[5]. Freed
Roseville Valley,
MORTAL REALM
THYRIAN
Amoy pawis at dugo na ang katawan ko. Kanina pa ako kinakaladkad ni mama, wala siyang pakialam kahit sa bato-batong daan kami dumadaan sa gubat o may matulis na sanga. Pagod na akong umiyak at mag-makaawa.
Pero masaya akong nakatakas si Ate Lucianna at hindi siya mapapahamak dahil sa akin.
"Hindi na talaga kita patatakasan salot ka! Hindi ko naman alam na hindi ka pa pala pwedeng tuluyan," sabi ni mama at mas lalong binilisan ang lakad at ang pagkaladkad sa akin.
Nakikita kong malapit nanaman akong mawalan ng malay. Minsan iniisip kong hindi na lang ba pwede na mamatay na lang ako? Pagod na pagod na ako sa mga ginagawa nila sa akin. Pwede bang mapunta na lang ako doon sa mundo ng mga dragon at hindi na muli na bumalik dito?
Ayoko na.
Pinikit ko na ang mga mata ko at dinamdam ang kadiliman, sana panghabang-buhay na lang.
"Naniniwala ako sa'yo na hindi ka susuko, Rian. 'diba sabi mo you'll beat me? Come on! Show me what you've got!" sabi ng isang batang lalaki na blur ang mukha.
Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko naman siya kilala. Nakatingin lang ako sa kaniya at pinipilit na alamin ang kanyang mukha pero blur pa rin.
"Ano ka ba? Tatayo ka lang ba diyan?" bakas ang inis sa boses ng batang lalaki at hinila ang mga kamay ko.
"Sino ba ako?" mahinang sambit ko.
Kahit blur man, nakita kong ngumiti ang batang lalaki at hinimas ang aking ulo.
"Ikaw si Thyrian, Rian. Ang matapang at malakas na babaeng kilala ko, kaya kaya mo 'yan! Tumayo ka! 'Wag kang sumuko!"
Lumaban. 'Wag sumuko. Kakayanin ko ba?
Isang malakas na sampal ang nagpagising sa akin. Agad ko namang minulat ang mga mata ko at mahinang tiningnan si mama na siyang nanampal sa akin.
"Aba! Kanina ka pa natutulog diyan! Mag-saing ka na at mag-laba! Nang may pakinabang ka ring salot ka!" bungad ni mama at hindi pa siya nakontento at sinabunutan ako.
"O-opo."
Sinubukan kong tumayo at ika-ika akong naglakad papunta sa kusina. Gusto ko na sanang maligo kaso baka kung hindi ko gagawing una ang gusto ni mama baka hindi niya ako pakainin kahit 'yung mga tira-tira na lang.
Kailangan kong lumaban, kailangan kong makatakas dito, bago pa nila ako tuluyang mapatay.
Dali-dali akong nag-saing pagkatapos ay naligo na ako, hindi na ako pwedeng magtagal dito kung nais ko pang mabuhay.
Kinuha ko ang balabal sa mga lumang damit ni mama na alam kong hindi na niya gagamitin pa at pinantakip iyon sa mukha ko, kinuha ko rin ang kaniyang lumang bestida na kulay asul at sinuot 'yon.
Siguro naman ay hindi na nila ako makilala rito. Ngunit saan ako pupunta pag-tumakas ako? Wala akong ni-isang kamag-anak na nag-mamalasakit sa akin dahil nais din nila akong patayin gaya ng gusto ng karamihan.
Sa edad kong labing-lima ay parang pakiramdam ko ay ako lang ang batang ginaganito, ano naman kung kakaiba ako? Salot na ba talagang ma-ituturing 'yon?
Lahat na lang sila ay pinagmamalupitan ako, lalong lalo na si mama at ang lagi niyang kasama na si Henry... Si Henry, pangalan niya pa lang ay nais ko ng umiyak at mag-tago sa sulok. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya sa akin.
"Paalam mama, hindi niyo na ako makikita pa, mabubuhay ako," mahinang sambit ko at nag-lakad palabas ng bahay.
Alam kong nasa mahjong nanaman si mama kaya hindi niya mapapansin o makikita na umalis ako at wala namang pakialam ang mga kapitbahay basta nararapat na hindi nila ako makilala.
Ngunit saan nga ba ako pupunta?
May pumasok na tao sa aking isipan,
Ate Lucianna...
Oo nga, si Ate Lucianna, siya lang naman ang taong nag-malasakit sa akin at pareho kami ng nararamdaman.
Nag-lakad akong patungong gubat, at swerteng wala ni isang nakakilala sa akin, ni hindi nga nila ako binigyang pansin at sinaktan dahil sa suot kong balabal sa mukha.
Binagtas ko ang mga sanga sa gubat na swerteng 'di na masyadong matulis para bang pinutol na ang mga parteng matulis dito, may dumaan siguro dito kanina.
Naamoy ko rin ang upos ng sigarilyo mula sa lupa. Mukhang mga mangangaso ang dumaan dito. Sana wala sila sa pusod ng gubat ngayon para hindi nila ako makita.
Rinig ko rin ang pag-agos ng ilog na para bang may gustong ipahiwatig sa akin ngunit hindi ko lubos maintindihan.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit laging parang kinakausap ako ng tubig. Mula noong bata pa ako ay ganito na lagi ang nangyayari at mas lumalakas ang tawag pag yelo ang nasa tabi ko, hindi lang 'yon, nung sinasaktan ako ni mama at Henry noon, tumalsik sila at nag-kasugat at laking gulat ko na may nakasaksak na yelo sa kanilang braso at likod, mula noon ay hindi na nila ako pinapalapit sa yelo hanggang ngayon.
Patuloy kong nilakad ang gubat hanggang sa marating ko ang gitna nito at nakita ang bahay na alam kong pag-mamayari ni Ate Lucianna, may mga tanim na gulay sa maliit niyang hardin at gawa sa kahoy at semento ang kaniyang tahanan.
Lumapit ako sa pintuan at marahang kumatok, "Ate Lucianna? Ate? Andiyan ka ba?" Walang sumasagot at kumatok nanaman ako ngunit wala talagang sumasagot.
Napansin kong bukas pala ang pinto at hindi naka-lock, pumasok ako, "Ate Lucianna?" tawag ko muli sa kaniya.
Wala pa ring sumagot. Tahimik ang paligid at wala man lang akong marinig na kahit isa mang-ingay. Wala ba si Ate Lucianna ngayon? Nag-lakad lakad ako papuntang kusina at nanlumo ako at natakot sa aking nakita...
Si Ate Lucianna, duguan na nakahandusay sa sahig at may nakatarak na kutsilyo sa kaniyang tiyan, dali-dali akong lumapit sa kinaroroonan niya at hindi ko na napigilang umiyak.
"Ate! Ate! Sinong gumawa niyan sa'yo? Lumaban ka, Ate!" mangiyak-ngiyak kong sabi.
Pagod at nasasaktan na tingin ang binigay sa akin ni Ate Lucianna, nilagay niya ang kanyang kaliwang kamay na naliligo sa kanyang sariling dugo sa pisngi ko at nagsalita, "U-Umalis ka na rito, m-magtago ka, a-andito sila-ang nanay mo at ang mga kasama niya, isusunod ka na nila, gagawin ka nilang alay mamayang gabi, umalis ka na."
Nagimbal ako sa aking narinig a nanginig sa takot at galit, "Pero paano ka na, Ate? Hindi kiya pwedeng iwan dito," basang-basa na ang aking mata ng luha habang sinasabi ko ito sa kaniya.
Ngumiti si Ate Lucianna, " 'Wag mo na akong alalahanin, tumakas ka na, hindi ka pwedeng mamatay, hindi ka pwedeng mamatay."
"P-Pero-" bago ko pa man natapos ang sasabihin ko ay nakarinig ako ng kaluskos at mga yabag ng paa na papalapit sa amin.
"Oy! Andito rin pala ang salot na 'to! Hindi na tayo mahihirapang bumalik sa bayan para kunin siya," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses, si Henry.
"U-Umalis ka na! Dali!" sabi ni Ate Lucianna at pilit na tumayo at tinulak ako.
Wala naman akong nagawa kundi tumakbo, hindi ko pwedeng biguin si Ate Lucianna, gusto niya akong maligtas at mabuhay.
"Habulin siya!" rinig kong sabi nila at mas binilisan ko pa ang takbo hanggang sa makarating ako sa isang kwarto.
Dali-dali akong pumasok doon at sinira ito at pumasok sa isang malaking antique na aparador habang ako ay humihikbi sa takot at pangamba.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro