Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: While Playing Her Games

"CLOSE YOUR EYES and find your inner peace," saad ng isang pari sa harap ng mga estudyante. "Don't mind the nuisance around you. Just focus on yourself and in finding peace within you."

Nakapikit ang lahat habang nakaupo sa kanilang mga upuan. Kasalukuyan silang nakikinig sa kaharap nilang pari na patuloy inobserbahan ang bawat estudyante sa silid. May dala siyang bibliya na gagawin niyang basehan sa kanyang ipapagawang aktibidad buong hapon. Habang naghahanap ng kapayapan ang lahat, kadiliman naman ang kinakaharap ni Blythe laban sa kanyang sarili. Hindi mawala sa kanyang isipan ang nangyari sa silid, lalo na ang takot na kanina pa bumabagabag sa kanya.

Sino ba ang madreng 'yon? Anong pakay niya sa akinsa aming magkakaibigan? Tanong ng dalaga sa kanyang isipan bago naisipang magpaalam upang pumunta ng banyo.

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ni Blythe habang nakaharap sa malapad at bagong linis na salamin. Nakatitig lamang siya sa sariling repleksyon at hindi alam kung paano pakalmahin ang nagwawala niyang puso. Katahimikan ang nangingibabaw sa paligid na siyang dumagdag sa naramdaman niyang takot.

Aalis na sana si Blythe pagkatapos maghilamos nang marinig niya ang pag-flash ng inidoro sa isa sa tatlong cubicle na nasa kanyang likuran. Parang binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig ang dalaga. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan at kitang-kita sa repleksyon ang pamumutla ng kanyang mga labi. Gusto niyang matawa sa nangyari kahit walang mapaglalagyan ang takot sa kanyang puso.

Sigurado si Blythe na walang ibang tao sa banyo maliban sa kanya. Siya lang mag-isa kaya nakapagtataka kung bakit may nag-flash ng inidoro.

"Napagtripan na naman ako," bulong ng dalaga sa sarili.

Nag-iba ang ihip ng hangin at hindi maganda ang kutob ni Blythe nang walang lumabas na tao sa isa sa tatlong cubicle kahit ilang minuto na ang lumipas simula noong mag-flash ang inidoro. Ilang paglunok ng laway ang ginawa ng dalaga at pagpigil sa paghinga habang iniisip kung ano ang kasunod na mangyayari. Walang imik na humakbang paatras si Blythe upang makalayo at makahinga nang maluwag, pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay may naapakan siyang paa.

Laking pagpipigil ng dalaga na hindi sumigaw sa kanyang katangahan hanggang sa malasahan niya ang sariling dugo nang aksidente niyang makagat ang kanyang pang-ibabang labi. Hindi mabilang kung ilang panalangin ang binigkas ni Blythe sa kanyang isipan, sa puntong nasali ang panalangin bago kumain.

"Blythe. . ."

Bumilog ang mga mata ni Blythe sa kanyang narinig. Maayos ang pagkabigkas sa kanyang pangalan sa puntong nakakakilabot itong pakinggan. Yumuko ang dalaga at tiningnan ang naapakan niyang paa. Kunot ang kanyang noo nang makitang duguan at putikan ito. Sa kanyang nakita ay sigurado ang dalaga kung sino ang nakatayo sa kanyang likuran—walang iba kung hindi ang madre sa ikalawang palapag.

Hindi magandang pagkikita 'to. Saad ni Blythe sa kanyang isipan bago palihim na sumulyap sa salamin.

Muntik matampal ni Blythe ang sarili nang mapagtanto niyang walang repleksyon ang mga multo. Walang pagpipilian ang dalaga kung hindi ang harapin ang kanyang problema sa mga oras na ito. Wala siyang kasama na makatulong sa kanya at parang hindi tumatalab ang mga panalangin na kanyang ibinigkas simula kanina.

Ilang malalim na paghinga ang ginawa ni Blythe bago nagpasyang umikot. Sisigaw na sana ang dalaga nang maunahan siya ng kanyang kaklase, si Joy.

"Ano ba 'yan, Abby!"

Hawak ang kanyang dibdib ay sinubukang hanapin ni Blythe ang madre sa paligid. "Nakita mo ba 'yon, Joy?"

"Ang alin? May dapat ba akong makita maliban sa nakakatakot mong mukha, Blythe?" Pabirong umirap si Joy kay Blythe bago pumasok sa isang cubicle. "Kay aga mong manakot. Para kang sinaniban ng isang masamang espiritu, e."

"Anong sabi mo?"

"Wala," sagot ni Joy at tiningnan si Blythe sa huling pagkakataon bago isinara ang pintuan. "Maganda ka sana kaso bingi lang."

"Buwesit na babaeng 'to," bulong ni Blythe sa sarili bago tuluyang umalis ng banyo. "Nasaan na kaya ang madreng iyon? Ngayon lang ako natakot sa isang multo kahit nasa isang sagradong lugar ako, a."

Tuluyang bumalik ang dalaga sa viewing room at pilit kinalimutan ang ikalawang pagtatagpo nila ng madre. Hindi alam ni Blythe kung bakit siya pinagtitripan ng multo.

"Muntik na akong maniwalang na-flash ka sa inidoro, Abby." Komento ni Angelyn pagkaupo ni Blythe sa kanyang puwesto.

Tweet your thoughts and use #RHTUFaith on Twitter or Instagram.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro