Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

What the hell? I looked in my surrounding at hinanap kung nandito ba siya pero wala. Ang bintana ay naka- sara at naka-lock pa.

Hindi ko na alam kung talagang pinag- lalaruan ako ni Trophonius. Pero kung andito talaga siya, paano siya nakapasok sa kwarto ko? Bakit ba ayaw niya akong tantanan?

Kailangan ko talagang kausapin siya bukas dahil hindi na nakakatuwa ang mga ginagawa niya, it creeps me out and he's playing with my emotions.

I hugged my pillow tighter and snorted, baka stalker ko 'yung si Trophonius at may gusto 'yon sa akin, pero ang creepy naman ata ng mga ginagawa niya eh! Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas-nuebe pa lang pala ng gabi, akala ko napahaba na ang tulog ko kanina, hindi pa pala.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto. "Mnemosyne, anak? May bisita ka, Helios daw ang pangalan, may naiwan ka raw na gamit kanina sa school at pinapadala niya," narinig kong sabi ni mama na nag- pataas ng balahibo ko.

Helios? weird. Pareho sila ni Calliope, sinabi nilang Helios ang pangalan ni Trophonius gayong hindi naman talaga.

Ano naman ang naiwan ko? So, baka totoo na pumasok siya sa bintana ko kanina? Naka-locked naman at hindi mukhang nabuksan na. Ang weird talaga.

"Mnemosyne? Andiyan ka ba?" katok muli ni mama sa pinto.

Agad naman akong tumayo sa kama at naglakad para buksan ang pinto. "Oo, Ma. Andito na, gabi na, oh! Hindi ba puwedeng sa'yo niya na lang po ibigay ang naiwan ko? Bakit kailangan pa akong makita?" iritable kong sabi kay mama.

Piningot naman ako ni mama kaya napa- sigaw ako sa sakit. "Ang bastos mong bata ka! Nag-effort ang tao na pumunta rito para makita ka, may sasabihin din daw kasi siya sa'yo, pag-bigyan mo na mukha namang mabait na bata si Helios eh," sabi ni mama at napamewang pa at alam kong kapag mag- aargumento pa ako ay baka masapak pa ako.

Bumuntong hininga na lang ako and lift my two hands up to surrender. Ano kayang pinakain ng weird na lalaking 'yon kay mama para isiping mabait 'yon? "Okay po, mama. Asan po ba ang lalaking 'yon?" tanong ko kay mama at sinuklay-suklay ang buhok ko gamit ang kamay kahit papaano ayaw kong magmukhang aswang at mapa- hiya sa harap nang lalaking iyon.

"Nasa sala siya, pero sigurado ka bang ganiyan ka lalabas?" wika ni mama at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Ano bang mali sa pajamas? Kailangan bang naka-dress ako para makita ang lalaking 'yon? Naka- heels?

"Okay na 'to, mama. Hindi naman po siya mag- tatagal dito 'di ba?" sabi ko at hindi ko na hinintay na mag-reply si mama naglakad agad ako papunta sa sala.

Pag-kababa ko sa staircase ng bahay nakita ko agad si Trophonius na chill na chill na naka-upo sa sofa, nakatingin siya sa picture frame ko sa malapit na table, kulang na lang umalis siya sa sofa at idikit niya ang mukha niya sa picture frame ko.

"Hoy! 'Wag mong titigan ang picture ko! Stalker ka talaga! Ano ba ang sinabi mong naiwan ko at ano'ng sasabihin mo sa akin para maka- alis ka na!" sigaw ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa pag ngiti niya sa akin. No, hindi 'to puwede!

"Nahulog mo ang panyo mo kanina sa park, nilabhan ko rin 'to, nahulog kasi sa may putikan," sabi niya at inabot sa akin ang plastic bag nang regalo na kulay pink, ngumiti siya pag-katapos.

Agad ko namang kinuha ito at napa-irap. "At ano naman ang gusto mong pag- usapan natin, hah? At tsaka sino ka ba talaga? Pinagloloko mo ba ako?" naiinis kong ani sa kaniya at napameywang, tinaasan ko rin siya ng kilay.

Tumawa siya ng malakas at buong-buo ang tawa niya, sana nga maubusan na siya ng hininga sa ka- tatawa niya. "Alam mo ang weird mo, kanina sa park. Sino ba si Trophonius na sinasabi mo? Ako si Helios Garcia," wika niya habang pinipigilang tumawa muli.

Sa sinabi niya ay naihulog ko ang hawak kong plastic bag na binigay niya kanina.

Hindi siya si Trophonius? Rinig na rinig ko ang lahat ng pinagsasabi niya kanina, mula noong dumating siya sa room, 'yung sa upuan tapos 'yung sa park.

Lumapit ako sa kaniya ng padabog at kinwelyuhan siya. "Pinagloloko mo ba ako? Naalala ko lahat ng mga sinasabi mo kanina, puwede bang umamin ka na lang!" singhal ko sa kaniya at masama siyang tiningnan.

"Totoo nga sinasabi ko, ang biyolente mo namang babae," sabi niya at tiningnan ako sa mata at nagawa pang ngumiti.

Ano'ng nakakatawa sa pagiging biyolente? Kailangan na talagang dalhin sa espesyalista ang lalaking 'to.

Hindi ako nakatakas sa mga tingin niya, agad akong umiwas sa titig niya at binitiwan ang hawak ko sa kwelyo niya. " Huwag mo akong gawing tanga, naalala ko lahat ng mga sinasabi mo pati ang mga remember na 'yan! Sinabihan mo pa nga akong dumb!" sigaw ko sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang braso niya.

Napangisi naman siya na mas lalong nagpainit sa ulo ko. "Okay, you got me, sinabi ko nga 'yun pero hindi ako si Trophonius, I'm Helios," binitiwan ko ang pagkahawak sa braso niya at napasapo ng noo.

Masyado na talaga akong naguguluhan sa taong 'to. "So what do you mean by remember?" tanong ko sa kaniya.

He gestured me to sit down in the sofa at tumalima naman ako.

"I knew you since highschool, ako 'yung nagligtas sa'yo n'ong nahulog ang shelf sa library, ikaw din ang nagbigay sa akin ng payong n'ung umuulan," sabi niya at bahagyang napangiti na para bang inaalala niya talaga ang mga pangyayari na kinukuwento niya.

Sinubukan kong alalahanin ang mga sinasabi niya pero wala talaga akong maalala na ginawa ko ang mga 'yun. Ang weird din, naalala ko lahat naman ng pangyayari noong highschool pero itong mga sinasabi niya ang hindi ko maalala. "Pasensiya ka na, hindi ko maalala ang mga pinagsasabi mo alam ko na ngayon bakit nagsasabi ka sa akin ng remember, pero ikaw ba ang naglagay ng picture sa bulletin board at 'yung orchids at string?" tanong ko ulit sa kaniya.

He chuckled. "Ah, gan'on ba? Kaya pala hindi mo maalala, at anong pinagsasabi mo? Hindi ako 'yun," sabi niya ngunit nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, nakakalunod ang lungkot na iyon.

Na-guilty naman ako bigla, bakit ko ba hindi maalala? Kawawa naman itong si Helios. "Pasensiya ka na talaga ah? Sorry din sa mga actions ko kanina," ani ko sa kaniya at ngumiti.

Ngumiti naman siya pabalik kahit halatang nagulat siya at tumayo siya mula sa sofa. "So, magkaibigan na tayo, ah? Ako si Helios, puwede bang makipagkaibigan?" Inilahad niya ang kaniyang kaliwang kamay at nag-offer ng handshake.

Tumawa naman ako at tumayo rin at tinanggap ang handshake niya. "Ako si Mnemosyne, oo naman, puwedeng-puwede! Simula ngayon mag-kaibigan na tayo!" masaya kong sabi at hindi ko maiwasang mapangiti.

Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon, napatingin ako sa mga mata niya naramdaman kong parang nangyari na ito noon at hindi ko lang maalala kung kailan o saan. Biglang sumakit ang ulo ko at may mga pangyayari nanamang pumapasok sa utak ko.

Nakita ko ang isang batang babae na mag isang nakaupo sa isang sulok, hawak-hawak niya ang isang manika ngunit malungkot ang mukha niya. Tumingin siya sa mga batang masayang naglalaro sa hardin, gusto niyang sumali sa kanila pero hindi siya tinanggap ng mga batang 'yon.

"Bakit ba ayaw nila sa akin? Mabait naman ako, gusto ko lang naman makipaglaro eh!" naiiyak na sabi ng batang babae at niyakap ang manika niya.

Bakit feeling ko ako talaga ang batang nakikita ko ngayon? Ramdam ko ang sakit at lungkot ng batang 'yon na para bang ako ang nasa sitwasyon niya.

Malakas na umiiyak ang batang babae at nagpapadyak-padyak, nakita ko ang isang batang lalaki na mas matangkad sa batang babae ang lumapit sa batang babae at binigyan ng panyo, nagulat naman ang batang babae at napatingin sa batang lalaki.

"You should not cry if they don't want you, I'm here. Let's play? I'm Trophonius by the way, can we be friends?" sabi ng batang lalaki at nag-alok ng pakikipag-kamay sa batang babae.

Maluha-luhang tumango at napangiti ang batang babae at kinuha ang inalok na pakikipag-kamay. "A-Ako si Mnemosyne, oo naman puwedeng-puwede!" masayang sabi ng batang babae at kulang na lang na tumalon ito sa saya.

Napangiti naman ang batang lalaki. Napatingin sila sa akin na nag-pataas nang balahibo ko.

"Mnemosyne! Mnemosyne! Okay ka lang ba?" nagising ako mula sa alaalang iyon dahil sa boses ni Helios.

Napatingin ako sa kanya, 'di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko, ramdam ko ang pawis mula sa noo ko. Niyakap ko si Helios dahil sa takot. "Ano bang nangyayari sa'yo? Natulala ka kanina tapos bigla kang napasigaw at umiyak," nag-aalalang sabi ni Helios at binalik ang yakap ko sa kaniya.

"H-Hindi ko alam..." mahinang sabi ko at nararamdaman kong nanginginig na ang katawan ko.

Hindi ko na alam kung bakit nakikita ko ang mga bagay na 'yon. Kung hindi si Helios ang may gawa noon, sino si Trophonius? Bakit kamukha niya si Helios?

Malungkot akong tiningnan ni Helios, parang awang-awa siya sa akin, parang may gusto siyang sabihin pero ayaw niyang sabihin.

"Nako, mga bata kayo? Mga kabataan nga naman! May payakap-yakap pa!" narinig kong sabi ni mama mula sa staircase.

Nagising naman ako sa sinabi ni mama at binitiwan ang yakap ko kay Helios. "Nag-cocomfort lang siya sa akin, mama! Ano-ano ang iniisip niyo!" utal-utal kong sabi, ramdam ko ang pamumula sa mukha ko.

Tumawa na lamang si mama at tinaas baba ang kaniyang kilay. "Tita, alis na po ako, mag-aalas dies na po," sabi ni Helios sa tabi ko at nag- sensyas ng "bye" kay mama.

Tumango naman si mama. "Mnemosyne, samahan mo nga siya sa labas ng gate, ingat ka, hijo, ah?" sabi ni mama at ngumiti 'yung ngiti na pinagkakatiwalaan niya talaga si Helios.

Tumango naman ako as if naman na may magagawa ako at isa na rin ito sa paraan upang kahit konti ay maja- bawi ako kay Helios. "Tara na," sabi ko kay Helios at lumabas na kami ng pinto.

Napatingin ako sa langit at namangha ako sa mga bituin habang palakad kami papunta sa gate, ngayon lang ako nakalabas ng bahay tuwing gabi. Ayaw akong payagan ni mama pero ngayon dahil kay Helios nakita ko ang mga bituin kahit sandali lang, 'yung close up, 'yung hindi tinatakpan ng glass window, 'yung parang nakikipag-face to face kami ng langit.

"Ang ganda ng mga bituin 'no? Para silang bulaklak na patuloy na namumukadkad tapos pinagbubuklod sila ng invisible na tali at nagkakaroon ng constellation. Sige na, Mnemosyne. Alis na ako, bukas na lang," walang emosyong ani Helios at lumabas na ng gate namin at nag-wave sa akin.

Hindi na ako naka-imik dahil 'yung mga sinabi niya ay parang familiar... Narinig ko na ang mga salitang 'yon dati at hindi ko nga lang maalala.

At hindi lang 'yon, bakit pakiramdam ko lahat ng pangyayari kanina, nangyari na noon?

Déjà vu...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro