Prologue
HUMINTO ANG SCHOOL bus sa harap ng isang lumang mansyon. Ilang taon itong naging abandonado hanggang sa nagpasya ang isang grupo ng mga Dominican priest na bilhin ang naturang mansyon sa Maria Luisa upang gawin itong retreat center. May dalawang palapag ang mansyon, isang malawak na harden sa harap, at isang malawak na camping site sa likuran.
Kung titingnan ang kabuuan ng mansyon ay hindi ito nakakatakot kagaya noon. Malaki ang pasasalamat ng mga pari nang magbunga ang kanilang paghihirap sa loob ng sampong taon nang sumikat ang retreat house sa publiko.
Bumaba ang mga estudyanteng sakay ng school bus. Nakatayo ang mansyon sa tuktok ng isang bundok kaya hindi nakapagtataka na agad nabighani ang lahat sa tanawin na kanilang nakikita. Hawak ng bawat estudyante ang kanilang mga cellphone at walang segundong pinalagpas sa pagkuha ng kani-kanilang mga litrato kasama ang malawak na kagubatan.
“Class picture tayo mamaya rito, a.”
“Sige ba,” tugon ng isang estudyante sa sinabi ng kanilang class mayor.
Mahigit tatlumpung minuto ang lumipas bago pumarada sa harap ang isang L300 kung saan payapang natutulog ang apat na estudyanteng hindi nagkasya sa school bus. Isa-isang nagising ang lahat nang walang tigil bumusina ang driver. Inis na lumabas ng van ang apat na estudyante habang pinipigilan ang kanilang mga sarili na hindi batuhin ang driver sa sobrang ingay.
“May nangyari yata na hindi maganda kaya natagalan kaming apat.” Pagpaliwanag ng isang estudyante sa kanilang class mayor.
Nang makalabas ang kanilang guro sa isa pang van ay agad natigil ang mga estudyante sa kanilang ginagawa. Pumalibot ang lahat sa kanilang guro at naghihllintay sa ibibigay nitong pahayag.
Ilang minuto ang kanilang ginugol sa pakikinig hanggang sa lumabas ng mansyon ang iilan sa mga pari na nagmamay-ari ng mansyon.
“Bakit parang kinikilabutan ako?”
Palihim na lumingon si Blythe sa gawi ni Jezzah, “Nagsitayuan na nga lahat ng balahibo ko sa katawan, e.”
“Tumahimik nga kayong dalawa,” sita ni Angelyn sa kanyang mga kaibigan bago mahinang tumawa. “Baka nakikinig sa inyo ‘yong mga multo sa paligid.”
“Baliw,” natatawang komento ni Shaine. “Gusto niyong mag-ghost haunting tayo mamayang gabi?”
“Game ako,” pagsang-ayon ni Jezzah.
“Mga tanga,” saad ni Angelyn at hindi makapaniwala sa kanyang narinig. “Hindi nga tayo pwedeng lumabas ng silid pagkatapos mag-alas onse ng gabi, ‘di ba?”
“Kailan ba tayo sumunod sa mga patakaran?” Tanong ni Blythe bago lumingon sa gawi ni Shaine. “Game ako sa plano mo mamayang gabi, Shaine. Ready na rin ‘yong third eye ko.”
“Ewan ko sa inyong tatlo,” reklamo ni Angelyn bago tumawa. “Pero hindi naman ako kill joy para iwanan ko kayong tatlo sa mga kalokohan niyo sa buhay—game ako mamaya.”
“Madali naman palang kausap, e.”
“F*ck you, Abby.” Pabulong na saad ni Angelyn sa kanyang kaibigan bago pumalakpak nang matapos sa kanyang mahabang pauna ang isang matandang pari, si Father Paul.
Sumunod ang isang binatang pari, si Father John, bago itinuro ang lumang mansyon sa kanyang likuran. “Welcome to Don Boscoe’s Retreat House, everyone.”
Tweet your thoughts and use #RHTUFaith on Twitter or Instagram.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro