Chapter Seven
CLINT sat in front of her seat. Nakatali na ang mahaba nitong buhok sa isang low ponytail.
"Hi."
"Hi," baba niya sa hawak na cup ng kape.
"How's the night with Walter?" kaswal nitong sandal.
Naihilig niya ang ulo. Bakit interesado ang lalaking ito na malaman iyon? Mukhang kilalang-kilala rin nito si Walter para tawagin ng ganoon ang lalaki.
Inalala niya rin ang naging pag-uusap ng dalawa sa club, nung inagaw siya ni Walter mula kay Clint. They seemed to be in friendly terms. At parang may ideya si Clint na may nangyari nga sa kanila ni Walter dahil sa klase ng tanong na binato nito tungkol sa kanila.
She lowered her eyes.
"Well, it was good?" maingat niyang sagot.
"Just good?" taas ng isa nitong kilay. "I don't think Walter would like that kind of comment about his performance."
"Sino ka ba sa kanya at bakit pinapakialaman mo ang naging performance niya sa akin?" hamon niya rito.
Clint chuckled lowly.
"Easy. Walter and I are best of friends."
The man placed an elbow on the table and leaned forward.
"What intrigued me about you is you managed to drag that man on bed?"
"We're in a sex club," natatawa niyang turan sa lalaki, pinag-aaralan ang ekspresyon sa mukha nito. "Common scenario na naman siguro iyon—"
Sumandal na ulit ito, tinitigan siya na para bang pinag-aaralan ang kanyang kabuuan. Malapad ang naging pag ngiti nito habang napapailing-iling.
"You're one heck of a woman," tango-tango nito. "Gorgeous and all. Ganoon din naman ang ibang mga babae sa The Org." He rubbed his chin. "Pero ano kaya ang meron ka at bumalik na sa sex scene si Walter?"
"Are you trying to say na matagal nang hindi nagse-sex si Walter?"
He nodded.
Dama ni Beta ang naging pagkunot ng kanyang noo. Sumingit sa alaala niya ang mga sinabi ni Walter noong nasa bar counter sila. Na may fetish daw ito na gusto lang manood sa mga taong nagse-sex. He was observant and not a participant.
Inangat na lang niya ang cup ng kape at sumimsim ng kaunti.
"Why don't you ask him?" lapag niya sa sinaid na cup bago inayos ang bibitbitin na pouch. Beta stood up and smiled politely. "I have to go."
At iniwanan na niya si Clint sa restaurant na iyon.
NANG marating ni Beta ang tinutuluyang condominium, pagod na umupo siya sa sofa. Humaplos ang kanyang kamay sa seat kaya napatitig siya roon. Bumalik sa kanyang alaala ang namagitan sa kanila ni Dexter sa mismong upuan na iyon.
Naguguluhang sinandal niya ang ulo sa ibabaw ng backrest niyon, tiningala ang kisame at natulala.
Walter was more brutal in bed than Dexter... so how come I enjoyed that more?
Bigla siyang nginatngat ng guilt dahil sa nangyari kagabi. She only agreed to go back to The Org to make Dexter jealous, pero wala namang Dexter na nakakita sa pakikipagniig niya sa ibang lalaki.
Naging sobrang bilis ng pangyayari kaya nasapo na lang niya ang noo.
This is not you, Beta.
Nilisan na niya ang salas para magbabad sa bathtub. She caressed her body, winced at the little bruises Walter gave her last night. Hindi niya alam na nangangagat rin pala ng balikat ang lalaking iyon.
"Stop it!" saway niya sa sarili nang makaramdam na naman ng kung anong pagnanasa sa pagitan ng mga hita.
"This is irrational," usap pa niya sa sarili. "I have no logical reason to want that to happen again. If I were to make Dexter jealous, dapat pinakita ko iyon sa kanya."
Nasabunutan niya ang sarili. "At bakit biglang nagbago nga ba ang isip ni Walter? Bakit niya iyon ginawa?" Naguguluhang napatitig siya sa kawalan. "Bakit namin iyon ginawa?"
Humiga siya ng kaunti sa bath tub at pinikit ang mga mata.
***
NAG-EENJOY si Clint sa iniinom na orange juice sa isang tall glass, si Walter naman ay nakaupo lang kaharap nito at nagbabasa ng broadsheet.
"Kanina pa busangot iyang mukha mo, bro," baba nito sa hawak na baso. "I wonder why."
Binaba niya ang diyaryo para sulyapan ito. "I am worried about my stocks. Happy?"
"Geez," mahina nitong tawa. "It's a Sunday, bro, wala pang stock exchange—"
"Exactly," patuloy niya sa pagbasa. "But the events this week make worry about tomorrow."
"Samantalang kanina, lumabas ka ng The Org na pangisi-ngisi," anito, nasa himig ang panunukso.
Natigilan siya.
Kaya nga inaabala ni Walter ang sarili sa pag-aalala sa mga stocks ay dahil kay Beta.
He woke up feeling good about what they did. It was refreshing. It had been a long time since he had sex, and honestly, he felt like he just crippled himself to give his all. But seeing her sound asleep after that was worth it for him.
Habang mahimbing na natutulog ang babae ay pinabilhan niya ito ng pamalit at nag-iwan ng note. Pagkatapos ay naging abala siya sa pag-supervise sa mga staff sa paglilinis sa sex club. Hanggang tanghali lang bukas ang restaurant ng The Org tuwing Linggo kaya naman naabutan pa niya iyon at doon na nag-almusal.
Pagkatapos ay nag-ikot ulit siya. Bibisitahin niya sana si Beta sa ginamit nilang silid para gisingin ito pero naunahan siya ng dalaga. Dahil nag-iwan siya ng instruction sa note, inasahan na ni Walter na nasa restaurant ang dalaga para kumain.
Nadatnan nga niya ito roon, nakangiti at kausap si Clint.
The sight of them woke him up from the delusions of last night.
Oo nga pala at ang best friend niya ang natipuhan ni Beta kagabi. Sumingit lang siya at inagaw ito. Pero hindi ba siya naman ang una nitong kinukulit? She wanted it to be him to help her make that ex of hers jealous.
Nilapag na niya sa mesa ang diyaryo at nilingon ang kaibigan.
"None of your business, Clint," matiim niyang titig dito.
"I know, bro," panlalaki ng mga mata ng lalaking natatawa. "It's just amazing to think that you're finally active again!"
Umiwas siya ng tingin dito. Napadpad ang kanyang mga mata sa swimming pool. Alas-tres na noon ng hapon kaya naman tila kumikislap ang tubig sa ilalim ng liwanag ng araw.
Mabilis na nagbago ang emosyon sa mukha ng kaibigan.
"I don't like that look, are you regretting?"
He lowered his eyes. Unconscious na kumalikot ang kanyang kamay sa suot na wristwatch. Mannerism na niya iyon kapag inaatake ng nerbyos, kaya naman hindi siya nawawalan ng relo o bracelet sa braso.
Walter just kept a straight face as he adjusted the watch on his wrist.
Pero masyado na siyang kilala ni Clint.
"What else do you have to regret? That woman is gorgeous, bro. Muntikan ko na nga patulan kagabi."
Clint was obviously trying to sound hopeful.
"You know what?" tuwid nito ng upo. "This is a good start, bro. A good start. Start anew with that woman."
Dinampot na nito ang baso at sumimsim ng kaunting juice.
"I don't care if it will only be a sexual one or if it becomes intimate. Pero suportado ko iyan, boto ako sa kanya."
"I don't want to do it again," buntong-hininga na lang niya. "I should also apologize to her."
Eksaheradong pagkadismaya ang lumukot sa mukha ni Clint.
"Ano ba, bro? What the fuck. That's a dick move! You fuck a woman then you apologize about it?"
Tumayo na siya, pinamulsa ang mga kamay bago nilingon ang kaibigan.
"Mind your own business, okay?"
Tinalikuran na niya ito. Balak ni Walter na magkulong na muna sa kwarto. Pakiramdam niya ay nabigla lang din siya sa naging bugso ng damdamin. Hindi niya rin maipaliwanag kung ano ba ang nagtulak sa kanya na makipagniig kay Beta.
Pero sa loob-loob niya, nilalabanan ni Walter ang kagustuhan na maulit iyon muli.
Beta was good she deserved someone better.
Someone like Clint, maybe.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro