Chapter Eighteen
HUMINTO ang kotse ng lalaki sa tapat ng isang may kalakihang bahay. Masyadong malawak ang front yard nito at napapaligiran ng mga puno. Mas simple ang tahanan kung ikukumpara sa mansyon ng The Org.
Dahil gabi na, bumagsak ang mga anino ng puno sa sasakyang naliliwanagan ng buwan. It was a mellow pale moonlit night, and there was an after-rain chill as they got down from the car. Sa kalagitnaan kasi ng kanilang biyahe kanina ay bumuhos ang ulan.
Naunang bumaba si Walter at hindi na siya napagbuksan pa ng pinto dahil sumabay na si Beta rito. Sumunod siya sa binata na binuksan ang pinto ng back-seat para kolektahin ang paper bag ng kanilang mga pinamili. Dahil bitbit na nito lahat ng bag at ayaw siya pagbuhatin, hinayaan na lang ni Beta ang lalaki.
"Whoa, dito ka pala nakatira," scan niya sa kaharap na bahay.
Tumango lang si Walter.
"It's not as big as The Org."
"It doesn't have to be so big when you're alone," mahina nitong tawa.
Pumasok na sila sa bahay. Pagkatapos siyang paupuin sa salas ay nagpaalam ang lalaki na aayusin lang ang mga gamit sa kwarto nito. Beta found herself clasping her hands as soon as the man left.
We will be making love... no... sex... we will be having sex in his own bedroom.
Napasinghap siya sa isiping iyon. Kanina ay confident pa siya sa isiping susubukan nila ang BDSM, ngayon ay pumitik na ang kaba sa kanyang dibdib. Naalala niya ang ginawang mga research-research nitong nakaraan. Most of the BDSMs she saw were too harsh for her own comprehension. Karamihan sa mga ito ay pain and pleasure ang goal. Napalunok tuloy siya.
Nung nasaktan na nga siya ni Dexter ay umurong na siya. Paano pa kaya ngayon na si Walter ang makaka-BDSM niya? He was even more harsh and wilder than her ex.
Tumuwid siya ng upo at pinili na ibaling sa ibang bagay ang isip. Kapag kasi pinagpatuloy pa niya itong pag-o-overthink, baka umatras pa siya. At ayaw niyang umatras. Kailangan niyang matuto.
Gumala ang mga mata niya sa buong salas. The lights were mellow and yellow. The ambiance was warm and homey with gold and brown interior colors. Malapit sa pagiging royal vintage ang tema ng silid. Gawa sa kahoy ang mga upuan na may klasikong disenyo at gawa sa makinis na kahoy ang frame. Patay ang ilaw ng chandeliers, ang bukas lamang ay ang mga wall lights na may gothic victorian na mga disenyo.
Walang makikita na TV set sa salas, tanging sound system lamang. May shelf na puno ng mga CDs, at sa pinakagitnang bahagi niyon ay mga picture frames at figurines. Sa ibaba ng shelf na iyon ay tila mga photo albums. Tumayo siya at lumingon sa direksyon na tinungo ni Walter. Sa palagay niya ay matatagalan pa ang lalaki kaya kumuha na siya ng isa sa mga photo albums at binuklat iyon.
She saw old photos. Kakaunti lang ang mula sa pagkabata ng binata. Mabilis kasi na sinundan iyon ng mas recent nitong mga litrato. May mga larawan na kasama ng lalaki ang mga kaibigan. Si Clint lang ang kilala niya sa mga ito.
Pagkatapos ay ilang mga litrato na kuha sa isang nighclub. Mayroon pang larawan na may kandong ito na babaeng mukhang bayaran. Her eyebrow lifted. Kahit na mukhang ganoong klase iyon kasi ng babae ay hindi maikakaila na maganda ito.
She has that kind of fierce beauty. Her eyes were sharp and demanded attention. Her lips were red and moist. At may kakaiba sa pagkakatitig ni Walter sa babae sa larawang iyon.
His smile was so genuine. Tila ba ngiti iyon na may kalakip na pagtawa, habang ang babae naman ay nakangiti lang sa camera.
She found her fingers touching that photo... on Walter's face.
Hindi niya namalayan ang sarili na napapangiti na pala. Maybe it was how Walter's genuine smile could affect anyone who sees it. It was that contagious. Beta wasn't even aware she was smiling, so she didn't know.
Nilipat pa niya ang mga pahina sa album na iyon. Habang tumatagal ay parami na ng parami ang mga larawan ni Walter at ng babaeng iyon. Habang tumatagal ay naginging mas presentable na ang mga lugar kung saan kinuhanan ang mga larawan nila.
Mula sa tila maharot na club, napunta ang dalawa sa mga mamahaling restaurants, mga parke at mayroong isa pa sa loob ng sasakyan ng lalaki. Beta bit her lower lip. Lalo siyang natigilan nang magtapos ang photo album na iyon sa isang solong litrato sa pahinang iyon.
Nakaluhod ang lalaki at inaalok ng singsing ang babae.
TAPOS na si Walter sa pag-aayos sa mga gamit kaya naman tinungo na niya ang banyo. Kinuha niya isa sa mga naka-hanger na roba. He slipped on the maroon one and tied it around the waists securely. Nakahubad na siya sa loob niyon.
Sumaglit ang paningin niya sa salamin.
Get this lesson, Walter. Learn to be adventurous.
At napayuko siya saglit. Paano kasi, tila tumututol ang isang bahagi ng kanyang utak.
Wala ka bang kumpiyansa sa sarili mong style? It's just sex, for Pete's sake. Sex should be all about who you are as a person, how you express passion. It is not all about showing off and pretending to be someone you are not.
Kumawala ang mahinang tawa mula sa kanyang mga labi.
Damn it. Paano ka makakausad kung ipagpipilitan mo iyang sarili mo na style? Kaya ka iniiwanan, eh. Wala kang sense of adventure. Ang boring mo sa kama.
He closed his eyes.
But your style makes Beta happy, right? You make that woman moan and climax. You make her scream.
Walter released a breath.
Yes, that's right. Kaya naghahanap siya ngayon ng ibang sex style, kasi satisfied na satisfied siya. Minulat ni Walter ang mga mata sa sarkastikong banat na iyon ng kanyang isip.
Two sides of him were debating and he had no choice but to just go along with his current situation. Nilisan na niya ang harap ng salamin at kinuha ang isa pang robang maroon na nakahanger para sa dalaga.
NAKABALIK na si Beta sa sofa nang sumulpot muli si Walter. Inihilig niya ang ulo at sumilay ang ngiti sa mga labi. Paano'ng hindi, nakasuot na ang lalaki ng maroon na roba. He looked like a classic don. Tumaas ang sulok ng labi nito at inabot sa kanya ang isa pang maroon na roba na naka-hanger. Tumayo siya para abutin iyon.
"Sa kwarto mo na iyan suotin," malumanay nitong wika.
His hand smoothly slid from her back to her waist. Then Walter guided her to his room.
Gumugulo pa rin sa isipan ni Beta ang nakitang mga larawan sa photo albums. Pero kung uusisain pa niya si Walter tungkol sa mga iyon at hindi naman pala malaking kaso, ay baka parehong masira ang mood nilang dalawa. Sayang ang mga plano nila para sa gabing ito.
As Beta entered his room, she was stricken with a pleasant surprise.
The whole interior has a wall-to-wall maroon carpeting. Nasa gitna ng kwarto ang isang king-sized canopy bed na may apat na silver na poste at makapal na maroon curtains. Nakabukas ang mga kurtina sa gitna, tila nag-iimbita.
"I'm a very private person, you see," paliwanag ng lalaki na tila nabasa ang pagkamangha sa kanyang mga mata. "I always close the curtains when I sleep."
Tumango-tango lang siya at dinama ang paglapat ng mga kamay nito sa kanyang mga balikat.
"Slip on your robe, sweet," he whispered invitingly in her ear, feeling a tickle of his sexy voice and warm breath.
Nahigit ni Beta ang paghinga at dumistansya na sa lalaki.
"Saan?" tanong niya, hinahanap na ang banyo.
He gestured her toward it and left her alone to get changed. Beta figured that she should take some bath before their session. Dinako niya ang glass shower stall nito at maingat na hinubad ang suot na roba. Sinabit sa naghihintay na hook at pinihit ang knob.
Warm water sprinkled down on her. She smiled as the droplets slid smoothly on her skin. Pinikit niya ang mga mata at tumingala habang ang mga kamay ay kumukuskos na sa sariling katawan. Beta was indeed a sight to behold.
Bumaba ang kanyang mga kamay sa sariling mga dibdib. At hindi siya makapaniwala sa ginagawa ng sariling mga kamay sa mga iyon. She began squeezing ang massaging them.
Sa ginawa, saglit siyang na-excite.
"It is so disappointing how it doesn't feel as good as Walter's hands," she murmured upon lowering her head.
Dumulas na ang kanyang mga kamay pababa sa bewang at sa pagitan ng mga hita. She rubbed herself there to get clean. Beta bit her lower lip. Hindi na yata niya pwedeng hawakan ang sarili nang hindi nai-imagine na mga kamay iyon ni Walter.
Those thoughts of him heightened her imagination. Paglabas na paglabas niya sa banyo, malamang na mas higit pa sa mga naiisip niya ang kayang gawin ng lalaki.
Bumalik ang mga kamay ni Beta sa buhok. Maingat na hinagod niya ang mahabang buhok papunta sa likuran niya bago tinuyo ang tubig sa kanyang mukha. Iniwas ni Beta ang mukha mula sa bumabagsak na tubig ng shower at habol ang hininga na napalingon sa pinto ng glass shower stall. Baka kasi kumakatok na si Walter at natatagalan sa paglabas niya.
To her surprise, Walter was already standing there.
His eyes were dark, intently staring at her, subtly scanning her from her to toe. Naka-ekis ang mga braso ng lalaki at tila kanina pa siya nito pinapanood. In spite of the dark hazy lust she found in his ebony eyes, it was intensified by a hint of disapproval.
Nagtaas-noo lang siya. "I want to be fresh."
"So you use my bathroom without my permission?"
That sounded intense. What an authoritative tone he was already using on her right now.
Bumaba ang kanyang mga mata sa pagitan ng mga hita ng lalaki. She smiled knowingly upon seeing a bulge. Binalik niya ang mga mata sa mata ng binata. Marahil ay nagsusungit-sungitan pa ito, para ikaila ang sobrang pagka-turn on nito. She was here, bathing naked, and Walter was stupid to act upset when his erection was expressing otherwise.
"Remember, Elizabeta Corinto," maingat nitong hakbang palapit sa kanya, "it's my personal things you are messing with. You are not given an access on the personal facets of my life."
She chuckled lowly. "Why don't you just join me, Mr. Eberbach?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. Mukhang iyon na nga ang balak ng lalaki. Paghakbang pa lang nito katabi ng pinto ng stall ay tinanggal na ni Walter ang pagkakabuhol ng tali ng roba nito.
Pigil ang tawa na pinanood niya ang lalaki. She gave him a teasing look.
"You're an invader, do you know that, sweet?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro