Chapter 2
Hindi ako mapakali habang naka- upo ako sa upuan ko, parang mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit, nagsimula ito ilang minuto ang nakaraan noong pumasok kami ni Calliope sa loob ng silid.
“Okay ka lang ba, bes?” nag- aalang sabi ni Calliope sa tabi ko, hindi kami magkatabi sa upuan dahil walang bakante, hiniram niya muna ang upuan ng katabi kong si Meagara na ngayo’y nakikipag-tsismisan din sa kaniyang kaibigan.
Tumango na lamang ako bilang sagot, kahit na kabaligtaran ito ng nararamdaman ko. Naiiyak na nga ako dahil sa sobrang sakit nang ulo ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko at noong pilit ko itong buksan ay bigla akong na- estatwa sa aking kinauupuan nang may pumasok na kung ano sa isipan ko. Napangiwi ako dahil bawat detalye ay nagbibigay sakit sa ulo ko at nakita ko ang kadiliman.
"Synee! Synee! Let's play!" wika ng isang batang lalaki with a charcoal hair.
'Di ko makita ang mukha niya pero I think he's looking at me. 'Di ko siya sinagot because I don't know him. The scenery was blurry like his face.
"Synee! Notice me! Let's play!" mas lalong tumaas ang boses niya. And now he approached me and then he shakes my body.
Sino ba 'tong paslit na 'to at nasaan ako? Am I just dreaming? Tama, nanaginip lang ako. Mnemosyne this is just a dream.
"You don't remember me, Synee?" sabi ng bata at tiningnan ako and he tilted his head.
Hindi naman nakakatakot ang bata pero napasigaw ako sa takot nang mag-transform ang bata sa isang matangkad na lalaki. With same charcoal hair and this time, I barely see his face. He has onyx eyes and a sly smirk on his lips.
And now his face is just centimeter away from mine.
Hinawakan niya ang baba ko at hindi ako makagalaw. Ito ba ang itsura ng bangungot? Ang guwapo naman ata? Sheez. Mnemosyne! Baka hindi ka na magising kaya 'wag mo nang isipin ang itsura ng lalaking 'to!
"Who are you?" I managed to say.
Pinulupot niya ang isang kamay niya sa bewang ko at nakatingin sa akin na parang...malungkot?
"Thymísou me, Mnemosyne, " he sadly said and buried his face to my chest.
Alien language ba ang sinasabi nitong lalaking ‘to? I don't understand what he's saying. Sinubukan ko ring makagalaw ngunit hindi ko magawa.
"Mnemosyne," he said at inalis na ang kaniyang ulo sa pagka- subsob sa dibdib ko at mas lalo niyang inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko.
"MNEMOSYNE ALETHE GOMEZ!" nakarinig ako ng panibagong boses at nawala ang lalaki kanina.
What is that? Who the heck is that man?
"Mnemosyne! Stop sleeping in my class! Kung gusto mong matulog, get out!" rinig kong muli sa boses na biglang nagpabukas sa mga mata ko sa gulat.
Sa pagmulat ko ng mata, ang mukha agad ng matandang babae na professor namin ang bumungad sa akin at nakakunot ang kaniyang noo at naka-cross arms pa.
So that was a dream but why did I felt like it was real?
"Now what, Ms. Gomez? Natulala ka pa riyan? Get out!" The old professor said. Mas lalong kumunot ang mukha niya pati ang boses na parang tunog ng nababasag na plato.
Wala akong nagawa kung 'di tumayo at lumabas sa silid. Pinagtitinginan pa ako ng mga classmate ko akala mo naman hindi rin sila pinapalayas ng teacher na 'to at tinatawanan pa nila ako. Sarap nila sabunutan isa- isa.
But all of this was that man's fault!
Tiningnan ko kung saan naka- upo si Calliope and she mouthed me, “Ano'ng nangyari, bes?”
I just looked at her then mouthed. “I'll explain later” and then I left the classroom.
"Saan kaya ako pupunta ngayon?" tanong ko sa sarili ko at nagsimulang maglakad sa pasilyo.
Tahimik ang pasilyo habang naglalakad ako marahil ay oras nang klase ngayon at nasa kaniya-kaniyang silid ang mga estudyante. Malamig ang simoy ng hangin ngunit hindi nito natulungan ang kalagayan ko ngayon.
Hindi ako maka- isip nang maayos dahil sa panaginip ko. At kahit malamig ay pinagpapawisan ako. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at nilinis ang pawis sa aking noo.
"Mnemosyne," rinig kong wika nang kung sino sa aking likuran.
Hindi ko ito pinansin at nag-lakad muli. Baka kasi dahil sa pag- iisip ko sa panaginip ko ay ano- ano na ang naririnig at pumapasok sa utak ko.
"Mnemosyne," mas lalong lumakas ang narinig kong boses at lumakas ang ihip ng hangin.
Mas lalo kong binilisan ang lakad at mas lalong lumakas ang boses.
"Tigilan mo na ako!" sigaw ko at tumakbo na palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro