Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

~FORGIVENESS~

2days,2days na niya akong hindi pinapansin,hindi kinakausap,at hindi nakakatabi sa pagtulog. Ni hindi ko na nga siya nakakasabay sa pagkain ng almusal,kapag pumupunta ako sa opisina niya hindi niya ako pinapansin o hindi pinapapasok.

Ganon na ba talaga kahirap buksan ang isip niya at unawain ang mga sinabi kong eksplanasyon?mahirap bang magpatawad sa taong wala naman talagang kasalanan?

Uuwi ako nang walang Riel na nakangiti sa akin,uuwi ako nang walang Riel na hahalik sa akin,at uuwi ako na walang Riel na manggigigil sakin. Magigising ako nang walang Riel na bubungad sakin,magigising ako nang walang Riel na mangungulit sakin magsipilyo muna,at magiging ako nang walang Riel na kasabay ko sa almusal. Matutulog ako nang walang Riel na maggu-goodnight sakin,matutulog ako nang walang Riel na hahalik sakin,walang Riel na yayakap sakin.

Tang*na gusto ko na namang umiyak!gusto kong magwala at sabihin ulit sa kaniya na wala talaga akong kasalanan. Gusto kong dalhin sa kaniya si Mitch at sabihing wala talaga akong alam sa nangyari. Fvck!this is full of bullsh*t! Wala na akong ibang ginawa sa loob ng dalawang araw kung hindi ang mag-inom,sa bawat oras na maaalala ko lahat ng sinabi sakin ni Riel. Na parang ganon nalang kahirap sa kaniya ang patawarin ako.

Simula rin nung nag-away kami,lagi na akong lasing sa gabi. Gusto kong mawala yung sakit na nasa puso ko. Gusto kong ipamukha sa sarili ko na panaginip lang ito,isang bangungot na hindi ko malilimutan.

Gusto ko nang magising,pero wala eh. This is bullsh*t reality. Tang*na ang sakit sobra. Ayokong sumuko,para maniwala siya sakin. Hindi ako susuko hanggang sa buksan na niya ang isip at puso niya sa para paniwalaan ako.

-RIEL'S POV-

"Paaano?paano ko siya kakausapin?kung lalapit palang siya sa akin kinakabahan na ako?na bawat lalapit siya sa akin lumalayo na ako?paano ko siya kakausapin niya ako hindi ako makapagsalita kaya hindi nalang niya naitutuloy" umiiyak kong sambit. Nandito ako ngayon kina Yasmin,kasama namin si Lesley. Wala si Tyler kaya mas mabuting dito nalang kami mag-usap usap.

Naproseso ko na ang lahat nang sinabi sakin ni Ivan,at yung sinabi ng asset niya. Ngayon ko lang napagtanto na wala siyang kasalanan,at masyado akong naging harsh sa kaniya kaya hindi ko na napakinggan ang panig niya. Sumarado ang utak at puso ko dahil sa nakita ko. Kaya ngayon na malinaw na sakin ang lahat kaya ko na siyang patawarin.

"I know,he'll be understand what's your situation. Mahirap din magpatawad ng ganon,lalo na kung may mga nabitawan kang salita na nakasakit sa kaniya." Tinapik ni Lesley ang likod ko para aluin.

"Kaya nga eh,paano ko siya kakausapin kung nasaktan ko siya?paano ko sasabihing napatawad ko na siya kung ako mismo hindi mabigkas yun sa kaniya?" Patuloy lang ako sa pag-iyak at patuloy lang sa pag-alo si Yasmin at Lesley sakin.

"Yel,alam namin mahirap pero kailangan mo siyang harapin at sabihin sa kaniya na napatawad mo na siya. I know it's hard,but you need to do what's right before it's too late. Nasa paligid lang si Mitch,at handang lumandi kung kinakailangan. Handa niyang agawin sayo si Ivan,kahit anong oras. She's so desperate to get Ivan's back. So you need to step in,at wag mong hayaan na kuhain ni Mitch si Ivan sayo. Which is alam naming hindi agad agad makukuha ni Mitch si Ivan sayo,pero gosh!sa ginagawa mong pag-iwas kay Ivan,nagkakaroon ng chance si Mitch na makuha siya against you. Kapag napagod si Ivan,hindi malabong kumalas siya sa pagkakahawak sayo. You must think about it,Yel."

Bibitaw?kakalas?susuko?mapapagod?kaya nga ba ni Ivan yon?Paano nga kung oo,paano kung hindi na niya kaya?pero kilala ko si Ivan,kaya niya akong pagtiisan. Alam kong ayaw niya akong mawala sa kaniya,lalo na't magkakaanak na kami ngayon. I know him,I should trust him.

"I need to talk to him,ayokong mawala siya. Mahal ko si Ivan. Ayokong makuha siya sa amin ni Mitch. Tang*na hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala sakin si Ivan."

"But,wag mo rin mapatawad si Ivan,kapag nagpaakit siya kay Mitch. Hello siya yung may katawan,kaya siya dapat ang umiwas. Alam kong loyal na faithful pa si Ivan. Pero kung may hudas at ahas sa paligid,wala. Kahit anong sabihin mong loyal at faithful yang asawa mo,kapag naagaw ng ahas,kapag nalingkisan ng ahas. Walang posibilidad na makuha mo siyang muli. You can't get him back. Dahil hindi magpapatalo ang ahas na nakalingkis sa kaniya." Napaisip ako sa sinabi ni Lesley. Si Mitch,siya ang hudas at ahas sa buhay namin ni Ivan. I need to stop her. I need to limit her.

"Kapag nagkataon,patawarin ako ng diyos,sa magagawa ko sa kaniya." Seryosong sambiy ko at nagpunas ng luha.

"S-seryoso ka?nagjojoke lang naman ako."

"This isn't the right time to have a joke,Ley,siraulo ka talaga" saway ni Yasmin sa kaniya.

"I need to talk to them."

"Them?" Sabay nilang tanong

"Yes,I need to talk to Ivan,to forgive him. And I need to talk to Mitch,to tell what's her limit."

"Wag kang gagawa ng bagay na makakasama sayo at sa baby mo. We support you."

"Thanks,Min."

"We love you,Yel,kaya kahit anong laban yan. Support lang." Niyakap ako nina Yasmin at Lesley. Kaya naman nawala ang sakit at bigat ng pakiramdam ko.

Buti nalang at may mga kaibigan akong kagaya nilang dalawa. Hindi parin sila nagbabago,never silang nawala sa tabi ko lalo na kapag may problema ako.

*

"Ivan?" Nakauwi na ako at naabutan ko si Ivan na nasa counter ng kitchen at umiinom. Lumingon siya sakin saglit pero binawi rin yon. Ininom niya ang natirang wine sa baso niya saka tumayo.

Akala ko lalapit siya sakin pero nagkamali ako.

'Kapag napagod si Ivan,hindi malabong kumalas siya sa pagkakahawak sayo. You must think about it,Yel.'

Hindi talaga malabong kumalas siya o bumitaw siya sakin dahil sa ginagawa ko.

"I know you're still mad at me. Kaya bibigyan muna kita ng space. Lagi lang akong nasa tabi mo,kaya kapag handa ka nang makinig sakin,handa na rin akong tanggapin ang sasabihin mo." Masakit. Masakit isipin na nasaktan ko ang taong mahal ko dahil sa ginawa ko. Nasabihan ko siya ng masasakit na salita at hindi ko pa siya pinakinggan,ang sakit non. Doble pa sa dinaranas niya ngayon.

Nagpakakitid ang utak ko dahil sa nakita ko at hindi ko manlang siya nagawang pakinggan. Ngayon na malinaw na sakin. Ayoko nang patagalin pa ang away naming dalawa.

"I want to talk to you,Ivan." Pinilit kong hindi gumaralgal ang boses ko para masabi kong okay lang ako. Hindi ako nasasaktan. Kahit na ang totoo,hindi ako okay,at ang sakit. Ang sakit na makitang nang dahil sa ex niya nag-aaway kami ng ganito.

Konti lang ang agwat ng layo niya sakin. Pagharap niya sa akin ay agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. I miss this.

"Sorry. Sorry kung hindi kita pinakinggan,sorry kung sinara ko ang isip ko para intindihin ang lahat ng sinabi mo. Narealize ko na kapag nawala ka sakin,hindi ko kakayanin. Ayokong mawala ka sakin. Sorry. Mahal na mahal kita Ivan,ayokong maghiwalay tayo ng dahil sa babaeng yon. Sorry,kung nawala yung tiwala ko sayo nung mga araw na yon. Hindi ko lang talaga kinaya yung nakita ko. Sabi mo hindi ka na lalapit sa kaniya,sabi mo hindi na kayo magbusiness partner..." hindi ko na napigilan ang sarili ko at naluha na ako habang nakayakap parin sa kaniya. "Sorry."

"You don't have to say sorry,Luvs. Ako ang dapat humingi ng tawad. Hindi ko sinabi sayo na makikipagkita ako kay Mitch. Sabi niya kasi kapag nakipagkita ako sa kaniya hindi na niya tayo guguluhin pa kaya pumayag ako. Pero hindi ko akalaing may gagawin pala siyang hindi maganda. Sorry." Niyakap rin niya ako at hinaplos ang buhok ko. "I love you so damn much,Luvs. I can't lose you,kahit sabihin mo pang kapalit si Mitch,o kung sino mang babae na mas maganda at mas sexy sayo. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko." Napangiti ako sa sinabi niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya. Pinunasan naman niya ang luhang nasa pisngi ko at hinalikan sa noo.

"I miss you,I really really miss you,luvs." Hinawakan niya ang baba ko at iniangat saka ako hinalikan sa labi.

'I miss this too.'

"I miss you too,Luvs." Ngumiti ako sa kaniya at niyakap ulit siya.

"You forgive me."

"Yes. Hindi kaya kita matiis,medyo natagalan lang kasi. Hindi ko pa kayang kausapin ka. Nahihiya kasi ako,kasi nasaktan kita sa bawat salitang lumabas sa bibig ko." Napayuko ako habang sinasabi yon.

"Ayos lang na ako ang masaktan,kaysa ikaw. Hindi ko na kakayanin kapag nasaktan ka ulit. Lalo na si baby." Kumalas siya sa pagkakayakap at lumuhod at hinawakan ang tiyan ko.

"Baby,miss na miss ka ni daddy. Sorry kung nag-away kami ni Mommy ah,promise hinding hindi na kami mag-aaway ulit. Para sayo. I love the both of you." Saka niya hinalikan ang tiyan ko.

"Miss na miss ka na rin namin ni Baby" nakangiting sambit ko. Tumayo siya hinawakan ang magkabilang psingi ko. Saka unti unting nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko nalang na hinalikan na niya ako at masasabi kong namiss ko talaga ang kiss niya.

Nang kumalas na siya sa paghalik ay agad siyang ngumiti sakin na kinapula ng pisngi ko. Iba parin talaga ang epekto ng lalaking 'to sakin. At ang gwapo parin niya habang suot suot niya ang ngiting tagumpay niya. He's so gorgeous in his smile.

"I love you,100,000 times. I will love you 'til the end. Luvs." Ngumiti ako ng matamis sa sinabi niya.

"I love you too,100,000 times" saka ulit ako lumapit sa kaniya at hinalikan ulit siya sa pisngi.

-STEPHEN'S POV-

They didn't know,that I'm now suffering for my tragic life. This bullshit life. My life,my everything,my world,is now suffering to her illness.

We're in USA for her diagnosis. But it tooks us too much time. For me to agree in this bullshit thing.

May Leukemia si Vhianca,it's stage 2. But I can't help,but to suffer. Hindi ko magawang mabigyan siya ng lakas ng loob dahil maski ako eh nawawalan ng pag-asa. Bakit?bakit kailangang siya pa?bakit kailangang ang babaeng mahal ko pa ang kailangang maghirap ng ganito?ang sakit sa dibdib na hindi ko siya matulungan na malampasan ito. I know I'm not a God,but damn!I want to find a way to cure her.

"Stage two palang naman,babe. Alam ko naman na hindi natin maiiwasang mag-alala pero alam naman nating malalampasan natin to." Ngumiti siya sakin na animo'y parang wala siyang sakit na dinadamdam.

Nakaramdam na naman ako ng pagsikip ng dibdib ko nang makita ang mapait na ngiti niya. Her angelic face,that goddamn gorgeous face. Na makita ko lang na nahihirapan,turns my heart to break into peaces. I hate it. God!why?why she needs to suffer like this?she didn't deserve this kind of illness. Ibigay mo nalang sakin. Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan.

"Pwede naman siguro tayong humanap ng donor." Napangiwi ako sa sinabi niya. Pwede nga ba?paano kung pwede at wala siyang kamatch?but I can give my whole life for her. Kapag pwede,magdodonate agad ako. Kahit ikamatay ko,mabuhay lang ang babaeng mahal ko.

"I'm on pain,so please give me a strength to fight." Ngumiti siya na ikinangiti ko rin. Ayaw niya talagang nalulungkot ako.

"I know,we can handle this." Hinawakan ko ang kamay niya na ikinangiti niya lalo. Hinalikan niya ako sa labi at ramdam ko ang pagmamahal niya ng sobra sakin,so I gave it to her back.

Umuwi na kami at nagpahinga. "Sabi ng doctor,you need take some rest,'some' sundin mo lahat ng sinabi ng doctor para hindi ka mapagod ng sobra. Ayokong maghirap ka. Para na rin daw medyo mabawasan ang paglala ng sakit mo. Bawal magpuyat. Take enough time to rest your body,your mind,all of you. Please. Take care of your self. Pagpatak ng 8:00,you need to sleep. Wake at 5:00-5:30,that's the right time of waking up everyday. Susunduin kita dito ng 6:00 para mag-exercise tayo. Everyday. I need to take care of you,cause you're my life. So,I don't want to risk my on life to lose you. 7:06pm na,you need to rest. Eat well. Vegetables and fruits must be eaten everyday. No junkfoods. No chocolates. No sweets." Napangiti ako nang makita kong nakangiti siya habang nakikinig sakin nang nakatingin sa mga mata ko. "Rest now. Gigising ka pa ng maaga for your routines. To inside. I will call you later,at ipapaalala ko sayo na matulog ka na." Hinalikan ko siya sa labi na ikinangiti niya.

"Yes,my master. I will do all of that order. Papasok na ko. Goodnight,sweetdreams. I love you." Ngumiti ako sa huli niyang sinabi.

"I love you too" ganti ko at pinagmasdan na siyang pumasok sa loob ng bahay nila.

Umalis na rin ako at umuwi na ng bahay,saka siya tinawagan at pinaalalang matulog na siya. If I have an opportunity to stay beside her,I will. Kaso,nahihiya ako sa magulang ni Vhianca. Dahil baka hindi na nila makasama ang anak nila nang dahil sskin. Pero gusto ko paring alagaan si Vhianca,as much as I can. Gusto ko nasa tabi niya ako palagi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro