Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

NAGKALURAY-LURAY na ang karne ng manok sa kinakaing lunch ni Beta sa restaurant na iyon. Dahil malapit-lapit lang naman sa gusali ng Corinstones ang kumpanya ng pamilya ni Lily, sinamahan na siya ng best friend na magtanghalian nung sumunod Miyerkules.

"Don't be upset na," titig nito sa kanya, bakas ang pagkabahala sa inaakto niya. "I swear, I have no idea that Dexter goes to that place!"

"You're a member and you don't know?" she hissed.

Binaba na ni Beta ang hawak na tinidor. Mukhang hindi na talaga siya gaganahan na ubusin ang pagkain.

Suot na naman niya ang dark-tinted na sunglasses para walang makahalata sa pamamaga ng mga mata niya. She had the whole weekend to cry and curse Dexter. Nagkulong lang siya sa kwarto at uminom-inom ng kaunti.

Kaunti na ang tatlong bote ng Dom Perignon...

Si Lily naman ay nakasuot ng pencil skirt at blouse na saradong-sarado sa collar. Nagmukha itong mas inosente kaysa sa kung ano ba talaga ang personalidad nito. Lalo na at may pagka-maamo ang mukha ng dalaga.

"First of all—" sagot na nito, "—everything in The Org is confidential. Walang ibang tao na makakaalam ng membership mo roon, unless you invite them to be guests or to join. So, how would I know Dexter is there? At ang daming iba't ibang tao na nagpupunta sa The Org, girl. Some even prefer wearing masks."

Inekis niya ang mga braso. "So how do I know na walang nangyari sa inyo ni Dexter?"

"I have sex with men that don't wear mask, girl," mayabang nitong saad. "Mas stimulated ako kapag nakikita ko ang facial reaction ng ka-sex ko, FYI."

Pinipilit pa rin ni Beta na panindigan ang ma-pride niyang aura sa pagkakaupo.

"Bakit ba kasi hindi mo man lang ako kinontact? Eh 'di sana nasamahan kita at mas nag-enjoy ka pa sa unang gabi mo sa The Org."

"I want to explore it on my own first."

Mataray na kung mataray siya tingnan, pero hindi siya ang tipo ng tao na ipamumukha sa iba na nagdaramdam siya, na tila gumuguho ang kanyang mundo sa tuwing naaalala ang eksenang dumudurog sa kanyang puso. Iyon nga ay nang makita si Dexter sa pasilyo ng The Org, na tila katatapos lang makipag-sex at may kahalikang babae habang naghhihipuan sila.

"Oh, well," buntong hininga na lang ng kaibigan niya. "At least, I helped you, indirectly, discover why Dexter has hiiiigh expectations with sex, hmmm?" balik na ni Lily sa kanyang kinakain.

Pagak siyang tumawa. "And he thinks I can't be as wild as that. So it means, he has to learn a lesson to stop judging an amateur on their first night."

Napatitig ito saglit sa kanya.

"No. It just means he doesn't love you and he's a jerk. You have your right to have the sex you want."

Dinampot niya ang water goblet, binigyan ng nananantyang titig ang kaibigan. Pero dahil sa suot na salamin, hindi iyon halata nito.

"What about, I shove it to his face that he just lost the most capable woman on earth?"

Lily let out a groan. "Oh, please, Beta, not this again."

"What? Gusto ko lang ayusin kung anuman ang mali niyang impression tungkol sa akin," aniya sa sarkastikong tinig.

Tila nawalan na rin ito ng gana kumain. Hindi na kasi nagalaw ni Lily ang pagkain.

"Alam mo, medyo bawasan mo iyan, girl, okay? 'Yung sobrang bilib sa sarili, at 'yung attitude na laging may gustong patunayan, baka ikapahamak mo iyan."

She leaned forward to bring her face closer to Lily.

"Don't worry, girl," she whispered. "I will use protection to avoid diseases."

"That's not what I exactly mean!" depensa nito.

Mababa at mahinang tawa lang ang kanyang sinagot bago bumalik sa pagkain. Pag-iisipan pa niya kung paano ipapamukha iyon kay Dexter.

That she's Elizabeta Corinto, a woman who was capable of anything.

***

NAPUNO na naman ang club ng mga members at guests na naghahanap ng sexual satisfaction. Tumugtog ang erotikong saliw ng musika at naipon ang mga bisita sa dance floor. Ang mala-summer party nung nakaraang Sabado ay napalitan na ng mala-nightclub na setting. Makikita na nagkakainitan na sa dance floor dahil sa sobrang harot ng tugtugin at ng mga magkakapareha.

Nakatayo lang si Walter sa tabi ng buffet, blangko ang mga mata na pinapanood ang mga nasa silid na iyon. Wala siyang makapa na excitement sa dibdib. Kahit arousal ay wala, at iyon ang nagpabagabag sa kanya.

He used to enjoy watching other people do it.

It turns him on seeing them getting off.

Pero tila ba naghahanap ang kanyang mga mata sa babaeng iyon.

Para sa gabing ito, pinakahihintay niya na bumalik ang dalaga sa The Org. Nananabik siyang mapanood kung paano ito kumilos, kung sumisigaw ba ito kapag nasa rurok o nanginginig na lang ang katawan? He clutched on his swagger stick tightly.

Just a thought of that woman naked and being fucked was already giving him a hard on. Walter swallowed at how overwhelming his lust for her felt like.

Sa paninikip ng kanyang pantalon ay lumapit ang isang staff na naka-itim na uniporme na may embroidered na logo ng The Org sa kaliwang dibdib.

Bumulong ito sa kanya dahil sa lakas ng tugtog. "Sir, may naghahanap po sa inyo sa reception."

"Susunod na lang ako," taboy niya rito.

Binalik ni Walter ang mga mata sa buffet. Doon talaga siya pumuwesto dahil malamang na kung bumalik ang Elizabeta Corinto na iyon sa The Org ay dederetso iyon dito para kumain ng chocolate fondue. It was even his instruction to have another chocolate fondue, which was rare. Because they rarely repeat a menu in consecutive weeks.

Sinipat niya ang suot na silver wristwatch. Mag-iisang oras na rin naman siyang naghihintay kaya minabuti na lang ni Walter na puntahan muna kung sino man ang naghahanap sa kanya sa reception area.

Pagkalabas ay sumalubong sa kanya ang lalaking naka-asul na polo.

The man, who was visibily in his early forties, gave him a polite smile.

"Good evening, Mr. Eberbach."

Makita lang ang presensya ng lalaking ito ay lumulukot na ang mukha ni Walter. Pero mas pinili pa rin niya na maging civil sa bisita.

"Good evening," he gestured a hand toward the walkway of the restaurant. "Doon na tayo mag-usap, Doc."

***

SUNDAY afternoon, nakaupo si Lily sa lounge chair sa veranda ng kanyang bahay ang makatanggap ng phone call. She wore a white bath robe and was lazily staring at the flowery plants made vibrant by the sunshine. Dinampot niya ang cellphone sa malapit na mesa para sagutin ang tawag mula sa isang unregistered na numero.

"Hello?"

"Hi," bungad sa kanya ng suwabeng boses. "Is this Lily Celestine Marlon?"

"Yes," angat niya ng kaunti sa katawan para ipatong ang braso sa arm rest. "Who is this?"

"I'm Walter Jakob Eberbach—"

Pangalang iyon pa lang ay alam na niya kung sino ang lalaki. Aware naman si Lily kung sino ang may-ari ng The Org. May ilang okasyon na rin na nakita at nakadaupang-palad na niya ang lalaki. Pero kadalasang mangyari iyon kapag may okasyon na sine-celebrate ang The Org. Hanggang doon lang ang naging ugnayan nila nito.

Yes, she had been interested with him at first. Who wouldn't? Nakakatukso na ito pagmasdan kapag naramdaman ang presensya nito. Napaka-maginoo pa kung manumit. Ito iyong tipo na makikita mo na maginoo pero medyo bastos lalo na kapag ngumisi na ito sa isang babae.

"Oh, hello," she became alert. "I wonder why you called."

Bakit nga ba? May nagawa ba siyang violation sa mga policy ng The Org? Wala naman kasing possible na personal na dahilan ang lalaki para tawagan siya, 'di ba?

Sa awa ng Diyos, naging direct to the point naman ang lalaki.

"This is about you're the guest you invited— Miss Elizabeta Corinto?"

Nanlaki ang mga mata niya. Ang dami nang tumakbong scenario sa kanyang isip sa sobrang pagpa-panic. Ang kwento kasi sa kanya ng kababata na BFF, nakita raw nito si Dexter sa The Org. Wala naman itong nakuwento na iba pa o mas specific pa roon.

Ngayon ay medyo kinabahan na siya. Baka kasi nung nakita nito si Dexter ay gumawa ito ng gulo o eskandalo. Malay ba niya!? Hindi naman kasi siya pumunta sa The Org nung gabing iyon!

"She presented an invitation, and it came from you, right?" walang bahid ng anumang emosyon na patuloy ng lalaki sa kabilang linya.

"Yes," she replied, breathless with caution.

"I hope we can meet tomorrow and have lunch while we discuss about her."

Napalunok siya. "Why? May nangyari ba? May ginawa ba siya na hindi sumusunod sa policy?"

Alam naman kasi ni Lily na kapag guest ang may ginawang kalokohan sa The Org, malilintikan din talaga ang nag-imbita rito. Kaya naman piling-pili talaga ang nabibigyan ng invitation para roon.

"Let's just talk about this tomorrow," anito bago ibigay sa kanya ang address at pangalan ng restaurant kung saan nito gustong makipagkita. "Bye."

At dial tone na lang ang narinig ni Lily bago niya binaba ang cellphone.

"Oh my Goooood!" bangon niya. "After that meeting, lagot ka talaga sa akin, Betaaa!"

At nagtatatakbong pumasok na siya sa bahay.

***

LUNES, saktong alas-dose ng tanghali ay nakaupo na si Walter sa restaurant kung saan niya inimbita si Lily.

Kaninang umaga ay nakuha pa niyang magdalawang-isip kung tutuloy o hindi. Pero masyado nga yatang malakas ang intrigang nadarama para sa Elizabeta na iyon kaya naman walang anu-anong nag-ayos na rin siya at maagang sumipot sa usapan.

Tahimik ang restaurant na puno ng puti at pale pink na interior. Iyon ang pinili niyang lugar para maging kampante ang babaeng kakausapin dahil sa feminine design doon. Sa paghihintay, isang baso lang ng tubig muna ang in-order ni Walter. Tumunog ang door chimes at tumuloy ang isang babae na may pagka-konserbatibo ngunit stylish naman kung manamit.

Lily searched for him before approaching, wearing a dark blue, long-sleeved dress with a skirt that reached below her knees. Her hair was short, curled and dyed blonde. Nagmamadaling inokupa nito ang seat sa tapat niya.

"Oh, I'm sorry for being late, Mr. Eberbach," tila nag-aalangan nitong ngiti.

Nilihim niya ang amusement dahil masyadong maamo at inosente ang mukha ng dalaga para maging VIP member ng The Org. Pero sino ba ang niloloko niya? Makatotohanan naman ang sabi-sabi na may mga tao na nasa loob talaga ang kulo.

"Let's order something first," he smiled.

Bahagyang nag-relaxed na ang mga balikat ng dalaga. Nagpakawala ito ng tila tensyonadong tawa bago tumango.

"Sure."

Nang makapag-order ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Walter.

"I won't take so much of your time, I know it's Monday and you probably have somewhere else to go after this," bungad niya. "So, I just want to ask about Elizabeta's experience in The Org."

Gulat ang rumehistro sa mukha ng babae na sinundan ng pagkalito.

"Well, why ask me?" hilig ng ulo nito.

"Well," kampanteng sandal niya sa kinauupuan, "hindi na ksdi siya bumalik last week."

Tila nanunuksong tingin na ang binigay ng babae sa kanya.

And Walter did not find that funny. It was annoying.

"Why are you keeping track of my friend?"

"I'm a man of business, Miss Marlon," taas lang ng sulok ng kanyang labi. "I anticipate my clients to return because we can please them. But she didn't, so I figured there must be something that The Org needs to work on. Is it the management? The facilities?"

Mahina itong tumawa at napailing-iling.

Lily returned her eyes on him.

"You know, Mr. Eberbach, I have been with a lot of men. Kaya laos na iyang tactics mo," she sat back and crossed her legs. "Pero sige, for the sake of your pride, sasakyan ko itong survey mo kuno."

He formally smiled, but deep inside he wanted to growl at the woman for being so smart. No wonder Elizabeta was also smart enough to dodge his advances. Birds of the same feather flock together, they say.

"Beta enjoyed your club," sagot nito sa kanyang tanong. "Kaya lang, nakita niya roon ang boyfriend niya na may ibang babae. I think that already explains why she doesn't want to go back in The Org."

Pinag-aralan ni Walter ang kilos ng babae. Mukhang totoo naman ang sinasabi nito, lalo na at parang iyon din ang naging impresyon niya nang makita ang pagwo-walk out ni Beta habang sinusundan ito ng lalaki sa hagdan.

"So, to conclude, Mr. Eberbach," ngiti nito, "The Org is still the most excellent den of sexual fantasy fulfillment. Walang hindi maganda sa facilities o services."

"Well, The Org will be glad to oblige," he stared, "to ease her pain with pleasure."

"The Org or you?" bungisngis nito.

"I am here for business, Miss Marlon."

"Oh, please," natatawang iling nito. "If you'll be more honest, I will tell you where you can find Beta."

Sumusukong napabuntong-hininga na lang siya.

"Fine. This is something a little bit personal."

"Well..." palumbaba nito. "You know Corinstones? She owns that jewelry company, Mr. Eberbach. The rest is up to you. Research the main office's address, make an appointment, use the very same alibi that you only want to meet for business purposes..."

Mas pinili na lang niya na ignorahin ang tila nanunuksong himig mula rito. Para itong bata na tinutukso ang kaklase na may crush sa isa pa nitong kaklase.

"Just do me one favor, Mr. Eberbach," tuwid nito ng upo.

"Ano iyon?"

"She's acting strong but I know that Beta is still broken," lambot ng ekspresyon sa mukha nito. "I hope you just give her a good time to finally feel better about her break-up with Dexter, okay?"

Titig lang ang tinugon niya sa babae.

"Sa umpisa pa lang, sabihin at linawin mo na sa kanya ang intentions mo. What Beta hates the most? Iyong niloloko siya. Gagawin niya ang lahat para ipamukha sa kahit sino, that she is indestructable."

Siyang dating ng waiter na may dala ng in-order nilangpagkain.    

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro