CHAPTER 4 Abby's Farm
LORENCE EARL MORALES
“Guys! Let’s go home na! Boring na. Doon na lang natin ipagtuloy ang kasiyahan kila Lavelle,” suhestiyon ni Lainerry na humihikab pa.
“I’m in! Kayo ba?” reply ni Keith at inisa-isang tingnan pa ang ibang kaibigan nila.
“Tara na! Mas masaya pa doon dahil maraming pagkain, magluluto raw ang Mama ni Abby ng sea food e’ right? Babe?” giit ni Lainerry.
“Oo, kanina pa ’yon tapos magluto. Baka tulog na nga. Alas dose na,” palatak ni Abby.
“Okay tara!” niyaya ko sila at lahat nabaling ang atensiyon sa akin.
“Sasama ka, Earl?!” sigaw na tanong ni Keith na akahit si Ajax ay hindi makapaniwala sa narinig.
“O-Oo. Gusto ko sumama. Tsaka hindi kayo magkakasya sa sasakyan ni Lainerry. Mayroon akong sundo at nasa labas na,” paliwanag ko para hindi masiyado mapahiya at hindi ko naman puwedeng sabihin na niyaya ako ni Najella dahil magagalit na naman siya sa akin. Mahahalata nilang lahat ng nangyayari sa kanya ay alam ko.
“Sure! Para marami tayo.” Si Lainerry.
“Sige guys! Mauna na ako sainyo a’ medyo hindi ako puwede sa lakad n’yo. Mayroon akong lakad kase bukas,” pagpapaalam ni Ajax at tango lang ang sagot nila Lainerry at Keith. Nahihiya lang siya kay Meagan dahil hindi pa naman siya masiyadong nakikipag-bonding sa mga kaibigan ni Jell.
“Let’s go! Doon na lang sa sasakyan ko sasakay si Najella at isa pa sainyo kung sino ang gusto.”
“Ikaw magda-drive?!” usisa ni Abby.
“Hindi,” sagot ko.
“Okay. Kami na lang ni Jell sa sasakyan ni Lorence. Tara na dahil nagugutom na ako,” pagyaya ni Lavelle at lahat na kami nagsitayuan para mag-exit sa Prom. Halos nagsilingunan ang ibang mga estudyanteng nakaupo dahil sabay-sabay kami lumabas at nakita ng gilid ng mata ko ang waitress na pinsan ni Najella na nakatitig sa best friend ko at umiirap pa habang may kakuwentuhan sa ’di kalayuan. Hindi ko na lang pinansin, kay Najella ko na lang ibinaling ang mga mata ko. Nasa likod niya ako kaya kitang-kita ko ang kurba ng katawan niya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
‘Pasaway ka Lorence! Itigil mo ’yan dahil baka mapansin niyang sa kanya ang atensiyon mo.’ Buti na lang madilim na ang hallway palabas ng campus kaya hindi masiyadong makita ang outfit ni Najella na parang naglalakad lang sa red carpet. “Mauna na kayo sa labas, may kukunin lang ako sa guardhouse,” utos ko sa kanila at tumango lang sila habang pare-parehong bitbit sa kamay ang ibaba ng kani-kanilang long gown.
“Yaman mo pala, Earl!” sigaw ni Abby nang pagbuksan ko sila ni Najella ng pintuan ng kotse. Mabuti na lang nakabalik na si Manong Mario kaya kinausap ko siyang ihatid muna kami sa ranch nila Lavelle.
“Hindi sa akin ito. Sa magulang ko,” giit ko at nilingon ko pa silang dalawa sa passenger seat.
“Pero nakapangalan na ito saiyo, Earl,” sabat ni Manong na ikinagulat ko. Dahil kinikilig si Abby sa narinig.
“Manong naman,” baling ko kay Manong Mario na busy na ang atensiyon sa pagmamaneho. Nauna ang sasakyan namin dahil doon nakasakay si Abby para sabihin niya ang daan papunta sa kanila. Ibang driver kase ang kasama ni Lainerry kaya hindi niya alam ang papunta kila Abby. Noong unang pagpunta raw nila Najella kila Abby ay namangha siya sa lawak ng sakahan nila kaya gusto kong sumama para makita ko rin.
“Tatawagan ko na lang po kayo kung magpapasundo na kami. Nagpaalam na rin po ako kila Mommy na hindi muna makakauwi. Salamat po sa paghatid, Manong.”
“Oo naman, Earl. Basta mag-iingat kayo,” saad ni Manong Mario at saka umalis sa harapan ng malaking gate nila Abby. Hindi na pinapasok ni Abby ang sasakyan dahil hindi mabubuksan ang malaking gate. Tulog pa ang nagbabantay kaya ayaw niya istorbohin. Ganoon rin sila Lainerry, Keith at Meagan. Bumaba na lang sila na bitbit ang mga dala-dala mula sa compartment ng sasakyan ni Lainerry.
“Ano ’yang mga dala-dala ninyo? Bakit ang dami naman ng mga iyan?” pagtataka kung tanong sa mga babaeng kasama ko. Nakita ko rin si Najella na may kinuhang gamit at bag.
“Bihisan namin at pagkain,” palatak ni Meagan.
“Bakit hindi ninyo sinabi na kailangang may baon? Nagdala rin sana ako,” nahihiyang saad ko.
“Takot ka magutom? Maraming buko sila Abby at kambing. Sure naman na hindi ka mamamatay na tirik ang mata dito,” pang-aasar ni Najella sa akin. Prepare talaga pala sila at plano na nila ito. Hindi na ako umimik pa. Kinuha ko na lang ang ibang bitbit ni Lainerry dahil siya ang may pinakamaraming dala-dala.
“Najella, nagpaalam ka kay Pap-- sa Papa mo?” muntik na akong masamid dahil sa tanong ko kay Najella na inirapan agad ako. Buti na lang hindi nila narinig dahil maingay ang gate ng buksan ni Abby.
“Nagpaalam ba kayo sa mga magulang ninyo?” tanong sa kanila lahat ng nakapasok na kami sa malaking bakal na gate ng hasyenda nila Abby.
“Oo naman! Ikaw ang hindi nagpaalam!” giit ni Keith.
“Nagpaalam ako at palagi naman akong wala sa bahay dahil wala rin palagi ang mga magulang ko. Kaya okay lang kahit saan ako mapunta,” paliwanag ko pa rin kahit hindi sila interisado sa buhay ko. Ang ganda ng lugar nila Lavelle. Sa entrance pa lang ay namangha na ako. Laht ng poste ay may ilaw. Hindi madilim kahit maraming punong-kahoy sa paligid. Mahaba-haba rin ang nilakad namin hanggang sa nakarating na kami sa harapan ng malaking mansion nila. Lumang mansion iyon na parang makaluma pa ang disenyo.
Nagtataka ako dahil hindi kami tumuloy sa malaking mansion. May isang bahay na gawa sa kawayan at kahoy ang tinuluyan namin. Ayoko naman mag-usisa dahil nakakahiya. Nakisabit lang naman ako sa oakad nila. “Bakit dito tayo tumuloy? Hindi sa mansion?” bulong ko kay Najella, nasa hulihan kami, nagkaroon akong pagkakataon para mag-usisa.
“Ayaw niya doon sa mansion. Nagpagawa siya ng sariling bahay at siya lang ang nakatira rito,” bulong rin ang pagsagot ni Najella sa akin at mas lalo akong napaisip kung bakit hiwalay si Lavelle sa Mama niya.
“Tuloy kayo! Malinis naman ang dalawang kuwarto kaya ipasok n’yo na lang ang mga gamit at kukuha lang ako ng pagkain natin,” saad ni Lavelle habang binubuksan ang main door ng kanyang bahay at agad na lumabas para pumunta sa mansion.
“Sasamahan kita, Abby!” sigaw ni Meagan pagkalapag ng gamit niya sa sala. Hindi na siya nilingon ni Abby kaya patakbo na siyang sumunod sa kaibigan at sa likod bahay sila dumaan.
“Astig naman ni Lavelle. Kaya niyang matulog dito ng mag-isa?” hindi ko mapigilan ang bibig ko kaya natanong ko sila pero wala naman silang balak na sagutin ako dahil may kanya-kanyang seremonya sa sarili.
Napaupo na lang alo sa single couch sa sala ni Abby at pinagmasdan ang paligid. Kasing-laki lang ito ng bahay nila Najella. Medyo malaki ang sala niya na karugtong ng kusina, mayroon lang na divider na nakalagay at may mga laruang naka-display. Sa sala; isang couch na mahaba at isang single couch, may maliit na flat T.V at speakers. Sa kusina naman may dalawang upuan at hindi kalakihang mesa. Kompleto ang gamit niya na mukhang hindi niya naman ginagamit dahil malilinis. Mayroong dalawang kuwarto sa side at nagsipasok na sa isang kuwarto ang mga babaeng kasama ko. Magbibihis sila at mag-aayos ng sarili.
“Earl! Buksan mo ang pinto,” tinawag ako ni Meagan, nasa balkonahe sila ni Abby at may mga dalang pagkain. Agad ko namang binuksan ang pintuan at kinuha ko ang ibang dala nila, diritso sa kusina at inilatag sa mesa. Natakam ako sa mga pagkaing dala nila. Adobong manok, sea foods; malalaking hipon at alimango, isa ng pang putahe ng karne na may mga sili at inihaw na isda.
“Sigurado kayo diyan? Foodtrip ng hating-gabi?” saad ko na sabay tiningnan ang suot kong relo. Pasado alas dos na ng umaga.
“Kumain kana lang kapag gutom ka ha? Doon ka na lang matulog sa couch dahil hindi ka na magkakasya sa kuwarto,” giit ni Abby na inaayos ang pagkain.
“Goodnight! Matutulog na kami!” paalam ni Meagan sa akin. Napatanga ako sa pagkain sa mesa at sinunod si Abby na lumabas ng kuwarto na may dala-dalang unan at kumot ko.
“Kumuha kayo ng mga pagkain tapos hindi kayo kakain?” tanong kong nagtataka. Si Abby na lang ang nasa sala. Hindi man lang nagpaalam si Najella. Bigla tuloy akong nagtampo sa kanya
“Bukas na kami kakain ng almusal. Bukas pa naman ang party! Basta feel-at-home okay? Feel free. Ikaw na bahala rito sa labas. Idlip muna kami,” huling paalam ni Abby at tsaka pumasok sa kuwarto niya. Wala na akong nagawa kundi ang takpan ang mga pagkain sa mesa dahil antok na rin ako. Kailangan ko na ring matulog dahil mag-uumaga na.
Ilang minuto pa akong tulala sa kisame ng bahay ni Lavelle. Sobrang tahimik sa lugar na ito. Walang maririnig na sasakyan tanging huni ng mga ibon at mga insektong panggabi ang naririnig ko. Kaya hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Hindi ko alam kung nakatulog nga ba ako dahil naalimpungatan ako ng may naglalagay sa akin ng kumot. Medyo madilim sa sala kaya hindi ko siya makilala peri alam kong babae siya dahil mahaba ang kanyang buhok. Pinagmamadan ko lang siya habang inaayos ang kumot sa akin, hindi niya alam na nagising ako. Wala namang ibang gagawa nito sa akin kundi si Najella lang. Katulad ng ginagawa niya kapag natutulog ako sa bahay nila. Nagigising akong hating-gabi dahil inaayos niya ang kumot ko.
Paalis na sana siya ng bigla kong hawakan ang kamay niya, “Matulog kana ulit.” Inaagaw niya ang kanyang kamay pero hindi ko binibitawan kaya umupo siyang naka-squat. Si Najella nga. Kilala ko siya kahit nakapikit ako.
“Sorry kanina. Hindi ko alam na mangyayari iyon,” bulong ko kay Najella at hinatak ko pa siya malapit sa akin para mayakap ko siya ng mahigpit. Naawa ako sa kanya kanina ng matapunan ang kanyang suot. Ako ang unang nasasaktan kapag nakikita ko siyang dehado. Sobrang bait niya sa kanyang ama at mga kapatid kaya hindi siya dapat inaapi ng mga kamag-anak niyang ayaw sa kanya.
“Tumigil ka, baka lumabas sila,” bulong ni Jell sa akin habang yakap ko pa ng mahigpit at tiningan ko ang oras sa suot kong relo. Alas singko y media na. Kaya pala medyo maliwanag na sa labas pero nakakatamad bumangon dahil malamig.
“Kanina ko pa gustong gawin ito kaya lang walang pagkakataon...” bulong ko sa may tainga niya. Nasa dibdib ko ang ulo niya habang yakap ko pa siya.
“Hindi mo ’to puwedeng gawin lagi, Earl. Baka makasanayan ko na...”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro