" Ang Pagbabalik ng mga tagalipon "
ANG NAKARAAN :Nagkita-kita na silang lima, Habang sina Alpia, Mia at Raven naman ay Handa na silang makilala ang mga bagong sugo.
ANG KARUGTUNG:
Kinaumagahan, naghahanda na silang lima, upang mag tungo sa Aydendril." Gumising na kayo.. Nakakaloka! Hala bangon na.." Sigaw ni Kathleya.
" teka anong oras na ba manang!" Birong sabi ni Dennis.
" Hoy Excuse me kung maka manang ka sakin.. Tsaka mas ok yung ganitong oras tayo pupunta doon para walang taong makakakita saatin. " Sambit ni Kathleya.
" Okay, give me 30 minutes para makapag handa. " Sabi ni Denise habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.
Samantala dumating na sina Mia, Alpia at Raven sa Aydendril.
" Di parin nag babago ang aydendril ganun pa din ito kaganda. " Sabi ni Alpia habang nakatingin ito sa malawak na berdeng tanawin.
" At di lang yun, mukhang naging mas maunlad ito ngayon. Mabuti pa magtungo na tayo sa Palasyo."Sabi ni Raven.
" Oo nga, ilang taon na ba nung nandito tayo? I mean huling bisita natin?" Tanong ni Mia.
" Matagal na yun isa pa, nung nakikipaglaban pa tayo kay Sitan nun." Sagot ni Raven.
Ilang sandali pang Lakaran ay narating na nilang tatlo ang Bukana papasok nang palasyo. " Saan kayo pupunta?" Harang nang isang kawal sakanilang tatlo.
" Sila ang malalapit na kaibigan nang reyna sa mundo nang dalaket. ang kaharap mo kawal ay ang mga reyna at prinsipe. Ang dating reyna Alpia, at Reyna Mia kasama nila si Prinsipe Raven. " Sambit nang babaeng nakahood.
" Punong Dama kayo ho pala.." Sabi nang kawal sabay yuko sa babae.
" Kamusta na kayo. mabuti naman at nakarating kayo.." Sabi nang babaeng nakahood at unti-unti nya itong tinanggal ang hood.
" Susmihta? ikaw naba yan?" Tanong ni Alpia.
" Mahal na reyna, kamusta kana.." Sagot ni Susmihta sabay yakap kay Alpia." Reyna Mia, mas lalong gumanda kana ngayon.. pati rin ikaw mahal na prinsepe mas lalo kang pomogi. " DagDag na sabi ni Susmihta.
"Maraming Salamat Susmihta. Teka ikaw kamusta kana..?" Tanong ni Alpia.
" Nako mga kamahalan, marami akong ikukwento sayo kaso, inaantay na kayo nang aking kaibigan sa palasyo. Humawak kayo sakin dadahil ko kayo sakanya." Sabi ni Susmihta. Agad namang humawak silang tatlo sa Balikat ni Susmihta. At agad silang naglaho. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Bulwagan nang Palasyo.
" Ganito parin ang itsura nang Palasyo. di man lang binago ni Jessel.." Sabi ni Alpia.
" Maligayang pagbabalik.. " Bati nang isang malambing na boses, nang lingunin nila ito ay agad nagmamadaling tumakbo si Alpia patungo kay Jessel.
" Bakla kamusta kana..." Masayang bati ni Alpia kay Jessel sabay yakap nang mahigpit na mahigpit.
" Ito maganda parin ikaw kamusta kana.. ang tagal nating di nagkita.." Masayang sagot ni Jessel.
"Oo nga, pero infairness di parin nag bago ang kadagandahan mo.." Sabi ni Alpia.
" Sya nga pala Alpia, sila si Lola Miele. naalala mo pa ba yung anak ng matalik na kaibigan ni tatay sya yun. si Helena.. " Pakilala ni Jessel.
" Oo naalala ko sya.. " sabi ni alpia at agad nyang niyakap si lola miele.
" Di parin po kayo tumatanda mahal na reyna.. Maganda parin po kayo mahal na reyna. pati na rin si kuya Raven at Ate mia.. " Sabi ni Lola miele at ipinakita nya ang bracelet na sout nya.
" Nakakatuwa naman nasayo pa din ang bracelet na ginawa namin ni Raven. " Natutuwang sabi ni Mia.
"Oo nga.." dagdag na sabi ni Raven.
" Teka nasaan na ba yung mga sugo?" Tanong ni Alpia.
" Nandito na sila Tita..." sabi ni Kathleya sa bandang likuran ni Alpia.
" Nandito na pala si Kathleya... " Sabi ng reyna.
" Jusko? ang laki muna Pamangkin. kasing ganda ka ni Katalina.. " Sabi ni Alpia.
"Oo nga mahal na reyna, yung mata nya kay Theo.. " Dagdag na sabi ni Mia.
" Nako mga tita at tito.. Wag nyo na akong bolahin alam ko namang pretty ako. " Sagot ni Kathleya.
"Anyways mga tita at tito.. Kasama ko na ang mga sugo. Meet Dennis, ang nagtataglay ng elemento ng Hangin, Si Marife ay sa Lupa, Zandro, ay sa Tubig at lastly ang si Denise ang nagtataglay nang elemento ng Apoy. at ang pahuli si Lance ang nephilim.. " Pakilala ni Kathleya. " Mom, este mahal na reyna. sila ba yung mga sugo na tumutulong sa mga tao noon nung muntik nang sirain ni Sitan ang mundo?" Tanong ni Raven.
" Nako sir pogi, di po kami yun.. Reincarnated lang po kami. " Sagot ni Denise.
" At raven wala silang naalala Tungkol sa kanilang mga nakaraan.." Sambit ni Alpia.
" Tama yun ang consequences ng sumpa na iginawad ni Tita Jenna sakanila." Dagdag na paliwanag ni Kathleya.
" Pasensya na dahil minsan ko na ding nakasama ang mga dating Sugo. noong inutusan pa ako ni Ate jenna.." Sabi ni Raven.
" Alam kung nakikita mo sa kanilang mga diwa ang kanilang mga kalag.. Ngunit wala lang silang maalala dahil sa sumpa ni Jenna. " Sabi ni Alpia.
" Ah excuse lang po mga ate at kuya, pwde po bang matanong?" Sambit ni Zandro." Sure ano yun?" Tanong ng reyna.
" mawalang galang na mahal na reyna, pero papano po namin matatalo ang sinsabi nyong anak nang dati nyong kalaban kung Ni isa samin di pa namin makayang kontrolin ang mga kapangyarihan.? " Naguguluhan na sabi ni Zandro.
" Kaya nga nandito kayo dahil sasanayin kayo ni Tita Mia, Tita Reyna (Alpia) at Tito Raven.
Kasama na si Ate helena at ang reyna nang aydendril.. " Sabi ni Kathleya.
" Pero besh, papano yan kelan naba kami mag sisimula sa pagsasanay?" Tanong ni Marife kay Kathleya.
" Beshy, don't worry isa din ako sa magsasanay sainyo.. " Sagot ni Kathleya sabay kindat.
" Bukas magsisimula ang inyong pagsasanay, sa ngayon nais ko munang magpahinga kayo at nakahanda na rin ang isang malaking piging na ipinahanda ko kay Susmihta." Sabi ng reyna.
" Opo mahal na reyna naka handa napo ang pagkain sa Kabilang silid nang palasyo.." Sabi ni Susmihta sabay yuko sa Reyna.
" Kung ganun magtungo na tayo sa kabilang silid. Bilisan nyo dahil masama, pag pinag aantay ang pagkain. " Sabi ng reyna.
Samantala sa Dating Kuta ni Sitan..
" Mahal na hari, ito nag dating kuta ng inyong amang si Sitan. dito rin sya nasawi noon. " Sabi ni Tamawo.
TAMAWO - are mythogical creatures believed to be handsome, having very fair to white skin with fangs and claws of gold. It is believed to be clad in gold and wears putong and bahag like the nobles of pre-colonial Visayas. The tamawo were known by their different names: the bumalabag, a male fairy who viewed and visited places; the manupongtupong, a male fairy who dresses like an ordinary man; the manla-awla-aw who looked out from behind an anthill; manilag-nilag, a female fairy who attended social gatherings and festivities; and the manbukay, a female fairy who dwelt in shallow wells.
" Nararamdaman ko pa nga ang enerhiya ni Ama dito. Ngunit Hindi tayo pwde dito.. dahil alam na nang mga Tagalipon. I mean mga natitirang Tagalipon isa pa. nararamdaman ko pa ang enerhiya nila dito pati na ang amoy nang dugo ng lapastangang Babaylan. " Sabi ni Alpeydous.
" Mahal na hari. pwde tayo doon sa mundo nang mga tao. " sabi ni Tamawo.
" Mas lalong delikado Tamawo. dahil minsan na din akong nanirahan doon. at alam kung napaka ignorante nang mga tao tungkol sa mahika." Sagot ni Alpeydous.
" hindi naman po sa syudad mahal na hari sa isang liblib na lugar, kung saan tinulungan noon ang inyong ama ng isang pinalayas na diwata. " Sagot ni Tamawo.
" Talaga?" Agad napaisip si Alpeydous sa iminungkahi ng Tamawo.
" Oo mahal na hari, ang lugar na yun ay nababalutan pa din nang mahika hindi basta-basta mahahanap ang lugar nayun. " Paliwanag muli ng Tamawo sakanya.
Ilang sandali pa ay may isang nilalang ang dumating..
"ohayo gozaimasu! Nahuli na ba ako mahal na hari?" Tanong ng isang babaeng naka kimono.
" Jorōgumo? bakit ka nandito? kelan ka lang dumating?" Tanong ng Tamawo.
Jorōgumo - is a type of Yōkai, a creature, ghost or goblin of Japanese folklore.It can shapeshift into a beautiful woman, so the kanji for its actual meaning is "woman-spider".
" Pasensya na at medyo busy ako sa pag man man sa natirang Tagalipon na si Alpia. " Sagot ng Jorogumo.
" Nandito na ba sya sa pinas?" Tanong Alpeydous.
" Oo, wala sya sakanyang kompanya. dahil may family emergency daw dito sa pinas. " Sagot ng Jorogumo sabay suklay nang kanyang mahabang buhok.
" Kung ganun sa mga oras na ito inihahanda na nila ang mga sugo. " Sabi ni Alpeydous.
" Wag kang mag alala mahal na hari, dahil handa na aking lahi upang mag lingkud sainyo.. " Sabi ng Tamawo kay Alpeydous.
"Kasama ko din ang aking mga alagad na Oni. handa silang mamatay at pumatay para saakin. " Sabi ng jorogomo.
Oni, Are a kind of yōkai, supernatural demon, devils, ogre, or troll in Japanese folklore. They are typically portrayed as hulking figures with one or more horns growing out of their heads. Stereotypically, they are conceived of as red or blue-colored (green-colored), wearing loincloths of tiger pelt, and carrying iron kanabō clubs.
" Magaling, pero di padin tayo pwde maging Kampante mahal na hari. Dahil malakas din ang mga pesteng sugo na yun. " Sabi ng Tamawo.
" Dōi suru (I Agree).." Sambit ng Jorogomo.
" Sore de, wareware wa nani o matteimasu ka? Tamau ga itta tokoro ni sugu ni idō suru hitsuyō ga arimasu ( So, what are we waiting? we need to move immediately on the place where tamawo said. ) " Dagdag pa na sabi ng Jorogomo.
" Mag engles ka o mag tagalog marunong ka namang mag tagalog jorogomo.." Sabi ni Alpeydous.
" Pasensya nat medyo di parin ako masyadong bihasa sa lenguaheng pilipino.. "Sabi ng jorogomo.
" Hayaan nyo na mahal na hari, Medyo may alam ako sa lenguaheng hapones.. " Sabi nang tamawo at bigla syang nagpalit nang anyo bilag isang tao. napakakinis nang balat at sobrang gwapo nito.
" Mahal na hari, tinatawag ako sa mundo nang mga tao na Alexis. " Sabi ng tamawo sabay ngiti at nakikita pa ang napakalalim na biloy sa magkabilang pisngi.
" At ako naman tawagin nyo ho akong, Pumi. " Dagdag na pakilala ng Jorogomo kay alpeydous.
Balik sa mga sugo, Kinabukasan ay nagsimula na silang mag sanay kasama si Lola Miele.
" Lola miele, kakaiba ang iyong sout. mas naging flexible ka po dyan." Sabi ni Marife.
" Ito talaga yung kasoutan ko ija pag nagtitraining kami noon. at isa pa hindi lang ako ang magsasanay sainyo. kasama ko si Sinag.." Sabi ni Lola Miele at Lumabas ang maliit na nilalang.
" Kamusta kayo. ako si Sinag, ang gabay ni reyna miele. ikinagagalak ko kayong makilala mga sugo." Sabi ni Sinag. dahil sa Boses ni Sinag biglang may naalala si Dennis.
" Lola, kung hindi ako nagkakamali sya yung tumulong saakin nung muntikan na po akong mahulog sa tulay. " Sabi ni Dennis.
" Oo naikwento nga yun ni sinag saakin. Sya rin ang gumagabay sainyong dalawa ni ate fe mo." Sabi ni Lola Miele.
" Isa pa tama na yung chismisan na natin. ituturo ko sainyo kung papano maglaho o magteleport nang di kayo nanghihina. Naituro ko na ito sainyong dalawa marife at dennis ngunit di yun sapat dahil mabilisan lang yun. Sinong gustong maunang sumubok?" Tanong ni Lola Miele. walang ni isa ang tumaas ang kamay o nagpakita nang interes ngunit nakita ni lola miele si Lance na parang balisa.
" Lance may problema kaba ijo?" tanong ni Lola Miele.
" Ah wala po lola.. medyo di lang po ako masyadong naka tulog nang maayus. " Sagot ni Lance.
" Kung ganun, pwde bang ikaw muna ang susubok? kung ayus lang sayo.." Sabi ni Lola miele.
"Opo lola. " sagot ni lance at ngumiti lang ito kay lola miele.
Habang patungo sya kay lola miele sa harapan, nang masagi nya ang Balikat ni Dennis. at bigla nalang may nakitang anong liwanag si Dennis. at may naririnig syang boses sobrang daming boses. ibat-ibang boses. ngunit ang mas rumehestro sakanyang boses ay kay Lance.
" Namimiss ko lang si lola.. " sambit nang boses na narinig ni Dennis.
" Sandali pare, wag kang malungkot pwde mo ding maging lola ang lola namin." ngiting sabi ni Dennis.
" Sa-salamat.. " ganting sagot ni Lance.
" Ngayon nais kung pumikit kayo, at irelax nyo ang inyong mga katawan. Pakiramdaman ninyo ang inyong paligid. Pakinggan nyo ang mga boses nang mga halaman, pati ang panaghoy nang hangin.. " Sabi ni Lola miele at inisa-isa nyang tiningnan ang limang sugo kung ginagawa ba nila ang kanyang utos.
" In hale... Exhale.."
Tanging napaka tahimik nang paligid sa mga oras nayun.
" Marife, mag fucos ka.. wag kang mag-isip ng kung ano-ano.. Kapag patuloy parin kayong gumamit nang kakayahang mag laho nang hindi kayo tinuturuan nang wasto. maari kayong mamatay dahil sa kakayahang ito." Paliwanag ni Lola Miele. di naman sumagot ang isa sa kanila at nag fucos silang lima lalong lalo na si Lance.
" Ngayon, relax na inyong katawan. Isipin nyo kung saang lugar kayo gustong pumunta. at Hindi pwde sa malayo.. Ipinasyal na kayo ni Susmihta kanina sa boung palasyo. pumili kayo kung saan kayo gustong pumunta. Sinag ibigay mo sakanila ang isang nakarolyong papel.." Sabi ni Lola Miele. At isinusok ni Sinag isa-isa sa mga bulsa ng mga sugo.
" Inuulit ko, Kalmahin nyo lang ang isipan at katawan nyo. at isipin nyo ang lugar na gusto nyong puntahan. Tandaan sa Loob lang ng palasyo. " Sabi ni Lola miele habang paikot-ikot ito sa limang sugo. Ilang sandali pa ay biglang naglaho si Marife, sumunod naman ng ilang minuto ay sina Zandro, at Denise.
" Nakaalis na sina Marife, Zandro at Denise.. Focus lang mga bata kaya nyo yan.." Sabi ni Sinag. Habang si Lance ay pinagpapawisan nang marami.
" Lance alam kung madami kapang iniisip sa ngayon, magtiwala ka sa sarili mo. at sa kakayahan mo tanggalin mo ang alinlangan. Focus ka iho.. May tiwala akong makakayanan mo yan. " Sabi ni Lola Miele sabay tapik sa balikat ni Lance.
Ilang minuto ang lumipas ay nag laho narin si Dennis..
" Iho, Lance idilat mo muna ang iyong mga mata.." Sabi ni Lola Miele."Ba-bakit po?" sagot ni lance.
" Hindi ko man nababasa ang iyong iniisip, alam kung nag-aalala ka sa naiwan mo doon saiyong probinsya. naikwento kasi ni Marife saakin. at Iho tandaan mo, Lahat nang nangyayari sa ating buhay. ay may dahilan. " Salaysay ni Lola Miele dahil doon ay agad humagulgol si Lance at mahigpit itong yumakap kay lola miele. At ikinuwento ni Lance ang kwento nang kanyang buhay.
" Kung ganun ikaw yung bata na umiiyak sa gabing yun?" Sabi ni Sinag.
" Po anong ibig nyong sabihin?" tanong ni Lance.
" Kasi nandoon ako noon nung nangyari ang pagkuha nila saiyong ina. gusto ko sanang tulungan kayo kaso, nasa anyong tao ako noon.. nawawalan ako nang kapangyarihan pag nasa anyong mortal ako. ngunit di rin sapat aking kapangyarihan. dahil mas malakas ang kapangyarihan ng mga nephilim. " Salaysay ni Sinag.
" Sinag bakit ngayon mo lang ito sinabi saakin.." Sambit ni Lola Miele.
" Kasi mahal na reyna. ngayon ko lang din naalala. " Sagot ni Sinag.
" Ngunit ate sinag papano nyo po nasabi na hindi patay si nanay, at kinuha lang nila..?" Tanong ni Lance.
" May konting alam ako sa lenguahe na ginamit nila dahil sa mundo namin halos isang daan na lenguahe ang aming dapat isaulo. ay ang binigkas noong babaeng anghel sa nanay mo. Eláte mazí mas .. Salitang Greek na ang ibig sabihin ay Sumama ka saamin. " Sabi ni Sinag.
" Oo nga pala naalala ko, marunong mag salita ng ibat-bang lenguahe si sinag." Dagdag na sabi ni lola miele.
" wag kang mag-alala tutulungan ka namin mahanap ang nanay mo, basta magpalakas ka at maging dalubhasa ka sa iyong likas na kapangyarihan. " Sabi ni Sinag.
" Salamat ate sinag at lola miele. medyo naging magaan na rin ang aking pakiramdam.." Sabi ni Lance.
" Nandito na sila.. nagbalik na sila." Sabi ni Lola miele.
at isa-isang lumabas sa ibat-ibang direksyon sina Dennis, Zandro, Marife at Denise." Lola,Tapus napo.." Sabi ni Dennis.
" Magaling. ngunit nais kung Hingin ang inyong supporta. Nais kung Icheer nyo si Lance para magawa nya ang misyon nya. maari ba yun mga apo.." Pakiusap ni Lola miele.
" Oo nga tama ang mahal na reyna, kayong lima lang ang magtutulungan.. " Dagdag na sabi ni Sinag.
" Walang problema lola. nandito lang kami para sayo lance, isipin mo na kapatid mo kaming apat." ngiting sabi ni Zandro.
" oo nga, simula sa araw na ito, magkapatid na tayong Lima. at ikaw ang bunso namin.." Sabi ni Dennis at sabay sabay nilang apat na niyakap si Lance.
Sa Palasyo..
" Mahal na reyna nagtagumpay na ang apat na sugo, ngunit bakit wala pa din ang batang nephilim?" Sabi ni Susmihta.
" Magtiwala ka sa batang yun.." Ngiting sabi ni Jessel kay susmihta.
Balik kina lola miele, bumalik sa pwesto si Lance upang subukang mag teleport sa palasyo.Dahil sa supporta nang kanyang mga kaibigan at inspirasyon na hatid nila ay biglang nag liwanag ang kwentas ni Lance at sa kanyang likuran ay may malaking pakpak na kulay puti. " mahal na reyna tingnan nyo po.." Manghang sabi ni Sinag.
" Oo yan ang Grace ng mga nephilim..nakakamangha ang kanilang mga kakayahan." Sagot ni Lola Miele. At biglang naglaho si Lance.
Habang sa palasyo, ay naramdaman ng reyna ang kakaibang pakiramdam.." Nandito na sya, maghanda kana na ng iyong gamit sa panulat, " sambit ng reyna.
"Napakapayapa sa pakiramdam mahal na reyna.." sabi ni Susmihta. ilang sandali pa ay biglang sumulpot si Lance sa kanilang harapan.
" Magaling.. binabati kita matagumpay kang nakapasa saiyong pagsubok Lance. ibigay mo kay punong dama upang malagyan na nya nang kanyang signatura." Ngiting sabi ng reyna. agad namang inaabot ni lance ang nakarolyong kulay puti na papel.
" Magaling lance.. basta tatandaan mo magtiwala ka lang sa sarili mo okay?" paalala ng punong dama sakanya at iniabot muli sakanya ang puting papel.
" Maraming salamat po mahal na reyna at punong dama." sabi ni lance sabay yuko sa dalawa." Bumalik ka kay Helena, este kay Miele upang ihanda kayo sa susunod na pagsubok. Good luck .." Dagdag na paalala ng reyna sakanya.
Balik kina Lola miele..
" Nagtagumpay na si Lance, at nararamdaman kung malapit na sya dito antayin na muna natin nang konti." sabi ni lola miele.
" Lola, tingnan nyo po ang mukha nyo. nawawala ang kulubot.." sabi ni Dennis.
" Oo nga mahal na reyna, bumabalik ang inyong anyo noong dalaga pa kayo.." Sabi ni sinag.
" dahil siguro ito sa Hangin nang aydendril. ang hangin dito ay maykakayahang magbalik nang nawala saatin. katulad nang sugat na tinamo ni sinag kanina. di lang ito tumagal nang ilang minuto ay gumaling at nag hilom ang sugat. kaya din di tumatanda ang mga nakatira dito dahil sa hangin na nandito. katulad din itong hangin sa mundo naming mga lambana.." Salaysay ni Lola miele.
" Ngunit bakit sina reyna alpia, at mia pati ang prinsepe Raven matagal silang namalagi sa mundo ng mga tao bakit di sila tumanda?" Tanong ni Zandro.
" Dahil ang mga dalaket ay di basta-basta naapektuhan nang hangin sa mortal world. di katulad naming mga nilalang nang kalikasan, ay medyo agad kaming maapektuhan nang pagbabago" sambit ni Sinag.
" Di ko padin maintindihan.." sabi ni Lance na kanina papalang nakikinig sa usapan.
"Kanina kapa ba dyan lance?" tanong ni lola miele.
" Opo lola.." sagot ni lance.
" Binabati ko kayong lima, dahil lahat kayo ay nakapasa sa aking pagsubok at pagsasanay. maghanda kayo sa susunod na magiging guro ninyo. " Sabi ni Lola Miele.
" Sino po ba ang susunod ?" tanong ni Zandro.
At sa likuran ni lola miele, dumating sina Raven at Mia, sout ang kanilang kasuotang pandigma. " Yan ang kasoutan nila noon.." natutuwang sabi ni Dennis.
" Pano mo nasabi Dennis?" tanong ni Denise.
" Yan kasi yung picture na nakita ko sa Libro. noon binabasa ko pa yung storya nila tungkol sa paglaban nila kay sitan. Ang ganda.. alam mo ba ang kasuotan nila ay gawa ng mga oroskopyo. at tingnan mo ang ganda parin. " Sambit ni Dennis.
" Kamusta kayo.. Binabati ko kayong lima.." Sabi ni Mia. at pumalakpak naman si raven.
" Ate mia at kuya Raven kayo na ang bahala sa kanila.. " Ngiting sabi ni Lola Miele.
" Maraming salamat helena.." sagot ni Raven.
Abangan muli ang karugtung mga mahal maraming salamat sa pag aantay at pagtangkilik, wag kalimutang bomoto.Just simply click the star button. I'm also open for any comments and suggestions ninyo mga mahal. Give me some feedback or comments regarding sa story. salamat. and sa mga nag request na ishout out sila. sa susunod nalang po. Imemention ko nlang kayo one by one. Salamat ulit mga mahal. Author Out !
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro