CHAPTER 02
" OUR TRUE IDENTITY "
ANG NAKARAAN :
Sumalakay ang isang kakaibang nilalang sa Paaralan nina Marife at Dennis. At Dahil sa mga pangyayaring yun. Natuklasan nila ang kanilang kakaibang kakayahan. Nang makita ni Dennis na sasaktan nang kakaibang nilalang ang kaklase nyang si Marife, bigla syang nagkaroon nang kakayahan nang katulad nina Flash. ang Bilis at Liksi. Habang si marife naman ay nagawa nyang pinalabas ang mga maliliit na halaman sa loob nang kanilang silid aralan. Habang naguguluhan silang dalawa sa mga nangyari ay biglang dumating si Lola Miele upang ipaliwanag sa kanila ang katotohan. kasama si Mang Alponso.
" Sa bahay ko na ipapaliwanag..." Sabi ni Lola Miele sabay hawak sa balikat nina Dennis at Marife. agad naman silang nag laho.
ANG KARUGTUNG...
"Heto Ija, inumin mo muna itong Tsaa.. Mag-ingat ka dahil mainit pa yan.." Sabi ni Lola Miele sabay abot kay Marife ang isang tasang tsaa.
" Lola ano ba kasing nangyayari?" Naguguluhang sabi ni Dennis.
" Antayin na muna natin si Alponso dahil sya ang mas may alam tungkol sa mga nangyari. " Sabi ni Lola Miele at Umupo ito katabi ni Marife at sinuklay nya ang buhok nito.
" Lola Miele? Anong klaseng halimaw ang umatake saamin? tska bakit biglang nag ilaw ang aking Hikaw kanina? at may mga maliliit na halaman ang lumabas sa paligid at tinulungan ang mga kaklase ko. nagbuga ito nang sariwang hangin sa loob. Bakit ano bang nangyayari? END of the world na po ba?" Naguguluhang tanong ni Marife. Ilang sandali pa ay biglang sumulpot si Mang alponso dala dala ang isang Lumang Libro.
" Lolo? pano mo nagawang mag teleport? " Tanong ni Marife sa kanyang lolo.
" Kasama ko kanina si Alponso kaso, bumalik sya sainyo nang makita nya ang nangyari kanina sa inyong paaralan. " Paliwanag ni Lola Miele.
" Bakit mo dala ang diary ni Lola Gloria. ?" Tanong Ulit ni Marife sa kanyang lolo.
" Daming tanong nang batang to.. dala ko ito dahil hindi lang ito isang ordinaryong Diary nang Yumao mong Lola. nilalaman nang diary nato ang tunay nyong misyon at katauhan.." Salaysay ni Mang Alponso.
"Teka! Lolo Alponso anong misyon?" Tanong ni Dennis.
" Alam nyo, pareho kayong dalawa nang ate fe mo. puro kayo tanong. Pwede bang bigyan nyo kami nang Time makapag Explain? Di ba kayo busy?" Saway ni Alponso sa dalawa.
" Alponso umiral nanaman yang pagiging Masungit mo.. mabuti pa makinig kayong dalawa kay lolo alponso nyo." Sabi ni Lola Miele.
At nagsimula nang basahin ni mang alponso ang nilalaman ng diary ni Gloria at ang katotohan.
FLASHBACK :
Noong unang panahon may mga sabi-sabi na ang apat na elemento na meron ang mundo natin, ay may inatasan si Bathala upang pangalagaan ito. Bukod sa mga Bantog na diwata na nanalig kay bathala. may Apat na tao ang binigyan nang oportunidad na taglayin ang apat na elemento. Ang Tubig, Lupa, Apoy at Hangin.
Ang nangangalaga sa Elemento nang Tubig, ay si Aquata.. Bihasa na si aquata na kontrolin ang elemento nang tubig kaya niya itong pagalawin gamit ang kanyang isip at saliw nang kanyang kamay o sa galaw nya mismo.
Habang sa Lupa at Apoy naman ay pinapangalagaan nang magkapatid na sina, Rhea at Pyra. Samantala pinangangalagaan naman ni Habagat ang Elemento nang hangin. Bawat isa ay may Batok sa kanilang Palad.
( Batok ; meaning the art of tattooing your body with tribal designs using bamboo stick and thorn. Batok is believed to have been practised for about one thousand years. Usually, Filipino women who have reached the right age are allowed to get tribal designs to enhance their beauty. )
Ang batok sa kanilang palad ay sumisimbolo nang nang apat na elemento sa mundo. Hanggang sa Dumating ang Dyos nang pagkaganid sa kapangyarihan. Dahilan nang mga tukso, inggit at panlilinlang. Tinatawag syang Alfedyus. Sinasabing si Alfedyus ang nag-iisang anak ni Satanas. Noong Nalaman ni satanas na may isisilang na bata (Jesus) upang maging tagapagligtas nang mga tao sa kanilang mga kasalanan. (Di ko na ikukwento kung papano at anong nangyari.) Laganap na ang kasamaan noon ni alfedyus. Ngunit dahil sa apat na sugo ni Bathala ay natalo nila si Alfedyus at bumalik pansamantala ang katahimikan sa ating mundo. Ngunit bago paman nila nagapi si Alfedyus nag iwan nang isang matinding sumpa para sakanilang apat.
" Ako man ay inyung nagapi ngayon, Di ko parin kayo bibigyan nang katahimikan.. Sa ngalan nang aking ama na si Satanas. Akoy Isisilang muli sa bagong katauhan at katawan. at sa sandaling akoy ipanganak muli nang isang mortal na may masamang budhi. Kayong apat ay mamatay naman." Iyon ang sumpa ni Alfedyus bago sya bawian nang hininga. Dahil sa mga pangyayaring iyon agad sumangguni ang apat na Sugo upang pigilan ang sumpa sakanila ni Alfedyus.
" Magandang Araw Pinunong Babaylan, Ako po si Rhea at ito naman ang aking mga kasamahan. Nais ko sanang isangguni sainyu tungkol sa sumpa ni Alfedyus saamin. " Sabi ni Rhea habang kinakausap nya ang isang babaeng nakaputi.
" naway tulungan nyo po kami.. Isa kayo sa bantog na babaylan na tumalo noon kay satanas. " Sabi naman ni Habagat.
" Sitan ang ngalan nya.. Kung Ganun. Nais ko lang klaruhin sainyo na wala akong sapat na lakas na baliktarin ang sumpa ng anak ni Sitan. Ang tanging magagawa ko lang ay, Bibigyan ko kayo nang kaparehong sumpa. Isisilang kayong muli sa ibang katauhan. " Salaysay nang babaeng nakaputi.
" Ibig Sabihin mamatay pa din kami?" Sabi ni Pyra.
" Oo. ngunit Wala kayong maalala tungkol sa nakaraan. Ngunit mananatili ang inyong mga kapangyarihan." Sabi nang babaeng nakaputi.
" Payag ako Pinunong babaylan.. " Pag sang-ayon ni habagat.
" Ako rin.. " dagdag na pagsang ayon ni Rhea.
" Kung ganun, akin na ang mga palad ninyo. pansamantala kung susugatan ang inyong mga palad upang ang simbolo na nasa palad nyo ang gagawa nang paraan upang mabuo kayong muli. " Sabi nang babaylan.
" Babaylang Jenna, iiwan namin ang aming mga kagamitan sainyo. at babalikan namin pag nakabalik na kami.." Sabi ni Aquata sabay abot sa babaylan ang kanyang Kwentas. at sina Habagat, Pyra at Rhea naman ay ibingay din nila ang kanilang gamitan sa babaylan.
" Hanggang sa Muli mga kasama.. " Ngiting sabi ni Pyra.
" Hanggang sa muli.. " Sabi ni Aquata at niyakap nya isa isa ang kanyang mga kaibigan.
" Maghihintay ako sainyong pagbabalik. bawiin nyo saakin ang inyong mga kagamitan. " Sabi ni Jenna.
" Pangako yan Binibining Jenna. " Sabi ni Pyra.
At lumipas ang apat na araw, isa-isang binawian nang buhay ang apat na sugo. Ngunit May ginawang engkantasyon si Jenna sa mga kagamitan. (Alamin kung ano yun' )
BACK TO PRESENT :
" So meaning reincarted kami nang apat na sugo?" tanong ni Marife.
" Yun ang katotohanan. Tingnan nyo ang mga palad nyo." Sabi ni LoLa Miele. nang tingnan nina Dennis at Marife ang kanilang palad ay biglang may kakaibang batok ang lumabas sakanilang mga palad.
" So anong ibigsabihin nito lola... ?" Tanong ni Dennis.
" Slow mo naman apo.. Na explain na ni mang alponso mo kanina diba?" Sabi ni Lola Miele.
" Oras na upang hanapin nyo ang nagtataglay nang elemento nang apoy at Tubig.." Sabi ni Mang alponso.
" Pero papano po?" Tanong ni Dennis.
" Sundan nyo ang instict nyo.. " Sabi ni Mang Alponso.
" Tumigil ka alponso.." Saway ni Lola Miele kay mang alponso.
" Hayaan nyo mga apo, pupuntahan nyo ang babaylang si Jenna.. nakasulat sa Diary ni Gloria ang address.. " Dagdag na sabi ni Lola Miele sabay turo sa isang pahina nang diary.
" Teka Lola Miele pasensya na po kung masyado kaming matanong ni Dennis. di mo naman kami masisi. All these years, akala namin were normal. and sa Harry potter o sa Encantadia lang ang mga sugo sugo o powers powers na yan. " Sabi ni Marife.
" Naiintidihan ko ija.." Sagot ni Lola Miele.
" Pero Lola at Lolo.. Papano nyo nalaman ang mga bagay na iyan? tungkol sa mga nakaraan namin? " Tanong ni Marife.
" Dahil ang Lola Gloria mo at ang babaylang si Jenna ay mag Pinsan. " Sagot ni Lolo Alfonso.
" Kaya pala..." Tanging nasagot ni Dennis. at unti-unti na nilang naiintindihan ang mga nangyari.
" Kung ganun Lola.. Bukas na Bukas din mag tutungo kami ni Ate fe sa bahay ni Lola Jenna. " Sabi ni Dennis. At ngumiti lang ang dalawang matanda.
Author's chismisan :
Due to Public Demand.. (Public demand daw? Lol hahaha )
Since medyo marami-rami ang nag suggest na. Bakit di bigyan nang Crossover ang mga character ng Una kung Likha ( The Secrets of Adonis Brothers. ) sa Bago kung gawa. Di napo natin magagawang E crossover sila. pero Maari natin silang bigyan nang Twist. Which is sila nanaman ang magiging Extra on this Story. Anyhow, thank you sa mga nag suggest. Atleast may Idea ako. Hahaha.
ABANGAN ANG KARUGTUNG MGA MAHAL. WAG KALIMUTANG BOMOTO, JUST SIMPLY HIT THE STAR BUTTON ON THE SIDE. SALAMUCH SA INYONG PAGTANGKILIK. - Lab author
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro