/2/ FRIENDS?
My nightmare reached it's end. I'm done. I finally close my dark room where I spent a bucket of tears. After how many months, I realized that even if I cry their lives will never come back.
In how many months, I used to ask myself.
Kung nando'n ba ako, maililigtas ko kaya sila?
Damn! I'm powerful! I can do whatever I want. But still, I failed to save them. I'm so dissapointed to myself, I felt helpless.
I almost forgot the meaning of life. They died because of me. They're now peacefully sleeping inside a coffin 'cause they want me to live, to breath and to feel the world. Then I came up with that idea. I should live, even if they are gone, I should keep moving forward.
Dala-dala ko ang kanilang mga pangaral saan man ako magpunta. Every piece of memory that we made will stay forever in my heart. And I should treasure it.
Nakasukbit ang bag sa likod at nakasuot ng uniporme, dali-dali akong pumasok sa malawak na paaralan. Pinasadahan ko ang bawat parte ng Alpha Academy. Nang makontento ay ipinikit ko ang dalawang mga mata at huminga ng malalim.
Ito na ang simula.
Nagsimula na akong maglakad sa pathway, bawat estudyanteng madaanan ko ay kapwa masama ang tingin sa akin. I sigh.
Nawa'y maging kapana-panabik ang pag-aaral ko sa eskwelahang ito.
Kinapa ko sa suot na bulsa ang munting papel kung saan nakasulat ang section na kinabibilangan ko. Hindi ko pa nga ito tuluyang nababasa ay biglang may humablot dito. Kitang-kita ko kung paano niya 'yon pinunit ng maliliit na piraso tsaka tinapon lang sa kung saan.
Napatiim bagang na lamang ako at hindi na siya pinatulan pa. Mabilis akong naglakad palayo at nagtungo sa pinakamalapit na classroom. Bahala na kung anong mangyari.
Nakatayo pa lang ako sa pintuan ay kaagad na silang nagsitahimik. Maging ang mga babaeng nasa harap ng malaking salamin ay dali-daling umupo sa kanilang mga upuan. Nagtataka man ay pinilit kong umakto ng normal at umupo sa blangkong upuan.
"Ma'am hindi ka pa ba magtuturo?" Narinig kong tanong ng lalaking nasa harapan lang.
"Siya ba 'yong sinasabi ni Sir kahapon?"
"Hindi ka ba nakinig? Ang sabi ni Sir lalaki raw papalit sa kaniya, e babae 'yan e," nakarinig ako ng magkakasunod na yabag at sigurado akong palapit siya sa 'kin. "Miss, anong pangalan mo?" Nakangiting tanong nito sa akin at ibinalandara ang mapuputi nitong mga ngipin.
Ilang segundo lang akong napatitig sa kaniya tsaka umiwas din. Agad kong tinakpan ang ulo gamit ang itim na coat na suot-suot ko tsaka yumuko ng bahagya.
"Ang sungit mo naman tinatanong ko lang naman kung anong pangalan mo. Gusto lang naman kitang maging kaibigan." Hindi ko ito pinansin at nanatiling nakayuko.
"Gago! Anong kaibigan-kaibigan?! Lahat nga yata ng babae dito pinapatus mo e." Narinig kong bulyaw ng isa pang lalaki.
"Panira ka talaga ng buhay!" naramdaman kong umalis na 'yong lalaki kaya medyo nakahinga na ako nang maluwag. Hindi naman sa takot ako, hindi lang talaga ako sanay na kinakausap ako ng ibang tao.
"Guys, guys! Nandiyan ni si President. Umayos kayo bilis," agad na nagsitakbuhan ang mga taong kasama ko at umupo sa kani-kanilang puwesto.
Wala pang ilang minuto ay narinig ko ang mabibigat na yabag. Napatingin ako sa pintuan at agad kaming nagkatitigan ng bagong dating.
Nag-isang linya ang kaniyang kilay at masama ang tingin sa 'kin. "Sino 'to?!" turo niya sa 'kin tsaka tumingin sa iba.
"Bagong dating, pres. Siya yata 'yong ibinalita noong nakaraang araw na bagong salta," nagkamot pa ito ng batok tsaka tumingin sa malayo.
Narinig ko mabibigat na buntong hininga nito bago nagpatuloy sa pagpasok.
Bakit lahat sila masama ang trato sa 'kin. Wala pa naman akong ginagawa ah?
"Siguraduhin niyo lang na hindi magiging pabigat 'yan dito." Bakas ang otoridad at pagbabanta sa boses nito, sunod-sunod namang tumango ang lahat at halatang kinakabahan.
Napailing na lamang ako at iginala ang paningin sa labas. Nasa unahan kasi ako malapit sa bintana, malaya kong makikita ang malawak na ground ng Alpha Academy.
"Hi! Ako nga pala si Alu. Ikaw anong pangalan mo? Huwag kang mag-alala mabait ako, hindi ako nangangagat tsaka pwede mo rin akong maging kaibigan. Solid ako kasama tsaka hindi ako chismosa, ano magkaibigan na ba tayo?" Mula sa kung saan ay biglang sumulpot ang babaeng 'to. Ubod ng tamis ang kaniyang mga ngiti at sobrang bilis pa nitong magsalita. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang kamay nitong kanina pa naghihintay sa 'kin. Sinuklian ko ito ng tipid na ngiti bago nagpakilala.
"Gusto mo bang sumama sa 'min mag-ghost hunting? Masaya 'yon panigurado. Sige na para may kasama naman akong kaklase, bukas ng alas singko ah, aasahan kita!" Hindi pa nga ako nakakasagot ay tuluyan na itong nagpaalam sa akin at sumakay sa pampasaherong sasakyan. Inilabas pa nito ang kaniyang kamay tsaka kumaway sa 'kin.
Ano ba 'tong pinasok ko?
Nagsimula na akong maglakad ng mabilis. Hindi ko na kailangan pang sumakay dahil ilang kanto lang naman ang apartment na tinitirahan ko. Mas mabuti na 'yon nang masanay ako.
Napatingin ako sa relong nasa kamay, eksaktong alas kwatro y medya. Kitang-kita mula rito ang sinag ng araw. Tanda ng pagtatapos ng araw na ito.
Lumiko ako pakanan at nagpatuloy sa paglalakad. Mula sa di kalayuan ay naaninag ko ang isang matandang babae na may hawak pang baston. Sa tingin ko ay tatawid ito sa kabilang kalsada dahilan para tuluyan akong mapatakbo ng mabilis.
"Lola, tulungan ko na po kayo," inalalayan ko ito at sinamahan sa pagtawid. Bawat sasakyan na dumadaan ay kusang tumigil at hinintay kaming makatawid.
Napasinghap na lamang ako ng bigla akong hawakan ng matanda sa mukha. Mataman niya akong tinitigan at para bang inirerehistro nito ang kabuoan ko.
"La-"
"Mag-iingat ka." Tuluyan na itong naglakad patalikod at iniwan akong nakatulala. Ibang-iba ang tono ng boses nito nang sabihin niya ang mga katagang 'yon sa 'kin. Para bang nagbibigay ng babala?
****
No. 1
"Mag-iingat ka"
Sinarado ko ang itim na notebook at ibinalik sa bag. Umupo ako ng tuwid at huminga ng malalim.
"Magie! Magie!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Alu na tumatakbo palapit sa 'kin.
"May nagpapabigay sa 'yo," inabot niya sa 'kin ang puting sobre. "Ano 'to?" nagtatakang tanong ko. Kanino naman 'to galing?
"Buksan mo kaya nang malaman mo."
"Sino bang nagbigay sa 'yo?" Muling tanong ko. Nakakapagtaka naman kasi, bago pa lang ako rito kaya sinong tao ang magbibigay sa 'kin ng isang sobre nang walang dahilan?
"'Yong gwapong CAT, sabi niya ibigay ko daw sa best friend ko."
"Kaya binigay mo sa 'kin?"
"O-Oo best friend kaya kita."
Naguguluhan man ay tumango na lamang ako at tuluyang binuksan ang sobre. Kailan ko pa siya naging best friend?
"Eh, ano 'yan?"
Isang maliit na litrato ang bumungad sa amin. Babaeng nakasuot ng itim na hoodie habang may inaalalayan na matanda sa gitna ng kalsada. At hindi ako maaaring magkamali, ako 'to.
****
"Bwisit na tao 'yon!" Nagdadabog na tumabi sa 'kin si Alu dala-dala ang lunch na kabibili lang niya.
"Bakit?" tanong ko tsaka nginuya ang isang kutsarang kanin.
"Si Naomi kasi!"
"Bakit nga?!" Sa ilang araw na pagsasama namin ni Alu hindi maikakailang napalapit na kami sa isa't-isa. Mula umaga hanggang sa pag-uwi ay magkasama na kami at aaminin kong masaya ako. Masaya akong nakatagpo ng isang kaibigan.
"Nagkasakit daw. Hindi muna matutuloy 'yong ghost hunting natin, sayang talaga!" she sigh. Sunod-sunod na isinubo niya ang mga leafy vegetable na kanina ko pa pinaglalawayan.
Akmang kukuha na sana ako nang mapigilan niya ang kutsara ko. Napangiti ako ng pilit at sinubukang kumuha ulit ngunit bigo ako.
"Bili ka ng sa 'yo." Sinubo niya lahat ng pagkain na nasa tray niya at pinakita pa 'yon sa 'kin. Nagpapainggit ang putangina.
Kinuha ko ang pineapple juice na nasa tapat niya at dali-dali itong nilagok. Nang matapos uminom ay ngumiti ako sa kaniya at dali-daling tumayo. Mabilis ang lakad ko palayo sa kaniya habang hindi pa niya napapansin ang ginawa ko.
"Magie!" Napatawa na lamang ako nang marinig ang matinis nitong sigaw. Lumingon ako sa kaniya at nakita ang masama nitong tingin.
"Ang damot mo kasi," bulong ko.
****
"Kung bibigyan kayo ng pagkakataong maisulat ang kuwento ng buhay niyo. Ano ang posibleng maging pamagat nito?" Patuloy sa paglakad ang lecturer namin habang ikinukumpas sa ere ang maliit nitong stick.
"Suichi," pagtatawag nito at agad namang tumayo ang isang estudyante.
"Fly High," tipid na sagot nito.
"And why is that?" Lahat ng mata ay nakatingin sa kaniya. Nag-aabang ng kasagutan sa kung bakit ito ang napili niya.
"I don't know. I just feel like I should spread my wings and fly away." Tuluyan na itong umupo matapos masagot ang tanong.
"No. You lied. The truth is," ngumiti ang lecturer namin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "You want to escape. You want to disappear. You want to throw all your responsibility and just be free. Tell me, is there any problem? Suicide is not a solution and will never be."
"I'm fine miss."
"Okay. Sabi mo e," nagpatuloy na sa pag di-discuss ang lecturer namin ngunit lumilipad ang utak ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan.
Napatingin ako kay Suichi at seryoso lang itong nakatingin sa harap. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang mga mata at parang may malalim na iniisip.
I wish I can help you. I wish I can cheer you up.
No. 2
Fly High
****
"Puwede ba kitang makausap?" Napatingin ako sa babaeng kulay pula ang buhok. Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa 'kin.
"Sino ka?" Ikatlong araw ko sa paaralang ito. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang mga pangalan nila.
"Ako si Ezra. Ikaw? Anong pangalan mo?" Pagbabalik tanong niya sa 'kin.
"Magie," ngumiti ako sa kaniya at nakipagkamay.
Tumabi siya sa 'kin at tumingin din sa malawak na ground ng Alpha Academy. Nasa rooftop kami ngayon at may biglaang meeting kaya walang teachers na magtuturo sa 'min. Masyado ring boring kung sa loob lang kami ng room kaya naisipan kong pumanhik dito habang si Alu ay naiwan do'n.
"May gusto ka ba kay Suichi?" Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Akala ko ay pinagti-tripan niya lang ako pero seryoso ang mukha niya.
"Anong klaseng tanong 'yan?"
"Nahuli kaya kita kaninang nakatitig sa kaniya. Umamin ka!" Napatawa na lamang ako sa reaksiyon niya.
"Nako-curious lang kasi ako sa sagot niya. Saka kung tititigan din ba kita ibig sabihin may gusto na rin ako sa 'yo?" Ngumiti ito ng pilit at bahagyang tumawa.
"Sabi ko nga," napailing-iling na lamang ako at nagpatuloy sa pagmamasid.
"Hoy! Inaahas mo 'yang best friend ko!" Sabay kaming napalingon ni Ezra at tumambad sa amin si Alu na may dala-dalang bag. Tumakbo ito palapit sa amin tsaka binigyan si Ezra ng masamang tingin.
"Anong best friend? Kakasabi niya lang sa 'kin na ayaw niya daw sa 'yo. Ang sama-sama raw ng ugali mo tsaka isip bata pa," pang-aasar ni Ezra.
"Alu 'yong bag ko, balik mo na. Hindi na kita tatawaging lola promise." Nagkatitigan kami ng lalaking hingal na hingal at tagaktak ang pawis. Siya 'yong classmate kong napagkamalan akong teacher.
"Hi Magie. Ako nga pala si-" naputol ang sasabihin niya nang sumingit si Alu.
"Gas Abelgas. Ah hindi si Tonying 'to o kaya si Chitae," napahawak pa si Alu sa baba at umaktong nag-iisip.
"Dugyot mo Alu," singit ni Ezra.
"Lapastangan ang tomboy na 'yan. Dinudungisan niya ang pagkatao ko," nagkunwaring naiiyak si Gas Abelgas este 'yong lalaki naming kaklase tsaka mabilis na gumalaw at inagaw kay Alu 'yong bag niya.
"Sa wakas, woah!" hinalikan pa nito ang bag niya tsaka isinukbit. "Siya nga pala ako si Maru, nice to meet you Magie!" tuluyan na itong tumakbo paalis at iniwan kami.
"Ganyan ba talaga siya?" pagtatanong ko. Ang laki-laki na niya pero kung umakto siya parang isip bata.
"May ubo talaga utak niya, 'wag mo ng pansinin."
Napatawa na lamang ako at sinalubong ang preskong hangin. Sa pangatlong araw ko rito, hindi na rin masama. May ilang kaibigan na rin ako, may mga ubo't sipon nga lang ang utak.
"Ezra kung ibabalik ko sa 'yo ang tanong mo. Ikaw? May gusto ka ba sa kaniya?" Hindi ko siya tinignan at nanatiling nakatingin sa malayo.
"Hindi ko rin alam. Hindi ko pa alam," tanging sagot niya bago siya tumalikod at linisan ang lugar.
Napapikit ako at dinamdam ang hangin. Hanggang ngayon pala-isipan pa rin sa akin ang lahat. Kung papaanong masaya lang kaming tumatawa at pinapanood ang paglubog ng araw ay siya namang paghawak ko sa malamig na bakal at dinadamdam ang hangin ng mag-isa.
Nasaan na kaya sila ngayon? Masaya na kaya sila ngayon? Naaalala pa kaya nila ang nag-iisa nilang anak?
Palihim kong pinunasan ang mga luha at saka nagsimulang maglakad paalis. Dala-dala ko ang mga pangaral nila saan man magpunta.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro