iv
"Nitong weekend, saan ka, Reign?" tanong ko habang pareho kaming nagbabasa ng mga dokumento tungkol sa bagong proyekto ng Starlight.
"Bakit, Chin? Are you showing an interest on me?" pabalik na tanong niya na hindi inaangat ang mga tingin.
"Nagtatanong lang naman ako," sagot ko. Pinanatili kong kalmado ang sarili kahit nakaramdam ako nang biglang pagkabog ng aking dibdib.
"Ito naman. Nasa bahay lang ako buong weekend," tugon niya. "Bakit kung wala ba akong ginagawa ay yayayain mo akong lumbas?"
"Ang advance mo naman mag-isip," nahihiya kong tugon. Nang humarap siya sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin. "Tapusin na nga natin 'tong ginagawa natin," pag-iiba ko ng usapan.
"Patapos ka na ba riyan?"
"Oo."
May makakapal na papel siyang inilapag sa mesa, malapit sa akin. "New work."
Habang patuloy ako sa paggawa ng mga pinapagawa niya sa akin ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang imahe ng babaeng tumulong sa akin noong sabado. Kung hindi dahil sa kan'ya ay marahil hindi ko na nakuha pang muli ang pitaka ko. Kung sino man siya ay nais ko talaga siyang pasalamatan.
Ngunit kung buong weekend ay nasa bahay lang si Starry, sino 'yung babaeng 'yun? Pakiramdam ko kasi siya talaga 'yun. O baka naman ay hinala ko lang.
Teka, bakit ko nga ba iniisip 'to? May trabaho pa akong kailangan tapusin.
Habang tumatagal ay naging madali na sa akin ang mga gawain sa kumpanya. Hindi naman ako gano'ng nahihirapan dahil bukal ang loob ko na gawin ang mga ito. Nakakasabay na rin ako sa mga usapan ng iba kong mga kasamahan sa trabaho. Hindi na ako clueless sa mga terms na binabanggit nila. Nakabubuo na ako ng mga biro gamit ang mga terms na sinasabi nila. Mas nagpagaan ito ng pakiramdam ko dahil hindi sila mahirap pakisamahan. Mababait sila, sobra.
Kahit may sahod na akong natatanggap mula sa Starlight Group ay patuloy pa rin ang pagsa-sideline ko sa mga trabahong pwede kong mapagkakitaan. Umiigib ako ng tubig tuwing hapon kina Aling Marta sa tuwing pag-uwi ko galing sa trabaho. At kung may pinagawa pa ang iba naming kapitbahay at kung wala naman akong ginagawa ay hindi ko ito tinatanggihan.
Hindi pa rin kasya sa amin ang kinikita ko. Oo, nakakaginhawa na kami pero hinihila pa rin ng napakarami naming utang. Ngayong nalaman ng mga pinagkaka-utangan namin na may trabaho na ako ay palagi nila itong binabanggit kay mama o di kaya'y sa akin sa tuwing makakasalubong ko sila. Kesyo, mag-iilang taon na araw ito, kahit tubo man lang ay hindi namin mabawasan, patuloy lang tumataas.
Wala naman akong magagawa dahil utang namin iyon. Kailangan naming bayaran 'yun. Nakakahiya man at kinapalan ko na ang mukha ko at muli silang pinaki-usapan na kung makakahintay pa sila ng ilang buwan. Hindi naman kasi pwede na idiretso ko nalang sa kanila ang perang kinikita ko. Kailangan din namin ng pambili ng makakain namin. Kunting tiis nalang talaga, mababayaran din namin lahat ng mga utang namin.
Mula sa aking munting naitabing pera ay nakabili ako ng slacks na pantalon at long sleeves mula sa ukay-ukay. Ang dalawang daan ko ay nakabili na ako ng tatlong pares ng mga ito. Kung sa ibang tindahan pa kasi ako bibili ay hindi talaga kakasya ang dalawang daan sa kahit isang long sleeve lang. Nakabili rin ako ng sapatos sa halagang singkwenta pesos. Halatang gamit na ito ngunit maayos pa naman. Tatagal pa ito.
"New look tayo, ah!" komento ni Starry, isang umaga nang umakyat ako sa kan'yang bus.
"Kakabili ko lang nito kahapon," tugon ko. "Sabi mo kasi ay may meeting tayong pupuntahan ngayon. Nakakahiya naman kung naka-simpleng T-shirt lang ako roon."
"Alam mo ang gwapo mong dumala ng damit," saad niya habang sinusuri ang suot ko. "Pwede kang maging model ng mga international brands."
"Seryoso 'yan?" Bahagya akong natawa dahil sa mga pinagsasabi niya. Simpleng itim na long sleeve lang naman ang suot ko at itim na slacks na pantalon.
"Oo nga. Hindi mo ba tiningnan ang sarili mo sa salamin?" tanong niya. "Ang gara ng postura mo!"
Napakamot ako sa aking ulo. "Maliit lang kasi ang salamin sa bahay. Tanging ulo ko lang ang nakikita ko."
"May potential kang maging duo ni Masked Model sa magazine niya! May itsura ka naman."
"Lahat naman tayo meron, Reign."
"Gan'yan ka ba talaga mag-isip, Chin?" tanong niya na may nakakalokong ngiti sa labi.
"Oo. Bakit? May mali ba sa isip ko?" maang kong tanong.
"Wala. Wala naman," umiiling na saad niya. "We arrived. Baba na," sunod niyang sabi.
Bumungad sa amin ang isang napakataas na building. The Royal Dreamers, ito ang nakasulat sa labas ng building nila.
"Basta ha? Isulat mo lahat ng mahahalagang impormasyon habang nasa meeting tayo," paalala niya habang papasok kami sa loob ng kompanya.
"Copy that."
Nang pumasok kasi sa loob ay agad bumungad sa amin ang napakaraming empleyado nila. Hindi basta-basta ang kumpanyang ito!
"That's the CEO of the Royal Dreamer," simula ni Starry habang nakatitig sa dalawang taong seryosong nag-uusap sa kabilang banda.
"'Yung nakasuot ng itim?" tanong ko dahil hindi ko naman sila kilala.
"Yeah. That's Mr. Phylbert," tugon niya. "The man in white next to him is his only son, Johnny Viegas."
"Okay," saad ko habang pinipinta ang mukha ng dalawa sa aking isipan. Para kung sakaling tanungin ako ay may maisasagot na ako kung sino sila.
"Mr. Johnny is part of the Golden Trio in virtual world."
"Golden Trio? Ano 'yan?"
"You don't know that?"
"Hindi, eh. Ngayon ko lang narinig."
"May dalawa pang kaibigan si Johnny. Si Aron Ryle na isang doctor at ang isa naman ay si Dale Daniel, the heir of Dreammy Pen Company. They are known for that name because they are always together. Some source says they are indeed best friends since they are little."
"Oh. I see."
Dumiretso na kami sa conference room kung saan gaganapin ang meeting. Marami na ang mga naroroon nang dumating kami. Napakaseryoso ng mga aura nila.
Nang dumating si Mr. Phylbert ay nahinto ang bulungan sa paligid. Umayos ng upo ang lahat. Kasama na ako roon.
Bago pa mang tuluyang magsimula ang pulong ay may isa pang lalaking pumasok sa pinto. Nakasuit ito ng itim na business suit. Napaka-gwapo nitong tingnan sa porma niya. Ito ang unang beses na makakita ako ng katulad niya sa personal. Tila nasalo niya lahat ang kagwapuhang ibinagsak sa kalupaan.
Tumungo siya sa bakanteng upuan sa tabi ng lalaking pinakilalang Mr. Johnny ni Starry sa akin kani-kanina lang.
"Dale, you came," ani Mr. Johnny nang mapansing may umupo sa tabi niya. "Muntik ka ng ma-late."
Umayos ng upo ang lakaking tinawag niyang Dale saka sumagot. "Need to deal with my wife first, Viegas."
Siya ba ang Dale na sinabi ni Starry na mula sa Dreammy Pen?
"Mr. Dale is here," simula ni Mr. Phylbert. "We signed a contract with them to get more wider audience for our products through his website and magazine."
"I am glad to work with you, sir," positibong tugon naman ni Mr. Dale. Napaka-professional ng kaniyang pananalita. Sa paraan ng kaniyang pagbigkas, mukhang hasang-hasa siyang magsalita ng lengguwaheng Ingles.
Nagpatuloy ang pulong at ako naman ay abala sa pagsusulat ng mga mahahalagang bagay na nababanggit sa usapan. Bilin ito ni Starry kaya kailangan kong mag-pokus.
Mas tumagal ang pulong dahil sa mga suggestions na nailalatag na taliwas naman sa nais mangyari ng kabila. Naging mainit ang palitan ng ideya ngunit hindi nakakatakot. Parang chill lang sila tingnan. Habang inoobserbahan ko ang mga mukha nila at nakikita ko talaga na once bumitaw sila ng decision ay firm na sila rito at mahirap ng paki-usapan.
Natapos ang pulong at nakipag-kamay ang lahat sa bawat isa. Muli silang nakangiti na lumabas ng conference room.
Ako naman ay muling bumalik sa pagkaka-upo upang ayusin ang mga papel ko sa mesa.
"You are going already, Cuego?" rinig kong tanong ni Mr. Johnny.
"I missed my wife already," tugon naman ni Mr. Dale na nakatayo na mula sa kaniyang upuan. Ibinutunis nito ang kaniyang suit.
Tumayo na rin si Mr. Johnny at umakbay sa kaibigan.
"Do I need to find a wife too?" muling tanong ni Mr. Johnny.
Hindi ko na narinig ang tugon ni Mr. Dale dahil tuluyan na silang nakalabas ng conference room.
Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na rin ako roon. Nauna na si Starry na lumabas kanina dahil kausap niya ang isa sa mga executives ng kumpanya.
"Let's go," bungad ni Starry sa akin ng maabutan ko sa siya lobby ng kumpanya.
"Saan? Uuwi na ba tayo?" tanong ko.
"No, we are not going back," tugon niya at nagsimula ng humakbang palayo.
Napatakbo ako upang maabutan siya. "Then, where are we going?"
"Maaga pa naman. Let's spent our time exploring Dreem!"
Napanhinto ako sa paglalakad. "Ha? Paano ako?"
Lumingon siya sa akin. "Huh? Paanong paano ka?"
"Mag-e-explore ka pa pala, eh. Mauuna na ba akong bumalik sa Starlight?"
"May sinabi ba akong babalik ka sa Starlight?"
"Ah? Wala naman."
"'Yun naman pala. Kaya tara na!" yaya niya.
"Seryoso ka n'yan?"
"Oo nga! Let's go to TYX!"
Wala na akong nagawa maliban na sumama nalang kay Starry. Sa tono palang niya ay hindi siya papayag na mauuna akong babalik sa Starlight.
Gano'n na lamang ang pagkabigla ko nang huminto kami sa harap ng mga may higanteng bagay. Umiikot ang mga ito at may nakasakay na mga tao. Teka, ito na ba ang TYX Amusement Park?
"TYX Place! Here I come!" masayang usal ni Starry. Tila nagliwanag ang paligid dahil sa nakakahumaling na ngiting taglay niya.
"Kain muna tayo sa TYX food's place. I am hungry," anunsyo niya at nauna na namang maglakad.
Pumasok kami sa isang restaurant na hindi naman gano'n kalakihan dahil ayon nga kay Starry sa branch lang nila ito malapit sa amusement park nila. May main brand ito rito sa Dreem, hindi naman kalayuan mula rito.
Nang iabot sa akin ng waiter ang menu ay nabigla ako sa presyo na nakasulat dito. Ang mahal ng mga pagkain nila rito!
"Reign, wala akong dalang pe-"
"May sinabi ba akong ikaw ang magbabayad?"
Umiling ako. "Wala naman pero. . . "
"You can order anything. Don't worry about it, I'll pay."
Hindi ako naka-imik. Nakaramdam ako ng pagkahiya. Si Starry ang manlilibre sa akin. Parang nabaliktad kasi ang ikot ng mundo. Lalaki ako at isa pa, boss ko siya. Nakakahiya talaga. Ngunit ano pa ang magagawa ko? Isang daan lang ang perang laman ng pitaka ko.
"Hey, gutom ka pa ba? You look miserable!" sabi sa akin ni Starry nang lumabas na kami mula sa restaurant na iyon.
"Reign, nahihiya kasi ako sa 'yo," saad ko habang nakayuko. "Ang dami mo ng nagawa sa akin tapos ngayon naman nilibre mo ako rito sa restaurant na ito. Reign-"
Nabigla ko dahil sa marahan niyang pagtawa ngunit mas ikinabigla ko ang pagtapik niya sa braso ko.
"Ayan ka naman sa drama mo, Chin, eh!"
Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla niya naman akong hinila. "Let's have some fun," aniya habang hawak-hawak ang pupulsuhan ko.
Hindi ako nakatanggi pa dahil maging ako ay minsan ding pinangarap ang makapunta sa ganitong lugar.
Ito ang unang beses na makaapak ako sa tinatawag nilang roller coaster ride.
Marami pa kaming sinubukang rides ni Starry. Hindi ko mapigilan ang mapasigaw dahil nakakatakot naman talaga. Pakiramdam ko ay malalalaglag ako anytime kahit may safety belt naman.
"Wahhh!" tanging iyan lamang ang tanging naririnig ko habang nasa rides kami.
"May isa pa roon! Try din natin!" muling yaya ni Starry.
Inangat ko ang kamay ko at umiling. Na-upo ako sa latag na bato na hinahabol ang hininga ko. "Teka lang, Reign! Umiikot pa ang ulo ko!"
"Wala naman. Hindi naman umiikot ulo mo!" pang-aasar niya.
"Nahihilo ako. Sandali lang talaga!"
Pumakawala siya ng malakas na tawa. "Akala ko ba gustong-gusto mong i-explore ang ganitong lugar?"
"Oo nga. Masaya naman pero hindi ko inaasahan na hindi kakayanin ng katawan ko."
Kahit naging gano'n ang epekto sa akin ay hindi ko maipagkakaila na nakaramdam ako ng kakaibang saya sa aking puso. Totoong inenjoy ko ito kahit panay sigaw lang ang nagawa ko.
Sana balang araw, maranasan din ito ng mga kapatid ko!
"Chin! Sa susunod dalhin mo rin ang mga kapatid mo!" masayang suhestiyon ni Starry.
Napatingin ako sa kan'ya. Bakit parang nagkataon naman yata na tugma sa aking iniiisip ang suggestion niya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro