Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-One

NAPAYUKO na lang si Walter matapos aminin iyon.

"Yes, I was married, Beta. But it's been years when we've divorced," mahina niyang dugtong.

Tumuwid si Walter sa pagkakaupo at nilingon ang dalaga. Tila nakatulala ito sa pagkaing nasa plato at nag-iisip-isip. His forehead creased. Iyon nga ba talaga ang bumabagabag sa dalaga?

O baka naman may sinabi si Clint dito tungkol sa pagiging kasal niya noon?

Pero sabi nga ni Beta, nakita nito ang mga nasa photo albums. Kung ganoon, bakit parang wala namang kakaiba sa mga ikinilos nito kagabi?

Is Clint polluting her mind?

"I can show you a copy of the papers if you need assurance," madilim ang anyo na wika niya.

"No," tuwid na rin nito ng upo. Mukhang nakahugot na ito ng lakas ng loob para salubungin ang titig niya. "No need for that. Naniniwala naman ako na... na divorced na kayo."

"Good,"diskumpiyado niyang titig sa dalaga na dinampot na ulit ang kubyertos nito.

"We're only sexual partners anyways, so wala naman akong karapatan na makialam pa sa personal na side ng marriage mo noon. At tapos na rin naman iyon."

"You're curious to know why we divorced."

Natigilan si Beta sa akmang paghiwa sa pagkain. Her gaze fell blankly in the view in front of her.

"I don't need to know that."

"And it won't affect our set-up?"

Umiling ang dalaga. "Huwag kang mag-alala. Wala namang magbabago."

"Nanigurado ka lang dahil ayaw mo sa ideya na pumapatol ka sa lalaking kasal pa? O masyadong mataas lang ang standards mo at hindi mo inakala na pumapatol ka sa lalaking kinasal na pala?"

"Choosy pa ba ako?" pagak nitong tawa.

"I can sense the disappointment in your voice. Marunong naman akong tumanggap ng katotohanan."

Tinuon ni Walter ang pansin sa pagkain. Dama niya ang pagsulyap ng mga mata ng dalaga sa kanya, pero anumang hila niyon para lingunin niya ito, nagpigil siya.

"I'll see you next Saturday," she spoke softly after their silence.

"I'll supervise The Org on that day. Hindi ko na nagagawa yung routinary ko na pag-iikot doon simula nitong..." natigilan siya. Huli na para iwasan niya ang maging offensive para sa dalaga. "... nitong set-up natin."

Tumango lang ito. "I understand, Walter."

At naging tahimik ang buong mag-hapon para sa kanila.

***

PINASYA ni Beta na manatili lang sa bahay pagsapit ng Lunes. Nakadapa lang siya sa kama at hirap umupo ng maayos dahil sa tila pamamaga ng kanyang puwitan.

She was on her stomach wearing a red lacy panty and a white cropped top. Nakaladlad sa kanyang likuran ang mahabang buhok habang nagdo-drawing gamit ang kanyang graphic pen.

Nakailang papalit-palit na siya ng dino-drawing na disenyo para sa ipapagawa na bagong disenyo para sa Corinstones. Binitawan niya ang pen at pumalumbaba habang nakatitig doon. Her eyes landed on the sketch of the pendant design of the necklace. It was shaped like a teardrop.

Bumalik tuloy ang isip niya sa kinuwento ni Clint tungkol sa nakaraan ni Walter.

"Don't make him fall, Beta. When he falls, he crashes so hard," panimula nito.

Nagtrabaho bilang OFW ang ina ni Walter na si Jacqueline. Ikinasal din ito sa ama niya na isang German engineer na nadestino sa US. Sa US na pinanganak si Walter at lumaki.

Sa edad nito na sampu raw nagsimula ang kadalasan na pagtatalo ng mga magulang nito. Ang ama nito ay laging nadedestino sa malalayong lugar at kadalasan ay natatagalan ang balik. Pinag-aawayan daw ng mga ito kung bakit nae-extend minsan ang contractual na term ng ama sa partikular na project. Hanggang sa lumabas din ang katotohanan na may pinangakuan pala itong nobya sa Germany na naiwan.

Apparently, his father chose his German girlfriend. Mabilis na nai-file ang divorce at na-approve din agad.

Nagbalik ang ina ni Walter sa paghahanap ng trabaho, sa pagkakatulong. Nairaos naman nilang mag-ina ang bago at mas payak na buhay. But at the age of seventeen, his mother committed suicide.

Inuwi ang bangkay nito sa Pilipinas, at ang ama naman ni Walter ay pinangakuan na susuportahan siya financially, basta huwag lang siya maghabol dito o magpapakilala sa bago nitong pamilya.

Walter accepted inspite the emotional hurt it caused him. He was just being practical and so, he managed to survive on his own. Hindi na rin nito gustong umuwi pa sa Pilipinas dahil galit ang pamilya ng sariling ina sa kanya.

Walter just simply highly resembled the face of the man who depressed his mother for years.

Dahil sa pag-iisa, nakahanap ang binata ng nasasandalan sa mga naging kaibigan. Kasama na roon si Clint. Walter was young way back then. He was helpful, a reason why his generosity was often times abused.

Panay lang ang abot nito ng pera kahit kanino. Malaya naman kasi nitong nahihingian ang German na ama para lang manahimik si Walter at huwag guluhin ang bago nitong pamilya.

At a young age of 22, Walter fell for this prostitute and ended up marrying her.

Sa opinyon ni Clint, bata pa ang binata, kaya malamang ay nadala lang ng kapusukan. Pero sino ba sila para husgahan ito? Nirespeto na lang nila ang padalos-dalos na desisyon ng lalaki.

Sa kasamaang-palad, isang taon pa lang kasal si Walter at ang babae ay namatay sa isang construction site sa Dubai ang ama nito.

Doon nagsimula ang kalbaryo sa buhay ng mag-asawa. Para kay Clint, may kasalanan din si Walter sa kinahinatnan nito. Hindi sineryoso ng lalaki ang pag-aaral, naging aksaya ito sa pera at pala-asa sa suporta ng ama. Kaya naman nahirapan ito maghanap ng matinong trabaho.

Beta was still trying to recall the whole story when she received a phone call from Lily. Napabuntong-hininga na lang siya at sinagot iyon.

"Yes?"

Bakit wala ka sa office mo?

"Oh, bakit? Taga-check ka na ba ng attendance ko?" hindi niya ginusto na maging sarkastiko pero iyon na ang unang nanulas mula sa kanyang mga labi.

Sabado ka pa hindi ma-conctact, Beta. Ako ang ginugulo nila Tita dahil wala kang sinasagot sa mga calls at texts nila. What happened ba? Kahit si Tita ayaw sabihin sa akin kung bakit gusto ka niya makita o makausap.

Nasapo ni Beta ang noo. Parang pumipintig na naman ang kanyang sentido.

"I know," she replied hoarsely. "Umiiwas ako sa kanila, okay? I am not yet ready to deal with our issues with Dexter."

So alam na nilang wala na kayo?

"Of course! I have to let them know!"

Just get it settled, okay? At nasaan ka ba buong weekend? Kasama mo si Walter?

Beta sighed. "Yes."

Lily clucked her tongue on the other line. You're spending too much time with just a sex partner.

Natigilan siya. "Am I?"

Nagkikita kayo minsan kapag weekdays, tapos simula Sabado hanggang Linggo magkasama kayo.

"Pagod kami ng Saturday night. Malamang hindi ako makakauwi agad ng Sunday," pagod na sara niya sa laptop.

I go to The Org on Saturday. Then I go home afterwards. I take my rest all alone in my house the whole Sunday. Are you cuddling with him, hmmm?

"Stop asking me about my affairs with Walter already," matabang niyang wika.

Now you don't want to share news? Are you taking him seriously already?

Naningkit ang mga mata niya. Beta didn't know what to answer, but she had to drag something out of her mouth before Lily make assumptions.

"No?!"

No?

"I am not."

Ayaw mo magkuwento, eh.

"I am not comfortable, okay?"

Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. Sabi mo, eh. Now can you, please, contact Tita now? Minamaya't maya niya ang pagtawag sa akin, girl. May trabaho rin naman ako, no!

"Fine, fine, fine," dismiss niya rito. "Thank you, Lily. Bye. See you on Saturday."

You're not seeing Walter?

Hahaba pa ang usapan kaya pinatayan na niya ito ng phone.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro