Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalawang Bahagi

Pagpatak ng alas dose ng madaling araw, tahimik na tahimik na ang lahat. Tanging mga kuliglig lamang ang naririnig na nagmumula sa labas.

"Ate... tulungan mo ako... iganti mo ako sa kanila," sabi ng isang tinig na nagmumula sa kung saan.

Humihingi ito ng tulong at ginagambala nito ang natutulog na si Nathalia.

Pabaling-baling ang ulo ni Nathalia na tila nananaginip s'ya at naaaninag ang pagmumukha ng babae habang pikit ang kan'yang mga mata.

"Ate, kumilos ka na! Hindi p'wedeng wala kang gawin! Hanapin mo ang hustiya para sa akin!"  Napakalalim ng boses nito na tila galing sa kailaliman ng lupa.

Naka-uniporme pa ito at napakaputla ng balat na tila wala nang dugo na nananalaytay sa kan'yang mga ugat. Wala namang kasugat-sugat ang babae ngunit bigla na lang dumugo ang ilong nito.

"Ate... maawa ka sa'kin..." Naging maamong muli ang tinig nito.

Ang mahinang pag-agos ng dugo nito ay bigla na lamang bumugalwak sa mukha ni Nathalia.

"Aaaaaahh!!!" Napabalikwas ng bangon ang babae at halos hindi na makahinga sa labis na takot at kabang nararamdaman.

"Nathalia! Anong nangyayari sa'yo? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Merry gano'n din si Riri. Marahil ay nagising din ang dalawa sa pagsigaw nito.

"Isang masamang panaginip!" tanging nausal ng babae.

"Heto tubig, uminom ka muna." Inabot ni Nathalia ang tubig mula kay Riri at ininom ito ng isang lagukan.

"Ano bang napanaginipan mo?" curious na tanong ni Merry.

"Multo." Natawa ang dalawa sa isinagot ng dalaga.

"Hindi ako nagbibiro. Humihingi s'ya ng tulong sa'kin," seryosong saad nito.

"Anong klaseng tulong daw?" si Riri.

"Iganti ko raw s'ya sa mga taong pumatay sa kan'ya," sagot nito na naging dahilan upang magkatinginan ang dalawa.

"Nakakatakot naman 'yan!" kinakabahang turan ni Merry.

"Alam mo Nathalia, ipagdasal mo na lang ang kaluluwa n'ya," payo ni Riri.

"Pasensya na kayo sa abala," paghingi ng paumanhin ni Nathalia.

"Walang anuman. Magpahinga ka na lang ulit." Tipid na ngumiti ang iginanti nito sa dalawa.

Nang makabalik ang magkaibigan sa higaan nila, matalim silang tiningnan ni Nathalia.

"Nararapat kayong mamatay." Ngumisi ito ng nakakakilabot kasabay nito ay ang unti-unti ring paglapad ng ngiti ng isang babaeng nasa madilim na parte ng kanilang kwarto. Nakasuot ito ng uniporme at bakas pa ang dugo sa damit nito na nanggaling sa kan'yang ilong.

***

Maagang nagising ang dalawa at nakita na lamang nilang wala si Nathalia sa higaan n'ya. Karaniwan kasi ay ito ang nahuhuling gumising sa kanilang tatlo.

"Nasaan si Nathalia?" tanong ni Merry.

"Hindi ko rin alam." Nagkibit-balikat si Riri.

Hinawi ni Merry ang kurtinang nagsisilbing takip ng kanilang bintana upang dumungaw sa labas.

"Ayon oh." Ngumuso si Merry bilang pagturo sa direksyon ng babae.

Mabilis namang sumilip si Riri at nakita nilang nakikipag-usap ito kay Mark. Mukhang seryoso ang kanilang usapan.

Nang mapadako ang tingin ni Mark at Nathalia sa dalawa ay agad napalitan ang ekspresyon ng mga mukha nito. Ngumiti at kumaway sa magkaibigan si Mark habang tipid lamang ang kay Nathalia. Ginantihan naman ito ng pagbati ng dalawa.

Matapos ang pag-uusap nila ay magkasamang pumasok ng dorm sina Mark at Nathalia since p'wede namang pumasok ang binata dahil kilala s'ya ng landlady ng dorm. Marahil ay dahil na rin sa paraan ng pagkilos nito kung kaya't maaari s'yang pumasok.

"Hi girls!" Bungad sa kanila ni Mark. Nananatili namang tahimik si Nathalia sa tabi nito.

"Hello! Pasok ka, pasok kayo," masiglang pagbati ni Merry.

"Kumusta naman ang pananatili n'yo rito?" tanong ni Mark nang makaupo sila.

"Ayos lang naman, so far. Pina-familiarize pa namin ang mga lugar dito e," sagot naman ni Riri.

"Hindi ba kayo nababagot dito? Ang konti n'yo kasing umuupa rito e," dagdag pa ni Mark.

"Actually, medyo e. Pero kailangan naming pagtyagaan kasi ginusto namin ito ni Merry e," usual ni Riri na naging dahilan upang mapatango si Merry.

"E bakit nga ba kayo nandito? I mean, bakit dito n'yo napiling pumunta?"

"Wala lang, spoiled kasi kami sa parents namin e, kaya we get what we want. 'Di ba, Riri?"

"Tama!"

"Iyon lang ba talaga ang dahilan kung bakit kayo nandito? O may tinatakasan?" Napabaling ang tatlo kay Nathalia na tahimik na nakaupo sa kama n'ya habang seryosong nakatingin sa magkaibigan.

"H-Huh?" kinakabahang tanong ni Riri.

"Sino namang tatakasan namin?" Itinago ni Merry ang kan'yang kaba sa pamamagitan ng tawa kahit ang totoo ay para nang sasabog ang puso n'ya sa tanong ni Nathalia.

Tiningnan nilang muli si Nathalia at nananatili pa rin itong nakatingin sa kanila gamit ang walang emosyon n'yang mga mata.

"Nathalia, ano bang sinasabi mo? Tinatakot mo naman sila n'yan e." Hinampas pa ni Mark ang dalaga.

"I was just kidding." Humiga si Nathalia matapos sabihin iyon na parang walang nangyari.

"Ang weirdo mo talaga Nathalia!" kantyaw ni Riri kaya nagtawanan ang tatlo at naging dahilan na rin upang makahinga nang maluwag ang dalawa.

"Maglaro na lang tayong spirit of the glass. Bet n'yo?" segunda ni Mark.

"Huwag!" Biglang bumangon si Nathalia at nagulat pa silang tatlo sa pagsigaw nito.

"Ano ka ba, Nathalia? Ayos ka lang ba? Ano bang nangyayari sa'yo?" naiinis na tanong ni Mark.

"Huwag n'yong ituloy, please. Hindi nito ang paglalaro ng spirit of the glass, mapapahamak lang kayo." May bakas na takot at pag-aalala sa mukha nito.

"Ang KJ mo, girl! Sumali ka na lang kaya!" gatong pa ni Merry.

"Ayoko, please, nakikiusap ako sa inyo," pagsusumamo n'ya sa tatlo.

"Huwag ka na ngang sumali, kami na lang. Exciting pa naman 'to dahil first time kong makakaranas nito," si Riri.

Sinubukan pa silang pigilan ng babae ngunit hindi nakinig ang mga ito sa kan'ya kung kaya't hinayaan n'ya na lang ang mga ito at nanahimik sa tabi. Hindi n'ya na ito makokontra dahil sa sitwasyon nila ay halatang talo s'ya sa tatlo.

Nakahanda na ang board, mga kandila, at baso na gagamitin nila. Sinindihan muna ni Mark ang mga kandila bago ito ipinalibot sa kanila.

Ipinwesto nila ang board sa gitna nila na may nakasulat na hello, goodbye, yes, no. Sa pinakagitna naman ng borad ay ang baso.

"Simulan na natin!" excited na sabi ni Merry.

Tumango naman ang dalawa at inilagay ang mga daliri nila sa ibabaw ng baso.

"You know the rules, okay? Huwag n'yong tatanggalin ang mga daliri n'yo sa baso hangga't hindi tayo natatapos. Is that clear?" Tiningnan ni Mark ang dalawa at mabilis namang tumango ang mga ito.

"Okay, let's start!" Huminga ito nang malalim bago magpatuloy.

"Mayro'n bang espiritu sa loob ng kwartong ito? Kung mayro'n man, magparamdam ka sa amin." Nagkatinginan ang tatlo ngunit wala namang nangyari.

"Itigil n'yo na 'yan," madiing pagkakasabi ni Nathalia ngunit hindi s'ya pinansin ng mga ito.

"Subukan ulit natin," saad ni Mark.

"May espiritu ba sa kwartong ito? Kung naririto ka, magparamdam ka sa amin."

"Wala pa rin e!" naiinip na reklamo ni Merry at akmang tatanggalin ang mga daliri nito ngunit pinigilan ito ni Mark.

"Sinabing 'wag mong tatanggalin," seryosong wika nito.

"Isa pa. Kapag wala talaga, itigil na natin 'to." Huminga nang malalim si Mark.

"May espiritu ba sa kwartong ito? Magparamdam ka sa'min."

Nagpakiramdaman ang tatlo at maya-maya pa'y biglang nakaramdam ng panlalamig ng batok si Merry.

"G-guys, ang lamig sa may bandang batok ko." Mababakas ang pagkatakot sa mukha nito.

"Pero hindi naman gumagalaw ang baso," sabat naman ni Riri.

"So, walang multo. Baka hangin lang 'yan," dagdag pa nito.

"Teka, ano 'yon?" Mabilis na napalingon sina Riri at Merry sa bandang likuran nila na itinuturo ni Mark.

"Sandali, paa ba 'yon?" kinikilabutang tanong ni Merry.

"Guys, ayoko na. Itigil na natin 'to," naiiyak na sabi pa ni Merry.

Wala pang ilang saglit ay biglang bumagsak ang salamin na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto nila na naging dahilan ng pagtilian at pagtakbuhan ng tatlo papunta sa kabilang parte ng kwarto.

"Ang titigas talaga ng ulo n'yo! Binalaan ko na kayo pero hindi kayo marunong makinig!" Nanlilisik ang mga mata ni Nathalia na nakatingin sa kanila.

Napuno ng takot at kaba ang dibdib ng mga ito habang si Nathalia ay matalim na titig ang ipinupukol sa kanila.

"Binalaan ko na kayo! Mapanganin ang paglalaro n'yan dahil may nagagambala kayong espiritu!"

"Nathalia, p'wede bang kumalma ka!" sigaw ni Mark.

Maya-maya pa'y unti-unting tumahimik ang paligid. Naging normal ang temperatura ngunit napansin nilang nakayuko na si Nathalia.

Nakahinga naman sina Merry at Riri dahil nawala na ang tensyong nararamdaman nila kanina.

"Lilinisin ko lang ang mga bubog." Akmang kukuha na si Mark ng walis at dust pan upang ligpitin ang mga piraso ng nagkalat na basag na salamin nang biglang tumawa si Nathalia nang nakakakilabot. Malalim at nakahihindik na halakhak na tila ba'y nanggagaling sa kailaliman ng lupa.

"Mamamatay kayo!" sigaw nito na kulang na lang ay saksakin sila sa talim ng pagkakatitig nito.

Muling sumibol ang takot at kaba sa dalawang dalaga gayundin kay Mark.

"Nathalia, p'wede ba, tigilan mo na'tong kahibangan mo! Hindi ka na nakakatuwa!" naiinis na wika ni Mark sa dalaga.

Hindi nito pinakinggan ang binata at muli na namang humalakhak. Mabilis itong lumutang sa ere habang nakataas ang dalawang kamay.

"Pagbabayaran n'yo ang ginawa n'yo sa'kin! Hinding-hindi n'yo ako matatakasan! Hahaha!" Nag-iba ang hitsura nito. Bigla itong nag-anyong estudyante na maputla ang balat habang dumudugo ang ilong.

"Nathalia, tama na!" Akmang lalapitan ito ni Mark ngunit malakas s'ya nitong inihagis sa pamamagitan ng pagkumoas ng kamay nito sa hangin. Napadaing ang lalaki dulot ng pagkakatama n'ya sa matigas na pader.

Muli n'yang binalingan ang magkaibigan na punong-puno ng takot sa mukha.
"Naaalala n'yo pa ba?" malumanay na tanong nito sa dalawa.

"Nathalia, parang awa mo na! Itigil mo na'to!" naiiyak na saad ni Merry.

"Pasensya na pero hindi ako marunong maawa, kagaya na lamang ng ginawa n'yo sa akin." Matamis itong ngumiti sa dalawa sabay haplos sa mga pisngi ng mga ito.

"Mata sa mata, ngipin sa ngipin, buhay sa buhay. Oras na para singilin kayo sa mga kasalanan n'yo." Napapikit ang dalawa nang akmang ikukumpas na nito ang kan'yang kamay ngunit bigla na lamang nawalan ng malay si Nathalia.

Bumagsak ito sa sahig at agad namang dinulugan ni Mark sina Riri at Merry nang makabawi ito sa pagkakatama n'ya kanina.
"Okay lang kayo girls?" nag-aalalang tanong nito.

Napatango naman ang dalawa ngunit mababakas pa rin ang labis na pagkatakot sa mga mukha nito.

"Pasensya na kayo ah. Hindi na dapat natin tinuloy ang bagay na 'yon. Dapat talaga nakinig na lang tayo kay Nathalia."

"Shhh, nangyari na ang nangyari. Ang mahalaga ay nawala na ang espiritung nanggugulo sa'tin. Pare-pareho tayong may kasalanan dito," wika ni Riri.

"Pero bakit gano'n? Bakit parang sinisingil kayo ng espiritung 'yon?" nagtatakang tanong ni Mark. Nagkatinginan naman ang dalawa dahil sa katanungan n'yang iyon.

"Hindi rin namin alam, Mark. Baka kamukha namin 'yong taong nakagawa ng kasalanan sa kan'ya kaya n'ya kami ginugulo," saad ni Merry.

"O baka naman humihingi ng tulong," dagdag pa n'ya.

"Hindi natin alam kung ano ang pakay ng espiritung 'yon pero dapat tayong mag-ingat sa kan'ya." Tumango ang dalawa sa pahayag na 'yon ni Mark.

"Ligpitin na natin ang mga kalat bago pa makasugat ang mga 'yan." Tumayo si Riri kasabay naman noon ang unti-unting pagkakaroon ng malay ni Nathalia.

"Anong nangyari?" Naagaw n'ya ang atensyon ng tatlo habang nakahawak ito sa ulo n'ya. Pakiramdam n'ya kasi ay napagod ito sa labis na enerhiyang inilabad ng kan'yang katawan kanina.

"Nathalia, pasensya ka na ha?" nahihiyang sabi ni Merry.

"Sana hindi namin binalewala ang sinabi mo. Nang dahil sa'min, napahamak ka pa," sabat naman ni Riri.

"Nangyari na ang nangyari. Sana sa susunod ay alam n'yo na ang gagawin n'yo." Tumayo na ito at marahang naglakad patungong pintuan. Napadaing pa ito pagpipintig ng kan'yang ulo bago tuluyang lumabas.

"Hayaan na muna natin s'ya, girls," wika ni Mark kaya itinuloy na lamang ng dalawa ang pagliligpit nila. Matapos iyon ay nagpaalam na rin muna si Mark sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro