Chapter Fourteen
KINABUKASAN, kalalabas lang ni Beta mula sa gusali ng Corinstones nang makita ang lalaki na nakasandal sa gilid ng nakaparada nitong kotse.
Clint gave her a wide smile. Nakasuot ito ng abuhing suit at itim na neck tie. Lumihis tuloy si Beta ng daan para batiin ang lalaki.
"Hi," aniya. "I don't think, naparito ka by accident."
"I am not, I am here to meet a pal's girl."
"Oh, bakit hindi mo pa sinama si Walter?" pamewang niya rito.
"You miss him already, huh?" he playfully grinned.
Mukhang kung ano ang personality ni Clint sa The Org, ganoon din ito sa labas niyon. Nakaekis ang mga binti ng binata, nakasandal pa rin sa sasakyan nito. Nakaekis din ang mga braso ng lalaki habang pinapasadahan siya ng tingin.
"May malapit na coffee shop dito," hilig nito ng ulo. "Pwede ba makakwentuhan ka saglit?"
Natigilan siya at naalala ang mga sinabi ni Walter tungkol kay Clint. Walter saw his best friend in the most positive light, calling Clint greater than him. Kaya pinagpalagay ni Beta na marahil ay ganoon kataas ang tiwala at pagpapahalaga nito rito. In that case, wala naman sigurong masama kung makikipagkwentuhan siya rito, 'di ba?
Pinaunlakan na niya ang imbitasyon nito.
Nang makuha na ang mga inorder nila sa coffee shop, ang kamustahan ay nagkaroon na sa wakas ng direksyon.
"I have something to ask," pagliit ng malapad nitong ngiti kanina.
"I assume, it's about Walter," pangunguna niya sa lalaki.
"Tama," sandal nito at panlalaking de-cuatro habang matiim na nakatitig sa kanya.
Mukahng sensitibo ang pag-uusapan nila dahil pinili ng lalaki na maupo sila malayo sa mga tao.
"About our status?" maingat niyang sulyap sa mga mata nito.
Clint nodded.
"Ano ba muna ang sinabi sa iyo ni Walter tungkol sa amin?" aniya bago sumipsip sa straw.
"That you're..." hinagod nito saglit ang baba, tila naghahanap ng mas mild na termino, "...you're on FUBU? Sex partners? How do I put this mildly..."
"The information is accurate," baba niya sa cup. "Ano ang concern niyon sa iyo? Is Walter being a kiss and tell? Is he bragging about it?"
"He's not detailing anything sexual," seryosong titig nito. "I usually see him on Sundays. We always have a little talk. Nababanggit ka niya. You had dinner last Saturday kaya wala siya sa The Org, inumaga na kayo ng uwi..." something sparked in his eyes. "By that, it's a no brainer what possibly happened. Given the fact that he pulled you away from me in The Org weeks ago—"
"Fine, huwag na natin balikan ang mga nangyari. What do you want from me?"
"Oh, what do I want?" mahina nitong tawa, tila may bahid ng sarkasmo.
He lowered his eyes, having a careful thought. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng pailalim na titig.
"I want you to be careful in dealing with Walter."
"Is he that dangerous?" she grinned.
"No. But you are."
Tumaas ang isa niyang kilay.
"You see," angat nito sa cup ng mainit na kape, "masaya ako na active na ulit si Walter, if you know what I mean. But he has the tendency to fall fast and hard."
Naguguluhang naningkit ang mga mata niya rito.
"Sinasabi mo ba na may gusto sa akin si Walter? Something deeper?"
"The signs are showing," mapakla nitong tawa.
"Well, he's not acting like he's falling. Everytime we see each other, all he wanted to do is fuck me. And I feel the same way too. Hanggang doon lang ang scope ng relasyon namin."
"I hope hanggang doon lang. In my own judgment, it is too early for him to fall fow a woman deeply again. He can start anew with you, but to fall already?"
"Masyado kang pakialamero rin sa relationship status ng best friend mo, no?" aniya, may bahid ng sarkasmo.
"I have to."
"Ano ang gusto mong gawin ko? Layuan ko siya?"
Ngumisi lang ito. "Just keep him at bay. Have some boundaries."
Hindi na niya sinagot pa ang lalaki. Tumayo na ito at nilahad ang kamay.
"Nice meeting you, Beta."
Hindi niya tinanggap ang pakikipagkamay nito. She just sipped on her straw, laid her back against the seat and gave Clint a look. The man knew how to take a hint, so he withdrew the handshake offer and turned to leave.
***
KATATAPOS lang ni Walter kausapin sa cellphone ang stock broker na nagma-manage ng ilan sa kanyang mga stock investments nang mapalitan iyon ng isa pang tawag. He occupied a one-storey residence in the same subdivision kilometers away from The Org mansion. Mas maliit kung ikukumpara sa The Org, ngunit payapa lalo na at napapaligiran ito ng isang malaking hardin na may nagtataasang mga puno.
Upon reading the caller ID, Walter placed it on the desk and got up from his seat. Tanging boxers lang ang suot niya at nakabukas na robang pula. He tied the robe closed and securely around his waist before he picked it up again.
Palabas na siya ng office room nang sagutin iyon.
"Hi, sweet," he smiled. "Missed me already? How's work?"
I just talked to Clint.
Natigilan siya sa tila iritableng bungad ng dalaga. Napahawak siya sa tali ng suot na roba at naningkit ang mga mata. His jaws tensed when the scenario sunk in to him.
Nagkita si Beta at Clint?
"About what?" he asked lowly.
Are you telling him everything that we do together?
Lalong lumukot ang kanyang mukha. "Wala akong kinukwento."
Well, he knows we are still having sex. I'm greatly appalled, Walter. Kinukwento mo ba sa kanya lahat?
"I am not, okay?" he hissed. "I'll see you tonight in your unit."
No. I am meeting Lily tonight. Bye.
Ano ang ibig sabihin ng bye na iyon? Panandalian lang dahil may kikitain ito na kaibigan o pang matagalan dahil pakiramdam ng dalaga ay pinagkakalat niya ang pribado nilang affair? Nakuyom na lang ni Walter ang kamao at nagmamadaling nagbihis.
Mabilis niyang narating ang tinitirahang unit ni Clint.
Clint was already in his pair of shorts and a fitting shirt. Nakaladlad ang mahaba nitong buhok nang pagbuksan siya ng pinto. Walter gave his friend a calculating look.
"Napabisita ka?" maluwag nitong ngiti.
"Can I come in first?"
"Sure!" tabi nito para bigyan siya ng daan.
Pagkasara ng pinto ay sinabayan na siya ng kaibigan patungo sa kusina. Kumuha ito ng dalawa sa mga nakabitin na wine glass sa mini bar nito. Nilapag iyon ni Clint sa counter bago inisa-isa ang mga bote ng alak sa wine rack. Then he turned to him.
"You want something?"
"Yes," his eyes dangerously landed on Clint. "Not a drink though."
Hinarap siya nito. Clint placed a hand on his hip.
"Can you keep your nose off my own matters?"
"Such as?"
He tilted his chin up. "Beta."
"Oh," mahina nitong tawa. "So she told you that we had coffee earlier, hmm?"
"Right now, she's important to me."
Nasuklay na lang ng kanyang matalik na kaibigan ang buhok paitaas.
"So, you're already in love with her."
"Hell, no," alanganing depensa ni Walter.
"How come she's important then?"
"You know my condition, Walter," tukod niya ng mga kamay sa counter. "Ako at si Beta... hindi kami nagkakalayo. Sa kanya ako humuhugot ngayon ng pwede kong gawin."
Nakatitig si Clint sa kanya, tila pinipilit ang sarili na intindihin ang mga rason na binibitawan niya.
"I want to see how she is coping. How she could do that." Parang may bumara na kung ano sa kanyang lalamunan. Medyo nahirapan siya na ituloy ang sasabihin pero nakahinga siya at naibulalas din iyon.
"I want to know how she could love someone and hurt and just easily throw it all away and have sex with a stranger like me."
Napayuko na lang ito. Narinig niya ang tila dismayadong buntong-hininga nito na sinundan ng pag-iling-iling.
"I want to know," pamamasa ng kanyang mga mata. "Because I wanted to be that person, Clint. Everytime I look at her secretly, how I wished that I am able to do what she does. That I am able to be as strong as that."
Gumuho ang anumang pagmamatigas sa mukha ng kanyang kaibigan nang mapansin ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. Malungkot na napailing-iling ito.
"She already did something magical to me. I am enjoying sex right now, I am active right now. Hindi ba masaya ka para sa akin? Then why are you messing up everything?"
"I just warned her," matatag na sagot ng kaibigan. "Masaya ako na sa loob ng mahabang panahon, sa loob ng maraming taon... sa wakas ay nakausad ka na rin. Pero, sa tingin ko, hindi pa ngayon ang tamang panahon para umibig ka ulit. Ayoko na makita kang magmahal ulit pagkatapos ay sisirain mo na naman ang sarili mo. It's a burden, bro, to watch you destroy yourself."
Pagak na natawa si Walter. "Burden kasi hindi ka makapag-focus sa mga pambababae mo."
"Exactly! Gago ka talaga," mahina na rin nitong tawa.
Napapailing na nginitian niya si Clint. He was still hiding the fact that some fears were still brewing within him.
"Hayaan mo na ako sa sarili kong affairs, okay? Isa pang pakikialam mo at talagang sasamain ka sa akin." He waved a hand, gesturing that he was already going to leave.
"Just don't fall for that woman yet!"
Napahinto siya sa paglakad pero hindi na nilingon pa ang kaibigan.
"She hasn't moved on yet. And you are still in the process of moving on. Pareho lang kayong masasaktan. Lalo ka na."
Walter just nodded his head, but had no plans to take Clint's advice.
Para sa kanya, bahala na kung saan siya dadalhin nitongrelasyon niya kay Beta.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro