[33]. Flames of Healing
Last chapter. See you sa epilogue.
-
RED BLYTHE AKIYAMA
Nagising ako dahil sa mga sigawan at sa malakas na amoy ng dugo na pumapasok sa aking ilong. Mula sa aking shell ay nakita ko ang sira-sirang paligid. Kalat ang mga apoy na dala ng palitan ng mga power spells ng mga kasama ko. Nakita ko sina Shinri na hingal na hingal, puno ng sugat at tumutulo ang dugo mula rito. Pilit pa rin silang lumalaban para talunin ang blood spider kahit konti na lang ay bibigay na ang katawan nila. Sa likod nila ay ang walang malay na katawan ni Zhane at ni Thyrian.
Damn.
Mabilis kong sinuntok ang shell ko upang makalabas ako rito. Itinaas ko ang init sa katawan ko hanggang sa tuluyang nasunog ang shell at naging abo. Tiningnan ko ang mga kamay ko at nakitang mula sa kamay hanggang sa braso ay gawa sa kaliskis ng dragon na may mahahabang kuko.
Gulat at puno nang pag-asa akong tiningnan ng mga kasama ko at hinayaan na ni Shinri na bumigay ang katawan niya at tuluyang nawalan ng malay na agad sinalo ni Ryoku.
Nginitian ko sila at masama kong tiningnan ang pangit na halimaw. "I'm back, you can now rest guys. Ako na bahala rito," puno ng determinasyon kong sabi.
Hanggang sa malakas ang emosyon ko sa puso ay hinding-hindi ako matatalo.
Ako na ang bahala dito...Thyrian.
Umungol ang halimaw at agad akong sinugod. Matalim kong tiningnan ang halimaw at itinaas ang aking kaliwang kamay. Bumuo dito ang isang malaking fire ball na pulang-pula at may nagsasayawan na asul na mga apoy.
"You've already make hell in this world, Tama na! Ikaw nanaman ang kailangang pumunta sa impyerno!" hiyaw ko at itinapon ang fire ball sa halimaw.
Bago pa man niya magawang masalo iyon ay mabilis pa sa kidlat na tumalon ako at mula sa isa kong kamay ay lumabas ang isang baril na gawa sa bato na galing sa bulkan at walang pakundangan ko itong tinira sa fire ball at sumabog ang dalawang pinagsamang kapangyarihan sa blood spider.
Yumanig ang buong lugar na nangamoy ang paligid. Amoy dugo at amoy naagnas na laman. Nagkalat rin ang usok sa paligid ngunit natuto na ako hindi dapat ako magtiwala na patay na ang blood spider. Dapat hindi ko sila maliitin dahil ikakapahamak ko iyon.
Maya-maya pa hindi ako nagkamali at buhay pa nga talaga ang blood spider. Mula sa usok lumabas ang mga kamay niya at pilit akong inaatake. Agad naman akong umiwas habang patuloy na pinagbabaril ang halimaw.
Nang mawala na ang usok. Nakita kong ngumingisi ang blood spider sa akin. "Pasensiya ka na, hijo. Kailangan kitang patayin," nagbago ang boses nito, isang boses na pamilyar na pamilyar sa akin.
Ngunit itinanggal ko iyon sa aking isip at itinaas ang aking aura. "Kilala mo man ako, o kilala kita. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa mga kaibigan ko!" sigaw ko at muling nagbago ang maliit na baril na hawak ko unti-unti itong naging isang mahabang pistola.
Ngumisi ulit ang halimaw at lumabas ang mga sapot sa kaniyang bibig. Naging mga maliit na halimaw ito at sinugod hindi lamang ako kung'di pati ang mga kasama ko.
Napamura ako habang pinagbabaril ko ang mga halimaw dahil sa kalagayan nila Shinri. Ni hindi na nila kayang lumaban. Mahina na sila.
"Kaya pa namin! 'Wag mo kaming isipin!" sigaw ni Ryoku habang pilit na inilalabas ang bola ng kapangyarihan sa kaniyang kamay kahit na alam niyang mahina na ito.
Napasigaw ako sa inis at muling hinarap ang kalaban. Pinagsisipa ko ang mga halimaw na ginagawa niya at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya.
"Papatayin kita!" galit kong turan at mula sa isa ko pang kamay ay lumabas ang isang malaking espada na pinagsamang kapangyarihan ko at ang alab ko na si ate.
Nagkapalitan kami ng pag-atake ng halimaw. Iniiwasan niya ang bawat talim nang espada ko gamit ang kaniyang mahahabang mga kamay.
Sinipa ko ang isa sa mga kamay niya at tumalon nang mataas pagkatapos ay pinutol ito. Narinig ko ang sigaw ng halimaw at ang dugo nito na sumirit papunta sa sahig at sa mukha ko. Nasunog ang sahig dahil sa lason at asido nang dugo ng halimaw ngunit hindi ako dahil sa mga kaliskis na nagsisilbing proteksiyon ko.
Hindi ko na hinayaang maka-atake pa ang halimaw at pinagpuputol ang iba pa niyang kamay. Tumilapon ang isa sa mga putol na kamay sa harapan ni Yuki na ginamit niya naman upang tabunan ang mga halimaw na kalaban niya.
Mahigpit kong hinawakan ang espada ko at mas lalong pina-init ito hanggang sa lumiyab ito sa aking mga kamay. Malamig kong tiningnan ang naghihingalong halimaw.
Pasensiya ka na, hindi kita bubuhayin.
"Hindi! Hindi ako mamatay! Makikita ko pa ang patay kong kapatid na pinangako nilang buhayin!" nagwawalang wila ng halimaw at pilit akong inaatake gamit ang kaniyang asido at ang kaniyang mga sapot na walang epekto sa akin dahil nasusunog lamang ang mga ito bago pa makalapit sa balat ko.
Natigilan naman ako sa narinig ko at hindi makapaniwalang tiningnan ang halimaw. "Papatayin kita! Papatayin kita!" desperado nitong ani at muling naglabas nang sapot sa bibig.
"Paalam," hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ng halimaw at inihanda ang pag-atake ko upang tuluyang mawala ang halimaw na ito.
Papatayin kita para kay Thyrian!
Ngunit bago ko pa iyon gawin ay lumabas si ate sa aking espada at mahigpit na hinawakan ang talim upang pigilan ako.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko si ate. "Kailangan nigang mamatay! 'Wag mo akong pigilan, Ate!" Tiningnan lamang ako ni ate sa mata biglang sagot.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi hanggang sa makaramdam ako nang antok.
Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng gubat kung saan ko natagpuan si Thyrian non. Nakita ko si manang na tumulong sa akin, binabagtas niya ang gubat at itinatawag ang ngalan ng kung sino na alam kong kapatid niya.
"Pina? Pina? Sabi nila buhay ka pa!" sigaw nito habang naglalakad sa madilim na kagubatan.
Maya-maya pa nakarinig nang kaluskos ang matanda at hinarap niya ito ng nakangiti.
"Alam niyo ba kung asa'n si Pina?" wika nito habang kinakain ito ng kadiliman.
"Red! Ano bang tinutunganga mo diyan? Tapusin mo na ang blood spider!" bumalik ako sa realidad dahil sa boses ni Ryoku.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay tiningnan ang naghihingalong halimaw. Naramdaman kong nanginginig ang mga kamay ko at napakagat labi ako dahil dito.
"Manang? Ikaw po ba iyan?" Nanginginig na tanong ko sa halimaw.
"Ano ba, Red! Ano ba ang sinasabi mo?" sigaw ni Yuki.
Hindi ko sila pinansin at nilapitan si manang na ngayo'y ang blood spider.
Nagwala siya at sinubukan akong atakihin. "Manang tama na po! Ginagamit ka lang nila!" mahinahon na wika ko.
"Kailangan kitang patayin! Ibabalik nila ang kapatid ko!" wika niya at sinubukan nanaman akong atakihin.
Ngayon ay hindi ako umiwas sa pag-atake niya bagkus ay pilit akong lumalapit sa kaniya. Ginamit lang siya ni Kiriko! Hindi siya ang tunay na kalaban.
"Manang! Tama na! Hindi nila maibabalik ang taong pinatay nila mismo! Ginagamit ka lang nila! Hindi ka masamang tao!" sigaw ko ngunit umiling-iling lang siya.
"Hindi!" sigaw niya at pilit na tinitira ang kaniyang sapot.
"Ano ba ang ginagawa mo, Red? Hindi makikinig ang halimaw na iyan sa'yo!" ika-ika na pilit lumapit si Yuki sa kinaroroonan ni Red.
" 'Wag kang makisali, Yuki. Bumalik ka roon!" seryosong ani ni Red. "Manang! Makinig ka naman!"
"Red, bakit ang apoy ay laging nakakasama? Hindi ka naman masama 'di ba?" ani ni Thyrian noong bata pa sila.
"Oo nga! Kaya kapag may malakas na akong kapangyarihan, gagamitin ko ito upang ipakita na kayang prumotekta at gumaling ng apoy!"
Napangiti si Red sa naalala.
Patuloy na lumalapit si Red at ang dinadaanan niya ay nagliliyab dahil sa apoy na nasa kaniyang katawan. Ang ipinagkaiba lang nang apoy na ito ay nagliliwanag ito gaya nang isang diyamante.
"Hindi!" paulit-ulit na ani ng blood spider hanggang sa umusok ang katawan niya.
Nangamoy ang paligid. Ngunit sinusubukan pa rin ni Red na lumapit hanggang sa nasa harapan na niya ang blood spider.
"Manang, sa tingin mo, magugustuhan ng ate mo ang lahat ng 'to? Nawalan din ako nang ate, naging alab ko dahil kay Kiriko! 'Wag kang magpaggamit!" wika ni Red at walang takot na hinawakan ang ulo ng blood spider na ngayo'y nakatingin lang sa kaniya.
Fire also means feelings. And feelings can heal more than it can hurt.
Nagliwanag ang kamay ni Red at lumabas ang isang pigura ng pulang dragon dito. "Tama na, manang. Maging payapa ka na," mahinang wika ni Red.
Hindi nagsalita ang blood spider ngunit bakas ang kuha sa mga mata nito. Ngumiti si Red at sa isang iglap. Pinuno ng dragon na nasa kamay ni Red nang apoy ang katawan ng blood spider.
Malaya ka na... Manang.
Unti-unting nawawala ang esensiya ng blood spider ngunit bumakas ang ngiti sa labi nito bago tuluyang nawala. Pagkatapos ay nagkalat ang apoy sa paligid at kinain ang buong lugar.
Bumalik sa dati ang itsura ng lugar at tumubo muli ang mga puno at bulaklak. Nula sa isang lugar na mukhang bangungot ay bumalik ito sa mala-paraisong itsura ng Kaharian ng Chi. Naging asul muli ang kalangitan at pati ang mga sugat ng kaniyang kasama ay nagsi-wala.
Nagsi-sayawan ang mga apoy at naging pigura ng mga nilalang at kasama na doon ang blood spider na bumalik na sa totoong itsura nito.
Ngumiti ang mga ispirito at kasabay ng pagbalik nang liwanag sa kalangitan ay nawala ang mga ispirito.
"Ano ang ginawa mo, Red?" hindi makapaniwalang ani ni Shinri na ngayo'y magaling na.
Umiling-iling si Red at napatingin sa nagliliwanag na apoy sa kaniyang kamay. Pagkatapos ay lumabas ang pulang star of david sa kaniyang paanan at lumaki nang lumaki hanggang sa sakop na nito ang buong lugar.
"Fiara Ignitius: healing fire!" anas ni Red at naging isang malaking serpenteng dragon ang star of david at niyakap ang buong lugar hanggang sa unti-unti itong nawawala at naging mga mala-diyamanteng ilaw na lang na nagsasayawan sa buong lugar.
"Sa ngalan ni Thyrian ay proprotektahan ng aking apoy ang mundo ng mga tao at dragon realm. 'Yun ang magiging silbi ng aking apoy na buhat mula sa aking nag-aalab na damdamin," natatawang wika ni Red.
"Pero where's Thyrian? Gising na siya 'di ba?" walang sumagot bagkus ay nagsilapit sina Yuki at Ryoku akay-akay na si Zhane at ang walang malay na si Thyrian.
"Mabuti naman at okay sila! Gisingin niyo na sila," masayang ani ni Red ngunit hindi siya sinuklian ng ngiti nina Ryoku.
"Gising na si Zhane nagpapahinga lamang siya ngunit... Si Thyrian." tiningnan ni Ryoku si Red at yumuko.
"Ang gaan niya at ang hina ng tibok nang puso niya, Red. Hindi ko maramdaman ang presensiya ng kaniyang ispirito sa kaniyang katawan."
-
Tap the ⭐ button if you like this chapter.
Epilogue is next.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro