CHAPTER 14
~FIGHT~
-RIEL'S POV-
Lumabas ako ng kuwartong yon bago pa man bumagsak ng tuluyan ang luha ko. Bago pa man ako makapatay ng higad sa harap ng asawa kong taksil. Tang*na ang sakit!ang sakit sakit sobra. Yung tipong mas masakit pa sa heartbreak eh. Asawa mo nakita mong may kasamang babae,at ang mas masakit sa lahat…nakahubad sila,naghahalikan. Kaya sobrang sakit. Gusto ko silang ilampaso sa sahig nang maramdaman naman nila ang sakit na nararamdaman ko ngayon,pero hindi ko kaya. Nanghihina ako at mukhang any time babagsak ako dahil sa sobrang sakit.
"LUVS!" rinig kong tawag ni Ivan,nakapagbihis na siguro ka agad siya ng damit kaya sumunod na. Pero t*ng*na wala akong pake!ang sakit eh.
Ex niya yon tapos kasama niya sa iisang kuwarto at ang masaklap parehas din silang nakahubad,at hinahalikan siya ni Mitch. Humanda ka sakin kapag nagkita tayo,shengene ka!
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad akong pumasok don at pinindot ang ground floor. Rinig ko pang tinawag ako ni Ivan at kinalampag ang pinto ng elevator pero wala na,sumara na ito at pababa na ako. Ang sakit.
Nang makalabas na ako sa elevator ay siyang pagbagsak rin ng mga luha ko. Hindi ko siya pinipigilan pero ayaw niya lang sigurong ipakita sa mga gag*ng yon na nasasaktan ako dahil sa nakita ko. Pero pot* ang sakit talaga.
Napasandal ako sandali sa kotse ko at hinayaang bumagsak ang mga luha ko. Kailangan ko ng hangin. Kailangan kong mapag-isa. Kailangan ko ng space. Kailangan ko yan lahat. Ayoko pang makita si Ivan. Hindi ko pa siya kayang harapin. Masakit pa sakin eh. Sariwa pa sa mga mata ko ang nakita ko.
[Now Playing: Kahit Ayaw mo na by This Band]
"Luvs" napatingin ako sa kamay na nakahawak sa braso ko. Umangat ang tingin ko sa taong nagsalita at nakahawak ngayon sa braso ko.
Biglang may kung anong kumurot sa puso ko nang makita ko siya. Ang mga mata niya. Yung mapupungay niyang mata na hindi ko aakalaing titingin na naman sa ex niya. Tang*na ang sakit talaga. Bakit ganito?kung kailang mag-asawa na kami saka niya naisipang gumawa ng kababalaghan kagaya nito. Nakakadiri siya.
"Wag mo kong matawag tawag na luvs,hindi ka na nahiya sa sarili mo. Nagawa mong sumiping sa ibang babae?at ang masakit don,sa ex mo pa. Eh obsess yon sayo eh. Tapos pinatulan mo?ano ka na Ivan?hindi ka na nahiya sakin?!huh!" Hindi ko na napigilan na mapasigaw dahil sa nararamdaman kong sakit. Hindi ko na siya kayang tingnan. Feeling ko anytime bigla akong mahihimatay dahil sa panghihina ko. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi parin makaget over sa nangyari.
"Luvs,let me explain,I didn't —"
"You didn't meant it. But you like it,when she kiss your lips. When she unbuttoned your shirts?tang*na Ivan!wag mo nga akong lokohin!wag na tayong maglokohan dito!"
"Luvs,don't shout please,makakasama yan sa baby natin"
"At ngayon mo pa naisip ang baby natin?kung kailang nakipags*x ka sa babaeng yon?!don't you think even once,what I will feel after what you've done?!" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at biglang lumuhod. Nag-angat siya ng ulo niya at tumingin sakin. Nag-uumpisa na rin siyang umiyak.
"Please,maniwala ka sakin. Wala akong alam sa nangyari. Wala akong ginusto sa nangyari. Nakatulog ako at hindi ko na alam ang nangyari after that"
"Wag ako,Ivan. Ayokong makita ang mukha mo. Please." Pagkatapos kong sabihin yon ay unti unti kong tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko.
Pumasok ako sa loob ng kotse nang hindi siya tinitingnan. Rinig ko ang paghikbi niya at pagsinghot. Kung nasasaktan siya,mas nasasaktan ako. Wala akong ibang makitang dahilan para gawin niya sakin yon. Nagkaayos na kami tungkol kay Aaron,at napagkasunduan na rin namin na bumitaw na siya sa pagiging magbusiness partner nila ni Mitch. Kaya wala na akong ibang makitang ibang dahilan para gawin niya ang bagay na yon.
Nagdrive ako papunta sa lugar kung saan pwede kong kausapin ang sarili ko. Kung saan pwede akong marelax nang panandalian. Kung saan pwede kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha pinilit kong magdrive palayo sa lugar ng kataksilan nina Ivan at Mitch.
Nang makarating ako sa lugar na gusto kong puntahan,kahit nanghihina at walang lakas ay lakas loob akong bumaba at naglakad papunta sa isang upuan. Umupo ako doon at nag-umpisa nang umiyak.
"Bakit Ivan?bakit?anong nagawa ko para magtaksil ka sakin?hindi pa ba sapat sayo na magkakaanak na tayo?hindi pa ba ako sapat para sayo at naghanap ka pa ng iba?okay sana kung iba talaga eh,kaso si Mitch?tang*na Ivan,hindi ko makita ang sarili ko sa Mitch na yon. Wala ngang binatbat sakin yon eh. Bakit?" Inilagay ko ang dalawang palad ko sa mukha ko at saka ako umiyak.
Iyak lang ako ng iyak dahil sa sakit. Gusto kong ilabas lahat ng to. Para pag balik ko sa bahay,wala na. Wala na akong mailalabas pang luha at hihintayin nalang ang valid reason ni Ivan,kung meron man.
Ayokong pangunahan ng galit,pero ang sakit eh. Nag-uunahan ang galit,selos,inis,at sakit sa puso't isip ko. Ni hindi ko lubos maisip na mangyayari to. Ano ba kasing ginawa ko?
"Ivan,why did you do this to me?nagkulang ba ako sayo?masyado ba akong clingy?masyado ba akong makulit?masyado ba akong matigas ang ulo?hindi ba ako enough para sayo?" Napabuntong hininga nalang ako habang patuloy parin sa pagluha.
"You're more than enough,Riel." Napatingala ako nang may marinig akong pamilyar na boses. Ngumiti siya sa akin na animo'y pinapagaan ang loob ko. "I know,it was a strange to be here. Saka coincidence din siguro?Nandito ako dahil gusto kong magpahangin,at nakita kita dito na umiiyak,why?" Nagbaba ako ng tingin at tiningnan ang sariling kamay na nilalaro ang isa't isa. Hindi ako nagsalita. Ayokong pag-usapan namin ang problema namin ni Ivan.
Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga. Napatingin ako sa kaniya na pilit ang ngiti. Tumingin muli siya sakin at this time,his smile is true.
"Pwede mong sabihin sakin ang problema mo. You will trust me." Pinunasan ko ang luha ko at nag-iwas ng tingin.
"Me and Ivan had a fight." Maikling sagot ko.
"Why?"
"Nakita ko sila ni Mitch,magkasama sa iisang kuwarto…" nag-umpisa na namang magbagsakan ang mga luha ko nang maisip ko na naman ang eksenang nadatnan ko sa hotel kanina "I saw them,I saw them kissing. While they're naked." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na talaga.
Naramdaman ko ang mga bisig ni Aaron na yumakap sakin. Wala na akong pake kung yakapin niya ako ngayon,dahil alam kong iyon ang makakapagpagaan ng loob ko sa ngayon.
"Sshh,stop crying. Pag-usapan nyo ni Ivan to,alam ko naman na may valid reason si Ivan kaya niya nagawa yon. O baka talaga namang…" huminto siya sa pagsasalita at nawala ang pagkakayakap sakin. Nagulat ako nang bigla ko nalang siyang nakitang nasa damuhan at nakahawak sa labi niyang dumudugo
"Aaron." Bulalas ko at lumapit sa kaniya para alalayan. Tumingala ako at tiningnan kung sino ang sumuntok sa kaniya. "ANO BANG PROBLEMA MO?HUH!" sigaw ko na halos mapatid na ang litid ko dahil sa ginawa ko.
Hinatak niya ako palayo kay Aaron at isinakay sa kotse ko.
-AARON'S POV-
Ganiyan nga Ivan,magalit ka pa. Dahil wala pa ako sa simula nang pagkuha kaay Riel mula sayo. Pinaghahanda palang kita sa posibleng mangyari. Alam ko naman na hindi mo kakayanin kaya ngayon palang,pinapaalam ko na sayo na mapapasakin din si Riel.
Tiningnan ko nalang si Ivan at Riel na sumakay sa kotse at lumayo sakin. Tumayo ako at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko. Tsk ang sakit non ah. Tang*nang to!
Naglakad na ako papunta sa kotse ko aaat nagmaneho. Actually,hindi naman talaga aksidenteng napadpad lang ako dito,I know what will happen,and I know where Riel gonna go after what happen.
Plano namin ni Mitch ang ipakita kay Riel ang kabulastugang ginagawa ni Ivan,kahit hindi totoo. I want them to break up. Gusto kong mapa sakin si Riel. At mukhang malapit na.
Pumunta ako sa bahay ko at nakita ko na doon ang dapat kong makita.
"Hey,did you know what happened?" Tanong niya sakin habang nagsasalin ng alak sa baso niya. Kumuha pa siya ng isa para sakin.
"Yes" tipid kong sagot at umupo sa isang upuan sa tabi niya.
"And that will serves as a warning to them. At sa nakita kong reaksyon ni Riel,mukhang galit na galit siya kay Ivan. I hope maghiwalay na sila as soon as possible." Confident siyang uminom ng alak at ngumiti sakin. "Don't you celebrate?oh!what happen to your lips?" Napatingin siya sa labi ko,napahawak naman ako doon at nag-iwas sa kaniya.
Uminom ako ng alak saka sumagot "Ivan punch me." Tipid kong at lumagok ulit ng alak.
"He did that to you?oh I see,he's a bad boy before mabilis mag-init ang ulo non." Sagot pa niya at uminom ng alak.
"I don't care if he it is. I care for Riel,baka saktan niya si Riel."
"No. He's not going to hurt her. I know Ivan,hindi siya nananakit ng babae,lalo na pag mahal niya."
"So,hindi ka na niya mahal dahil nasasaktan ka na niya."
"What?!"
"Haha,easy,I'm just stating the fact."
"Tss. What's funny?"
"Nothing,but I'm happy. And hoping na tuloy tuloy na ang away ng dalawa. I hope maghiwalay na sila as soon as posible."
"You repeat what I said before."
"Tss,parang yung last sentence lang."
Inirapan niya ako at naglagay muli ng alak sa baso niya. Pinagmasdan ko lang siya habang umiinom. Sobrang obsessed siya kay Ivan,maganda naman siya,sexy,shungaks nga lang. Pero maraming magtatangkang magkagusto sa kaniya dahil hindi naman siya pabaya sa sarili. Pero laking inggit niya kay Riel. Dahil si Riel,maraming kaibigan,maganda ang pamumuhay,may pamilya,samantalang siya,ako lang ang meron siya at ang kumpanya niyang malapit nang malugi. Tsk.
But I'm still being her friend,dahil magagamit ko siya para makuha si Riel mula kay Ivan. She's my key.
-IVAN'S POV-
Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Tumingin ako kay Riel na ngayo'y palabas na ng kotse. Agad akong bumaba paraa sundan siya. Mabilis siyang naglakad papasok sa loob kaya hinabol ko siya.
"Good evening sir" bati sakin ni Ate Len,pero hindi ko na siya pinansin at sinundan na si Riel na paakyat papunta sa kuwarto namin.
"Luvs,"
"Don't call me luvs!ang kapal ng mukha mo para magpakita pa sakin!ano?!magpapaliwanag ka para paniwalain ako na wala kang alam sa nangyari?!kesyo nakatulog ka?!don't get that as an excuse Ivan. If you like,you gonna grab the opportunity to get her!to have…to have s*x with her!"
"Hindi nga kami nags*x!kung nagganon nga kami ramdam ko yon pero wala!wala akong naramdaman. Wala akong alam. And I swear that!"
"Wow. Just wow,Ivan. Nasasabi mo pa talaga yan huh?ang kapal talaga ng mukha mo!" Ramdam ko ang pagkadismaya,sakit at lungkot sa mga mata ni Riel. Sa bawat salitang binibitawan nito nasasaktan ako. Sa bawat pagpatak ng luha niya naiinis ako. Nangyayari to kay Riel nang dahil sakin. Nang dahil sakin,umiiyak siya at nasasaktan.
Pero isang tao lang ang pinagmulan ng away na to at si Mitch yon. Nang dahil sa kaniya nag-aaway kami ngayon. Nang dahil sa kaniya galit sakin si Riel,kahit walang nangyari saming dalawa,pinanindigan niya yon. Mas lalong nagalit sakin si Riel dahil nakita niya kaming naghahalikan. I know this is wrong. Pero makakapatay ako ng babae kapag nagkataon man na hindi kami magkaayos ni Riel. Akala ko kasi siya si Riel. At akala ko nasa bahay kami, kasama siya. Pero mali ako. Akala ko lang pala yon.
"I have a witness. I have my asset there. I can tell to you that I am right. Na wala akong alam,wala akong kasalanan." Mahina ngunit sapat na para marinig niya.
"At nagsama ka pa ng witness para pagtakpan ka?no,Ivan. You can't fool me. Sapat na sakin ang nakita ko. Lumabas ka na."
"W-what?"
"Labas. Ayokong makatabi ang nakakadiring lalaki sa buhay ko. Ayaw kitang makasama!labas!"
"Luvs,y-yung baby natin baka mapano,wag ka nang sumigaw."
"At ngayon mo pa naisip ang lagay ng baby natin?pero kanina sarap na sarap ka?!labas!" Napapikit ako ng mariin at naglakad na palayo sa kaniya.
Pumatak ang luha kong kanina ko pa pinipigil. Ayokong makita niya akong umiiyak. Gusto kong may panindigan. Na wala akong kasalanan sa kaniya. Na hindi ko intensyon na lokohin siya. Na wala akong ninais sa nangyari kanina. I want to prove to her what's the right scene.
"I hope,you'll forgive me,luvs. I love you so damn much. I can't do anything that will hurt you. Ayokong saktan ka. Ayokong makitang umiiyak ka. Ayokong mapahamak ka at ang baby natin nang dahil lang sakin. Mahal na mahal kita." Pagkatapos kong sabihin sa kaniya yon at pinihit ko na ang doorknob at lumabas ng kuwarto namin.
Napasapo ako sa noo ko at napasandal sa pader. Bakit?bakit kailangan naming mag-away sa ganitong bagay?Alam kong mali ako dahil pumayag akong makipagkita kay Mitch,pero wala talaga akong alam sa nangyari samin. Tang*na! Makita ko lang yang babaeng yan mapapatay ko siya!
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng wine saka iyon tinungga. Kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ang number ni Walter.
[Boss?]
"Where the fvck are you?huh?I said follow me!"
[Boss,pasensya na. Hindi ako agad tumuloy dahil may lalaking kausap yung kasama niyo. Sa palagay ko…kasabwat niya yon.]
"What?nakilala mo ba?"
[Opo,boss. Kaya kapag nakita ko siya,maituturo ko sa inyong siya yon.]
"Good. But one thing I want to fvcking know,you see what happened?"
[Sa inyo po ni Ms.Mitch?]
"Yes."
"Opo,pagkaalis na pagkaalis po nung lalaki,sumimple ako ng labas sa pinagtataguan ko at nagpasok ng maliit na camera sa kuwartong pinasukan niyo. Nirereview ko na rin po siya. Walang edit. Malinaw ang pagkakakuha.]
"Good. First thing you will do is go to.my office. 6am. I want to see your face there before I come."
[Areglado boss.]
"And explain to my wife,what really happened"
[Sige po,boss.]
I end the call,kumuha pa ako ng tequila nang maubos ko na ang laman ng bote ng alak ko. Gusto kong mawala ang sakit na to. Masakit man yung mganarinig kong sinabi ni Riel sakin kanina,pero mas masakit na makita ko siyang umiiyak nang dahil lang sakin. At dahil sa Mitch na walang hiyang yon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro