Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/3/ TRAITOR

Kung ang isasalubong sa iyong pagdating,
ay masayang mukha't may pakitang giliw,
lalong pag-ingata't kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.


"Magie! Magie!" Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa paligid. Tamad akong lumingon at tama nga ang hinala ko. Siya lang naman ang nag-iisang babaeng tinatawag ang pangalan ko nang pasigaw.

Napailing-iling na lamang ako at hinintay siyang makahabol.

"Oh!" Iniabot niya sa 'kin ang puti na namang sobre. Nagtatanong ang mga mata kong dumapo sa kaniya. Mukhang naintindihan niya naman agad 'yon kaya nagsalita siya kaagad.

"Si kuyang CAT ibigay ko na naman daw sa 'yo," napahawak ito sa magkabilang bewang tsaka huminga ng malalim. Habang hinahabol nito ang hangin ay agad kong binuksan ang sobre.

Sa pangalawang pagkakataon isang maliit na litrato na naman ang bumungad sa 'kin.

Nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng itim na hoodie at bahagya nitong pinupunasan ang mga luha. Nahagip din sa litrato ang mga punong sumasayaw sa hangin.

I swear hindi na nakakatuwa 'to. Agad kong ibinalik kay Alu ang litrato tsaka mabilis na naglakad palayo.

Kung may kilala lang akong manghuhula matagal ko nang pinakunsulta 'to. Actually I didn't found it romantic, kasi puta hindi na nakakatuwa.

"Kilala mo ba kung sinong nagbibigay nito?" tanong ko sa kaniya. Umiling-iling siya bilang pagsagot.

"Bakit? Gusto mo bang malaman kung sino?"

"Pa'no?" Ngumiti lamang siya sa 'kin. May kalokohan na naman 'tong naiisip.

****

"Magie bilisan mo!" Mabilis na tumakbo si Alu tsaka nagtago sa pader.

Tatakbo na sana ako nang biglang marinig ang mga kantyawan sa malapit. Grupo ng mga kalalakihang nakasuot ng sando at pawis na pawis. Napansin ko rin ang bolang hawak-hawak ng dalawa. Tinakpan ko ang bibig at bibig at iningatang hindi makagawa ng ano mang ingay.

Ilang minuto ang nagdaan at wala na akong marinig na ingay. Unti-unting akong lumabas sa pinagtataguan at mabilis na tumakbo sa pader na pinagtataguan ni Alu.

"Ba't ang tagal mo?"

"Dumaan kasi 'yong mga kasali sa basketball." Paliwanag ko.

"Halika na nga," hinawakan niya ang kamay ko tsaka marahang hinila paalis.

"Hoy! Saan kayo pupunta?!" Napatigil kami ni Magie at lumingon sa pinanggalingan ng boses.

"Ay gago! Takbo bilis." Tumakbo kami ng tumakbo ngunit naabutan niya pa rin kami.

"Kababae niyong tao nagka-cutting kayo?!" Hingal na hingal kaming napatigil sa harap ng lalaking sumuway sa 'min.

"Pres," pilit na tumawa si Alu matapos na mamukhaan ang lalaki. Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'min.

"Sige balik!" nakayukong naglakad kami pabalik sa classroom. Parehong bagsak ang balikat.

****

"Magie may kakantahin ako. Pakinggan mo lang, 'wag kang tatawa ah," nakangiting bungad sa 'kin ni Alu. May hawak-hawak siyang papel at isang suklay.

"Naku huwag mo nang ituloy. Panigurado uulan na naman nito," singit ng lalaking may suot na beanie.

"Ikaw ba si Magie? Ikaw Jose umayos-ayos ka baka hindi ako makapagpigil at masampolan kita." napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pakikinig sa kanila.

Walang teachers ngayon at hindi ko alam kung bakit. Sa tingin ko may pinaghahandaan silang malaking event dahil hindi biro ang pagkawala nila ng ilang araw.

"Ito na makinig kayo, ngayon ko lang ilalabas 'tong natatagong talento ko." nakamasid ang lahat kay Alu na nasa harap. Huminga pa siya ng malalim bago tumingin sa akin. Ano naman kayang pakulo 'to?

"Magie para sa 'yo 'to!"

Mula sa madilim na nakaraan
Nakahanap ng bagong kaibigan
Nagtatanong ang isip
Anong nagawa't pinagkalooban ng langit.

Aking kaibigan, halika't sabayan
Ang awitin na binibigkas ng labi

Ikaw ang dahilan ng pagtawa't pagkainis
Sa piling ng isa't-isa'y puno ng labis
Kaibigan nasaan ka man,
Huwag kalilimutan na ika'y naging parte ng buhay ko, magpakailan man.

Natapos ang kanta ni Alu at sinabayan ng mga palakpakan. Hindi maitatangging may talento siya sa pagkanta.

"Ang ganda ikaw na naman ba gumawa nun?" Tumayo ang lalaki at umupo sa arm chair.

"Bakit? May duda ka pa rin ba?" Nakataas ang kilay na lumapit si Alu sa lalaki at sinamaan ng tingin.

"Lumabas na kayong lahat. 'Yung bagong salta ang paglinisin niyo bilis!" Tumambad sa bukana ng pinto ang lalaking may suot na salamin. Matalim ang tingin niya sa 'kin at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong napayuko. Hindi ko gusto ang pagtingin niya. Kung titigan niya ako ay para bang ako na ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa.

"Tulungan ko na siya pres!" Sigaw ni Alu na nagpatigil sa kinikilala nilang president.

"Gusto mo bang ulitin ko pa ang sinabi ko?"

"Pero pres-"

"Labas!" sinuklian ako ni Alu ng malungkot na mukha. Marahan akong tumango sa kaniya para sabihing ayos lang.

Nagsimulang magsilabasan ang mga kaklase ko. Magsisimula na sana akong maglinis ng marinig ko ang malakas na pagsira ng pinto.

Nakakunot ang noong naglakad ako palapit sa bintana. Doon ko lang nakita na naka-lock ang pinto. Maglilinis lang naman ako pero bakit pa nila kailangang isarado? Hindi ako pwedeng maiwan dito.

Agad akong kumilos at dinampot ang walis. Sinimulan ko sa mga upuan. Kung tutuusin kaya ko namang tapusin 'to nang madalian lang gamit ang kakayahan ko pero muntik ko ng makalimutan na baka may makakita sa 'kin. Mahirap na.

Tahimik akong naglinis at nang malapit na ako sa huling bahagi ay napatigil ako ng mapansin ang pulang sobre. Sobre na naman.

Agad kong binuksan 'to at nakita ang pamilyar na logo. Ang letrang X na nakatatak sa harapan. Sa likod nito ay may nakaguhit na diamond, isang palatandaan ng organisasyon.

Napapikit ako at dahan-dahang dinama ang hangin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang simbolong 'yon. Sila ang dahilan kung bakit wala na sila ngayon.

Nakarinig ako ng magkakasunod na yabag dahilan para maibulsa ko ang pulang sobre at nagkunwaring busy sa pagwawalis

"Bilisan mo naman," hindi ko ito pinansin at nanatiling tahimik. Sunod-sunod ang reklamo niya ngunit hindi 'yon tumatak sa isip ko. Mas inaalala ko ang simbolong 'yon.

Balang araw makukuha ko rin ang hustisya. Sa kahit na ano mang paraan, walang makakapigil sa 'kin.

****

Pagdating sa apartment ay dali-dali akong pumuwesto at tuluyang binuksan ang pulang sobre.Tumambad sa 'kin ang nga numerong hindi ko maintindihan.

Mission:
21 24 33 14 44 23 15 31 11 43 44 35 24 15 13 15

Sa ibaba ay may nakasulat na pamilyar na pangalan at 'yon ang hindi ko inaasahan.

****

Sa mundong ginagalawan mo, manatili kang matalino sa lahat ng bagay.

Napakusot ako ng mga mata dahil sa hindi ako makapaniwala sa nakikita. Si mama! Nakikita ko si mama!

Trust no one

"Mama. Anong ibig mong sabihin?" Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya ngunit mas lalo lang siyang lumalayo.

Remember even a salt looks like a sugar.

"Mama! Dito ka lang mama, 'wag mo 'kong iiwan! Mama!" Hindi ko mapigilang maluha nang unti-unting maglaho sa paningin ko si mama.

Napalingon ako sa paligid at sinubukang tumakbo ngunit parang wala ng katapusan ang liwanag na kinatatayuan ako. Napapitlag ako ng unti-unting magpakita ang kadiliman. Wala akong magawa kundi ang mapaluhod at umiyak.

Sapo-sapo ang dibdib ay mabilis kong hinabol ang hininga. Napapunas pa ako sa noo dahil sa tumatagaktak na pawis. Inilibot ko ang paningin at tumambad sa 'kin ang kwarto ko. Nasa apartment pa rin ako pero 'yong nangyari kanina, parang totoo?

Kinapa ko ang cellphone na nasa lamesa at tinignan ang oras. Eksaktong alas tres ng madaling araw. Ang tinatawag nilang Devil's hour. Kung gano'n panaginip lang 'yong kanina? Wala talaga si mama? Pero nakita ko siya, nakangiti siya sa 'kin.

Saka ko lang naalala ang mga katagang iniwan niya sa 'kin. Anong ibig sabihin nun? May gusto ba siyang iparating?

****

P O L Y B I U S
S Q U A R E

Tahimik akong nakikinig sa lecturer na nasa harapan namin ngayon. Seryoso ang kaniyang mga mata na nakatingin sa 'min.

"Polybius square is a type of code where you need to use the horizontal and vertical line. Same as Cesar Box or Cesar Salad but in this case, number represents a certain letter."

               
 

  1  2   3   4   5
1 A  B   C   D   E
2  F  G  H  I/J  K
3  L  M  N   O  P
4  Q  R  S   T   U
5  V  W  X  Y   Z

 

"Example, 23 24. If you're going to crack it the result is H I," mabilis ang mga kamay niyang nagsulat sa pisara habang kami naman ay nakikinig lang.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga numero at letrang isinulat niya. Agad akong kumuha ng ballpen at mabilis na kinopya 'yon. May hinala akong makakatulong sa 'kin 'yon para ma-decode ang nakaimprinta sa sobre.

"How about George. Can you crack the following?" Matamis na ngumiti ang lecturer at nagsulat ulit sa pisara.

11 31 35 23 11

Geoge took five minutes before he got the hidden words.

"Alpha Sir," tuluyan na siyang umupo.

"So I think you got the idea. See you tomorrow, goodbye." Tuluyan ng nagpaalam ang lecturer at naiwan kaming nanatiling tahimik. For sure sinasaulo na nila ang bagong code na tinuro sa 'min.

Binalik ko ang paningin sa pisara at inalala ang mga numerong nakasulat sa papel. Sa sobrang dami nun ay hindi ko matandaan ng maayos kaya't wala akong nagawa kundi ipagsabukas na lamang 'yon. Sana nga gumana ang polybius.

Napatingin ako kay Alu na kanina pa nakatulala. Malalim ang iniisip niya kung kaya't hindi niya napansin ang pagsilabasan ng mga kaklase ko. Break time na kasi.

Marahan ko siyang tinapik at inanyayahang pumunta sa cafeteria. Nagtatakang umalis ako mag-isa dahil idinahilan niyang hindi raw siya gutom. Bago ako tuluyang malalabas ng pinto ay sinilip ko siya ulit at nag-aalalang umalis. Masyadong malalim ang iniisip niya. Hindi ako sanay.

"Magie nag-away ba kayo ni Alu? Hindi mo yata siya kasama ngayon?" Napatingin ako sa lalaking naglalakad sa tabi ko. Si Maru.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nanatiling tahimik. Hanggang ngayon pala-isipan pa rin sa akin ang pulang sobre na nadampot ko kahapon at ang biglaang pananahimik ni Alu. Unti-unti itong gumawa ng sinulid na nagkokonekta sa lahat ng mga tanong na bumabagabag sa isip ko.

Ayoko mang isipin na posibleng tama ang hinala ko pero, ito na mismo ang pinapakita sa 'kin ng tadhana.

Sino ka nga ba Alu? Anong kailangan mo sa 'kin?

****

No. 3
Trust no one

Iginugol ko ang lahat ng natitirang oras para i-crack ang code gamit ang Polybius na itinuro sa 'min kaninang umaga. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang panulat at unti-unting binuo ang mga letra.

Sunod-sunod ang pagpunas ko sa mga pawis na hindi man lang tumigil sa paglabasan. Tanging ang malakas na pagtibok ng puso ko ang nangibabaw sa mga oras na 'yon. Agad kong itinapon ang panulat matapos mabuo ang mga letrang hindi ko inaasahan.

Mission:
21 24 33 14 44 23 15 31 11 43 44 35 24 15 13 15

F I N D T H E L A S T P I E C E

Napatingala na lamang ako sa kalangitan at pinigilang maluha. Maraming katanungan ang unti-unting nabuhay ngunit isa lang ang nanaig at 'yon ay kung bakit. Bakit niya ginawa sa 'kin 'to?

****

"Alu...puwede ka bang sumama sa 'kin?" kabado ngunit tinatagan ko ang loob ko. Nanatiling nakatutok ang mga mata ko sa kaniya at binabantayan ang bawat galaw niya.

"Saan?" Inosente niyang tanong. Hindi ko na siya sinagot at nagsimulang maglakad palayo.

Unti-unting bumigat ang paghinga ko kasabay ng mga yabag na mabilis na sumunod sa 'kin. "Magie teka lang!" Hindi ko siya pinansin at binilisan ang paghakbang.

Sa ilang araw na pagsasama namin bilang magkaibigan ay hindi ko maiwasang saktan ang sarili ko. Ang akala kong kamay na siyang aagapay sa 'kin pagkatapos ng kadiliman ay siya pa lang magtutulak sa 'kin pabalik sa nakaraan. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!

"Magie ano ba?!" Tumigil ako sa paglakad nang marinig ko ang pagsigaw niya. Pumihit ako paharap sa kaniya at doon ko lang nakita ang matamlay niyang mga mata. Ibang-iba sa Alu na nakasanayan ko.

Malamig na hangin ang bumalot sa 'ming dalawa. Masyadong malakas na nagpasayaw pa sa buhok kong nakalimutan ko nang ayusin dahil sa tensyong kanina ko pa nararamdaman.

Kinapa ko sa bulsa ang pulang sobre na napulot ko kahapon. Agad kong itinapon sa harap niya at nagsimulang maluha. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat at pag-aalala. Hindi ko kayang makita siyang nagkakaganito. Masyadong mahina ang puso ko para panoorin siya.

"Mag-" hindi ko na siya hinayaang magsalita at agad ko itong pinutol. Ayokong makarinig ng panibagong kasinungalingan.

"Sino ka Alu?! Sino ka?" Inilabas ko ang lahat ng makakaya. Pinigilan kong maluha at nanatiling malakas.

"Magie anong klaseng tanong 'yan?"

"Kasama ka ba sa pumatay sa mga magulang ko?" napakuyom ang mga kamao ko. Higit sa lahat ayokong tinatraydor ako.

"Wala akong alam!" Naglakad siya palapit sa 'kin kaya unti-unti akong umatras.

"Sabihin mo sa 'kin ang totoo. Alam kong kasama ka sa mga taong pumatay sa mga magulang ko!"

"Wala akong kinalaman doon. Magie halika na," inilahad niya ang kamay sa akin pero hindi ko 'yon pinansin.

"Ang lahat ng 'yon," marahas kong pinunasan ang mga luhang tumakas sa mga mata ko. Unti-unting nag-play sa utak ko ang lahat ng mga ginawa namin.

"Parte rin ba 'yon ng misyon mo?"

Hindi siya umimik at nanatiling nakayuko. Marahan siyang naglakad at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Parang hindi ko na kilala ang taong nasa harapan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro