Prologue
Thanks autumnicity for the awesome cover in the multimedia 😍❤
Thanks eandegraphix for the pretty cover 💙
Thanks KyennSiAko for the helpful critique ❤
-
Normal ang buhay ko, isa akong normal na senior high school student na malapit ng mag-graduate. Normal ang pamilya at mga kaibigan ko, normal ang lahat,
Pero akala ko lang pala.
"Harapin mo lahat ng mga tinatakbuhan mo, Mnemosyne, Pakiusap. "
Gabi-gabi dinadalaw ako ng mga panaginip, mga panaginip na para bang nakasama ako, para bang andun ako at ramdam na ramdam ko ang emosyon na andun. Para bang pilit pumapasok ang mga pangyayaring iyon sa isip ko.
Memorya.
Pinilit kong iwaksi na lamang iyon sa isip ko.
Ngunit araw-araw mas naging 'di normal ang buhay ko. Mas lalo nu'ng dumating siya. Ang bago kong kaklase na inis na inis sa akin sa hindi ko alam ang dahilan.
"You're dumb, Mnemosyne. "
Ngunit hindi ko alam kung bakit, I want to be close to him.
Ngunit sa bawat hakbang ko upang maging malapit sa kan'ya ay ang pagdating ng mga sulat na para bang konektado sa panaginip ko at pinipigilan akong makipaglapit sa kanya.
"I am the man who was swallowed by the earth just to reach you, I will nourish your mind, Mnemosyne. Nourished enough just for you to remember me.
-Τροφωνίου"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro