Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty

NANG magising na sila, dinala si Beta ni Walter sa likod-bakod ng bahay nito. Naroon ang isang swimming pool, isang table set sa veranda at kalapit ng pool ang ilang mga lounging chairs at reclining bed.

Hiniga ni Beta ang katawan sa malambot na lounging chair. Pinikit niya ang mga mata dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw na tumatama sa kanyang puwesto. Dahil sa sobrang pananakit ng katawan, wala talaga siya sa mood na gumalaw.

Now she felt slightly guilty.

Heto kasi siya at nagpapahinga, samantalang si Walter ay abala sa kusina para ipagluto sila.

"Whoa."

Nagulat siya sa kakaibang boses kaya masakit man ang katawan, napabalikwas siya ng upo.

Bumungad kay Beta si Clint. Nakasuot ito ng jeans at maluwag na button-down shirt. His long hair was tied in a low ponytail. Malapad man ang pagkakangiti ng binata sa kanya, bakas sa mga mata nito ang panghuhusga.

She was not looking presentable either, so no wonder he looked suspicious. Ang tanging suot lang niya ay ang maroon na robe na pinahiram sa kanya ni Walter. Its skirt sexily fell on the sides of her thighs because of her folded knees.

Walang anu-anong lumapit sa kanya ang binata. He wore a pair of sunglasses as he looked down at her.

"Enjoying the sun, huh?"

"Nice to meet you," matabang at sarkastiko niyang wika bago iniwas ang tingin sa lalaki. Inangat ni Beta ang isang kamay para takpan ang mukha mula sa liwanag ng araw.

"You magically level up way too fast," he smirked.

"What do you mean?" anas niya rito.

"From a hoe to... I don't know."

"Excuse me?" pagak niyang tawa. "I'm Elizabeta Corinto, and you're calling me a hoe?"

"Ano ba ang balak mo kay Walter?" pamewang nito. "Sure, fuck around all you both want to. But invading his personal places? What are you up to, huh?"

"Ano ba ang pakialam mo?" Beta chuckled and smiled sweetly. Sinadya niya na palambingin ang boses para inisin si Clint. "Gusto mo makipag-threesome sa amin, huh, Clint?"

Gulat ang rumehistro sa mukha nito. Hindi man kita sa mga mata, halata naman sa pagbuka ng mga labi nito. Then it firmly closed.

"What can you say?" nang-aasar niyang saad.

Nakita niya ang tila paglagutok ng mga ugat sa kamao ng lalaki. Mukhang nagtitimpi si Clint na mapagbuhatan siya ng kamay.

"Walanghiya ka. You are fucking my best friend and you had the guts to give me that offer. You disgust me."

"At sineryoso mo naman?" pagtataray niyang muli. Malay ba niya na slow maka-pick up ng sarkasmo ang Clint na ito?

Beta stood up. Kailangan niyang indahin ang pananakit ng katawan. Hindi kasi appealing sa kanya na nakaupo siya at tinitingala ang ka-argumento para lang matitigan ito sa mukha.

"How could you give me such accusations?" Beta continued. "So what if I am in Walter's personal house? Para namang hindi ko pa siya pinapapunta sa bahay ko."

"You don't understand, Beta," napalitan ng panlulumo ang boses nito. "You are giving Walter false hopes. And this is bad. This is not the right time for him to take serious relationships."

"Wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi mo."

"At this stage of his condition, Walter should not stay with a girl for a long time. Hindi pa siya handa. Pareho niyo lang sasaktan ang mga sarili ninyo. I agreed that he can start anew with you. Pero habang tumatagal, nilalapit lang ni Walter ang sarili niya sa iyo. Kaya habang maaga pa, palalayuin ko na siya sa iyo."

Beta crossed her arms. "At ano naman ang rason para layuan ko siya?"

Lumingon sa paligid si Clint. Sinigurado ng lalaki na wala si Walter bago nagsimula.

"You see, I know the whole story. Alam ko ang kondisyon ni Walter. Once he fell for you so, so deep... the symptoms will show up once again."

Kumunot ang noo niya.

"What do you mean?"

Napalitan agad ang inis niya kay Clint ng pagka-intriga. Ano ba itong sinasabi ng binata na kondisyon ni Walter? Kapwa sila naupo sa lounging chair at pinakinggan niya ang ikukwento ni Clint.









SINILIP lang saglit ni Walter si Clint at Beta sa poolside bago nanlulumong bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto. Pinasya niya na maghanda ng para sa tatlong tao.

He cooked eggs benedict. Matamlay ang naging ngiti niya habang inaayos ang mga niluto sa ikatlong pinggan.

Naisipan niya na iyon ang lutuin dahil iyon ang in-order ni Beta sa restaurant ng The Org nung unang gabi na nagniig sila. Swallowing a long-resting kind of pain in his heart, Walter placed the plates on the tray.

At saka na niya babalikan ang mga orange juice.

Kakalapag pa lang niya ng ikatlong pinggan sa tray nang makarinig ng mahihinang mga hakbang. He slowly turned and watched Beta running toward him. Nakita niya ang kakaibang lungkot sa mga mata ng dalaga. Sa ngayon, wala na siyang maintindihan pa sa mga nangyayari.

Hindi niya naiintindihan ang sakit na lumulukob sa kanya nung silipin kanina ang dalawa na magkasama sa poolside. Hindi na rin naiintindihan kung ano nga ba talaga ang iniisip o nararamdaman ng babae. He smiled weakly at her.

Every time fell upon him all at once. It was a realization that from the very beginning, Beta was only using him. And he was using her to know how to cope. He wanted to learn how she does it.

But right now, he felt like, Beta could only cope from her heartbreaks because... she doesn't have a heart.

Matamlay din ang naging pag ngiti nito sa kanya. Hindi niya alam kung ganoon ba ang mga ngiti nila dahil sa pagod o dahil sa emosyonal o mental na dinadala. Dahil ba iyon sa may mga alalahanin sila sa buhay?

"Handa na ang pagkain," malumanay niyang wika.

Sinadya ni Walter na maging masuyo sa pagsasalita upang hindi iyon malakipan ng tunay niyang emosyon. He was speaking slowly yet calculated and carefully strewn.

"Tulungan na kita," alok nito ng mga kamay para bitbitin ang tray.

"Tawagin mo na lang siguro si Clint," aniya. "Huwag ka munang magbububuhat ng kahit ano."

He lowered his eyes. Parang nahihiya siya sa dalaga.

"Umalis na siya. Nagmamadali."

"Oh," he slowly nodded.

Binalik niya ang tray sa counter, at inalis ang isang pinggan ng eggs benedict.

"Isama mo na lang iyan sa plate ko," ani Beta. "Sayang naman. Mukhang ang sarap mo pa namang magluto."

Walter felt that she was only being nice. But he kindly put the other eggs benedict on Beta's plate. Hindi na maganda ang naging presentation dahil dumulas ang itlog at napunta sa gilid ng plato.

Nagsalin na si Beta ng orange juice sa dalawang tall glass at binitbit na ang mga iyon kasabay niya sa veranda. Umupo ang babae sa kanyang tabi. Habang inaayos ni Walter ang mesa at nanood lang ito.

He slid the plate in front of her and gave Beta a look.

Napatitig ang dalaga sa kanyang mga mata.

"I hope it won't disappoint you," he smiled faintly.

"I know it won't," titig ng babae sa pagkain. "You never failed to impress me, Walter."

Again. She was being nice. She was only being nice to him.

Halata iyon dahil walang enthusiasm ang dalaga sa pagkain. Ilang beses na itong napapahinto at napapatitig sa sariling plato. Napalunok na lang siya.

Pinagmasdan ni Walter ang pinggan. Wala pa siyang nagagalaw sa kanyang pagkain.

"Walter," matamlay na wika ng dalaga.

Dama niya ang mga mata nito na nakatitig sa kanya, pero ayaw ni Walter na makipagtitigan pa rito. Baka hindi lang niya kayanin. Pakiramdam niya ay hindi maganda ang magiging pag-uusap nila.

"Kagabi," panimula nito, "habang hinihintay kita sa living room, tumingin-tingin ako sa photo albums mo."

That surprised him. Hindi niya inaasahan na iyon ang io-open up ni Beta sa kanya. Alam ni Walter kung ano ang posibleng mga nakita roon ng dalaga.

At pinilit niyang ikonekta iyon sa nasaksihan kanina sa pagitan ni Beta at Clint.

Nabuo na ang konklusyon sa kanyang isip na baka gamitin lang nito na dahilan ang kanyang nakaraan. Para... Para piliin si Clint.

"I saw photos of you and this woman," yuko nito, nilalaro-laro na lang ng tinidor ang pagkain. "Are you really already married, Walter?"

Beta already saw it all. Ano pa ang silbi kung magde-deny siya?

"Yes," he answered breathlessly.

***
AN

Yun oh! Super ganado lang ako magsulat today! hahaha! YES! <3 <3

A few more chapters to go at patapos na rin itong "Relinquish" :')

I hope ma-achieve niya yung ideal word count ko. If not, I might add some scenes!

Happy reading po & thank you for patiently waiting para sa new chapters ng #Relinquish <3 <3

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro