Chapter 8
Mag fi-five na ng hapon at hindi pa rin kami umuuwi. Pagkatapos naming mag-arcade ng ilang oras kanina at manood ng sine ay nag-suggest si Helios na manood kami ng sunset sa isang park.
Ang saya-saya ko sa araw na 'to at dahil 'yon sa kaniya, hinding-hindi ko makakalimutan ang alaalang ito habangbuhay.
Naglalakad kami papunta sa park sa may kanto at malapit ito sa bahay namin pero ngayon ko lang nalaman na may park pala rito hindi rin kaai ako pala- labas dahil hindi pumapayag si mama o si kuya. "Paano mo pala nalaman na may park dito?" tanong ko kay Helios habang magkahawak-kamay kaming naglalakad.
Somehow gusto ko ang ganito na ang kamay ko ay kayakap ang kamay niya at kontento kaming naglalakad kasama ang isa't-isa.
Ngumiti siya sa akin at napatingala sa nagdidilaw na langit. "Childhood memories. Paborito ko ang lugar na 'yon," sabi niya at hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko na para bang ayaw na niya itong bitawan.
Hindi na ako nag-argumento pa at tinuon ang atensyon sa paglalakad kahit ramdam kong parang may kung ano sa pupuntahan naming lugar. "Sana magustuhan mo ang lugar na 'yon, kahit na..." sabi niya sa akin, hindi niya tinuloy sabihin ang huling mga salita na gusto niyang sabihin sa akin.
"Kahit na ano?" tanong ko sa kaniya dahil na-cucurious ako at gusto kong alamin kung ano man ang kaniyang sasabihin.
Umiling siya. "Nevermind, andito na tayo," wika niya at tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako.
Humarap siya sa isang abandonadong park na may matayog na gate na kulay black at naka-lock. Pinalilibutan din ito ng mga vines at mga matataas na damo. Medyo luma na at nakakalawang na ang swings, monkey bar at slide pero maganda pa rin tingnan. At tama nga si Helios, perfect place ang lugar na ito para mapanood ang sunset dahil kaharap mo ang langit sa lugar na 'to pero hindi kami makakapasok dahil kandado naman ang gate.
"Paano tayo makakapasok dito? Kita mo na ngang lock ang gate eh, may susi ka?" reklamo ko kay Helios sabay pout at marahas na itinuro ang gate.
Ngumisi naman siya at nag-gesture ng akyat. "No! Hindi ko gagawin 'yan! Baka mahulog pa ako!" pagtutol ko ngunit hinila ako ni Helios papunta sa gate kahit na tumututol ako ay wala akong laban sa lakas ng hila niya.
"Huwag ka ng maarte! sayang ang effort natin na pumunta rito tapos aayaw ka lang naman. Tara na! I'll catch you if you will fall, promise!" sagot niya sabay akyat ng gate, inabot niya ang isa niyang kamay sa akin para makaakyat ako.
For the eight time ay namumula nanaman ako dahil sa mga ganiyan niya at kanina pa siya at konti na lang sasabog na ako sa kilig. Hinubad ko na ang arte ko sa katawan at kinuha ang inabot niyang kamay at umakyat na rin sa gate.
Una siyang bumaba at nagawa pang mag-back flip na exhibition. Tumawa naman ako imbes mamangha. "Baliw ka talaga! O, heto na ako, hah! But you promised to catch me so you better do!" Pagpapaalala ko sa kaniya sabay talon pababa ng gate.
He did caught me. Pero dahil sa lakas ng impact, napatumba kami at ako ngayon ay nasa taas niya't dikit na sa isa't-isa ang tungki ng aming ilong at ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko at pamumula ng mukha ko dahil sa sitwasyon namin ngayon.
"A-Ano..." utal-utal kong sabi sa kaniya. Kulang na lang lumabas ang steam sa katawan ko dahil sa pamumula ko.
Hinawakan niya ang likod ko na kina-alarma ko. I tried to squirm at umalis mula sa posisyon na 'yon pero hindi ako makaalis.
"D-Don't move... You're making this hard for me. Just let us stay with this position kahit konting sandali lang, let me savour this moment that I can feel you and you're near me, please?" pag-susumamo niya sa akin as he desperately hugged me tight.
Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin, ngunit hindi ako maka-protesta dahil ayaw man ng isip ko ay gusto naman ng puso ko at may nagsasabi sa akin na just like him, I must savour this moment too.
Nagtagal ng mga limang minuto na ganiyan ang posisyon namin, kung saan ramdam namin ang katawan ng bawat isa, ang paghinga namin at ang tibok ng puso namin. Hindi ko man amininin.
Gusto kong ganito na lang parati.
Siya ang unang bumitaw. "Sige na, you may get off me now. Thank you, Synee," he said but his voice still indicates that he still want to be in that position for some more.
Synee. How come did he knew that nickname? But nevermind. I should just ask it later.
Gusto ko sanang sabihin na maski ako ay gusto kong magtagal sa ganoong posisyon ngunit tumalima na lang ako at tumayo. Tumayo rin siya at ngumiti sa akin.
"Look, it's just the right time, bumababa pa lang ang araw!" nakangiti niyang turan sabay turo sa langit.
Tama siya! unti-unti pa lang bumaba ang araw sa kanluran. Napangiti naman ako at the same time ay na-amaze sa nakikita ko.
Kasabay nang pagtitig ko sa sunset ay ang pagbalik ng pamilyar na sakit sa ulo na nararamdaman ko sa tuwing naalala ko ang mga bagay-bagay at may nakikita akong mga bagay-bagay na hindi ko maintindihan.
Natagpuan ko ang sarili ko na nasa same park ngunit bago pa lang ang park na 'to sa ngayon. Wala pang mga matataas na damo sa paligid. Nakita ko ang same na batang lalaki at batang babae na nakaupo sa swing habang nakatingin sa sunset.
"Bukas punta ulit tayo rito, Dark, uh?" sabi ng batang babae sa batang lalaki na kumakain ng lollipop at umuupo sa swing na katabi ng swing niya.
Ngumiti naman ang batang lalaki at tumango. "Oo naman, Synee! Pero maaga dapat tayo rito para makapag-laro pa tayo! Papayag naman sina tita 'di ba?"
"Oo, basta raw sunduin tayo ni kuya Hermes pag five thirty na," sagot nang batang babae sa batang lalaki.
Kuya Hermes... Alaala ko nga ito mga alaalang hindi ko maalala. Hindi ko na alam ang dapat kong paniwalaan, pakiramdam ko mababaliw na ako sa mga nakikita ko.
"May nakita ka ba, Synee?" bungad ni Helios sa tabi ko na nagpagising sa akin sa wisyo.
Napa- hawak ako sa aking ulo. Teka? Alam niya na ba na may nakikita ako? "P-Paano mo nalaman?" Halos mabulol ang dila ko habang hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.
Malungkot naman niya akong nginitian at napatingin sa kung saan. "Dahil hindi talaga ako si Helios Garcia... Ako talaga si Trophonius o Dark. Please remember me, my dear memory," malungkot na wika niya at nakita ko ang pagpatak ng luha sa kaniyang mata, sa bawat pagpatak ay ramdam ko ang kalungkutan na matagal na niyang kinikimkim.
Siya nga si Trophonius... Siya nga. Ngunit bakit niya 'to ginagawa sa akin? Gusto niya bang mabaliw ako? May ginawa ba akong masama sa kaniya kaya binabawian niya ako ngayon?
Malamig kong idinapo ang tingin ko sa kaniya. "Puwes! Tigilan mo na ako! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Hindi ko na alam kung ano pa ang tama o mali sa mga alaala ko! Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko! Sino ka ba talaga?!" puno ng poot kong sigaw ko sa kaniya at tinulak siya palayo sa akin at nagsimula na rin akong umiyak.
"Synee..." sinubukang lumapit ulit pero pinigilan ko siya.
"Huwag kang lumapit! Huwag kang lumapit hanggang hindi mo sinasabi ang lahat!" ani ko sa kaniya at patuloy siyang tinutulak sa bawat lapit niya hanggang sa sumuko na lang siya at hindi na lumapit pa.
Ngumisi naman siya habang patuloy ding tumutulo ang luha niya. "You're always like that, Synee. Nilalayuan mo ako, tinatakbuhan mo ako lagi. You always want to have things easily pero sa huli hindi mo maalala but don't worry. Malalaman mo rin sa madaling paraan ang lahat at tanggap ko na rin kung makakalimutan mo rin at tatakbuhan," sagot niya at diretso akong tinitigan na may magkahalong lungkot at hinanakit ang nasa boses niya, hinanakit na kasalanan ko. Hinanakit na kumukulong sa kaniya nang dahil sa akin.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya o bakit may hinanakit siya sa akin o ano bang sinasabi niya na tinatakbuhan ko? Wala akong maintindihan! Sino ba ako? Ano bang nangyari? Anong ginawa ko sa kaniya? Sino siya sa buhay ko?
Hindi ko mapigilan ang mga luha na kumakawala sa mga mata ko. Sinasabunutan ko na ang sarili ko at sumisigaw na ako. Lumapit siya at mahigpit akong niyakap, hindi ko na siya nagawang tulakin pa dahil wala na akong lakas upang gawin iyon sa ka- iiyak.
He kissed my head at kumawala na sa yakap niya sa akin na mas lalong nag- palala sa kirot na nararamdaman ko. "Before I'll let you go. Look where I will look for the last time bago kita bitawan," puno ng pagsusumamo ang nasa boses niya at sa kabila ng galit ko sa kaniya pakiramdam ko ay dapat akong tumalima dahil 'pag hindi ko ito gawin ay pag- sisihan ko habangbuhay.
Tumingin naman ako sa tinitingnan ni Trophonius at tumaas ang balahibo ko sa aking nakita isang kamukha ni Trophonius na prenteng nakatingin sa orihinal na Trophonius.
"Ano ito, hah?! Niloloko mo nanaman ba ako?" bakas ang panginginig at takot sa boses ko at pakiramdam ko ay mawawalan na ng lakas ang mga tuhod ko.
"Do you know what happens when a person sees his doppelganger?" hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay nagtanong din.
Nanlamig ang katawan ko sa aking narinig at hindi makapaniwalang tiningnan ang malungkot na mukha ni Trophonius.
Ngunit bago pa man ako makasagot nakita ko na ang karimlan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro