
Prologue
"Sere, paki bantayan ng maigi si Harvey ha, uuwi agad ako pagkatapos ng interview." paalala ko kay Serenity, sya ang binilinan ko kay Harvey na magbantay. Kaibigan ko din sya kaya sakanya ko ipinagkatiwala ang anak ko.
Namasukan si Serenity saamin bilang kasambahay noong andito pa ang parents ko at hindi pa pumunta sa Paris, naging kaibigan ko siya pati si Nikita, ang anak ng taga luto namin. Online business ang trabaho niya kaya narito lang siya sa bahay at binabantayan ang anak ko sa tuwing may trabaho ako. Si Nikita naman ay busy sa pag-aaral dahil collage pa lang siya.
"Huwag kang mag-alala Historia, akong bahala sa anak mo. Huwag kang masyadong mag-alala ang cute kaya bantayan ng anak mo, hindi rin malikot. Bakit kasi hindi pa kami nagkaka anak ni Stephen, sinagad niya naman ah." agad ko syang binatukan sa sinabi niya,wala talagang preno ang bunganga nito.
"Ano ba Sere! Baka marinig ka ng anak ko! Ilang beses mo na din naikwento saamin si Stephen pero 'di mo man lang pinakilala saamin baka magulat nalang kami na pumatol ka pala sa adik" asar ko sakanya.
Alam ko namang gwapo yung sinasabi niyang Stephen, si Sere kasi yung taong mahilig sa gwapo, kahit nga naka-mask alam niyang gwapo eh.
"Adik naman talaga yun, adik sakin." hirit pa niya.
Sinilip ko muli ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a nude pencil cut skirt and a white see-through long sleeves nag apply din ako ng kaunting make up para hindi ako magmukhang maputla.
"Harvey anak! Halika ka nga muna dito!" tawag ko sa anak ko na tahimik na naglalaro.
Kamukhang kamukha mo talaga ang daddy mo.
"Baby aalis muna si mommy ha? Si tita Serenity ang magbabantay sayo kaya huwag matigas ang ulo." hinalikan ko ang noo ng anak ko at sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko. Lumuhod ako sa harapan niya para maging pantay ang mukha namin.
"Opo, em goodboy men eh. Iwabyu po," gusto kong matawa sa way ng pagsasalita ng anak,my son was just 4 years old kaya't bulol pa ito sa ibang salita.
Harvey has a pair of blue eyes just like his father, pati ang ilong at bibig nito ay nakuha niya sa ama. Nakakasama lang ng loob dahil wala ata itong namana sakin. Ganun ba talaga ako ka patay na patay sa ama niya noon?
"Sige baby alis na si mommy, i love you too.Anong gusto mong pasalubong mo pag uwi ko? Do you want ice cream?" his eyes widened and nodded his head nonstop, natawa nalang ako sa reaksiyon niya.
"Okay then, wait for me when I got home." I kissed his forehead again and went out.
*~*~*
Nasa loob na ako ng Monvalle Corp. The company lobby has a clean efficiency it is also illuminated with soft and welcoming light as if it were sunshine in a gentle pastel hue.
Dumiritso ako sa front disk at nagtanong.
"Hi, miss, where is the office of president? Nag apply kasi ako bilang secretary." mukha naman siyang mabait at approachable.
"Good afternoon ma'am, sir Monvalle was waiting for you at his office.
It's beside the Head Department po, 30th floor."
"Thank you miss, I'll go ahead " tipid na ngumiti siya at tumango.
Sumakay ako ng elevator at laking pasalamat ko dahil tatlo lang kami sa loob, pinindot ko ang 30th floor at kinuha ang maliit na salamin sa bag ko para tignan kong okay lang ang mukha ko baka kasi may dumi,mapahiya pa ako.
Nasa harapan nako ng office at sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, kailangan ko ang trabahong 'to dahil ayoko ng umasa nalang lagi sa pera ng mga magulang ko.
Kakayanin ko ito para sa anak ko.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
"Come in." his voice was kinda familiar.
Pumasok na ako at naabutan ko ang president na tutok na tutok sa papeles na nasa harap niya. Kahit hindi ko pa masyadong nakikita ang mukha niya dahil nakayuko siya ay natitiyak kong gwapo ito.
Gosh ano ba tong iniisip ko, kailan pa ako naging tirador ng gwapo,kasalanan talaga 'to ni Serenity.
"Good afternoon sir,ako po yung nag apply bilang secretary." I gently bowed my head to pay respect.
Nag-angat siya ng tingin at ganun nalang ang gulat ko ng makita ko ang mukha niya.
It's been years since I saw him.
His blue dazzling eyes were focused on me. Hindi siya mukhang nagulat nang makita ako, he looked calm at wala akong makitang expression sa mukha niya.
"A-asher?" nahihirapang bigkas ko sa pangalan niya.
Nagbalik sakin ang lahat ng ala-ala na pilit kong kinalimutan at binaon ko na sa limot ngayong nakita ko na ulit siya bumalik lahat ng sakit at galit dahil sa ginawa niya sakin 4 years ago. Naalala ko kung paano ako nagmakaawa sakanya noon.
"Ash,ano yung text mo sakin kanina, bakit nakipag-break ka sakin?"
Naabutan ko siyang tanging boxer lang ang soot,pinuntahan ko siya sa condo niya dahil hindi naman nito sinasagot ang tawag at text ko.
Kita ko ang inis sa mukha niya bago sumagot.
"Manhid ka ba or sadyang tanga kalang Historia? Hindi mo ba naiintindihan na hindi kita mahal? Nabasa mo naman siguro sa text ko diba? Pwes, uulitin ko. Ginamit ko lang ang katawan mo!" my painful tears automatically flooded my vision.
Bakit ganito ang inaakto niya, masaya naman kami kahapon ah? May nangyari pa nga samin.
"No! Bawiin mo ang sinabi mo Ash! Mahal mo ako! Nararamdaman ko yun!"
"Kahit kailan Historia hindi kita minahal, pinaglalaruan lang kita,hindi mo ba yun naiintindihan?" napasabunot siya sa buhok niya dahil sa inis.
"Ede gamitin mo ang katawan ko! Ash naman! Mahal na mahal kita, Okay naman tayo kahapon diba? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo, please? Sorry na kung may nagawa man ako, bati na tayo." hinawakan ko ang kamay niya ngunit halos mapa upo ako ng inilayo niya ito, na parang diring diri siya sakin.
"Stop this shit Historia! Gusto ko mang gamitin ang katawan mo pero nagsasawa nako! I want something new, yung magaling sa kama at hindi katulad mo na inosente." parang napunit ng pirapiraso ang puso ko nang may lumabas sa condo niya na babae, may babae siyang dinala sa condo niya bukod sakin? Kitang kita ang cleavage ng babae at ang singit nito, sana naghubad nalang siya. Ganito pala ang tipo niya sa babae.
My eyes are blazing as I continue to watch them. Hot tears are still streaming down my face.
Hinalikan nito ang leeg ni Ash sa harap ko, nag iwas ako ng tingin dahil sa ginawa nila. Hindi ako makahinga sa sakit. Sana pinatay nalang nila ako.
Nagsalita ulit ako ng huminto na sila.
"I can do better Ash! I promise I'll be wild in bed just for you! Just p-please don't l-leave me." napaluhod ako sa harap nila. I know I really look desperate now but I don't care! Hindi ko kakayanin kapag nawala siya.
Patuloy pa ding lumalandas ang mga luha ko sa aking mukha.
"I'm sorry Historia but we're over," he said coldly at pumasok na sila sa condo niya.
I can't barely imagine kong anong pwedeng gawin nila sa loob.
Ang sakit. Ang sakit sakit. Pinagkatiwalaan ko siya! He's my first love, first bf, first kiss, I even give him my virginity pero hindi pa rin naging sapat yun sakanya! Pinaglaban ko pa siya sa mga magulang ko, binigay ko ang lahat sakanya kahit ubos na ubos na'ko!
It happened 4 years ago pero yung sakit andito pa rin. Pinilit kong palakasin ang loob ko na huwag umiyak sa harap niya, pinigilan ko din ang sarili ko na huwag isumbat sakanya ang nangyari noon dahil naalala ko na andito pala ako para mag-apply at hindi para isumbat sakanya ang nakaraan.
"Sorry miss, do I know you?" kunot noong tanong niya.
Bakit siya umaarte na hindi ako kilala? O sadyang nakalimutan niya na talaga ako? Hindi naman yun impossible, sa dami ba naman ng babae niya.
Tinignan ko ang kabuoan niya mas naging gwapo ito at maskulado, dumagdag din sa appeal niya ang eyeglasses na suot niya ngayon, he looks very professional.
Napansin niya sigurong hindi ako umimik kaya nagsalita ulit siya.
"I think you've mistaken me from somebody else miss. My name is not Asher, I'm Liam Roux Monvalle."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro