CHAPTER 3
~PREGNANT~
Pagkatapos ng celebration ay maaga naming pinauwi lahat ng mga office workers ko at pero bago kami umuwi ay nakaramdam ako ng pagkahilo.
"Luvs,ok ka lang,dapat kasi di ka na uminom ng alak eh" saad ni Ivan.
Tiningala ko sya at ngumiti "I'm ok. Pupunta lang akong restroom" saad ko at tumayo
Naglakad ako papuntang restroom at agad na napasuka sa lababo.
"Pwe!" Ramdam ko pa rin ang hilo kahit na di naman ako gaanong uminom saka ladies drink lang naman ang ininom ko bakit ganon? Lumabas na ako ng restroom at nakita ko si Ivan sa labas nito at prenteng nakatayo sa gilid. "Ivan" tawag ko dito kaya napatingin sya saken.
Lumapit sya saken at inalalayan ako "Are you okay?" Tanong nya.
"Oo ok lang ako medyo nahihilo lang tara na umuwi na tayo" aya ko dito kaya inalalayan nya ko palabas ng kompanya.
Pinahatid ko nalang yung kotse ko sa isang staff ng kompanya.
Nang makarating kami ay agad akong inihiga ni Ivan sa kama namin "Sleep tight" sabay halik nya sa noo ko
"Good night luvs"
"Good night din luvs" ipinikit ko na ang mata ko at nakatulog na.
[Kinabukasan]
"Luvs,ok ka na?" Tanong ni Ivan nang makita akong nakatayo sa gilid ng pinto habang pinagmamasdan sya'ng nagluluto ng almusal namin. Ang gwapo pa rin nito t*ng*na makalaglag panty mga inday!
Lumapit ako sa kanya at nagpacute "Luvs,pupunta ako kay daddy ah,weekend ngayon. Bonding" paalam ko dito
"Sure luvs,basta uuwi ka agad ah" saad nito na ikinangiti ko.
"Yes luvs" tugon ko at niyakap sya.
Nang makaluto na sya ng almusal ay agad akong naligo para makapunta na ako kay Daddy.
"Luvs,babye" paalam ko at hinalikan sya sa labi pero smack lang naman.
"Take care luvs" aniya nito sabay ngiti saken kaya umalis na ko ng bahay. Pinaandar ko na ang kotse ko at nakangiting nagmaneho ng kotse papunta kay Daddy.
"Good morning young lady" bati saken ni manang. Ngumiti ako saka nagtanong.
"Nasaan si Daddy?" Tanong ko sa kanya
Yumuko sya ng bahagya bago magsalita "Nasa kwarto nya ho," aniya nito "Hindi pa po sya gising"
"Ah ganon ho ba. Ahm sige po mamaya ko nalang sya gigisingin,ugh!" Bigla akong nakaramdam ng hilo at pananakit ng ulo
"Ayos lang ho ba kayo young lady?" Alalang tanong saken ni Manang.
"Opo,medyo nakaramdam lang ako ng hilo" ani ko
Kumuha sya ng tubig at iniabot saken "Inumin mo 'to" saad nya kaya naman ininom ko 'yon.
Pero maya maya lang ay "ump!" Bigla akong nakaramdam ng pagduwal. Yung parang binabaliktad ang sikmura ko. "Bwak!pwe" sumuka ako ng hindi ko alam kung anong dahilan. Wala naman akong nakaing iba kundi yung niluto ni Ivan na agahan.
"Young lady ayos ka lang ba?ano bang nakain mo at bigla kang nasuka?" Sunod na tanong ni manang.
Kumuha ako ng tissue at ipinunas sa labi ko "Hindi ko rin ho alam eh," itinapon ko ang tissue at kumuhang muli "almusal lang naman po ang kinain ko tas wala nang iba" ani ko na ikinakunot ng noo niya
"Hindi kaya-?" Tumigil siya saglit saka muling nagsalita "-buntis ka?" Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi nya
"H-ho?p-pano po?oh my god!" Napatakip nalang ako ng bibig ko nang marealize kong bigla ang lahat
'F*ck!Ivan!'
"Bibili ako ng pregnancy test tingnan mo kung totoo nga ang sinasabi ko. Para makasigurado." Aniya nito na tinanguan ko lang.
Lumabas sya ng banyo at ako naman ay naiwang tulala na parang di alam ang gagawin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Saka ako napakapit sa tiyan ko
'Kung totoo nga na buntis ako,baby,please forgive mommy kung hindi ko muna sasabihin sa kahit na sino pati na sa daddy mo huh'
Naupo ako sa sofa at hinintay si Manang na bumalik dito. Tulala lang ako at parang wala na rin sa sarili
'Bata pa kami,21 ako at si Ivan 22?'
"Young lady" napatingin ako sa nagsalita at napatayo na rin iniabot nya saken ang isang paper bag na maliit. "Pumunta ka na ng cr" aniya nito na agad kong sinunod.
Nang makapunta ako ng cr ay agad kong binasa ang nasa instruction at ginawa na iyon.
Nang magawa ko na iyon ay agad kong tiningnan kung dalawang guhit. Kinakabahan ako sa kalalabasan,pero kahit anumang kalabasan tatanggapin ko.
Tiningnan ko na ang pregnancy test at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung anong kinalabasan.
'Bu-buntis ako?'
Lumabas nalamang ako ng cr at bagsak balikat na hinarap si Manang.
"Kumusta?" Alalang tanong nya
"I'm -Pregnant," bagsak balikat kong sabi "Manang,bata pa kami pano na 'to?" Alalang tanong ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay "Anak,hindi porke bata pa kayo eh hindi niyo na tatanggapin ang bata. Kung nandito lang ang mommy mo,tatanggapin niya ng buong buo ang bata. Saka hindi naman kayo teenager para masabing bata pa kayo eh,21 ka na sapat na rin upang bumuo ng pamilya. Isa pa kasal na kayo,saka may sarili na ring trabaho kaya huwag kang matakot. Palakihin mo ng mabuti ang bata" payo nito.
"Wag nyo po muna sasabihin kay daddy please" pagmamakaawa ko dito
"Oh sige,itatago ko muna pero sasabihin mo rin sa kanila huh" anito
"Sige po manang salamat po" saad ko
"Gisingin mo na ang daddy mo" saad pa nito na tinanguan ko
Umakyat na ko sa taas at pumunta sa kuwarto ni Dasddy
*tok tok tok*
"Dad?"
"Hmm come in" saad nito kaya binuksan ko na ang pinto.
"Dad kain ka na" may paglalambing kong sabi.
"Ang aga mo naman ata anak?" Tanong nito na ikinatawa ko
"Ahm wala lang para naman makasama kita ng medyo matagal this day." Nakangiting sabi ko
"Hmm sige tara na at kumain na tayo" aya nito saken at inakay na ko sa baba para kumain.
*
"Oh sige na anak,umuwi ka na 3:30 pm na kaya sige na baka miss ka na ng asawa mo" natawa ako sa sinabi nya
"Grabe dad,araw araw kaming magkasama non eh" natawa naman sya sa sinabi ko
"Sige na umalis ka na babye" paalam nito saken
"Sige dad,bye" paalam ko din at sumakay na sa kotse. Kumaway pa akong muli sa kanya habang nasa kotse.
Napabuga ako ng malalim ng makalayo na ako sa bahay. Naiisip ko kasi kung paano ko sa kanilang lahat sasabihin. Or sasabihin ko muna kina Yasmin at Lesley?kaso maingay si Lesley eh baka masabi niya agad nang wala sa oras ang lahat. Tss hays si Yasmin nalang muna ang sasabihan ko.
*Dialing Yasmin*
"Hello?Yel?"
"Min,can we talk?"
"We're talking now"
"F*ck not here!"
"Then where?"
"Don sa park na lagi nating pinupuntahan"
"Hmm sige pupunta na ko,wait me there"
"Sige take care bye"
Pinatay ko na ang tawag at nagmaneho na lamang ng diretso papunta sa park.
Nang makarating ako don wala pa si Yasmin kaya umupo ako sa isang bench doon.
"Oh!Riel,nandito ka rin pala?what bad spirit brings you here?" Mataray na ani nito
"Diba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan. Sinong masamang demonyo ang nagpapunta sayo dito?" Balik kong tanong
"Hindi ko rin alam eh,siguro nagkataon lang na nandito ka at nandito ako. So what's the news?"
"I'm not a journalist to give a news"
"Alam mo Riel,wag kang magtataray saken kasi iba akong kalaban"
"I don't care Mitch,kung mataray ka mas mataray ako."
"Then we'll see"
Tinarayan ko lang sya at hindi na nagsalita.
"I will get back what's mine Riel"
"Then,get it,steal it"
"I will. Mrs. Ward" pagkasabi niya non ay agad siyang lumakad palayo saken nang nakatalikod siya ay nagmake face pa ko. Kala nya huh magpapatalo ba si Riel. Pakyu!
"Yel. Sino naman ang sinasamaan mo ng mukha?" Napatingin ako sa nagsalita at nandito na pala si Yasmin.
"Sorry. Ahm wala yon" ani ko at umupo sa upuan ganon din ang ginawa ni Yasmin..
"So ano yung sasabihin mo?" Huminto muna ako ng bahagya saka ngumiti sa kaniya.
-
-
-
OOPPSS HANGGANG DIYAN MUNA GUISEU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro