"When They Meet Jorogumo"
ANG NAKARAAN :
Nalaman na ng mga taga baryo kung sino ang pumapatay sa mga tao. Tangkang huhulihin ng mga pulis si Suling... " Wag nyo akong hahawakan! Magsisi kayo!" Sabi ni Suling at ipinakita nya sa lahat ang kanyang Anyong Aswang. Nagulat ang mga tao sa kanilang nakita. Di nila inakala na ang dalagang bibo at Matulungin isa palang Halimaw." Oo ako ang pumapatay! Bwahahahha!" Sabi ni Suling."Suling? anak? bakit mo ginagawa to?" Tanong ni Aling Cythia. At Sumigaw si Suling ng napakalakas. Halos mabingi ang mga tao na nasa paligid. "Uubusin ko kayong lahat!" galit na sabi ni Suling. " Suling hindi kita papayagan dyan sa Gusto mong mangyari! Dadaan ka muna saking Bangkay bago mo saktan ang mga tao dito sa Baryo Marikit!" Sabi ni Aira at biglang Lumakas ang Hangin. " Isang diwata ang pinuno ng mga Hunters. Ang galing! " Sabi ni Suling. " Kasama mo kami Miss Aira." Sabi ni Denise.
ANG KARUGTUNG :
" Lalaban tayo mga kasama! " Sigaw ng mga taga baryo marikit.
" Anong Laban mo saamin Suling ikaw lang mag isa!" Sabi ni Aira. At biglang Lumabas sakanilang Harapan ang isang kakaibang nilalang. Ang pang-itaas na anyo ay isang babae habang ang pang-ibaba naman ay isang Gagamba.
" Hindi patas yan! Mga alagad kung nasa dilim, Tinatawagan ko ang inyong Presensya. Magpakita at Kumitil!" Sambit ng babaeng Gagamba.
" Si-sino yan?" Tanong ni Lance.
" Spider Girl?" Birong sagot ni Dennis.
" Isang Jorogumo.." Sambit ni Marife.
" Si-sino ka?" Tanong ni Suling sa babaeng Gagamba.
" Hindi na mahalaga, kung sino ako! Ang importante magiging patas na ang Laban!" Ngiting sabi ng babaeng gagamba.
" Tama, Jorogumo..Isa sa mga uri ng Yokai ng Japan. Ngunit bakit sya nandito?" Tanong ni Denise.
" Kung ano man yan. Palagay ko, isa sya sa mga tauhan ni Alpeydous. kumuha pa talaga sya nang Import mula sa Japan. " Sabi ni Aira at isinout nya ang kanyang mahiwagang Pulseras.
" Saan galing ang mga nilalang na yan?" Gulat na sabi ni Aling Freda.
" Hindi ko alam ma.. Pero mas mabuti pang Bumalik na kayo sa bahay. " Sabi ni Dave sa kanyang ina. Mula sa madidilim na bahagi ng mga puno ay may mga kakaibang nilalang ang Lumabas. " Shadowkhan? " Sambit ni Lance.
" Uy infairness yun din sana sasabihin ko, naunahan mo lang ako." Sabay tapik ni Dennis kay lance.
" Ngayon Mukhang patas na ang Laban mga SUGO!" Sabi ni Jorogumo.
" Sino kaba? at anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Marife.
" Sabihin nalang natin na, Call a Friend..?" Sagot ng Jorogumo sabay tawa nang malakas pati rin si Suling na inilabas nya ang kanyang Pakpak na katulad ng sa Paniki.
" Saakin lang si Aira, Ikaw nang bahala sa mga pakialamera!" Sambit ni Suling at ipinagaspas nya ang kanyang mga pakpak at Inatake nya si Aira.
" Bird Shield!" Sigaw ni Dennis At isang panangga ang bumalot kay Aira.
" Salamat!" Sabi ni Aira.
" Dennis, Ilayo mo ang mga taong bayan dito.!" Sabi ni Marife Sabay suntok sa Lupa. At Yumanig ito ng napakalakas halos matumba ang mga taong bayan dahil sa yanig.
" Lance samahan muna si Dennis. Protektahan nyo ang isat isa!" Sabi ni Denise. At agad niyang Tinawag si Pyra.
" Sinasamo kita Pyra!" At agad namang Lumabas si Pyra sa tabi ni Denise.
" Namiss ko to!" Ngiting Sabi ni Pyra. Umalingaw-ngaw naman sa paligid ang putok ng baril mula sa mga pulis dahil inaatake sila ng mga Maiitim na nilalang na isinamo ni Jorogumo.
" Dennis, Sa likud ka lang. Gagawa ako ng mga Harang!" Sabi ni Lance at tumango lang si Dennis bilang pag sang-ayon.
Habang sina Aira, Marife, Pyra at Denise ay nakikipag laban sa mga alagad ni Jorogumo. " Bakit tila di sila namamatay? " Sambit ni Denise habang isa isa nyang pinapana ang mga nakaitim na nilalang.
" Marahil sila ang mga Oni! hindi talaga sila namamatay dahil wala naman silang Buhay!" Sabi ni Pyra.
" Anong gagawin natin?" Sabi ni Aira habang nakikipag laban.
" Ang saya nyong tingnan! " Sabi ni Jorogumo.
" Oo nga, Habang abala sila ay papatayin ko ang mga mahal nyang taga baryo." Sabi ni Suling at Lumipad ito papunta sa mga tao.
Habang papalapit si Suling sa mga tao ay pinapuntukan sya ng mga pulis.
" Wag nyong hahayaan na makalapit si Suling dito.. Hindi pa ligtas dito sa Plaza." Sigaw ni Dave sakanyang mga kasamahang Police.
" Lance, anong gagawin natin?" Sabi ni Dennis.
" Lituhin mo muna si Suling, dahil tutulungan ko muna ang mga taga baryo na makapasok doon sa simbahan." Sabi ni Lance sabay turo sa isang malaking simbahan.
" Sige, Mag iingat ka!" Sabi ni Dennis. at nag usal sya nang mga kakaibang salita.
" Naalala ko sa libro, may inusal na isang salamangka ang punong babaylan na si Jenna. Susubukan ko baka sakaling Gumana!" Sabi ni Dennis. Ngunit Walang nangyari.
" Tela pumapalpak ang mga magic show mo? " natatawang sabi ni Suling habang nakalutang ito sa ire.
" Eh ano naman ngayon? pano kung tanggalan kita nang Hangin.." Sabi ni Dennis. at sa isang kumpas lang nya nakaramdam si Suling nang pagkasakal.
" Aa-anong nangyayari? b-bakit di ako makahinga!" Sabi ni Suling habang unti-unti syang bubumagsak sa lupa. habang si Lance naman ay nakita nya ang ginawa ni Dennis.
" Hindi maari, mapapahamak sya sakanyang ginagawa.!" Sabi ni Lance.
" Bakit ? anong nangyayari? " Tanong ni Dave.
" Officer kayo ng bahala sa iba, nasa panaganib kasama ko. " Sabi ni Lance at nagmamadali itong nagtungo sa kinatatayuan ni Dennis.
" Sa isang sumpa ko lang sayo Suling kaya kung kunin ang hangin na hinihingahan mo!" Sabi ni Dennis habang may kakaibang nangyayari sa kanya.
" Bakit di mo tapusin ang buhay ko! Total wala namang silbi ang buhay ko!" Sabi ni Suling habang nahihirapan itong huminga.
" Itigil mo yan Dennis! Mapapahamak ka sa ginagawa mo!" Sabi ni Lance sabay Akap sa binata. At habang nahihirapan si Suling na makahinga may mga malalaking baging naman ang gumapang papalapit sa kanya. at gumapos ito sa kanyang mga pakpak at kamay. " Anong nangyayari?" Sabi ni Marife.
" Ate Fe, tingnan nyo.." Sabi ni Lance at nang maiharap nya ito kay Marife.
" Dyos ko! Lance ibalik mo na si Dennis sa Van. Ako nang bahala dito." Pag-aalalang sabi ni Marife.
" Teka PAKAWALAN MOKO DITO!" Sigaw ni Suling habang pilit nyang ipinagaspas ang kanyang mga Pakpak.
" Papakawalan kita kung isusuko mo ang iyong papaging kampon ng kasamaan." Sabi ni Marife.
" Hindi! para ko na ding ipinagkalulung ang aking mga Kalahi! Neknek mo!" Sagot ni Suling.
" Kung ganun, madali lang akong kausap!" Sambit ni Marife at inutusan nya ang mga ugat na nakagapos sa katawan ni Suling na higpitan pa ang pagkakagapos.
Samantala sina Denise, Pyra at Aira naman ay patuloy padin sa pakikipaglaban sa mga alagad ni Jorogumo.
" Bakit di sila maubos-ubos?" Sabi ni Aira habang tagaktak na ang kanyang pawis.
" Pyra may alam kaba, Kung papano natin maubos ang mga to?" Sabi ni Dennis.
" Nakikita mo ba ang Hawak ni Jorogumo?" Sabi ni Pyra habang talikuran silang nakikipaglaban sa mga oni.
" Oo, yang parang kwentas o papel?" Sabi ni Denise habang nakatitig sa hawak ni Jorogumo.
" Kelangan nating makuha sa Spider girl na yan upang tayo naman ang sundin nang mga Oni. " Sabi ni Pyra.
" Agawan ba ang sinasabi nyo? kaya Kung kunin yan. Lituhin nyo na muna ang mga panget na yan!" Sabi ni Aira.
" Oo, Kaya mo bang Kunin?" Tanong ni Pyra.
" Kung kanina nyo pa sana sinabi. Edi natapos Na!" Reklamo ni Aira.
" Pasensya naman!" Sabi ni Pyra.
" Hangin, inuutusan kung gawin mokong kawangis mo ng panandilian!" Sabi ni Aira at unti-unting nag laho si Aira.
" Imbisibol na ba sya?" Tanong ni Denise.
" Sshh! basta lituhin natin si Jorogumo.!" Sabi ni Pyra.
Habang si Lance naman ay dali-dali nyang pinagaling si Dennis.
" Anong ginagawa mo?" Tanong ni Dennis.
" Mahiga ka nga dyan! papagalingin kita!" Sagot ni Lance.
" Wala namang nangyayari sakin? ano kaba! Praning lang kayo ni Ate fe!" Sabi ni Dennis at bigla syang nawalan nang Malay. Ilang sandali pa ay dumating na din si Zandro dala ang mga kakaibang mga gamit.
"Anong nangyayari sakanya?" Tanong ni Zandro.
" Ikaw pala kuya Zee, ang sumpa ng Elementong taglay nya. " Sabi ni Lance.
" Bakit nya isinagad ang kanyang sarili kapangyarihan alam nya naman di pa buo ang kanyang taglay na Mahika. Mabuti pa magtutungo nako kina Marife at Denise. Bantayan mo muna si Dennis." Sabi ni Zandro at agad itong naglaho.
FLASHBACK.. Binigyan sila noon ng isang paalala ni Alpia At Pyra.
" Dahil sa aking nalaman, kung isasagad nyo ang ipag gamit sainyong mga salamangka. maari kayong bawian ng buhay. Kaya mag iingat kayo. Kung nasa alanganin kayo. Wag kayong magdadalawang isip na umatras. " Sambit ni Alpia.
" Ngunit, Kaduwagan lang po ang pag-atras sa laban." Sabi ni Dennis.
" Iho, kahit kami noon nina, Jenna kapag lamang ang kalaban namin. ay umaatras kami. di dahil sa natatakot kami. Dahil gagawa kami ng panibagong hakbang upang mabigyan nang solusyon. " Sagot ni Alpia.
Habang kay Pyra naman..
" Tandaan nyo, hindi pa buo ang inyong mga lakas. At sa pakikipaglaban. hindi lang lakas ang inyong puhunan. maging ito!" Sabi ni pyra sabay turo sa kanyang ulo.
BACK TO PRESENT..
Matagumpay na nakuha ni Aira ang isang kagamitan na nagkokontrol sa mga Oni. Habang si Suling naman ay naisahan nya si Marife dahil, Nag palit ito nang anyo bilang isang Itim na pusa. Dahil don ay nakatakas sya sa mga ugat ng puno na nakagapos dito.
" Binibining jorogumo tapusin na natin sila.." Sabi ni Suling.
" Pasensya na prinsesa! Tapus na ang Misyon ko dito. Paalam!" Sabi ni Jorogumo. Ngunit bago paman sya nakagamit nang kapangyarihang maglaho ay Pinana na ni Pyra at natamaan ito sa kanyang braso.
" Magbabayad ka Sa paglapastangan mo. Kalag!" Sabi ni jorogumo at tuluyan na syang naglaho. " nice Shot!" Sabi ni Denise, Ngunit ngumiti lang si Pyra kasabay nun ay naglaho na din ito sa tabi nya.
" hindi maari, Bumalik ka dito! " Sigaw ni Suling habang hinahanap sa paligid si Jorogumo. " Tinakbuhan ka nang kakampi mo Suling!" Sabi ni Denise.
" Wag kayong papasiguro! Ha-ha-ha!" Tila napapraning ito.
" Sumuko kana Suling.." Sambt naman ni Dave kasama ang kanyang kasamahang Polis.
" Suling alam kung mabait kang tao, dahil inalagaan ka nina aling Juliet noon. Kaya pumanig kana sa Kabutihan utang na loob." Sabi ni Aira dahan dahan nyang lapit kay Suling.
" Officer Fernandez, wag nyong babarilin si Suling.." Sabi ni Denise.
" Hindi naman.." sagot ni Dave sabay ngiti nito sa dalaga at nakita naman yun ni Zandro.
" Ito kunin mo to!" Sabay abot sa mga kakaibang bagay na inutos ni Denise sakanya kanina. Nang makita itong inabot ni Zandro kay Denise ay nagulat si Suling.
" Papano mo nakuha ang mga yan?" Sabay turo sa mga gamit na hawak ni Zandro.
FLASHBACK.. Bago paman nila hinarap si Suling kanina, ay intusan ni Denise si Zandro na hanapin ang mga gamit sa pangungulam.
" May iuutus ako sayo.. Wag mokong bibiguin." Sabi ni Denise.
" ano yun mahal?" Sagot naman ni Zandro. at agad hinawakan ni Denise ang Noo ng binata. Dahil don ay nakita nya ang mga ginawa ni Suling.
BACK TO PRESENT..
" Para saan ang mga yan suling?" Tanong ni Aira.
" Wala kanang pakialam don Aira. " Sagot ni Suling.
" Bubuhayin nya muli ang kanyang mga yumaong magulang. hindi sina Aling Juliet kundi ang mga asawang nyang mga magulang." Sambit ni Denise.
"Labag sa batas ng Kalikasan yan Suling, Alam mo yan dahil ipinagbabawal din ng inyong mga lahi ang pagbuhay sa mga namayapa na. Mahabaging Bathala." Sabi ni Aira.
" Wala akong pakialam! " Sabi ni Suling at agad nyang pinalutang papunta sa kanya ang Isang Librong Itim.
" Ang Libro ng kadiliman. papanong nasayo yan? " Tanong ni Aira.
" Wala dahil matalino ako, at kayo mga bobo! ha-ha-ha!" Sabi ni Suling sabay buklat ng isang pahina ng Libro.
" Suling itigil mo yan, di mo ba alam na bawat gamit mo sa librong yan ay mag kapalit. " Babala ni Aira.
" Wala akong pakialam.." Sagot ni Suling at nagbasa ng isang pahina sa libro.
" Magpapatuloy ang kasamaan ng itinakdang anak ni Sitan, at libro ng kadiliman. Inutuusan kitang maghanap ng bagong tagapag mana.upang Patuloy na manaig ang Kadiliman!"Basa ni Suling At sa isang iglap ay naglaho sakanyang kamay ang Libro. Kasabay nag paglaho ng libro ay natumba ito sakanyang kinatatayuan.
" Suliiinnggg!!!" Sigaw ni Aira at dali dali nya itong tinulungan mula sa pagkakatumba.
" Anong nangyayari kay Serena?" Tanong ni Dave at agad nya itong nilapitan. " Suling gumising ka!" Sigaw ni Aira.
" Sandali, titingnan ko kung may pulso paba sya." Sabi ni Denise nang matingnan nya ito ay, wala nang Pulso si Suling.
" Wala syang pulso. Papano nangyari yan?" Sabi ni Denise. Nang marinig naman ito ni Dave ay agad syang Lumapit sa Dalaga.
" Sandali tabi! Tabi dyan Miss Aira.!" Sabi ni Dave.
" Serena, Gumising ka! " Sabi ni Dave. sabay alog sa katawan nito.
" Anong ibig sabihin nyan?" sabi ni Zandro.
" Feel ko, may gusto si Officer kay Suling. Infairness maganda naman si Suling.. " Sambit ni Lance.
" Oh anong ginagawa mo dito? sinong nagbabantay kay Dennis?" Gulat na sabi ni Zandro.
" Okay na sya kuya Zee, nagpapahinga na sya ngayon." Sagot ni Lance.
" Kung ganun salamat Lance, Ikaw tung nagiging Nurse namin. Pero baka may magawa kapa kay Suling." Sabi ni Zee.
" Kuya, wala na ang kalag ni Ate Suling sa katawan nya. hindi ko na sya mapapagaling. " Sabi ni Lance. Habang si Spo4 Dave Fernandez naman Umiiyak dahil sa nangyari kay Suling.
" Sorry dave di ko nailigtas ang babaeng mahal mo. sinusubukan ko syang magbago ngunit yan ang pinili nya." Sabi ni Aira.
" Kelan mo pa alam Ate Aira na si Suling ang pumapatay? Sorry ang tanga ko bakit di agad ako naniwala sayo." Umiiyak na sabi ni Dave.
Pagkalipas nang Ilang araw, saktong nakabawi na din ng lakas si Dennis.
" Bago kayo umalis, narito ang hinahanap nyo.. " Sabi ni Aira sabay abot kay Dennis nang isang kakaibang lalagyan at sa loob ay maainigan mo sa labas ng lalagyan ang simbolo ng Elemento ng Hangin.
" Maraming Salamat mahal na diwata.." Sabi ni Dennis.
" Walang anuman, ngunit mag iingat kayo. Lalo na ngayon nararamdaman kung lumalakas na ang Kapangyarihan ni Alpeydous. Isa pa ang suliranin natin sa Itim na Libro. " Sabi ni Aira." Oo nga mahal na diwata, hindi ko makita saking ikatlong mata ang lokasyon ng libro." Sabi ni Denise.
" Dahil hindi pa sapat ang mahika saiyong katawan Denise. Alam yan ni pyra! Kung sakaling kelangan nyo ng tulong ko. Patutugin nyo lang ang Plawtang ito. At asahan nyong darating agad ako." Sabi ni Aira.
" maraming salamat muli mahal na diwata." Sambit ni Lance.
" Isang Nephilim? " Gulat na sabi ni Aira.
" Opo." Ngiting sagot ni Lance.
" Kung ganun, Protektahan mo ang taong importante sayo. " Sabi ni Aira sabay Kindat sa binata. At tumawa naman si lance dahil alam nya kung sino ang tinutukoy ni aira.
Si Dennis na sa mga oras na ito ay ganap na ang kanyang Kapangyarihan.
ABANGAN ANG KASUNOD MGA MAHAL. SALAMAT SA PATULOY NA PAG-AANTAY.
REMEMBER, MAG ENJOY LANG PO KAYO SA PAGBABASA.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro