CHAPTER 21
" ANG DIWATA NG TUBIG "
Sa PAGPAPATULOY...
Handa na ang grupo nina Dennis na magtungo sa Ayden ng biglang may dumating.
"Sandali bago kayo mag tungo ng Ayden, kelangan ko ang tulong ninyo. " Sabi ng babaeng nakahood.
"Sino po sila?" Tanong ni Zandro.
Agad hinubad ng babae ang kanyang hood. At nakilala Naman ito ni Cloud.
"Mahal na reyna Sierra? Anong ginagawa nyo dito?"
"Nasa panganib ang Oceana ngayon. Hawak na ng mga tauhan ni Alpeydous ang mahiwagang perlas ng Oceana. Yun ang katumbas ng buhay ng isang reyna." Sambit ng babae at agad itong nawalan ng malay.
"Bro Lance tulong!" Sabi ni Dennis mabuti na lang at salo nya ito.
"Nasaan sina Miss Alpia?" Tanong ni Denise.
"Nasa Ayden na sila at sa malamang nag aantay na yun saatin." Sabi ni Marife.
" Pero kelangan nila ng tulong natin! " Sabi ni Cloud.
"Mabuti pa maghiwalay Tayo sa dalawang grupo. Ako na ang sasama sa Oceana total ako ang elemento ng tubig. Kami ni Marife. " Sabi ni Zandro.
"Hindi pwde kelangan ninyong mag sama sama sa lahat ng mga mundong pupuntahan nyo. Bilang ako ang Guro ng grupo ninyo kelangan nating mag tungo sa Oceana at ako na ang bahala kina mommy Alpia." Sabi ni Cloud.
"Sir Cloud, Hindi pa din nagigising si Miss Sierra." Sabi ni Lance.
" Humawak kayo saakin magtutungo Tayo ng Oceana." Sabi ni Cloud. At agad silang naglaho sa harap ng isang malaking puno.
Samantala sa Ayden..
"Alpia? Mabuti naman at nakabisita ka? Kamusta na ang bansang Japan?" Tanong ng babaeng naka suot ng magagarang kasuotan.
"Mabuti naman Jessel, sya nga pala may kasami kami. May malaking suliranin ang mga mundo natin Jessel.
Tungkol sa mga anak ni Sitan." Salaysay ni Alpia.
"Mga anak? Nagkaanak si Sitan? Pero kanino?" Taming ni Jessel.
"Nag iwan sya ng punla sa katawan ni Alice noon. At ang mas nakakatakot. May basbas ng diwata na si Margarita ang kanyang mga anak. " Sabi ni Alpia.
"Tama your highness, at ang diwata ng water ay binigyan ng sumpa ang mga anak nya Laban mga gods and goddesses. Pero Nanganganib ang mga mundo natin. Mas malakas ang mga anak ni Sitan. Kasalukuyang hinahanap pa namin ang isa pang anak ni Sitan. " Sabi ni Mia.
Habang nag uusap sila humahangos Naman si Susmihta na nagtungo sa kanila.
"Mga pinuno~ kasalukuyang natutuyo ang mga batis at ilog ng Ayden. Ayun sa hayop na nagmula sa karapatan. Nasa panganib ang Oceana. " Sabi ni Susmihta.
"Raven? Maari mo bang tawagan si Cloud o Kathleya? Kelangan nilang puntahan sina Sierra at Rica sa Oceana isama ang mga batang tagapagligtas." Sabi ni Alpia.
"Masusunod po!" Yumuko si Raven at agad nagpalit anyo biglang uwak at lumabas ng Kastilyo.
Sa Oceana...
"Nakakahinga kayo ngayon dahil sa kapangyarihan ko. Galing talaga mag turo ni Miss Alpia at Kathleya." Sabi ni Zandro.
"Tahimik Zee!" Saway ni Denise.
Pasimple namang ngumiti sina Dennis, Lance at Marife.
Ilang sandali pa ay dumating na sila sa Kaharian ng Oceana.
"Cloud?" Sigaw ni Rica.
"Ate rica? Anong nangyayari?" Tanong ni Cloud.
"Nakuha na ni Alpeydous ang mahiwagang perlas ng Oceana. Ito ay katumbas ng buhay ng reyna ng Oceana. " Sabi ni Rica.
"Bat hindi pa nagigising ang reyna!" Sabi ni Lance na sa mga oras na iyon ay inilabas na nya ang kanyang gintong pakpak.
"Ako na.." Sabi ng mahinhin na boses.
"Mahal na diwatang Lindagat!" Sabi ni Rica.
"Ito na ang huling mangingialam ako sa Oceana. Bahala na ang kaparusahan." Sabi ni Lindagat at dahan dahan niyang inilapit ang mukha nya sa walang malay na si sierra.
Mula sa kanyang bibig ay lumabas ang isang kulay asul na usok na may tinig na parang umaawit.
Sa kabilang dako naman..
Malaki ang ngiti ni Alpeydous dahil hawak na nya ang unang bagay na magagamit nya upang makalaya ang kanilang ama.
"Kapatid ko hawak ko na ang unang susi. Hindi talaga huhay ng mga pinuno ang kelangan natin kundi ang mga sumisimbolo sa bawat kaharian.
Susubukan ko ngayon ito Kung Tama nga ba ang isinaad ng bugtong.
"Akoy nakatira sa isang kweba ng mag Isa, pero malalaking bola Naman ang aking dala. " Sabi ni Alpeydous.
"Diba parang ang bastos nun?" Sabi ni Hex.
"Ewan ko sayo kelangan na nating bilisan para makalabas na si ama. " Sabi ni Alpeydous.
Habang ang kanyang mga kapanalig na Sina Jorugomo at Tamawo ay nag uusap tungkol sa kambal.
"So sila ay kalahating demonyo?" Sabi ni tamawo.
"Oo pero malakas ang kanilang lahi dahil, galing sila sa ina nilang may dugong dalaket. Nakasaad sa propesiya na may isisilang na may taglay ng dugo ng dalaket at demonyo na magbibigay ng kaguluhan sa buong mundo. " Sabi ni Jorogumo.
Balik sa Oceana..
Nagbalik na sa dating ulirat si Sierra ngunit. Wala itong boses na lumalabas sa kanyang lalamunan.
"Among nangyayari bakit buhay pako?" Tanong ni Sierra.
"Nakakapag salita ako pero , di ako maka kanta. " Sabi ni Sierra.
"Tama dahil, ang kapangyarihan mo ay isinuko mo sa perlas ngunit tanging kakayahan mo lamang sa pagkanta ang nawala. " Salaysay ni Zandro.
"Tama Mahal na reyna ang importante ay ligtas kayo. " Sabi ni Lance.
"Sandali, hinahanap na Tayo ni Mommy Alpia. " Sabi ni Cloud.
"Ako nang bahala, ikumusta mo nalang kami Cloud kay Alpia. " Tinapik isa isa ni Rica silang anim at Isa isa silang naglaho.
Ilang sandali ay napadpad sila sa isang pangpang na di sa kalayuan ay may malaking palasyo Ang nakatayo.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro