CHAPTER 01
" Dennis Chavez P.O.V. "
Meet Dennis Chavez, Isang Grade 10 student nang Fernary High. Nakatira sya sa kanyang Lola na si Lola Miele, Si Lola Miele na ang nag aalaga sakanya simula nang namatay ang mga parents nya sa isang Car Accident.
" Magandang Umaga Lola... " Habang pababa si Dennis sa hagdanan.
" Wala ka bang pasok ngayon, tinanghali ka nang gising apo?" tanong ng kanyang Lola.
" Anong araw na ngayon lola?" Tanong ni Dennis sabay kamot sa ulo, halatang wala pa sa kanyang sarili.
" Huwebes?? " sagot ni Lola Miele. Agad syang natauhan nang marinig nyang huwebes pa. sabay nyang tiningnan ang orasan at mag aalas nuebe na.
" Nako lola, may reporting session kami ngayon tska ako yung.. Talk to you later lola.. " Nagmamadaling sabi ni Dennis, sabay kuha nang kanyang bag, at iilang libro.
" Teka mag bihis ka muna nakapantulog kapa..." Saway i Lola Miele sakanya.
" Ay nako oo nga pala. sensya na lola.. " Sabi ni Dennis at nagmamadali itong bumalik sa kwarto nya upang magbihis. Ilang segundo lang ay nakabihis na ito. at nagmamadali itong tumungo sa Pintuan.
" Lola usap nalang tayo mamaya.. ba-bye i love you po.." Sabi ni Dennis at nagtatakbo itong lumabas nang bahay nila.
" Ang bilis nilang lumaki. sana maging handa sya pagnalaman nya ang kanyang tunay na pagkatao." Sabi ni Lola Miele sa sarili nang biglang may isang maliit na nilalang ang lumabas galing sa kanyang maliit na bonsai.
" Tyak na magiging magaling na mandirigma ang iyong apo Reyna Miele. " Sabi nang maliit na nilalang na may pakpak.
" Ikaw pala Sinag, wag mo na akong tawaging reyna. dahil matagal na akong wala sa ating kaharian. " Sabi ni Lola Miele.
" Nako Reyna Miele. kayo parin ang reyna namin. kahit nandito kana sa mundo nang mga tao. iginagalang ka parin namin. sya nga pala kasama ko si Reyna Agatha. " Sabi ni Sinag at lumabas pa ang isang maliit na nilalang na may pakpak at yumuko ito kay lola miele.
" Mahal na reyna miele. magandang araw po.." Sabi ni Agatha.
" Reyna agatha, di ka dapat lumuluhod sakin. ikaw ang reyna sa Dalucia. " Saway ni Lola Miele.
" Kahit na ako ang reyna nang dalucia ngayon. mananatili ang iyong pagiging reyna saaming mga dambana at sa mga iilang diwata. " Sabi ni Agatha.
" Bakit pala kayo naparito?" tanong ni Lola Miele.
" Naparito kami dahil may isang mahalag mensahe si Reyna Jessel mula sa kapanalig nating kaharian sa Aydendril. " Sagot ni Agatha.
" Iniimbitahan nya kayo mahal na reyna sa munting piging at pagpupulong.." Sabi ni Agatha.
" Paumanhin ngunit hindi ako makakadalo sa papiging ni Reyna Jessel." Sabi ni Lola Miele.
" Mahal na reyna Miele, alam na ba nang iyong apo ang tungkol sa kanyang tunay na katauhan..?" tanong muli ni sinag.
" Binge kaba sinag, kanina ko pa sinabi may moment nga ako diba? pero hayaan nyo sasabihin ko din sakanya.pag tumungtung na sya sa tamang edad na itinakda para sakanya. " Sagot ni Lola miele.
" Ngunit di mo ba naalala mahal na reyna? mag bebente uno na si Dennis ngayon. Tyak na lalabas na ang kanyang kapangyarihan." Sabi ni Agatha.
" Ngayon na ba yun? bakit di ko agad nalaman yun.. Dahil sguro sa tinagal ko nang malagi sa mundo nang mga tao. ay nakukuha ko na din ang kanilang mga katangian. " Sabi ni Lola Miele.
" Mahal na reyna may tao sa labas nang bahay nyo.." Sabi ni Sinag.
" Tao po, nariyan ba si aling Miele?" Sigaw nang isang matandang lalaki.
" Si Mang Alponso ang naghahanap sayo.." Sabi naman ni agatha. at dali daling nagtungo nang pintuan si Lola miele upang pagbuksan si Mang alponso.
" Ikaw pala alponso, mabutit nandito kana..pasok ka." Sabi ni Lola Miele. at agad namang pumasok nang bahay si mang alponso. Bumungad sakanya ang mga dambanang sina Agatha at Sinag.
" Sinag at mahal na reyna agatha.. mabuti naman at nandito kayo." sabi ni mang alponso.
" umupo ka alponso." sabi ni lola miele.
"salamat miele. " at agad namang umupo sa upuan si Alponso.
" naparito ako dahil lumabas na ang kapangyarihan ng aking apo na si Marife. kaka eighteen lang nya kagabi. nagulat sya sakanyang nangyari. " Salaysay ni Alponso.
" Sinabi mo na ba mang alponso saiyong apo ang tungkol sa kanilang kakayahan?" tanong ni Sinag.
" Hindi pa sinag, pansamantala kung binura sakanyang alala ang mga nangyari kagabi. pero di magtatagal magbabalik ang kanyang mga alala. " Sabi ni Alponso.
" Kung ganun, oras na upang malaman na nila ang katotohanan.." Sabi ni Lola miele.
Samantala sa Skwelahan.. may masama nang nararamdaman si Dennis.
" Dennis bakit parang aligaga ka dyan? okay ka lang? " Sabi nang kaklase nya.
" Sguro inaantok lang sguro ako. pero ayus lang ako.."Sagot ni Dennis at bumalik na ito sa kanyang sinusulat sa kwarderno nang biglang may Malakas na Sumabog sa labas nang kanilang Silid aralan.
at nagsisitakbuhan ang kanyang kamag aral. dahil sa takot.
" Anong nangyayari?" Tanong nya.
" Class stay here inside the room. After 5 mins please proceed kayo sa EMERGENCY EXIT. " Sabi nang guro nila. at agad namang nagmamadaling lumabas ang kanilang guro. Habang si Marife naman ay agad nakaramdam nang panganib patungo sa kanilang silid aralan.
" Nandyan na si Maam..." Sabi nang kanyang mga kaklase.
" Class, everything is okay dont panic. lets proceed to our lesson.." Sabi nang kanilang guro. habang si Marife ay nakatitig sa kanilang guro.
" Ah maam, Excuse me... Everything is okay lang ba.. nasusunog na ang kalapit naming classroom. " Sabi ni Marife.
" Everything si okay. Dont panic.." Sabi nang kanyang guro.
"Pero Ms. Delos Reyes..." di nya natapos ang kanyang sasabihin nang biglang nagbago ang anyo nang kanilang guro naging isang mabangis na halimaw ito na may maraming galamay.
"AAAAHHHHHHH!!!!!!!!!!" sigaw nang kanyang kamag aral.
" Akala ko di mo na ako maalala, Rhea.. ang Tagapagpangalaga nang elemento nang Lupa.." Sabi nang halimaw.
" Ako ba ang tinatawag mong Rhea? " Sabi ni Marife habang unti-unting lumalapit sa kanya ang babaeng Halimaw. habang sya naman ay paatras nang paatras.
"Sino pa nga ba.. Oras na upang kunin ko ang iyong kapangyarihan." Sabi ng Halimaw
" Nababaliw kana.. Hindi ako si Rhea o kung sino pang nilalang na sinasabi mo. ako si marife. " Sigaw ni Marife at biglang may mga bulaklak ang tumubo sa loob nang silid aralan. ang kitang kita ito nang iilan nyang kaklase.
" May power si Marife?" sabi nang kaklase nya. Biglang lumiwanag ang mga hikaw na bulaklak ni marife. dahil sa liwanag ay nasilaw ang mga kaklase nya pati narin ang halimaw.
Balik kina Dennis..
" Lagpas 5mins na Dennis, since ikaw ang class president namin. anong gagawin natin?" tanong nang kaklase nya.
" As per mrs. mendoza. magpunta na tayo sa emergency exit. Quick!" Sigaw ni Dennis. at agad namang nagtungo sila sa emergency exit. Kitang kita ni Dennis na unti unting nilalamon nang apoy ang mga silid aralan.
At nang mapadaan si Dennis sa Silid aralan ni Marife ay nagulat ito sakanyang nakita.
" Ate fe? " Sabi ni Dennis at agad syang pumasok sa loob nang silid aralan. Di nya alam kung anong ginagawa nya sa mga oras na yun dahil sobrang bilis nyang gumalaw animoy si Flash sya sa mga oras na yun.
"Papano ako napunta rito?" Pagtatakang sabi ni Marife.
" Hindi ko alam ate fe, tumakbo lang ako.. di ko alam.." Naguguluhang sabi ni Dennis. at biglang dumating si Lola Miele kasama si mang alponso.
" Sa bahay ko na ipapaliwanag..." Sabi ni Lola Miele sabay hawak sa balikat nina Dennis at Marife. agad naman silang nag laho.
Habang ang paaralan nila ay tuluyan nang sinira nang mga kakaibang nilalang na umatake kanina.
" Nakatakas si Rhea.. palaging nakikialam si habagat mahuhuli ko din kayong dalawa." Sabi nang Babaeng nakakapa nang Itim.
Author's Eme-Eme :
Marife - Rhea sa past life (Guardian of Earth Element )
Dennis - Habagat sa past life ( Guardian of Wind Element
Denise - Pyra sa Past Life ( Guardian of Fire Element )
Zandro - Aquata Sa past life ( Guardian of Water Element )
Lance - ABANGAN...
Abangan ang karugtung mga mahal, Wag kalimutang bomoto. just Simply hit the star button and Comment din kayo for any suggestions.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro