Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixteen

PANAY ang tuktok ni Walter sa hawak na ballpen sa desk. Si Clint naman ay paroon at parito ang paglakad sa kanyang harapan.

When Clint was on his lawyer-mode, malikot na ito at kalat ang presensya sa isang silid. Malabas ang boses habang binabasa ang ilan sa mga nakasulat sa hawak nitong dokumento bago iyon ipapaliwanag sa kanya.

Relaxed na nakasandal lang si Walter sa kanyang swivel chair. Nakatagilid mula kay Clint ang anggulo, nakaharap sa bintana kaya naman natutuktok niya ang ballpen sa desk.

Tumigil si Clint sa pagbabasa at naningkit ang mga mata.

"Are you even listening to me?" he asked.

Nanatiling nakatutok sa bintana ang kanyang paningin.

"Walter, bro," patong nito ng dokumento sa desk niya.

"I can hear you but I am not listening," walang gatol niyang amin.

Nagpakawala tuloy ito ng buntong-hininga.

"Damn. Pinagsayang mo lang ako ng laway dito, eh." Tinukod na nito sa desk ang mga kamay, mataman siyang pinagmasdan. "What is going on? Are you still buying to buy the rest of this company's shares? Akala ko ba paghahandaan na natin ang legalities if ever they sell the shares to you at a—"

Inayos lang ng kanyang kamay ang cuffs ng suit bago pabalagsak na binitawan ang ballpen at tumayo na.

He sighed.

"You're thinking of her," akusasyon nito.

At ang nakakamangha pa roon ay siguradong-sigurado ang tono ng pananalita ni Clint sa akusasyon na iyon. He lowered his eyes to check if his cuffs were already good.

Nanatili lang siyang tahimik. Sana makuha ng best friend niya ang hint na ayaw na niyang pag-usapan pa anuman ang gumugulo sa kanyang isip.

"Pinagsabihan ka niya, ano? Na ayaw niya na nagkukuwento ka ng tungkol sa kanya," panlalaki nitong pamewang. "Kaya ayaw mo ngayon magsalita."

Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. Bakit feeling niya dapat na naging psychologist itong si Clint kaysa sa kuya nito na si Jared?

Yumuko ito saglit para umiling bago binalik ang paningin sa kanya.

"You are recommended to be open with me," Clint spoke sternly, "especially about the sex department. Ako ang mata at tainga ni Jared pagdating sa kondisyon mo na iyan."

"I know," kalikot niya sa suot na relo.

"We are concerned about you. We truly care about you, Walter. Always remember that."

He nodded, acting cool inspite of the tension overwhelming him.

"Damn," he muttered. "Now, I am saying cheesy nonsense to you to be sincere with my intentions."

Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "I know. Dinanas ko na rin iyan. I always come to some point when I think that saying the sweetest things were cheesy and corny. Too late for me to realize how those words actually changes a person. It changes a person when you say those words. It changes a person when you don't say them too."

"Pwede ko ba malaman kung ano ngayon ang bumabagabag sa iyo?"

Umiling siya. Pagdating kay Beta, ayaw niya na nakikialam si Clint. Matapos ang ilang taon, ngayon ay gusto niya na siya naman ang mag-take-charge sa sariling mga isyu. It was hard and a struggle indeed, but Beta gave him a lot of inspiration to finally go on.

And conquer his condition.

Pero ngayon ay parang sinusubok na iyon ng babae.

Ang bumabagabag kasi sa kanya ay ang request nito bago siya umalis sa condo ng babae. Gusto nito gumaling sa sex department.

She wanted to go experimental already.

***

MAY usapan sila ni Beta na magkikita sa isang mall kaya naman pagsapit ng Sabado, pinilit ni Walter na gawing kaswal ang kasuotan. Wearing a pair of jeans and a black scoop neck shirt, he walked around and searched for her.

Natagpuan din niya ang babae sa bookstore kung saan ang meeting point. Nakatayo ito sa isang estante ng mga libro at kaharap ang set ng mga libro. She was holding a white-covered book with obvious sexually explicit content.

Desidido talaga siya.

Huminto siya sa tangkang paglapit. Tinukod ang isang kamay sa bookshelf para maharangan ng tuluyan ang daanan papunta sa babae. She wore a pair of jeans that boldly held her ass in a good shape. Her tank top was white, and black, sleek hair tied up in her signature high ponytail. Pinagmasdan niya ang pagrehistro ng curiosity sa mga mata nito. Then it was replaced by a blush with her lips parting to a soft gasp. Sa tingin niya ay may nabasa ito na hindi inaasahan. Marahil ay mas explicit pa sa alam nito tungkol sa sex.

Inspite of her being a tigress, that hint of innocence made her look cute.

Walter loosely smiled. It was so loose it could loosen up any woman's panties too.

Natigilan si Beta, mabilis na naramdaman ang kanyang presensya kaya nilingon siya nito. He smiled wider. Kabado na sinusok nito ang libro sa shelf pero nagbagsakan lang ang ilan sa mga ito. Hindi niya tuloy napigilan ang matawa.

Lumapit na siya at tinulungan ito sa pagsasalansan.

Alanganing tawa ang binigay sa kanya ng dalaga. She cleared her throat then Beta was once again a tigress.

"So," chin-up nito, "kanina ka pa pala nandiyan, huh?"

"Yes, sweet," he chuckled. "Researching already?" patungkol niya sa pagbabasa nito ng mga libro.

"That book," panlalaki nito ng mga mata sa kanya. "It's so unrealistic. First timer pero parang nag-a-acrobatics kung mag-sex! My goodness!"

Pinigilan niya ang matawa habang ginagala ang mga mata sa paligid. Oh, yes, Beta could be so outspoken she did not realize how loud her voice was. Tila wala namang nakarinig kaya binalik niya ang mga mata rito.

Bumaba ang paningin ni Walter sa bandang dibdib ng tank top. Malamang kaunting hatak pa roon ay makikita na niya ang cleavage ng dalaga.

"I disapprove of the tank top," he firmly commented.

But Beta just grinned and spoke in a low voice.

"You're a fashion expert now? I thought you're the sex expert, Mr. Eberbach."

At sinundan iyon ng mahinang pagtawa bago siya binunggo ng kaunti para tumabi. Paglagpas ng dalaga at nakuha pa siya nitong paluin sa puwitan. Pinanlakihan niya ito ng mga mata, bago natawa.

Natatawang nilingon din siya nito. "Rawr," nakatawa nitong saad.

She was really a tigress!

"Stop staring at me!" panlalaki nito ng mga mata, tila nagbabanta pa. "Tara na doon sa shop na sinasabi mo. Hurry!"

Nagpatiuna na ito sa paglakad kaya natatawang sumunod na lang si Walter.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro