Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Naka-upo ako sa chair ko sa classroom ngayon, mag- isa lang ako at tahimik pa ang classroom at  kanina ay sinipag ako at nilinis ko pa ang mga kalat at hinihintay ko pa si Calliope ngayon dahil sabi niya mala-late siya.

Inaantok pa ako hindi ako masiyadong nakatulog kahapon dahil sa mga nangyari at iniisip ko pa rin ang mga naganap kasi feeling ko talaga nangyari na 'yon at 'yung alaala na pumasok sa isip ko, bakit pakiramdam ko ay totoo?

Sino ba si Trophonius? At totoong si Helios ba ay si Helios?

"Ang lalim ng iniisip mo ngayon, ah? Good morning," rinig ko ang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Humarap naman ako at nakita ko si Helios, speaking of the devil. Ngumiti naman ako sa kaniya para wala siyang masabi na hindi ako namamansin.

"Good morning, wala 'to, hindi lang ako masyadong nakatulog kahapon."

Umupo naman siya sa upuan na katabi ko at ginulo-gulo ang buhok ko. "Tulog ka muna, ang aga mo kasing pumunta rito may time pa naman. Babantayan kita habang natutulog ka," nakangiting sabi niya at umupo sa katabing upuan ko.

Tama nga naman siya, ewan ko kung bakit ang aga ko pumunta rito sabi nga ni kuya Hermes may tama raw ako sa utak. So, kaming dalawa lang ang andito sa room ni Helios.

"Hindi ko nga alam eh, ako ata ang naunang estudyante sa room natin, deserve ko na talaga ang punctuality award," pag-bibiro ko at mahina akong tumawa at napapaypay pa sa sarili gamit ang aking kamay.

Umiling- iling siya. "Nagkakamali ka. Nauna pa ako sa'yo kanina pa ako rito. Nasa may library lang ako kanina since wala pa akong kasama," mahina siyang tumawa at mapang- uyam akong tiningnan.

Hinampas ko naman siya at napanguso. "Ang lakas mong pag-sabihan ako, ikaw pala ang numero uno."

Ang weird lang. Komportable talaga ako pag kasama ko si Helios para bang matagal ko na siyang kakilala. "Sorry lang, boring kasi sa bahay. Wala akong kausap at ayaw ko sa bahay," malungkot niyang sabi at totoo ang lungkot sa kaniyang mga mata kapag itutuloy ko pa ang pagtitig ay baka madamay ako sa kalungkutan niya.

"Asus, 'wag ka ng malungkot, 'di bagay sa'yo!" sinundot-sundot ko ang tagiliran niya at napatawa kahit na pilit lang ang tawa ko para lang sumaya siya at gumaan ang atmosphere.

Tumawa naman siya nang malakas at ginulo-gulo ang buhok ko. "Masisira ang buhok ko, ano ba!" kunyaring naiinis na usal ko at hinampas pa ang kamay niya.

Pero sa totoo, nagugustuhan ko na ang ginagawa niya.

Natigil ang panghahampas ko sa kamay niya ng marinig ko ang pagvi-vibrate ng cellphone ko. Nag-text ata si Calliope. "Teka lang, basahin ko muna ang text ni Calliope," sabi ko kay Helios at dinukot mula sa bag ko ang cellphone ko.

□ FROM: D'YOSANG CALLIOPE □
Oy, bes? Pumunta ka ba sa school ngayon?

Ano ba 'tong tanong niya? Ang weird. Nag-type naman ako ng reply,

□ TO: D'YOSANG CALLIOPE □
Siyempre, andito ako, kasama ko nga si Helios eh, ano bang tanong 'yan?

Seconds later, naka-receive agad ako ng reply.

□ FROM: D'YOSANG CALLIOPE □
Bes... Walang pasok ngayon, may meeting ang mga SHS teachers sa school, mga college lang ang may pasok. At anong Helios ka riyan, kakakita ko lang kay Helios kani-kanina lang. Mag-sasabay sana kami, pero sabi niya walang pasok pinaalala niya sa akin 'yung tungkol sa meeting at umuwi na siya. Ang weird nga niya eh. Sabi niya paalahanin daw kita ng mga bagay-bagay.

Sa sinabi ni Calliope ay biglang nag-sitaasan ang buhok ko. Kasama ko si Helios nasa tabi ko lang siya eh, bakit sabi ni Calliope pauwi na raw?

"Ano'ng problema, Mnemosyne? Namumutla ka," rinig kong sabi ni Helios sa tabi ko.

Andito siya. Bakit? Bakit sabi ni Calliope...

"Sabi ni Calliope nakita ka raw niya kani-kanina lang tapos umuwi ka na raw," humarap ako sa kaniya at tiningnan ko siya kahit na medyo natatakot na ako.

Weird naman niya akong tiningnan. "Ano bang sinasabi mo? Wala naman akong ginawa na ganiyan, kita mo ngang andito ako sa tabi mo, alangan naman ng teleport ako roon, geez,"  bumusangot ang mukha niya't kumunot ang noo pagkatapos ay pinitik niya ang noo ko.

Napa-aray naman ako at hinampas siya nang mahina sa kamay. "P-Pero? Sino 'yung naka-usap ni Calliope kanina? Kung hindi ikaw 'yon?" sabi ko sa kaniya at tiningnan siya sa mata.

"Ewan ko, baka kamukha ko lang," sabi niya at napa-iling, hinihimas-himas pa niya ang kamay niya dahil sa sapak ko kanina.

May posibilidad bang si Trophonius ang nakasama ni Calliope kanina? Hindi puwedeng si Helios 'yon dahil nasa tabi ko siya ngayon. Imposibleng si Helios 'yon.

Si Helios ang kasama ko at hindi ako dapat matakot. "Sabi ni Calliope wala raw pasok dahil sa meeting," sabi ko kay Helios at lumaki ang mga mata niya.

"So, ano'ng gagawin natin ngayon? We were both deaf yesterday at hindi natin narinig ang announcement tungkol sa meeting at ayoko pang umuwi," napa- dekwatro siya at lumukot ang mukha

Napa-isip din ako. Ayoko pa rin kasing umuwi, wala si mama o si kuya doon at wala kaming kasambahay kaya kapag umuwi ako ay wala akong makakasama.  "I know na! May pera ka ba? Mag-strolling na lang tayo sa mall at mamasyal para hindi masayang ang pagod natin," suhestiyon ko sa kaniya at matamis siyang nginitian.

Chance ko na rin 'to. Hindi naman siguro magagalit si mama susulsulan ko lang si kuya Hermes para hindi niya sabihin kay mama na walang pasok.

"Ano, payag ka ba?" tanong ko kay Helios at pinasok ang phone ko sa loob ng bag.

Tumango naman siya at tumayo. "So, let's go?" wika niya at masayang ngumiti. Lumabas tuloy ang dimple niya at dahil doon mas lalong lumabas ka-guwapuhan niya.

Ano ba, Mnemosyne! Stop checking him out! Mapansin pa niya! baka ano-ano pa ang isipin. Erase. Erase.

Tumango naman ako at tumayo pagkatapos kinuha ko ang bag ko at sabay kaming lumabas ng classroom ni Helios. 

Nang makarating kami sa gate, agad naman kaming pinalabas ng mga guwardiya. "Nako, mga shs ba kayo? Hindi niyo ba alam na walang pasok?" kuwestiyon nang isang gwardiya habang binubuksan ang bag ng babaeng papasok sa school na katabi namin.

Tumango naman kami bilang sagot. "Sorry po. Hindi po namin narinig kahapon," napakamot ng ulo pa ako at yumuko kami ni Helios.

"O, siya. Mag- ingat kayong mga bata kayo."

Sumakay kami ng jeep papunta sa mall. Siksikan noon sa jeep kaya hindi maiwasang napapadikit ako kay Helios. Amoy na amoy ko ang pabango niyang amoy mint na nagpapalabas lalo sa pang- maskulado niyang datingan, 'di ko mapigilang mamula.

"Ano ba, Mnemosyne! Umayos ka!" pigil ko sa sarili ko at kinurot-kurot ko pa ang braso ko.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang sabi ni Helios at napatingin sa akin nang mapansin niya ang mga pinanggagawa ko.

Ang tanga mo, Mnemosyne! Napa-lakas ang sabi mo! Paano kung narinig niya ang una mong sinabi?

Tumango naman ako bilang sagot. Mnemosyne. Focus! Hindi puwede ang ganito. Kakakilala mo lang sa kaniya kahapon at kahit sinabi niyang kakilala mo siya noong highschool, hindi mo naman naalala 'yon kaya hindi puwedeng magustuhan mo siya agad.

Pero sa buong biyahe ng jeep, 'di ko maiwasang mapatitig sa guwapo niyang mukha at mapa-isip. Bakit hindi ko nga ba siya maalala? At bakit kamukha niya si Trophonius?

Nang makababa na kami ng jeep, agaran kaming pumunta sa mall, sa restaurant to be exact. Sabi ko kasi sa kaniya nagugutom na ako at konti lang kasi ang kinain ko noong breakfast dahil sa pagmamadali ko 'yon pala wala palang pasok.

"Ma'am, heto na ang order niyo," sabi ng waiter at inilapag ang dalawang chicken barbeque, dalawang spaghetti at dalawang coke na kapwa si Helios ang nag-insist na mag- bayad.

"Salamat."

Ngumiti naman ako kay Helios na ka-face to face ko lang at inilapag ang isang barbeque, isang spaghetti at isang coke sa tabi niya. "Tara, kain na tayo," alok ko sa kaniya at hinawakan ang kutsara at tinidor.

Ngumiti naman siya sa akin. "Sa'yo na lang iyan. Alam ko namang malakas kang kumain at busog pa ako eh," pagtatanggi niya at tinulak ang plato ng pagkain papunta sa akin.

"Atsaka, mabubusog na ako sa tuwing nakikita kitang maganang kumakain."

Weird ko naman siyang tiningnan at napa simangot at kasama na rin ang pag-iinit ng pisngi ko sa last niyang sinabi. "Sigurado ka ba? Uubusin ko 'to, wala ng matitira rito!" pag-babanta ko sa kaniya habang sinusubo ang chicken barbeque sa bibig ko.

Napatawa nanaman siya at pinitik nanaman ang noo ko't ginulo-gulo buhok ko. Kanina pa talaga ang isang 'to, namumuro na sa flick sa forehead at paninira ng buhok ko.

I pouted habang punong-puno ng pagkain ang bibig ko, wala akong pakialam kung anong itsura ko ngayon. I just felt comfortable when I'm with him, I just dunno why at kahit ano mang itsura ko pakiramdam ko ay okay lang sa kaniya. Na kahit sino man ako o ano man pag- dadaanan ko ay andito pa rin siya sa akin at hindi ako iiwan. Na kahit na nakakalimutan ko kung sino siya ay hindi pa rin siya sumusuko.

"Sige na. Ubusin mo na, titingin lang ako rito at alam ko namang matakaw ka, dati pa," natatawa niyang sabi.

Dati pa... Ako lang pala talaga ang hindi makaalala sa kaniya, somehow naguguilty ako.

"Alam mo, matagal ko ng gustong gawin 'to, 'yung ganito, 'yung parang date na sinasabi nila kasi ngayon lang kasi ako nakalabas ng bahay, homeschooled lang ako simula second year high school at kahit kailan 'di pa ako nakapag-malling ng ganito and I'm happy that I could do all of this with you," malungkot na sabi ni Helios habang tinititigan niya ako ngunit sa kabila ng lungkot ay matamis siyang ngumiti sa harapan ko.

Nabulunan naman ako sa sinabi niya at naramdaman ko nanaman ang pamumula ng mukha ko. Hindi lang dahil sa sinabi niya kung'di pati na rin sa tamis at ganda nang kaniyang ngiti.

"Hey, are you okay? Ikaw kasi mag hinay-hinay ka sa pagkain mo," sabi ni Helios at agad na inabot sa akin ang baso ng tubig.

Agad ko namang ininom ito at humingal. "Ikaw kasi!"

"Pero seryoso, and you know? If I will die today? I will die a happy man," nakangiti niyang sabi at napatingin sa labas na nakikita sa dahil sa glass window.

"Nako, 'wag mo ngang sabihin 'yan ang oa mo naman!" sabi ko sa kaniya at ako naman ngayon ang nag-flick ng forehead niya at tumawa ako pagkatapos.

Hindi na siya sumagot at tinuon ko na lang ang atensyon ko ulit sa pagkain, napatingin ako sa labas ng glass window at ngumiti pero hindi ko man aminin ay ngayon ko lang din naranasan ang ganito gaya niya at masaya rin akong siya ang kasama ko at gusto kong maulit 'tong muli.

Sa 'di ko malamang dahilan...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro