ko sa nasaksihan.

Si Ggab na nakaupo sa sahig at nakadukdok ang ulo sa brasong nakapatomg sa dalawang tuhod. Galing pa siyang trabaho dahil naka long sleeve siya na tinupi hanggang siko at naka-slacks pa siya.

"Gab..." dahan dahan siyang nag-angat ng ulo at mabilis na tumayo nang malamang ako 'yon. Magulo ang buhok at medyo nagusot na ang suot. "What happened to you? What are tou doing here?" Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Please...baby...comeback to me please. Hindi ko na kaya." Sambit niya habang nakasuksok ang mukha sa balikat ko. "I'm sorry,I'm really sorry. Promise...hindi ko na uulitin. Hindi na ako tatanggap ng babaeng client...please I'm sorry. I gave you a space you wanted,just please comeback to me now. Mahal na mahal kita." bigla kong naramdaman ang pagkabasa ng balikat ko dahil sa luha niya.

He's crying. For Pete's sake!

"Gab..." pilit ko siyang inaalis sa pagkakayakap niya pero ayaw niya talaga umalis. "Please,let's talk inside." Pagkasabi ko no'n ay agad siyang umalis sa pagkakayakap niya at umayos ng tayo saka nagpunas ng luha. Ako naman ay binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Sumunod siya sa akin.

Humarap ako sa kaniya nang nasa sala na kami. Namumula pa rin ang mata niya dahil sa pag-iyak. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib at sakit.

"Sino yung babaeng 'yon?" Agad na tanong ko. Napabuntong hininga naman siya bago sumagot.

"She's my client. The time you see us,that was the last time I will meet her for her proposals. That proposal is all about building a new hotel near their place in Batangas. We were having a meeting that time at pipirma na ako ng proposals na 'yon nang makita kita. Kaya agad ko 'yong pinirmahan at hinabol ka,pero hindi ko alam...na 'yon pala ang mangyayari. Sorry." Yumuko siya ng bahagya at pinisil pisil angg tungki ng ilong. I bit my lower lip and looked away. "She's nothing. She's just my client. I'm sorry. Please...bumalik ka na sa akin." Tumingin siya sa akin gamit ang nagsusumamong mga mata. "I promise,may time na ako sayo. Naayos ko na lahat ng problema,just please...bumalik ka lang sakin." Lumapit siya ng bahagya kaya hinayaan ko lang siya.

Hinayaan ko lang siya na yakapin ako ng mahigpit at halikan ang tuktok ng ulo ko.

"I missed you. Damn...I'm going crazy missing you. I love you so damn much that I can't even concentrate on our meeting...I really missed you." Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang mapupungay niyang mata.

"I missed you,too." Sambit ko at tumingkayad para halikan siya sa labi. "Please...don't do that again. Hindi ko na kakayanin kung mawawala ka na naman sa buhay ko." Nakangusong sambit ko.

"Promise. Sorry,kung wala ako sa tabi mo nung mga panahong kailangan mo ng sasandalan. I'm sorry." Paghingi na naman niya ng tawad.

"Napatawad na kita. Hindi naman kita matitiis,e. I love you." Sambit ko. Hinalikan niya ako ng mariin at hinayaan ko lang siya dahil miss na miss ko na siya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag naaalala ko ang nangyaring 'yon sa aming dalawa noon. Ngayon,hindi na kami gaanong nag-aaway. Masyado na rin siyang over protective sa akin pero ayos lang kaysa naman sa wala siyang ginagawa. Saka lagi na rin kaming nagde-date. Para daw hindi ko isiping kinakalimutan na niya ako dahil.tutok na naman siya sa trabaho. Naiintindihan ko naman kaya hindi na kami madalas mag-away.

"Baby..." tawag niya sa akin kaya tumingin ako sa kaniya. Pero saktong paglingon ko ay ang paglapat ng labi niya sa labi ko. "I love you,please...marry me." Sambit niya habang magkalapit parin kaming dalawa. Naramdaman ki nalang na may malamig na bagay ang sinusuot niya sa daliri ko kaya tiningnan ko 'yon. Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang isang engagement ring.

"Gab..."

"Please,marry me. Gusto na kitang makasama araw araw,yung sa iisang bubong. Gusto ko kapag nag-away tayo,walang dahilan para maghiwalay dahil kasal na tayo." Natawa ako sa sinabi niya kaya tumango nalang ako dahil wala na akong magagawa,naisuot na niya sa akin alangan namang hubarin ko pa.

"I love you." Sambit ko at hinalikan siya sa labi.

"I love you,too." Tugon niya.

I always love this man,forever,no matter what happen to us. He's still my real first love.

-VHIANCA'S POV-


"Congratulations,Ms.Vhianca Uy. You are now free from Leukemia. But,still you will take your maintenance para makasigurado." Ngumiti ako sa doctor ko at kinuha ang envelope na ibinigay niya sa akin. Isang sertipiko.

"Thank you,doc. Thanks for everything." Sambit ko bago lumabas ng clinic niya.

Naabutan ko si Stephen na nakayuko at nakapatong ang dalawang siko sa tuhod at mukhang malalim ang iniisip. Well,hindi ko siya masisisi dahil sa dami ng pinagdaan namin. Ever since na malaman kong may sakit ako,pero hindi siya umalis sa tabi ko para parehas kaming lumaban. Hindi siya nagkukulang ng paalala sa araw araw ng kung ano ang dapat kong gawin para hindi lumala ang sakit ko. Kung ano ang mga paalala ng doctor sa akin na madalas kong makalimutan. Kung kailan ako iinom ng gamot at kung ilang oras ang dapat kong pahinga.

I pity him for being so helpless sometimes. Whenever he saw me being pale as hell,he always wanted to cry,but I always reminding himto be tough. I will fight for us so that he don't worry about me. Hanggang sa ito nga,nakayanan ko na at nakaligtas na ako. Gumaling na rin ako sa wakas.

"Babe," I called him to get his attention. Nang marinig ang boses ko ay umangat ang tingin niya sa akinat agad na tumayo. Lumapit siya sa akin at tumingin sa hawak ko.

"What's the result?" He asked,confuse and hopeful.

I smiled at him sweetly and hugged him tightly. It feels like,I achieved to hike a Mount Everest. I'm so happy and greatful at the same time because I'm now free in my illness. I can do what ever I want now!

"I'm healed." Tanging sambit ko. Biglang nawalan ng lakas ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin kaya bumitaw ako para tingnan ang reaksyon niya na sana ay hindi ko na ginawa. He cried.

"Fuck! Really?! Oh! Thanks God! You heard my prayer everynight. Thank you!" Pagkasabi niya no'n ay agad niya akong hinalikan sa labi at niyakap. Napangiti ako ng malapad sa sobrang saya niya.

After that,we went home early for the dinner. May family dinner kami ngayong gabi. Hindi alam ng pamilya ko na kukuha kami ng result ngayon kaya magiging surprise ito para sa kanila. Umuwi muna si Stephen para magbihis at para sabihan na rin ang parents niya. Ako naman ay umakyat para itago muna ang envelope at naligo.

Nagbihis lang ako ng simpleng peach color dress above the knee at flat shoes since dito lang naman sa bahay. Nagmake up lang ako ng light para hindi ako magmukhang maputla. Saktong pagbaba ko ay dumating na ang pamilya ni Stephen. Umayos ako ng tayo para salubungin sila. Bumeso ako sa parents niya at siya naman ang sinalubong ko ng halik sa labi.

"Let's surprise them." Bulong ko sa kaniya kaya tumango siya. Pumunta na kami sa dining area dahil nakahanda na raw ang dinner.

Naroon na sina mommy at nakaupo na sa pwesto nila. Umupo ako tabi ni mommy at sa tabi ko naman si Stephen. Nasa kabisera si Daddy at nasa kabilang side naman ang parents ni Stephen.

"You look so happy,honey." Pansin ni Mommy sa akin kaya mas lalo akong ngumiti.

Kumain na kami at nagkuwentuhan ng kung ano ano. Pero hindi ako maka-relate dahil hindi naman ako nagtatrabaho sa kumpanya dahil nga sa sakit ko. Nakikisabay nalang ako sa tawa kapag nagpapatawa si Tito or si Daddy.

"Kaya nga gusto ko,gumaling na itong si Vhia,para naman wala na akong problemang iisipin. Naiistress na ako sa mga nangyayari." When they went to that topic,I decided to tell them about the result.

"Mom,dad,tito and tita,I have a good news for you." Ngumiti ako at tumingin kay Stepgen na naghihintay lang.

"What is it,honey?" Takang tanong ni mommy.

"Magaling na po ako. Sabi ng doctor ko ay magte-take parin ako ng maintenance para sigurado." I smiled sweetly at them. Silence ate us. Parang tumigil ang mundo nila dahil sa sinabi ko.

"Is that...legit?" Mom broke the silence. I nodded. "Magaling ka na?! That's a great news! Ever! Honey,I'm so happy for you." Naiiyak akong niyakap ni mommy.

"Congratulations,Vhia. Dahil lumaban ka,at nakinig ka sa lahat ng payo kaya hindi na lumala ang sakit mo. I'm happy for you." Ngumiti ako kay tita. Gano'n rin si tito na binati ako. Si daddy naman ay lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm so happy for you,my princess." Sambit niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Thank you po." Sambit ko.

I turned to Stephen but my eyes widened when he kneeled down on the floor holding a velvet box and open it.

"I promise to myself that after everything,Vhia...I will marry you and have you for my life time." Naluha ako dahil sa ginawa niya. Napatingin ako sa paligid at lahat sila ay nakatingin samin ng may ngiti sa labi. "Hindi ako sumuko at nanatili lang ako sa tabi mo dahil sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko iiwan ang babaeng pinakamamahal ko na maghirap ng mag-isa. Na lumaban ng mag-isa. Kaya ginawa ko ang lahat,maging parte lang ng laban mo. I love you,Vhianca. I will give all my life,my body,my heart,my soul to you,just marry me. I will promise all things to you." I smiled at him when my tears fell from my eyes. "Vhianca Uy,will you marry me?" Tumango ako at hindi na makapagsalita. Isinuot niya sa akin ang singsing sabay tayo niya at pagyakap sa akin. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at umiyak sa dibdib niya.

"I love you,Stephen." Sambit ko sa gitna ng paghikbi.

"I love you,more,Vhianca." Saad niya at hinalikan ang ulo ko.

Hindi ko na pinansin na nandiyan ang mga magulang ko basta umiyak ako dahil sa sobrang saya ko.

I fought for us,because I know I will have a better life if I will fight against my illness. And Stephen insisted to stay by my side and never leave me. He never give up. His love gets stronger every passing day.

And I will promise to myself that no matter what happen,I will fight for my love for him.

---------------------------------------------------------------

Hakdog! Ang haba ng side story ni Gab jusko naman HAHAHAHA enjoy!

This the last chapter and then the epilogue. Alabyu all. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro