Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

Chapter Four

Napapatawa nalang si Leia sa mga kaibigan. They were inside a hotel room her friends rented for the night. Napuno ang lugar ng mga kaklase niya noong high school at naging kaibigan sa college.

May mga balloons na hugis hotdog sa silid. May naughty cake at mga pagkain. Leia appreciate her friends effort for this bachelorette party they prepared for her.

Naghiyawan ang mga babae nang may pumasok nang lalaki sa room nila. Nakaupo doon si Leia at napapagitnaan ng mga kaibigan.

The man was wearing a mask. Halos mapatakip nalang sa mukha si Leia nang magsimula itong gumiling. He can actually dance well. He's sexy. Leia shut her eyes when the man started unbuckling his belt. Habang ang mga kaibigan niya ay nagwawala na.

"Oh my, god-" napaatras siya nang maramdaman na nasa harap na niya 'yung lalaki.

Tinanggal nito ang suot na maskara and her eyes widened. Natahimik na rin ang mga kaibigan niya at ngumingiti nalang habang nakatingin sa kanila ng lalaki.

"Levi!" mabilis na niyakap ni Leia ang kaniyang best friend.

When was the last time she saw him? Noong debut pa niya! Mahigpit ang yakap ni Leia sa matalik na kaibigan. She missed him.

Levi left after their senior high school. Sa Amerika na ito nag-aaral.

"You surprised me!" ani Leia habang magkatabi na sila ngayon ni Levi na nakaupo at pinagmamasdan ang mga ilaw sa labas mula sa salaming dingding ng hotel room.

Nakaalis na ang mga kaibigan niya at nagpaiwan muna sila ni Levi to catch up. Si Levi na rin ang maghahatid sa kaniya pauwi sa bahay nila.

"Magpapakasal ka na? You barely finished college, Leia," si Levi.

Nagbuntong-hininga si Leia. He looked at Levi at tumingin din sa kaniya ang lalaki. Sandali silang nakatingin lang sa isa't isa.

"I'm pregnant, Levi."

His lips parted. Hindi agad nakapagsalita si Levi habang tinitingnan ang babae.

Ngumiti si Leia at sandaling bumaba ang tingin sa hinaplos na tiyan.

"I-I think I'm not ready-" bahagya niyang tinulak ang boyfriend nang bumaba ang mga halik nito sa leeg niya.

Nag-angat ng tingin si Harry sa kaniya. "Do you love me?"

Nagkatinginan sila. At unti-unti ay tumango siya.

Nagbuntong-hininga si Leia sa naalala.

"You'll attend my wedding, right?" she asked Levi after a while.

Unti-unting tumango si Levi na kinalapad ng ngiti niya.

And it happened. One day she was already walking on the aisle with Harry Samaniego waiting for her at the altar.

Ngumiti si Leia sa kaibigan nang makita ito doon. Levi let out a small smile.

"Do you take Harry Samaniego as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part."

"I do..." ngumiti si Leia.

The Priest turned to Harry. "Do you take Leiana Zobel as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love..."

"I do," tipid na ngumiti si Harry.

Levi looked away when Harry and Leia kissed.

"I love you," sagot niya sa asawa. Ngumiti ito. Nakatingin si Harry kay Leia. She's his wife now and the mother of their child she's carrying. They had a short honeymoon after their wedding. Sandali lang dahil marami siyang kailangan gawin sa company which Leia understand. She's just really understanding.

"This will be our home." maganda ang ngiti sa mga labi ni Leia na mula sa kaniya ay binaling nito ang tingin sa paligid. They were inside their new home as husband and wife.

Binati na rin sila ng mga katulong na makakasama nila sa bahay. Hinawakan ni Leia ang kamay niya at hinila siya papunta sa kwarto nilang mag-asawa. Napangiti si Harry at hinayaan ang asawa. Leia closed the door as soon as they were inside. May ngiti sa mga labi nito bago siya hinalikan. And he kissed her back.

Hindi mahirap magustuhan si Leiana. She's perfect. Walang makita si Harry na mali sa babae. She has a good heart. Kaya ang hirap. She's not hard to love, but... There's a but.

"It's big,"

Ngumiti si Leia at hinawakan ang malaki nang tiyan. She's having a video call with Levi. Kinuha niya ang kaniyang avocado smoothie at muling sumimsim doon.

"Uuwi ka sa binyag," she reminded him.

Levi just smiled and nodded his head.

Pumunta na si Leia sa kitchen matapos ang tawag kay Levi. Magluluto na siya ng dinner para sa kanila ni Harry.

"Kami na ang bahala rito-" anang matandang kasambahay.

"Pero, Manang, sanay si Harry na ako ang nagluluto-"

Umiling-iling ito. "Maiintindihan ng asawa mo. Nahihirapan ka na sa laki ng tiyan mo." anito.

"Tutulong nalang po ako-"

"Leiana," Manang sighed.

Napabuntong-hininga nalang din si Leia at hinayaan ang mga kasambahay.

She's just always at home. Si Harry ay buong araw na nagtatrabaho para sa nag-merged na companies ng dalawang pamilyang Zobel at Samaniego.

Palagi itong busy at pagod na pag-uwi sa bahay nila. Paggising naman ni Leia papasok na muli ang asawa sa trabaho. Wala na halos itong panahon sa kaniya. But she understand. Harry's responsibility is not easy.

Sinalubong ni Leia sa may pinto ang asawa nang dumating na ito. Harry kissed her cheek. Binigay lang nito sa kasambahay ang ilang dalang gamit at dumiretso na silang mag-asawa sa dining.

They had dinner and after naghanda na rin sa pagtulog. Harry was tired from work. Sinisiguro na lang ni Leia na maayos ang bahay nila at magpapahinga na lang ang asawa kapag naroon.

"Manang!" malakas na tawag niya sa kasambahay isang araw. Her water just broke!

Maagap naman siyang nadaluhan at sinugod sa ospital. Doon na siya pinuntahan ni Harry nang malaman mula sa mga kasama nila sa bahay ang nangyari.

Sumugod din doon ang mga magulang ni Leia at pamilya ni Harry. Everyone patiently waited until Leiana gave birth to a baby girl...

Nagkatinginan si Harry at ang mga magulang ni Leia. Leiana was still unconscious at ililipat na sa private room nito.

Napahilamos sa mukha gamit ang mga palad si Gaudencio Zobel habang iniisip ang anak. Napaluha naman ang ina ni Leia. Hanggang sa may sinabi sa mag-asawa si Harry...

"Akin na ang baby ko," may luha sa mga mata ni Leia nang tinanggap ang anak na nakabalot sa kulay pink na lampin.

She held the baby in her arms. Naiiyak siyang nakangiti habang tinitingnan ang anak.

Nag-angat siya ng tingin kay Harry sa tabi niya pagkatapos ng ilang sandali. Nakaupo siya sa kaniyang hospital bed. Yumuko si Harry para maabot ang noo niya at mahalikan.

They were happy when Haley Zobel Samaniego came to their life. Inabala ni Leia ang sarili sa anak. Ang dami na niyang naisip na gagawin nila ni Haley kapag lumaki pa ito. She will buy her more toys and things. They will be twinning clothes. She was an excited Mom.

Napangiti si Levi nang makita si Leiana na karga ang anak nitong babae. Umuwi nga siya para sa binyag ni Haley.

"Levi!" masayang sinalubong ni Leia ang matalik na kaibigan.

"She looks like you." Levi smiled.

Ngumiti rin si Leia at nilapit ang mukha sa anak niya.

"She's heavy," ani Levi nang pinabuhat sa kanya ni Leia ang bata.

"Hindi ka lang sanay na kumarga ng bata. Pero, yeah, medyo mabigat nga siya. Ang lakas kasi sa milk niya."

Nakangiti si Levi habang buhat si Haley sa mga braso niya.

Napagmasdan ni Leia ang kaibigan habang buhat nito ang anak niya at nasa bata ang atensyon. Mahigpit ang mga braso nito na may buhat kay Haley. Maganda na ang katawan nito kahit noon at lalo lang gumanda ngayon. Hindi na rin nagsusuot ng eyeglasses si Levi.

Nang tumingin sa kaniya ang lalaki ay nginitian niya ito.

Author's Note: Hello, readers! For copyright reasons I cannot anymore post this story complete here in Wattpad. Please continue reading this story on the Dreame app, or pledge to my Patreon creator page or join my Facebook VIP group for 150/month membership. To join VIP group kindly send a message to my Facebook account Rej Martinez or my Facebook page Rej Martinez's Stories. Thank you so much for your love and support!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro