Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Four


INALALAYAN si Beta ni Walter sa pagbaba sa kotse nito. She instantly felt her face flush when his hand carefully felt her ass.

"Are you sure it is okay?"

"Yeah, hindi na masakit," tipid niyang ngiti sa lalaki.

Napayuko na lang si Beta nang mag-gesture na ito na maunang pumasok sa mansyon. Hindi kasi direkta ang naging sagot ng lalaki sa kwestiyon niya kung bakit umaayaw na ito sa set-up nila. Marahil nga ay totoo ang mga sinabi ni Clint sa kanya nitong nakaraan.

Pareho lang sila masasaktan ni Walter.

Nakakulong ang lalaki sa nakaraan. Hindi man halata, hanggang ngayon ay ginagambala pa rin niyon ang binata. Hindi niya malaman kung bakit ba sa unang pagkakataon ay mas gusto niyang isaalang-alang ang kalagayan ng ibang tao bago ang sa kanya.

Matamlay na nilingon niya ang lalaking nakasunod lang sa kanya. Magalang na ngiti lang ang tinugon nito. Tahimik na tumuloy sila Beta sa mansyon. Palapit pa lang sila sa dining room ay mauulinigan na ang mga boses ng naroroon.

Sa gulat niya, bumungad ang kanyang mga magulang na kasama sa hapag si Dexter at ang mga magulang nito.

Napalunok siya.

At dama niya ang paggapang ng tensyon sa buong katawan sa klase ng titig na binigay ng mga ito sa kanya.

Lalong-lalo na kay Walter.

Nahihiya siyang lingunin ang lalaki, pero ito pa yata ang mas may lakas ng loob sa kanya.

"Good evening," magalang nitong bati.

His presence easily conquered the room. The man's dark and silent-type aura suddenly took charge of the situation. Naramdaman niya ang pag-alalay nito sa kanyang siko para ihatid sa bakanteng upuan. Pinaghila siya nito ng upuan bago tumabi sa kanya.

Ngayon ay napapagitnaan na siya ng dalawang lalaki.

"Hindi mo nabanggit na... na may isasama kang bisita," alanganing ngiti ng kanyang ina.

"Hindi niyo rin nabanggit na may bisita pa pala rito," patungkol niya kina Dexter. She was not even trying to hide her disapproval.

"This dinner is meant for a family talk, hija," malumanay na wika ng ama ni Dexter sabay tapon ng nag-aalangang tingin kay Walter. "We just wanted to settle things about you and Dexter's... marriage."

"If you guys managed to live your lives in pursuit of convenience instead of marrying in the name of love, then ibahin niyo ako," anas niya, nagtitimpi sa pagnanais na sumabog. "I know what I want and I get what I want. I'm that simple. Bakit ko pahihirapan ang sarili ko para lang sa malaking kumpanya at pera? I can have my own. I can make my own. I don't need to get married to some rich, capable man just to be successful."

"You see, hija," patuloy ng ginoo sa pagpapaliwanag. "This marriage with strengthen both companies. Both are declining these days." Nagnakaw ito ng sulyap kay Walter. "At kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon, we're afraid to say that there will be a delay in sharing the investors' profits."

Nakakahalata na si Beta sa kakaibang titig na binibigay ng ama ni Dexter kay Walter kaya nilingon niya ang lalaki. Relaxed lang ito na nakaupo, lapat ang likod sa kinasasandalan at iniikot-ikot lang sa pulsuhan ang suot na relos. Tumaas ang sulok ng labi nito bilang ganti sa pinutol na tingin ng kanyang mga magulang.

"I don't care if I get my shares delayed, Mr. Montevalle," malumanay nitong wika. A dark undertone made him look intimidating and mysterious as he shot a glance at Dexter's father. "What I am greatly attached to is what concerns my woman."

Nakakabinging katahimikan ang nanaig sa silid. Maging siya ay hindi makapaniwala sa mga naririnig mula kay Walter.

"My rules are simple, Mr. Montevalle," mahina nitong tawa na para bang nang-uuyam. "Kapag ayaw, ayaw, kapag gusto, gusto." Muli isang sulyap ang tinapon ng binata para sa mga ito. "Beta doesn't want the marriage anymore, so work your assess off and find out how to bring stability back to your companies. Because I know how to wait for delayed profits, but that doesn't mean I am a very patient man."

Mabilis na na-pick ni Beta ang pag-criss cross ng mental manipulation sa pagitan ng nakatatandang Montevalle at ni Walter. Mr. Montevalle seemed to try to convince Walter to persuade her to continue the marriage with Dexter. Dahil kung hindi ay magkakaroon ng problema sa makukuha nitong profits bilang investor ng Primera Montevalle Inc.

Pero tulad ng misteryo na bumabalot sa lalaki, kakaiba rin ito mag-isip.

"I don't mind losing a few peso by selling my shares in a cheaper rate," patuloy nito. "I'd rather lose a few than lose more and go down with your company."

She felt the chill through her spine.

Walter's tone was threatening. Hindi niya masisisi kung ganoon na lang ang sindak na nasa mga mukha ng kasalo nila sa hapag-kainan.

"And I won't bother buying all the shares of your company to gain position and rebuild it," dugtong pa nito. "I can do better than that. I'm a leech that sucks profits, not a man who wants to work my ass off to get money."

Kumislap ang katusuhan sa mga mata nito sa huling pagsulyap sa mga Montevalle.

"You know what I mean, and how much I mean it," he ended.

Kung pagmamasdan si Walter at kung paano ito gumayak, walang makakaisip na may tinatagong pagka-brutal ang lalaki. He may be a gentleman with his ways, with how low and slowly he spoke and with how he dresses up, but damn, Walter could take away a person's life violently with just here mere words.

Pigil ang hininga na nilingon ni Beta ang mga magulang. Kung anong sindak ang mayroon sa mukha ng mga Montevalle siya namang gulat din ng mga ito. Maliban sa kanyang ama.

Mula nang malaman nito ang ginawa ni Dexter na pagtataksil sa kanya ay para bang natabangan na ito sa mga Montevalle. At halata iyon sa tila pigil na ngiti mula sa pirmi nitong mga labi habang buong paghanga ang mga mata na nakatitig kay Walter.

The silence was uncomfortable, Walter immediately lightened up the conversation.

Napabuntong-hininga ito. He was obviously not feeling grateful but obliged to fix the situation.

"I'm Walter Jakob Eberbach, Sir, Ma'am," pukol nito sa kanyang mga magulang. "I'm sorry we did not inform you my arrival. She figured tonight is the best time we meet. She wants to give you folks a pleasant surprise. But... as they say, expect the unexpected."

"It's nice that you're here," magalang na ngiti ng tatay niya kay Walter.

Ang nanay naman niya ay umiwas lang ng tingin. Tila nahihiya at naga-apology ang mga mata sa mga Montevalle.

The awkwardness felt too heavy for Walter as he switched his eyes. Sumulyap ito sa mga Montevalle, tapos sa mga magulang niya, huli ay sa kanya. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Siya ang naglagay sa binata sa ganito ka-awkward na sitwasyon kaya nararapat lang na salbahin niya ito.

"I guess, Walter and I are going to have dinner somewhere else," lipat niya ng tingin kina Dexter tapos ay sa mga magulang niya. "We're really sorry for this... for this awkward situation."

"The Montevalles are leaving," mahigpit na wika ng kanyang ama sabay tutok ng mga mata sa pamilyang kasalo sa hapag. "Tapos na rin naman sigurong pag-usapan ang ipinunta nila rito."

Matalim ang tingin ng tatay ni Dexter sa kanila bago ito tumayo.

"Let's go," he muttered.

His timid wife stood up, wearing a glittery beige dress and carrying a gold framed pouch. Bumuntot ito sa asawa.

Si Dexter naman ay walang imik na tumango na lang.

"Sorry," he nodded before following his parents.

Beta knew that he would not have the guts to say something. He was a people-pleaser type after all. Kailangan mo talaga i-trigger para lumabas ang pangit na katotohanan sa bunganga nito.

Binalik niya ang paningin kay Walter na komportableng nakaupo lang sa kanyang tabi. He gave her a loose grin. Thousands of megawatts stung her upon seeing his dark, victorius crooked smile.

"I hope my dishes will lighten up your mood, Walter," ngiti na rin sa wakas ng kanyang ina. Tumayo na ito saglit. "Puntahan ko lang ang mga maids para ma-serve na ang hapunan."

After her mother excused herself, it was her father's turn to talk.

"You're the foreigner," namamangha nitong wika. "You're their biggest investor?"

Magalang na tumango ang lalaki. "Yes, Sir."

"And why are you here with my daughter?" nagtatakang lipat nito ng tingin sa kanya.

"We're dating," malapad nitong ngiti na nagpapiksi sa kanyang puso.










MASAYA pang nag-uusap ang dalawang lalaki nang hilain na ni Beta sa braso si Walter para ilayo sa ama.

"Dad, it's getting late. We really need to go home."

"I hope we can set another dinner night," maluwag na ngiti nito sa kanila. "Tonight started not really that pleasant, nakakahiya naman rito kay Walter."

Sa kalagitnaan ng pagsasalita ng ginoo ay yumakap na si Beta sa kanyang nanay at nakipagbeso-beso.

Mababang tawa lang ang nagawa ni Walter bago sinagot iyon.

"Maybe some other time. Thank you, Sir," pakikipagkamay nito sa kanyang ama bago binalingan ang kanyang nanay. "Nice to meet you again, Ma'am."

Bumeso at yakap naman siya sa ama.

Alanganing ngiti ang binigay ng ginang sa lalaki. "Thank you for having dinner with us."

"Sayang at hindi minana ni Beta nag galing niyo sa pagluluto," dagdag pa ng walanghiya kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"You're enjoying too much, Walter," subtle na saway niya sa lalaki habang hinihila na palayo. "Sige, Mom, Dad. Good night!"

"Getting comfortable, aren't we?" aniya nang makaupo na sa tabi ni Walter sa sasakyan.

Doon na bumalik ang kaseryosohan sa mukha nito. "Ano ba ang dapat ko'ng gawin? Maging masungit sa parents mo?"

Nasapo na lang niya ang noo. "A few hours ago—" tukod niya ng siko sa bintana ng kotse habang umaandar na ito, "—sabi mo ayaw mo na. Na nagba-back out ka na sa set-up natin. Then all of a sudden, ini-involve mo ang sarili mo sa issues ng family business namin, sinabi mo kina Dad na nagde-date tayo—" hinarap na niya ang lalaki, nagpupuyos, "At ang sabi mo sa akin, wala kang kinalaman sa Primera Montevalle, Walter!"

"Sinabi ko lang iyon para wala na tayong pagdiskusyunan," anito, tutok ang mga mata sa daan.

"Paanong wala?"

"Because in the first place, I don't want you involved in the personal area of my life. I have to be fair and not be involved with yours, right? Now, it's a coincidence that I am somehow connected with your ex and his family's business. It wasn't my fault, okay? Kaya hindi ko na lang inamin para hindi na magulo pa ang sitwasyon natin."

"But with what you did earlier, it's war," lapit niya ng mukha rito.

"I just saved your ass, tigress," masungit nitong saad.

"The ass that you hit last Saturday and slapped til sore."

"Now don't be literal," mahina nitong tawa na imbes na ikainis niya ay para bang nangse-seduce pa.

Sumandal na lang si Beta sa backrest ng sasakyan.

"Ano na ang gagawin natin ngayon? Kitang-kita naman kay Dad na gusto ka niya makita ulit."

"Let's just reason out we stopped dating. It's so easy to say, Beta."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa tinuran ng lalaki. Tama nga naman ito. Madali lang sabihin ang mga bagay-bagay para sa convenience ng isang tao. Ganoon nga kadali para kay Walter na mapatameme ang mga Montevalle, hindi ba?

"Your mission is already done, Walter. You want to make me happy before you leave? I'm happy now. Masaya na ako kasi paniguradong hindi na kami kukulitin ng mga Montevalle."

Sumulyap ito sa kanya. "I don't think so." He smiled then. "Gusto mo ng ice cream?"

She threw a glare at him. Ano at naisipan nitong mag-alok ng ice cream.

"Ang init-init ng ulo mo, eh," mahina nitong tawa. "Dapat ang init, sa kama mo dinadala kapag kasama mo ako, hindi diyan sa ulo mo."

Gigil na tinalikuran niya ang lalaki. Hay. Paasa. Isa siyang paasa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro