Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Eight

PADABOG na sinundan ni Beta si Walter palabas ng club proper ng The Org. Marahas na tinanggal niya ang collar sa leeg at basta-bastang initsa iyon sa kung saan. Kumalansing sa sahig ang bumagsak na kadena kaya nagulat ang mga nasa reception area at napatingin sa kanilang dalawa.

Kung hindi mapapatanga, nanlalaki naman ang mga mata ng mga nakakasalubong nilang dalawa.

"I can't wait for tomorrow, Walter!" patuloy niya sa paglilitanya. "I want everything clarified to me at once! Right here! Right now!"

Nagtitimpi lang ang lalaki. Tiim-bagang na deretso ang lakad papunta sa restaurant ng mansyon. Nagulantang ang mga nagsisipag-kainan. She felt their dirty looks, but Beta was too furious to give a damn.

"Ayoko kasi ng lame excuse para lang i-reject ako!"

"I am not rejecting you!" baling sa kanya ng lalaki.

Muntikan pa niya itong mabanggan dahil wala man lang pasabi si Walter na hihinto ito bigla sa paglakad. Isang matalim na titig ang nagmula sa mga mata ng binata bago pinagpatuloy ang paglalakad. Mabilis ang mga hakbang ng lalaki kaya hinabol na naman niya ito.

"You're not good enough for me? Oh, please, Walter. Please, stop that bullshit!"

Natagpuan na lang ni Beta ang sarili sa labas ng restaurant, patungo sa puting gazebo kung saan matatanaw ang hardin ng mansyon. There were only yellow pale postlights around. Kaya naman kung hindi mga anino, matamlay lamang ang kulay ng mga bulaklak at halaman sa paligid.

"You really have to be scandalous?" harap na nito nang marating na nila ang mismong gazebo.

"Dahil wala akong maintindihan! And I don't think you want me to understand what is going on!"

"Bakit? What do you think is going on?" nagpupuyos na ngitngit nito.

He waved the swagger stick he was holding, gesturing his fury as well.

Natigilan si Beta sa tinanong na iyon ng lalaki. Ayaw niyang maiyak. But she have never felt so helpless and stupid.

"Ano ba kasi ang dapat kong asahan, Walter?" pigil niya sa pagbuhos ng emosyon. "Should I let myself fall for you?"

Gumihit ang takot sa mga mata ng lalaki.

"Why would that... even happen?" he asked slowly, seemingly lost.

"I don't know," pagak niyang iling. "I don't know! I don't know, Walter! Siguro dahil magaling ka sa lahat ng bagay." She bit her lower lip. Kung hindi ay baka humikbi na siya. "You're good-looking. You're good with sex. You're—"

"I am not!" he roared, putting Beta on her toes.

Siya naman ang napipi habang ang lalaki ay tila nasaid na ang pasensya. He literally exploded in wrath before her very eyes.

"Huwag mo akong lokohin, Beta! Dahil marunong ako maka-sense! I know when I am really good and when I am really fucking not!" patuloy nito. "The problem with you is you're so good with flattery! Huling-huli mo ako roon, Beta! Huling-huli mo ako."

Tuluyan nang gumulong sa kanyang pisngi ang mga luha nang marinig ang pagbasag ng boses ng lalaki. He was red and fuming mad as he spat those words on her face.

"But I have to wake up from the truth," mapait nitong ngiti. Naging mapang-unawa ang mga mata ng binata.

Mamasa-masa ang mga iyon nang dahan-dahang pinakawalan nito ang hawak na stick. His hands gently held her arms securely. How his heart wrenched upon seeing the tears rolling down her eyes.

"All I want is for you to be happy. You're a woman who knows what you want, Beta. And I don't want to take away all that liberty from you," dausdos na ng luha mula sa mga mata nito.

"And you think I won't be happy with you?" hindi niya makapaniwalang tanong sa lalaki.

Hindi malaman ni Beta kung ano ang paiiralin. Ang sakit ba na tila pumipiga sa kanyang dibdib o ang galit na umaahon pa rin para sa lalaki.

"I have planned everything," titig nito sa kanyang mga mata. "I am planning to... to set you up with Clint."

Tila nabingi na siya sa mumunting mga ingay sa paligid. Maging sa ilang mga normal na boses lamang mula sa restaurant. She was frozen where she stood. Para bang bumaligtad ang sikmura niya. Binalot ng lamig ang katawan ni Beta sa binitawang mga salita ni Walter

"You'll get along very well, Beta," he smiled painfully. "Both of you are... are genuinely assertive. Not like me.... I'm a fake, Beta, you see. I'm always trying to look good and make people think that... t-that I am good. But no, Beta. I am useless! I am useless!" iyak nito. Dama niya ang panginginig ng mga kamay ng lalaki na mariing nakahawak sa kanyang mga braso. "At hinding-hindi ka niya bibiguin sa sex department. I swear it."

Umiiyak na tinulak niya palayo si Walter. Doon lang niya napagtanto na nanlalambot na pala sa naghalo-halong dismaya, pagod, galit at emosyonal na sakit ang kanyang katawan. Binuhos niya ang buong lakas para itulak si Walter palayo pero hindi man lang niya matanggal ang pagkakahawak ng lalaki sa mga braso niya.

"Let me go, W-Walter!" hagulgol niya, iniiwas ang mukha dahil ayaw niyang makita ng lalaki ang kanyang pagluha. "Let me go!"

Nakailang tulak pa siya hanggang sa makabuwelo si Beta ng malakas-lakas. Napaatras si Walter nang bumitaw sa mga braso niya. Siyang lipad ng malutong na sampal sa pisngi nito. Paglagapak ng palad ni Beta sa pisngi ng lalaki, nagpupuyos na umiyak siya at nilisan ang gazebo na iyon.

***

LINGID sa kaalaman ng dalawa na natatanaw ang mga ito ni Clint sa bukas na pinto ng restaurant. He watched Beta rushed toward the garden. Halata na wala nang sense of direction ang babae dahil dead-end na ng buong mansyon ang hardin niyon ay doon pa nito naisipang magtungo.

Nakapagpalit na ito ng abuhing suit at naka-ponytail na ang may kahabaang buhok. He pulled out the cigarette from his lips. Nakaipit lang iyon sa pagitan ng mga daliri nang ibaba ang kamay. Pinanood ni Clint ang nanghihinang pagsandal ni Walter sa isa sa mga poste ng gazebo. Walter lowered his head. Sinubsob nito ang mukha sa mga palad at nanginginig sa pag-iyak.

Clint's eyes were glossy with tears that never fell. Kita man sa mga mata ang emosyon, nanatiling seryoso at tila malamig ang kabuuan ng mukha nito. Nakatikom lamang ang mga labi. Napabuntong-hininga na lang ang binata bago muling humithit ng sigarilyo.

CLINT'S face darkened upon hearing what Walter said.

Tuwing Linggo ay binibisita niya ang kaibigan. At ngayong nasa tahanan na siya ni Walter, nadatnan niya ito na nakahiga sa lounging seat ng pool at may hawak na wine glass.

"You have to do something," tila walang emosyon nitong saad. "Kapag hindi mo ito ginawan ng paraan, I will be forever guilty."

"After what I saw last night, I won't meet that woman," giit niya.

"I've hurt her. Ikaw lang ang makakatanggal niyon," tulala nitong sagot bago sumimsim ng alak. "Huwag kang mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko."

Gustong-gusto na niyang mura-murahin si Walter pero nagtimpi na lang siya.

"I'll meet her," aniya.

Tila natigilan si Walter sa narinig. Palagay ni Clint ay tuluyan na niyang nadurog ang puso nito. He saw Walter's eyes turn glossy with tears.

"At gagawin ko lang iyon kung makikipagkita kay Kuya Jared."

"I don't want to heal," anito sa basag na boses.

Unti-unti nang tinatalo si Walter ng emosyon. Kita iyon ni Clint sa kaibigan.

"Isipin mo naman ako, bro." He shoved in a deep breath. "Malaking pabor itong hinihingi mo sa akin. Mahal mo ba si Beta?"

Ilang saglit na natahimik si Walter.

"O...o. Oo..." nanghihina nitong wika.

"Gusto mo ba na pasayahin ko siya?"

He was testing Walter. There must be something that could finally snap him off from his state. Ilang taon nang walang nangyayari pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Walter para sa kaibigan.

"Oo," nanghihinang yuko nito. "I've hurt her so bad..."

"Then meet my brother."

Soft sun rays touched Walter's skin. Bahagyang sumayaw kasi ang mga dahon sa puno sa paligid na siyang nagbigay daan sa hibla ng liwanag ng araw. It was a cool Sunday morning, yet Clint could sense the heavy and heated tension within his friend.

"I'll set an appointment for you."

"Clint..." mariing pikit nito ng mga mata. "I want to see it."

His jaws tensed. Alam niya ang ibig sabihin ni Walter. Iniisip pa lang niya iyon ay parang babaligtad na ang kanyang sikmura.

"You'll see it. Iyon naman ang usapan natin, 'di ba? I'll do what you want me to do with Beta, and you'll do what I want you to do. That is to meet my brother."

"Thank you," hilamos nito ng isang kamay sa mukha.

***

AN

Good evening, mga dear! <3

Inabot na ng ganitong oras. 'Yung internet connection kasi... hahaha XD

Anyways, itatawa ko na lang muna itong bugso ng damdamin ko sa mga kaganapan. I will have some dinner first bago ko ituloy ang pagsusulat ng "Relinquish". I have this feeling na matatapos ko siya tonight. Mapagkakatiwalaan kaya itong feeling ko na itey? ;)

Love,

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro